Chereads / LUX IMPERIUM ACADEMY | THE SCHOOL OF MAGIC | (BXB STORY) TAGALOG / Chapter 8 - CHAPTER 5: MEET WITH TRANSFEREES

Chapter 8 - CHAPTER 5: MEET WITH TRANSFEREES

Light's POV

Habang naglalakad kami papunta sa school nakipagkwentuhan muna ako sa dalawang asungot na ito kasi masyado na akong naboboringan sa pagiging tahimik ko ehh. Habang nakikipag kwentuhan ako kay Dim about sa mga quiz and topic sa klase kahapon na namissed ko because of may practice kami sa band, ito namang si bruhildang shiela bigla-bigla nalang sumisingit na ikinatigil namin ni Dim sa pakikipagchukchakan and alam niyo ba kung ano ang topic niya it's all about the new transferees.

"Kyahhh guys ngayon na pala sila papasok sa school yung mga transferees" kilig na sabi ni shiela at kami naman ni Dim binalewala nalang namin at hindi nalang siya pinansin.

"Ayyy grabe sila ohh hindi na mamansin!!" Nakasimangot na sabi ni shiela.

" Ikaw kasi kung ano ano nalang ang pinagsasabi mo diyan ganon ba sila kaimportante para gawin nating topic ngayon imbes na itatopic natin yung about kahapon hayys" sermon ko kay shiela na ikinatigil naman niya.

" Alam mo light kahit kailan talaga ang kj kj mo talaga ang gusto ko lang naman ipunto na baka dun tayo makakahanap ng forever sa mga transferees nayun "inis na pagpapaliwanag ni shiela na ikinatawa naman namin , wala kasing nagkakagusto sa kanya kasi mala amazona daw siya kaya yun imbes na lalake yung mangligaw sa kanya siya yung nanliligaw siya yung naghahabol at ang masakit pa , lahat ng mga niligawan niyang lalaki nireject siya same yung reason amazona daw hahahaha.

" Hahahha hoy shiela mag aral muna tayo hah wag puro ganyan baka hindi palang tayo nakakakuha ng diploma bilog na yang tiyan mo naku naku wag ako dahil susuntukin ko yang tiyan mo pagnagkataon ayoko pang maging ninong ng dinadala mo if magkataon." Mahabang lintaya ko na ikinangiwi naman niya wow nandidiri pa hahahah.

"Hoy gaga kang nerdie ka anong akala mo sa akin pokpok tangina lang" mura nito na nagdulot nang malakas na tawa sa aming mga sarili.

"Hoy kayong dalawa!!, Itigil niyo na yang pakikipagtalo niyo nandito na tayo" saad ni Dim, hayys hindi ko pala na pansin, ito kasing bruhang to kung makipagtalo wagas.hahahah

Nang makarating na kami sa school ipinakita namin ang identification card namin o I.D at  chineck up muna nila ang bag namin and then pinapasok na kami. hayyss ito na naman transferees na naman ang topic ng mga tsismisa't tsismoso.

"Kyahhh beshie paparating nadaw ngayon yung mga transferees "

" Dud may bagong chicks na naman mamaya yung mga transferees daw dadating dito"

" Dai kinikilig ako sabi daw nila ang gwagwapo at ang gaganda daw ng mga transferees kyahhh"

Yang lang ang mga nasasagap kong topic ngayon sa school grabe akala mo artista o mga sikat na tao ang pinag uusapan well i don't care ang pinunta ko dito ay para mag aral at abutin ang mga pangarap including yung pangarap kong pagtapak sa lupain where my kinds are living peacefully.

"Grabe talaga nuh yung transferees sikat na sikat ngayon swerte yung section natin hahaha dun sila ilalagay I can't wait " wika ni shiela OMG shiela hindi kaba titigil hahambalusin na talaga kita.

" Shiela if gusto mo makipagtsismis sa mga estudyanteng yan your free ok wag ka muna mag topic niyan kapag nasa harapan mo ako busy ako ngayon ok" pagpapaalala ko sa kanya.

" Ok pero pasok muna tayo ayoko na malate" sabi nito at dumiretso na kami kaagad sa room pagkarating namin wala pa naman yung professor namin kaya umupo muna kami.

Kinuha ko agad yung books ko about sa theory part din kasi to ng subject namin which is geology.

I open the book and turned it to page 468- 475 the lesson is all about the theory of hollow earth which is the world where i belong.

Habang nagbabasa ako may tumawag sa akin. Yan na naman si mr. President as usual i know na may iuutos na naman to sa akin kaya hindi ko nalang pinansin, hindi naman ako member ng officers para utusan niya.

"Hoy tinawag ka ni mr President" tinabig muna ako ni shiela atsaka ako sinabihan tumingin naman ako sa direksyon kung saan nakatayo si mr. president.Nakita ko naman ang kaliwang kilay na tumaas.

" Bingi kaba ??!! " Sarkastikong sigaw na tanong ni president sa akin.

"Hindi bakit ba't ba ako nalang ang inaano niyo nakita mo naman diba na nagbabasa ako may respeto kaba?? " Inis kong sabi sa kanya at nakita ko naman ang kanyang dalawang kilay ay bahagyang nagdikit.

"Well tinawag lang naman kita kasi may ipinag uutos ako" mataray na sabi nito ayy confirmed hindi siya straight like ruler. Buti nalaman ko yun nung ginamitan ko siya ng ipinagbabawal na technique hahahah.

" Excuse me Mr. President i just want to say that they did not elect me as one of the officer in this room and at the same time your cabinet member" mataray kong sagot with may halong politika pa napatawa naman yung mga kaklase ko sa sinabi ko shitss did i just made a scene??

"Hoy tumigil ka nga diyan may ipag uutos lang ako sayo ibigay mo tong papers na ito sa principals office " pag uutos ni mr president na ikinasimangot ko naman

" Ba't ako may paa naman kayo at the same time fully package pa yang mga parts of the body niyo sayang naman ang effort ni lord para bigyan kayo ng complete package na pangangatawan tapos hindi niyo naman gagamitin" nanggagalaiti kong sabi.

" Chehhh basta yun sundin mo nalang ikaw lang naman kasi ang malapit sa principal" saad ni mr President na ikinasang ayon ng mga kaklase ko.

"Oo nga light ilaw lang naman yung malapit sa kanya para kangang sipsip jwk " sabi ng isa kong kaklase na nagdulot ng pagkainis sa aking mga mukha

" Bawiin mo yon kung hindi...." Pagbabanta ko sa isa kong kaklase.

" O sige babawiin mo na ang lahat sa akin wag lang ang aking mahal ...." Pagkakanta nito haysss buwisit

" Saan na bilis bigay mona sa akin yung papers hanggang hindi pa nagbabago ang isip ko"naiinis kong sabi sabi at binigay naman niya ito sa akin dumiretso agad ako palabas hindi na ako nagpasama sa dalawa magcause na naman yung dalawang yun ng gulo hahaha.

Habang naglalakad ako papunta sa principals office. Hindi ako tumitingin sa dinadaan ko bagkus tumingin ako sa sahig na para bang nahihiya hindi ko naman alam na nakabangga na pala ako at sobrang lakas ng pagkakabangga ko sa lalaking yun nahulog at naalis ang eyeglasses ko na nagdulot ng panglalabo ng aking mga mata, hindi na ako makakakita nito use less kasi tong mata ko kung walang eyeglass sa sobrang labo hindi kona makikita pa yung paligid hindi naman ako bulag

Oliver's POV

Ako nga pala si Prince Oliver Dutchen, prinsepe ng summonia ang kaharian kung saan nakatira ang mga summoners na kagaya ko, ang mga summoners ay kayang magtawag ng mga halimaw, mythical creature, angel, demons ,devils, diyos at amarami pang iba kung kakayahin ng kani kanilang mana o yung supernatural forces mo limitado lang ang level ng mana mo at may iba't ibang level yun if mataas ang level ng mana mo there is a chance that you can summon angels and powerful entities especially god and goddesses pero bihira lang ang mga taong nakakaroon ng ganun ang kilala ko pa lang ay si Prinsepe xavier na best friend kong manyakis, anak siya ng hari at reyna ng agarthi kingdom siya lang ang unang pinaka malakas na magical folks na naitala sa kasaysayan ng aming mundo kaya maraming natatakot sa kanya walang sino mang nilalang ang sumubok sa kakayahan niya kaya yun he can do whatever he wants and i had two abilities the first that i was mentioned about is summoning i can summon any entities and second is telapathy i can talk with someone using my mind .

Habang naglalakad kami papunta sa principal office kung saan nagtratrabaho si headmistress selena may biglang nakabunggo sa akin hindi ko siya nakita maybe same with him.

May naamoy akong isang strawberry at parang nakakaadik tong amoy na ito ng makita ko siyang  parang may hinahanap but wait bulag ba to siya pinapakiramdaman niya ang lupa hahahh.

Nang humarap ito saakin nakita ko ang maaamo nitong mukha at ang mata nito na kung titigan mo ay para kang hinihigop nito nabaling naman ang aking mga mata sa kanyang mga labi wow parang babae hahh ang kulay ng mga labi nito ay parang pink rose ,may matatangos na ilong magagandang kilay shittt ang hot niya ang puti ng wangis niya shitt wait erase erase nababakla naba ko no way.

" Pakitulong po yung salamin ko po pakihanap po" sabi ng lalaking cute at the same time hot siya and handsome erase erase ba't ba ako nagkakaganito shitt wag niyong sabihing nababakla na ako my god no way!!.

And wait sa kanya ba galing ang amoy na strawberry na to shitsss napakaperfect niya sa lahat height na nga lang at yung pagiging bulag niya.

Habang nagmamasid ito at pinapakiramdaman ang kanyang nasa paligid ako naman bumalik na ako sa ulirat ko at yung mga prinsesa at prinsepe na rin ay nagtulungan na rin hinanap yung salamin.ilang sandali lang may naramdaman akong parang bagay sa aking hita na para bang nakabaon o nakatago ito. Inalis ko ang aking hita habang ako'y nakaupo at naghahanap ng makita ko bumungad sa aking harapan ang salamin niya at tumayo ako at ibinigay ko sa kanya.

"Ohh nandito pala sorry pala hah sa nagawa ko " pagpapaumanhin ko sa maamong lalaking to wow ang bango niya binigay ko naman sa kanya at sinuuot naman nito.

" Ayyy ok lang ako by the way I'm light celester and I'm 17 mag ee18 narin " pagpapakilala nito at inilahad naman niya ang kanyang kamay, bumaling naman ang tingin ko sa kanyang mga kamay shittt ang kinis wala ni kahit konting itim ohhh sugat man lang swerte ang makakasungkit ng lalaking to.

" Ahmmm my name is oliver dutchen" pagpapakilala ko at kinuha ko naman ang kamay nito at nakipagshake hand shiit ang lambot grabe anong klaseng tao siya ba't parang nahihigitan niya pa ang mga babaeng nakilala ko

"Ohhh my name james mill " singit ni prince james at inalis naman nito yung kamay ko na ikina inis ko naman shitt alam ko naman na tatargetin niya ito at gagawin niyang parausan si light buwisit palagi kasi siyang ganyan pareho sila ni xavier not like me hahahha.

"Alam mo ang cute cute mo " compliment ni james at ngumiti naman ito shitt ang ganda ng ngiti niya ang cute cute niya.

James POV

Ako nga pala si Prince James Mill, Prinsepe ng elementia isang kaharian sa mundo namin my abilities are all major Elemental power like fire, water, air, earth and the last one is telepathy.

Nang makita ko tong si light kanina na walang salamin napatigil ang mundo feeling ko huminto ng sandali ang oras at tinitigan ko ito sa maamo nitong mukha sino kayang sculpture ang gumawa nito tamang tamang ang pagkakahugis sa lahat ng parte nito mapa bigbig mata ilong lahat shitt nahuhulog na ata ako sa kanya.

Nang makita kong nagpapakilala siya kay oliver parang nagagalit at nag seselos ako pero wala naman akong rason para magalit lalo't hindi naman naging kami so yun pagkatapos magpakilala ni oliver dali dali akong pumunta sa harapan niya.

"Ohhh my name is james mill "biglamg singit na pagpapakilala ko nakita ko naman si oliver na nagbago ang itsura nitong nakangiti going to parang naiinis ganun binaling agad ang tingin ko kay light at nakita kong nakangiti siya shittt yung ngiti niya nakakalaglag brief ang cute niya at alam niyo kung anong nakakapangdagdag kapogian niya is yung amoy niya ang sweet nakakaadik and yung mata niya nakakahipnotismo.

"Alam mo ang cute cute mo " compliment ko kay light na ikinapula naman niya shit napakacute talaga niya para siyang manika.

If may pagkakataon man na magiging kami papahalagahan ko to at iingatan tratratuhin kong isang parang babasaging pinggan na kailangang ingatan at pahalagahan. Hinding hindi ko ipaparanas sa kanya ang mga pinaggagawa gawa kong kabulastugan sa mga kasintahan ko, wala ginawa ko lang silang kasintahan ko para maging parausan hahahah.

Light's POV

Ang gwagwapo naman neto at yung mga girls ang gaganda. Pero sorry sila, wala diyan yung type ko at deserve ko para maging forever ko.

"Pero wait meron akong nararamdamang mali parang kauri ko to ha wait daw makigamit daw ng ipinagbabawal na technique" sabi ko sa aking isipan at ginamit ko naman ito iniscan ko ang kani kanilang mga ulo.

"Hala totoo nga mga prinsepe at prinsesa pa shitts kailangan ko nang umalis i need to hide my identity as long as possible sasabihan ko rin sina Dim at Shiela mamaya about him" sambit ko sa aking isipan.

Oliver's POV

Habang tumititig ako sa kaniyang maamong mukha biglang sumingit sa aking isipan si avira prinsesa ng zoraria o ng kaharian ng apoy

" Oliver hindi ko mabasa yung isip niya may kung anong nakaharang hindi ko rin maramdaman kung malakas ang aura niya pero ang tanong ko lang ba't di ko mabasa yung isipan niya may parang barrier ehh " sabi nito na kinaalerto ko naman ito kasing mga prinsesa at prinsepe ng major Elemental kingdom may sub ability sila kagaya na lamang ng telepathy, mind reading at iba pa .

" My name is mitchelle abigail" pagpapakilala ni prinsesa mitchelle at ngumiti naman siya bilang tugon shitt ito na namang ngiti niya  nakakatunaw ng Puso at sunod sunod na silang nag pakilala.

" Alam mo ang cute at ang hot at ang handsome mo pero ba' t nag eye glass ka ba't hindi ka nalang mag eye lense?" Tanong ni mitchelle kita naman sa mukha nito ang pagtataka at pagsaya nito dulot ng magkita at pagkakakilala namin ngayon sa kay light .

" Ahmmm mahal kasi yun tapos hindi sapat yung pera ko" tugon ni light aww kawawa naman siya pero ba't ang puti puti niya at ang kinis pa

"wag kang mag aalala bibilhan kita" pagsasabi ni mitchelle kay light wow first time ko makita na manglilibre wow himala hahahah

"Ahhh wag nalang nakakahiya and hindi rin kasi ako comfortable sa paggamit ng eye lense kasi nakasanayan ko natong eye glasses ko kaya ito nalang gagamitin ko" pagpapaliwanag ni light sa amin.

" Ahhm bat ang puti puti mo at ang kinis mo pa" bungad na saad ni avira

" Normal na to sa akin pati nga yung amoy Ko nato na stawberry normal na Rin kahit nga hindi ako maligo ng isang buwan nandito parin nakadikit parin ewan ko ba kung bakit"pagpapaliwanang nito napa OHHH naman kami so it's means natural na pala yan sa kanya lahat.

"Oliver positive kauri natin siya hindi ko mabasa yung isipan niya kanina ko pa sinusubukan" sabi ni avira at bumaling naman ako sa iba at tumitig Naman ito na parang nagpapahiwatig na tama ang sinabi ni avira.

"Light may maitatanong lang ako dito kaba nakatira sa siyudad na ito" pagtatakang tanong ko

" Ahh bat mo na- naman na i-itanong?? " utal utal nitong tanong.

" Wala lang gusto lang namin malaman" tugon ko

" Ahhhhhh ok oo di-dito ako nakatira with my parents" sabi naman nito at tinangunan ko lang

" Feeling ko nagsisingungaling siya "sambit ni avira sa aking isipan

" Sa tingin ko naman hindi "tugon ko kay avira gamit ang aking isipan

"Oh sige ikaw bahala pero pagsasabihan lang kita hah ito lang ang masasabi ko sayo karamihan ng mga nilalang na may maamo ang mukha ay may maraming tinatagong lihim." Sabi ni avira sa aking isipan at Hindi ko nalang yun pinansin

"Ahmm punta na ako hahh may pupuntahan pa kasi ako bye" pamamalam ni light

" Wait san ka pupunta??" tanong ni james

" Sa principals office may dadalhin lang ako dun" tugon nito habang nakangiti so it's mean same way kami ng pupuntahan

" Sasama nalang kami papunta dun , dun din kasi kami papunta" saad ko at dumiretso na kami grabe habang naglalakad kami yung strawberry na amoy niya naamoy namin ang sweet at ang bango anu kaya kapag amuyin ko yung leeg niya shittt erase erase

Nang makarating na kami sa principal office kung saan nagtratrabaho si headmistress selena ay kumatok muna si light at pinagbuksan naman siya at bigla bigla nalang siyang niyakap ni headmistress na ikinagulat namin

" Ohh anak bat ka naparito?" malambing na tanong ni headmistress kay light.

" Ahmm may iihatid po ako maam" tugon nito

" Ahmm kilala niyo ba siya headmistress" tanong ni avira na nagdulot ng pagtataka sa mukha ni light

" Ohhh hindi kona kayo nakita oo and wait don't call me headmistress ok understood" maotoridad na sabi ni headmistress

" And wait maam ba't headmistress yung tawag sa inyo" takang tanong ni light

"Ahhm wala lang yun palayaw kasi yun nung bata pa ako" pagsisinungaling ni headmistress alam naming nagsisingungaling siya

"Ohh anak kunin mo to strawberries isang supot yan regalo ko sayo"sabi ni headmistress wow ngayon kolang siya nakita na nagbigay at naging mabait kasi duun sa mundo namin sobra talaga ang pagiging masungit niyaa and anak pa talaga ang tawag niya kay light

"Ahmm maam Selena hindi ko na po yan tatanggapin nakakahiya naman po" sabi anamn ni light

" Ayyy sigi ka magtatampo ako nito" sabi ni headmistress at kinuha naman nito at lumabas at nagpaalam na sa amin.

"Ahmmm headmistress ba't anak yung tawag mo kay light" tanong ni avira

" Anong pake niyo" sarkastikong sagot nito ayyy hindi parin pala nagbabago ang tagal Niya rin nagbakasyon dito wala parin siya pagbabago??

"Hayyss wala parin pala kayong pinagbago" sabi ni james

" The feeling is mutual"sarkastikong saad nito ulit

" And by the way headmistress pinapauwi na kayo ng mahal na hari "biglang saad ni avira

" Hayys alam ko na yun kaya nga magreretire na ako sa trabaho ko dito, nalulungkot nga ako na iiwan ko ang batang yun" pagtutukoy nito kay light  sa tanang buhay ko ngayon kolang siya nakitang ngumiti nung nakita niya si light ano bang espesyal sa lalaking yun

"Ahhm headmistress ano bang espesyal sa kanya kaya kayo nagkakaganyan" Saad ko naman na ikinatigil niya sa pagaayos ng mga books at bumaling siya ng tingin sa amin

"Alam mo ba kung ano?? Ang maisasagot ko lang napaka espesyal niya mas espesyal pa siya sa mga taong kagaya natin at sa iba pa " pagpapaliwanag nito

" Anong ibig sabihin niyong espesyal?" Tanong ko naman

"Iba siya sa lahat hindi ko alam kung bakit " sagot nito na nagdulot ng sandaling pagtataka sa aming mga mukha

" Alam mo ba headmistress kanina hindi namin mabasa yung isip niya ehh parang may malaking barrier sa kanyang ulo na prumoprotekta na mahirap mangyari sa mga non magical folks sa mundong ito at hindi din namin maramdaman yung aura niya para may lock po" pagsusumbong ni avira na ikinatango naman namin

" Yan din naman ang rason kung bakit ko sinabing espesyal siya ultimo kapangyarihan ko sa kanya hindi ko magamit"saad ni headmistress

" Nagtaka din po kami kanina kung bakit ganun hindi rin po tumalab yung kapangyarihan namin sa kanya" aambit ni avira

" Hoyyy wait lang malelate na kayo magsipunta na kayo sa room niyo bilis"pag iiba ni headmistress at lumabas na kami pero bago kami lumabas

"Headmistress hihintayin ka po namin at pagkatapos niyo po diyan sa mga ginagawa niyo magbabalik na tayo sa mundo natin hah we will wait po mga ilang days po dito sa mundong to kailangan po namin mapanatilihing ligtas po kayo sa pabalik niyo dun "lintaya ni avira at tumango naman si headmistress at lumabas na kami para makapunta na kami sa room namin.

Abangan....