Chapter 5 - CHAPTER 2: THE PROPHECY

Third Person's POV

Sa kaharian ng Agarthi kingdom....

Habang nagsasalo salo sa hapagkainan ang mga hari at reyna ng mga light folks ng iba't ibang kaharian na inimbitahan pa mismo ng reyna ng agarthi kingdom, ay may mga grupo ng kawal na kumaripas ng takbo patungo sa royal dining hall kung saan nagsasalo salo ang mga hari at reyna ng iba't ibang kaharian. Napatigil sa pagkain ang mga hari at reyna ng biglang bumukas at bumungad ang mga mukha ng mga kawal na hingal na hingal.

"Ohhh mga tagabantay ng bato ng propesiya ano't naparito kayo ?ano ang sadya niyo? At bakit parang hingal na hingal kayo, may nangyari ba?"sunod-sunod na tanong ng hari ng agarthi kingdom na ikinataka rin ng mga hari at reyna na naghihintay rin ng mga sagot sa mga kawal na tagabantay ng bato ng propesiya.

"Paumanhin po sa aming paggambala sa inyong pagsasalo salo mga mahal na hari at reyna ngunit may balita kami sa inyo Hindi lang namin alam kung magandang balita ba ito o masamang balita?"wika ng isang kawal na nagpangamba sa mga hari at reyna.

" Ano naman yang balita na sasabihin niyo sa amin?" Maawtoridad na tanong ng hari ng agarthi kingdom.

"Mahal na hari nagkaroon po ng bagong propesiya ang bato ng propesiya!"wika ng isang kawal na nagpakaba sa mga taong nandoon sa bulwagan ng royal dining hall.

"Magsitayo tayong lahat ating puntahan ang bato ng propesiya nangsa gayon ating mabasa ang propesiya na ipinadala sa atin ng ating kataas taasang  bathala." Saad ng hari ng agarthi kingdom at kumaripas na sila ng lakad papunta sa lugar kung saan nakahimlay ang bato ng propesiya.

Nang makatunton na sila sa lugar kung saan nakalagay ang bato ng propesiya dali dali silang pumunta sa harapan ng bato kung saan makikita ang mga nakasulat na propesiya.

Sa papalapit na orasan

Digmaan ang siyang mangunguna sa sanlibutan

Ang digmaang milyong taon na ang nakakaraan

Ay magbabalik sa panahon ng kasalukuyan.

Dalawang kalansing ng digmaan ang siyang magaganap

Ang unang kalansing ay laban sa liwanag na dumidilim

Ang pangalawang kalansing ay laban sa hindi huwad ngunit tunay na dilim.

Itong dalawang kalansing ay siyang patikim pa lamang.

Sa pagpatak ng pulang dugo

Ang idaliang araw ay magdudugo

Pasasabay ang buwan na si selene

Sa pagbibigay babala sa mga nilikha

Ang mga pira pirasong mahika

Ay magsasanib at magbabalik

Sa tunay nitong anyo at pangangatawan

Ang paparating ay paparating pa lamang

Ang susi para sa katahimikan

Ay ang pagkitil ng walang pag aalinlangan

"Mahabaging bathala ito'y nagpapahiwatig ng digmaan hindi lang isa, tatlo pa!, sino naman ang ating tagapagtanggol kung walang nakasaad dito maliban na lamang sa nakasulat na ito"nangangambang saad ng reyna ng elementia kingdom " na ang susi para sa katahimikan ay ang pagkitil ng walang pag aalinlangan"dagdag nito.

" Hindi ko din alam kung ano ang ibig sabihin nito na ang mga pira pirasong mahika ay magsasanib at magbabalik sa tunay nitong anyo at pangangatawan, ano ang ibig sabihin nito?" Nagtatakang tanong ng hari ng agarthi kingdom na ikinataka rin ng mga naroroon.

" Mas mainam muna kamahalan kung ating pagtitibayin ang seguridad ng bawat kaharian, lungsod at paaralan upang sa gayon walang mangyayaring masama sa kanila" mungkahi ng ministro  ng agarthi kingdom.

"Oo nga nu ikaw ba mahal sumasang ayon kaba sa kanyang mungkahi?" Singit na Tanong naman ng reyna ng agarthi kingdom.

"sige gawin niyo ang lahat upang mailigtas ang mamamayan dito sa  mundo ng Agartha alam kong alam na ito ng mga dark folks dahil may mga espiya na nagmamanman dito sa palasyo"saad ng mahina sa hulihan ng hari ng agarthi.

"May sinasabi po ba kayo mahal na hari?" nagtatakang tanong ng ministro.

" Ahhh wala sigi na gawin niyo lahat upang masigurado natin ang kaligtasan ng lahat ng kaharian, lungsod,at paaralan"utos ng hari ng agarthi kingdom at kumaripas ng lakad ang mga kawal at ministro ng bawat kaharian upang gawin ang pinag uutos ng hari.

"At pabalikin niyo na rin sa mundo natin si headmistress, masyadong mahaba haba na rin ang bakasyon niya sa kabilang mundo, pagkatapos niyong maihatid ng ligtas ang headmistress dito sa Agartha ipasara niyo lahat ng lagusan na kumokonekta sa mundo ng mga tao ng dahan dahan."dagdag ng hari na ikinatango ng mga naroroon.

"And by the way pala wag niyo nalang pala sunduin si headmistress sa iba ko nalang ito ipapagawa, ang gawin niyo nalang ay bantayan lahat ng lagusan at kapag nakarating na ang headmistress dahan dahanin niyo ang pagsasara ng mga lagusan" mahabang utos ng hari.

" At papuntahin niyo rin ang assistant ni headmistress may ipag uutos lamang ako sa kanya"dagdag ulit ng hari

Fast forward...

Sa ilang oras na paghihintay ng hari sa kanyang trono ay bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa harapan ng hari ang assistant ng headmistress sa paaralan ng LUX IMPERIUM ACADEMY at nagpakita naman ng galang ang assistant ni headmistress sa pamamagitan ng pagluhod.

"Mahal na hari ano't bakit niyo po ako pinatawag ano po ba ang sadya niyo sa akin? "tanong ng assistant

"May ipag uutos lang ako sayo" tugon naman ng hari ng agarthi.

" Paumanhin po kamahalan ngunit maaari ko bang malaman kung ano ito?" Tanong ng assistant

" Utusan mo ang mga prinsepe at prinsesa ng apat na major Elemental kingdom at pati narin ang prinsepe ng elementia at summonia na pumunta sa mundo ng mga tao upang sunduin si headmistress at kung maaari tanungin mo rin ang anak ko kung gusto niyang sumama upang makapaglibang na rin siya hindi puro pang bababae nalang ang inaatupag nito" utos ng hari at tumango naman at lumuhod ulit ang assistant at dali daling pumunta sa akademya upang gawin ang mga inuutos ng hari sa kanya.

Fast forward.....

Samantala sa lux imperium academy.

Nang makarating na ang assistant ni headmistress sa lux imperium academy sakay ang karwaheng lumulutang, dali dali itong pumunta sa opisina ni headmistress na pansamantala na rin na kanyang temporary office habang wala pa ang headmistress. Tinawag niya ang isang mag aaral na kanyang nakita, inutusan nito na tawagin ang mga prinsepe at prinsesa ng major Elemental kingdom at ang prinsepe ng summonia, elementia at agarthi na ikinatango naman ng mag aaral na inutusan niya.

"Masusunod po" wika ng mag aaral at lalabas na sana ito ng may isiningit pang isa pang utos ang assistant.

"At pakibilisan lang ahh kasi importante ito sabihan mo rin na ipagpaliban muna nila ang lahat ng klase meron sila " dagdag na singit nito at tinanguan lang siya ng estudyanteng kanyang inutusan.

Sa ilang minutong paghihintay nito ay nababagot na sa paghihintay ang assistant ni headmistress . Nang ilang sandali lang may narinig siyang kumakatok sa pintuan ng opisina at dali dali niya itong binuksan.

"Hayys prinsepe at prinsesa ba kayo? bat ang tatagal niyo" panenermon ng assistant na ikinatigtig ng matalim ng isang prinsepeng nagngangalang xavier.

"Ohhh wag mo akong matitigan ng ganyan" galit na sabi ng assistant

"Tsk .Ano ba iyon Bea hahh? Bat mo ba kami pinapatawag alam mo bang may ginagawa ako busy ako at the same time sila din." Nanggagalaiting wika ni xavier na ikinainis naman ng assistant.

" Ano? bisibisihan effect ka diyan wag kang liar prinsepe xavier wag ako, alam ko naman na nangbababae ka na naman baka inubos mo na ata lahat ng virginity ng kababaihan dito"sarkastikong sagot ng assistant na ikinatigtig ng matalim ni prinsepe xavier

"Ano bang pake mo kung inubos ko na lahat ng babae dito sila naman ang nagpapagalaw , pinagbigyan ko lang naman sila hahh!" Galit na wika ni prinsepe xavier.

" Ok ok panalo kana and sana magbago kana paano ka magiging hari sa hinaharap kung ganyan ang pinapakita mong ugali alam mo ba kalat na kalat na yang mga pinag gagawa mo" inis na wika ng assistant

" Hayaan mona sila atleast gwapo at nakakapanglaway ang aking itsura at katawan tanga " pagmamayabang ni prinsepe xavier na ikinainis naman ng assistant pati narin ng mga prinsepe at prinsesa ng iba't ibang kaharian.

"Oh ito na nga may pinapautos sa akin ang hari ng agarthi yung ama mo xavier" pag iiba ni assistant bea

" Ohhh ano na Naman ba ipapagawa niya? lahat nalang" sigaw na saad ni prinsepe xavier na ikinagulat ng mga naroroon

"Hoy yang bibig mo ama mo yun tapos ganyan ka magsalita anong klaseng anak ka hah?!!" Pasigaw na sambit ni assistant bea

" Whatever"sarkastikong saad ni Prinsepe xavier

"Yung ugali mo xavier binabalaan kita " pangbabanta ni assistant bea

" Ito na nga ang mission niyo, kailangan niyong pumunta sa mundo ng mga tao upang mag aral sandali para hintayin si headmistress kasi may ginagawa parin iyon ehhh para mafeel niyo rin maging non magical folks mag aral kayo don para enjoy din habang naghihintay kayo ok"mahabang lintaya ni assistant na ikinasimangot naman ni prinsepe xavier.

"Sorry pero ayaw kong sumama bye at wag niyo na akong pilitin kung ayaw niyong makatikim sa akin"pagmamaktol ni prinsepe xavier at lumabas ito at sinara ng malakas ang pintuan.

"Hayyys nako buwisit wala pa rin siyang pinagbago" inis na wika ni assistant bea.

" Ohhh kayo nalang  anim hah siguraduhin niyong ligtas ang headmistress at mag enjoy na rin kayo don" dagdag ng assistant

" Sige po pero paano po yung klase namin" singit na tanong ng nagngangalang avira na prinsesa ng zoraria.

"Wag kayong mag alala exempted na kayo sa lahat ng klase na pwede niyong ma missed " tugon ni assistant bea na ikinatango ng mga prinsepe at prinsesa.

"Aalis na po kami" pamamaalam ni avira at umalis na sila

"Mag ingat kayo ha yung mga bilin ko gawin niyo" biglang singit ng assistant at tinanguan lang siya ng mga ito.

Samantala sa palasyo ng Noxia kingdom kung saan naninirahan ang mga dark folks na kalaban ng mga light folks.

Bumungad sa harapan ng hari ang kanyang espiya na inutusan niyang magmanman sa mga galaw ng hari at reyna ng agarthi kingdom.

"Ohhh bat ka naparito ??" Nakakatakot nitong tanong na ikinanginig naman ng kanyang espiya.

"Mahal na hari may propesiya po ang bato ng propesiya" magalang na sabi ng kanyang espiya. "ito  po ohhh sinulat ko pa po iyan para lang mabasa niyo " dadag nito at binigay ang papel sa hari.

Binasa naman ng hari ang propesiya.

Sa papalapit na orasan

Digmaan ang siyang mangunguna sa sanlibutan

Ang digmaang milyong taon na ang nakakaraan

Ay magbabalik sa panahon ng kasalukuyan.

Dalawang kalansing ng digmaan ang siyang magaganap

Ang unang kalansing ay laban sa liwanag na dumidilim

Ang pangalawang kalansing ay laban sa hindi huwad ngunit tunay na dilim.

Itong dalawang kalansing ay siyang patikim pa lamang.

Sa pagpatak ng pulang dugo

Ang idaliang araw ay magdudugo

Pasasabay ang buwan na si selene

Sa pagbibigay babala sa mga nilikha

Ang mga pira pirasong mahika

Ay magsasanib at magbabalik

Sa tunay nitong anyo at pangangatawan

Ang paparating ay paparating pa lamang

Ang susi para sa katahimikan

Ay ang pagkitil ng walang pag aalinlangan

"Hahahahahah ang propesiyang ito ay kumakampi sa dilim" nakakatakot nitong sabi at pagtawa " ngunit parang may hadlang" dagdag ng hari.

"Ewan ko po kamalahan kahit po yung mga hari at reyna na bumasa ng mga salitang nandiyadyaan ay hindi din po nila alam "pagpapaliwanag ng espiya.

" Dapat natin silang maunahan, ang tanong may inutos ba sila o kung ano ano pa?" Tanong ng hari at sumagot naman ang espiya.

"Opo meron po pero hindi po klaro yung pagkarinig ko ang sabi nila ay may misyon daw na inutos ang hari na kailangan isagawa sa mundo ng mga tao"tugon ng espiya na ikinangisi ng hari.

" Maganda ito sigi na umalis kana ipagpatuloy mo yung naudlot na pagmamanman mo sa kanila siguraduhin mo lang na kapag may mga galaw sila na hindi ka nais nais laban sa atin ibalita mo kaagad" utos ng hari at tumango ang espiya at lumisan na sa bulwagan.

"Heneral! " Tawag ng hari

"Ano po iyon kamahalan?" Tanong ng heneral

" Maghasik kayo ng kadiliman sa mundo ng mga tao at patayin lahat ng mga magical folks na naninirahan doon bilis "utos ng hari at sumunod naman ang heneral.

Samantala sa mundo ng mga tao

Habang naglalakad ang magkakaibigang sina light, dim at shiela hindi nila namalayan na late na pala sila.

Light's POV

Habang naglalakad kami nagkwekwentuhan muna kami ng mga besties ko para hindi naman kami mabagot hindi kami nag teleport agad papunta sa school baka may makakita sa amin at mag cause pa yun ng gulo!! ayoko ko nun my god baka kukunin kami ng mga scientist tapos pag aaralan my god wag naman.

"Huyyyy light bilisan na natin late na tayo OMG " biglang Saad ni gagang shiela

" Omg patay tayo diyan gaga ka bat hindi mo sinabi kanina ehh kung sinabi mo sana hindi sana tayo magiging parang namumutlang saging  papunta dun " inis na sabi ko gaga talaga siya hindi man lang kami sinabihan hinayaan lang kami magtsismis hayys gaga talaga

"Aba bat mo sinisisi sa akin kayo nga diyan talak lang ng talak" sabi naman niya na nakapagdagdag ng inis sa akin

" Gaga ka bilisan na natin "utos ko at sumunod naman sila

Habang tumatakbo kami hindi ko namalayan na natalisod na pala ako sa bato at nadapa ako unexpected yun hah parang batang naglalaro lang OMG ang tanda kona tapos ganito pa ang mangyayari.

"Arayyyy" sigaw ko at tinignan ko yung parte kung saan masakit, ahhhh nasa tuhod ko pala tinaas ko yung black slacks ko para makita ko yung parte kung saan masakit.

"Huy bat ba ang tanga mo, yan tuloy nadapa kana" sabi ni shiela hayys nako imbes na tumulong sinasabihan pa ako nito gaga talaga ang peg nito since birth.

"Hayys gaga ka can you plss just help me nalang kaysa magtalak ka pa ng kung ano ano diyan"sarkastikong wika ko at tinulangan na man nila ako kinuha nila ang bag ko at hinayaan muna ako makaupo ng sandali sa sahig para makita ko yung parte kung saan masakit.

Tinaas ko yung black slack ko sa kaliwa kasi naramdaman ko na nasa part na ito ang parang pagkamahapdi.

"Wow ang ganda naman ng legs niya ang kinis at puti"

"Ang unfair ng buhay ang puti niya ohh pang babae yung skin"

" My god ang ganda ng legs niya"

Yan lang ang mga naririnig kong Puri nila na ikinahiya ko naman ayaw ko kasi maging center ng atraksyon, tatakpan ko na sana ng may nahagilap akong pulang kulay sa aking tuhod ng makita ko ito nakaramdam ako ng hapdi.

"Aray " sigaw ko

"Hala light dumudugo yung tuhod mo halika, kaya mo bang tumayo dadalhin kana namin sa clinic para ipagamot yan" pag aalalang wika ni shiela bakas sa mukha ang pag alala ng dalawa kong  kaibigan ang swerte swerte ko talaga na nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila

"Hindi ako makatayo masakit arayyy" pamimilipit na sabi ko dahil sa sakit ano ba yan kanina malapit na akong masagasaan baka ito ata yung naudlot na dapat mangyari kanina.

Hindi nagtagal dahil sa sakit umiyak na ako hindi ko na kasi kaya yung sakit kaya umiyak na ako madalas kasi akong umiiyak lalo na kung pag uusapan ay sakit at hapdi kaya madalas kong iniiwasan lahat ng makakapagpasakit sakin including emotional and physical.

"Huy wag kana naman umiyak mawawala din yan ihhh parang nakakaiyak ka rin alam mo ba yun?" pagpapatahan sa akin ng gurang na si shiela paminsan talaga baliw na rin to kasi kung nakikita niya akong umiiyak, umiiyak din siya confirm may saltik sa ulo.

"Aray!! Ang oa o-oa m-mo" utal na utal kong sabi dahil sa sakit.

Hinawakan ko yung sugat ko ilang sandali lamang nag taka ako kung bakit umiilaw ang kamay ko buti nalang walang taong dumadaan.

"Ano to may new abilities na naman ba ako?" Tanong ko sa aking isipan pati ang dalawa ay nag tataka.

" Wow bat umiilaw yang kamay mo wag mo sabihin may bago ka na namang abilities grabe ka ha pashare" sabi ni dim tinigan ko na man ito ng matalim gago talaga to

"Oo nga nu" singit na wika ni shiela habang nakalapad ang aking mga kamay sa aking sugat

"Mga sungabels kayo mag si tigil nga kayo"galit kong sabi na ikinatigil nila.

Habang hindi pa naaalis ang liwanag sa aking mga palad ay nag isip isip ako kung anong klaseng kapangyarihan ito ng may natandaan ako about sa liwanag na ito naisip ko si mommy may kapangyarihan siya na magpailaw ng kamay .

"Ahhh!! Alam ko na healing to nakita ko ito kay mommy nung kinapa niya ang sugat tapos gumaling" singit na sabi ko naman na ikinabigla ng dalawa .

" Wow ang swerte swerte mo gaga ka diyosa ka nga talaga" wika ni shiela, anong diyosa yang pinagsasabi niya, magical folks ako noh!! tapos ikukumpara niya ako sa diyos , tanga talaga siya.

Ilang sandali lamang tumigil na ang pag ilaw nang aking palad na inalis ko na ang pagkakahawak sa aking tuhod.

"Wow confirmed healing nga tignan niyo bleh may healing magic ako " pagpapaiingit ko at tinapunan na man nila ako ng parang naiingit na mga reaksyon.

"Hayy nako ang unfair " sabay sabi ng dalawa na naging dahilan upang mapatawa ako ng malakas

"Hahahah bilisan niyo daw late na talaga tayo and wait pakitulong muna ako para makatayo ako" utos ko naman sa kanila at sinunod Naman nila, dali dali nila akong pinatayo at binilisan na namin ang paglakad at ilang sandali lang ay nasa harapan na kami ng gate ng school namin.

Abangan....