Athena.
"Ikaw na ang titira."
Nandito pa rin ako sa bodegang mabaho na 'to. Kainis! Tatlong araw na akong nakaupo lang dito at nakagapos. Pinapakain naman nila ako, kulang na nga lang e lumobo ako sa dami ng pinapakain nila sa 'kin. Gano'n ba talaga kapag papatayin ka na? Kailangan busog ka muna? What the heck, ginagawa nila akong baboy sa lagay na to.
Hindi naman boring dito kasi nga naglalaro kami. Katulad ngayon, naglalaro kami ng chess. Sa t'wing naglalaro lang kami tinatanggal yung tali sa kamay ko. Alam niyo naman siguro kung sino yung kalaro ko? E 'di si huklubang kalbo.
Pero, hindi siya manalo-nalo sa 'kin. Haha! Nakakatawa nga yung mukha niya kapag naiinis e. Mukhang utot lang!
"Hoy! Ayaw mo bang tumira?"
Aish! Nakalimutan ko, ako na nga pala 'yong titira. Kinuha ko 'yong bishop at nilagay ko sa may bandang gilid no'ng king niya.
"Check!" Masayang sambit ko habang may mapang-asar na ngiti.
Napakamot naman siya sa batok niya at sinabing, "Ugh! Ayaw ko na talaga, suko na ako."
"Hahaha! Ano na tanda? Gano'n nalang kabilis 'yon? Susuko ka na agad? Alam mo, hindi mo makukuha ang isang bagay kapag agad mo 'yon sinukuan. Dapat kasi, iisip at iisip ka pa rin ng paraan para makuha mo 'yong gusto mo."
Napatingin naman siya sa 'kin dahil sa sinabi ko. Teka, may mali ba sa sinabi ko? Humuhugot lang naman ako sa huling araw ko sa mundong 'to. Baka mamaya kasi, ngayon na ang katapusan ko.
"Psh. Parehong pareho talaga kayo ng tatay mo." Sabi niya habang umiiling pa. So it means, kilala niya ang tatay ko? How?
"You know my daddy Louie?"
Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko. Eh? Anong problema sa sinabi ko?
"Wala ka pa nga talagang kaalam-alam." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya sa pagkakaupo at sinabing.
"Igapos ulit siya!"
Oh 'di ba? Ganiyan talaga 'yan. May sakit ata siyang bipolar e. Sasaya, maiinis, magagalit. Menopause na ata siya. Pwe! Lalaki nga pala si tanda, hindi babae.
Pagkatapos nila akong igapos ulit ay nilagyan nila ng duct tape yung bibig ko. What the hell? Ngayon lang nila ako nilagyan nito.
Shit. Argh! I think, something's bad will happen today.
"Ommp!" Pilit kong sigaw kahit may pesteng nakaharang na sa bibig ko. Letse kayo!
"TAHIMIK!"
Halos dumagundong ang buong bodega sa pagsigaw ni tanda. Ano bang problema niya?
"ILABAS NIYO NA SILA!"
Nagtataka ako sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to.
"Opo la eme Ricko." Sabi ng dalawang lalaki at pumasok sila sa isang kwarto. Paglabas nila ay may kasama na silang isang babae at isang lalaki..
Mom? Dad?
"Mmppp!" Sigaw lang ako ng sigaw kahit alam kong wala rin naman itong maitutulong. Bwisit na duct tape 'to!
"Anong sinasabi mo Athena? Hindi ko maintindihan e." Pang-aasar sa 'kin ni tanda.
"Ommpp!" Takte! Humanda kayo sa 'kin kapag nakatakas ako dito. 'Wag na 'wag niyo lang gagalawin ang mga magulang ko, kun'di, makikita niyo ang tunay na ako.
Lumapit sa 'kin si tanda at biglang tinanggal yung duct tape sa bibig ko.
"Fuck you bald man! Damn you! Bakit nandito ang mga magulang ko?"
Napaturo naman siya sa sentido niya na para bang isang henyo na nag-iisip, "All I know, hindi mo sila mga tunay na magulang. They are not your biological parents!"
Nangunot yung noo ko sa sinabi ng tandang 'to, "Eh? You're just joking right? Tell me, you're just kidding."
Lumingon naman ako kila mom at dad na ngayon ay nakayuko lang. Ano, pati ba naman sila? Pati sila, sasakyan nila ang trip ng matandang 'to? Oh come on! Cut the act.
"Mom..dad, tell me, he's just joking right?"
And with that, wala silang sagot sa tanong ko ni isa. What's happening to Earth? Can somebody explain this to me?
"So, he's right?" Sabi ko habang umiiling.
Napatingin naman sa 'kin si mama at nagsalita, "Athena, so-" I interrupt her words by shouting.
"JUST YES OR NO!"
Nag-angat naman ng ulo si Dad at nagsalita na naging dahilan ng pagpatak ng mga luha ko, "Y..yes!"
Napailing nalang ako at pinikit nang mariin ang mga mata ko kasabay ng pag-uunahan sa pagbagsak ng mga luha ko. All this time? This is unbelievable.
"Bakit? Bakit hindi niyo sinabi agad sa 'kin? May nagawa ba akong mali?" Direktang tanong ko sa kanila.
"Anak, sorry. We're really, really sor--" Hindi na natapos ni dad yung sasabihin niya kasi pinutol 'yon ni kalbong tanda.
"STOP THIS KIND OF A SHITTY CRAP! DO WHAT I'VE TOLD!"
Huh? Anong—
Biglang nagsidatingan ang mga lalaking nakaitim at nagsimula na silang suntukin sila mama at papa.
"'Wag! Please, don't. Ako nalang, ako nalang." Sabi ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Hindi nila deserve ang masaktan, naging mabuting mga magulang sila sa 'kin.
Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko. Harap-harapan? Tadyak dito, suntok doon. Pinagkakaisahan nila ang mga magulang ko.
"Acckk!"
Napatingin ako kay dad na sumuka ng dugo dahil pinalo siya ng baseball bat sa tiyan. Nanghihina na siya, parang anytime bibigay na si dad. Please dad, kapit lang.
"Mga demonyo kayo! Itigil niyo na 'yan!"
Hindi naman sila nakikinig sa mga pinagsisisigaw ko at tuloy-tuloy lang sila sa pagkawawa sa mga magulang ko.
"M...maawa k-kayo. Tama...na." Hirap na hirap si mom na sabihin ang mga salitang 'yan sa mga lalaking tuloy pa rin sa pag-gulpi sa kanila.
Lumingon naman ako kay tanda na prenteng nakaupo lang at nagse-cellphone habang naninigarilyo. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nahagip ng mga mata ko ang isang balisong sa may likuran ko at nakapatong sa mesa.
Kung tatanga-tanga nga naman ang mga tao dito. Inabot ko yung balisong na nasa likuran ko gamit yung kamay ko na nakatali. Kahit masakit na sa kamay ay pilit ko pa rin 'yong inabot. Nang makuha ko na 'yon ay agad kong kinuskos sa may bandang lubid.
"Ugh!" And with that, nakita kong si mom naman ang sumuka ng dugo.
Just wait mom and dad.
Ingat na ingat ako sa pagtatanggal sa lubid na nakatali sa kamay ko kasi kaunting pagkakamali ko lang baka masugatan ako. Nang maramdaman kong lumuwag na yung pagkakatali ay mas binilisan ko pa yung pagkuskos sa balisong.
Nang maramdaman kong natanggal na ang lubid sa kamay ko ay yung sa paa ko naman ang tinanggal ko kaso natigilan ako nang may humablot sa buhok ko pataas na naging dahilan ng pagtayo ko sa upuan.
"May balak ka pang tumakas?" Bulong ni tanda sa kaliwang tenga ko. I can smell now his filthy breath. Gross.
"Panoorin mo lang 'yong magandang palabas ko para sa 'yo. Ang pagkamatay ng mga magulang mo." May diing sabi niya kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
"'Di ba, buhay ko lang naman ang kailangan mo? Ako nalang ang patayin mo, 'wag mo na silang idamay. Nagmamakaawa ako." Sabi ko habang nakapikit. Ayaw kong may tumakas na naman na luha sa aking mata. Kahit ang pagiging matapang lang, gagawin ko para sa mga magulang ko.
Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina, "Don't you worry Athena. Darating din tayo diyan, 'wag kang atat. Saka, 'pag ikaw lang ang pinatay ko, e 'di maiiwanan mo ang mga magulang mo? Kaya mas maganda kung mamatay na kayong lahat."
Tinanguan na ni matandang hukluban yung mga lalaking kanina pa pinagkakaisahan yung mga magulang ko.
Tinayo nila si mom at dad at tinali ang lubid sa may kamay nila. Shit, naliligo na sila sa sarili nilang dugo. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako. No Athena, be strong.
"Mga wala kayong puso! Fuck you all stupid morons! Go to hell all of you!" Sigaw ko.
Napansin ko naman na nakasabit na sila mom at dad sa may taas. 'Yong lubid na nakatali sa kamay nila ang nagdurugtong do'n sa may kadena na pinagsasabitan sa kanila.
"Damn you all! Ano na namang kahayupan ang gagawin niyo sa kanila?" Tanong ko ng maglabas sila ng mga baril. Nang mailapag na nila yung mga baril ay nagsi-labas na ng bodega ang mga naka-itim na bumugbog sa mga magulang ko.
Naramdaman ko naman na humigpit ang pagkakahawak ni tanda sa buhok ko. Argh! Damn this bald man!
"Prepare on the highlights of the show."
Bigla namang lumabas sa isang kwarto ang isang babaeng na naka-mask ng itim. She's keeping her facade under that black mask.
Kumuha siya ng isang baril at tinutok iyon sa puso ni mom.
"Please, 'wag! Tama na!" Pagmamakaawa ko sa pagitan ng aking mga hikbi kahit nahihirapan na akong huminga.
Napapikit ako sa lakas ng tunog ng baril. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Bumungad sa 'kin si mom na duguan at wala ng buhay.
"No..no, no! Mga demonyo kayo! Mga wala kayong puso!"
Sa isang iglap lang, sa isang putok lang ng baril, nawala na ang taong nagmahal sa 'kin na parang tunay kong ina. Wala na..
Hinilig naman ni tandang hukluban ang ulo ko pagilid at bumulong, "Did you like it?"
"Tangna! Mga wala kayong puso!" Sigaw ko sa kaniya.
"'Yan ang natural na mafia Athena, mga walang puso."
Kumuha naman ulit ng panibagong baril yung babae at tinutok 'yon kay dad.
"Stop! Ako nalang, ako nalang ang patayin mo." Pagmamaka-awa ko pero parang wala siyang naririnig.
At isang putok na naman ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bodega na ito. Isang buhay na naman ang binawi, isang buhay na naman ang nalagas. Puro dugo na naman ang umaagos sa sahig na galing sa mga magulang ko at lumabas na sa bodega 'yong babae nang hindi pa rin inaalis ang itim na maskara na tumatakip sa kaniyang buong mukha.
"You son of a bitch." 'Yan nalang ang nasambit ko dahil sa sobrang panghihina.
"Wait Athena, hindi pa tayo tapos. Ikaw naman ang susunod."
Hindi na ako umimik pa. Wala na akong ibang makakasama pa sa buhay 'pag binuhay niya pa ako kaya mas mabuti nalang na mamatay na nga ako.
May isang lalaking naka-itim ang naaninag kong lumabas sa isang kwarto. Zans?
"Siya! Siya ang tatapos sa buhay mo." Sabi ni tanda habang tinuturo-turo pa si Zans na naglalakad palapit sa 'min.
Kumuha na siya ng baril sa mga nakahilera at tinutok 'yon sa 'kin. Pumikit nalang ako at dinama ang kamatayan na handang yumakap sa 'kin, anumang oras ngayon. I think, my life ends here.
Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bodega. Naramdaman ko na biglang lumuwag ang pagkakahawak ni tanda sa buhok ko.
"B..bakit?" Narinig kong nauutal na tanong ni tanda.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at lumingon sa aking likuran at do'n ko nakita si tanda na nakahandusay sa sahig at puro dugo ang tiyan.
Lumingon ulit ako sa aking harapan at do'n ko nakita si Zans na nakatayo at nakatingin lang sa 'kin ng diretso. Lumakad siya palapit sa 'kin at lumuhod.
"Tumakas ka na, bago pa dumating yung ibang tauhan ni la eme Ricko." May awtoridad na utos niya sa 'kin habang tinatanggal ang pagkakatali ng lubid sa mga paa ko.
"Wala na sila. Dapat pinatay mo na ako, wala na ring saysay ang buhay ko." Napayuko nalang ako at do'n na ako nagsimulang umiyak ulit. Hindi ko kaya...hindi ko kayang maging matapang. My life is now a mess, a catastrophic chapter of my life just happened a while ago. I'd rather die than to continue my fucking life.
Naramdaman ko naman na lumapit sa 'kin si Zans at niyakap ako, mahigpit na yakap.
"Sshh. Everything will be alright. Tumakas ka na Athena, bago ka pa nila maabutan."
Kumalas na ako sa pagkakayap ni Zans at binigyan siya ng isang madiin na halik sa labi, "Salamat."
Sa huling sandali ay nilingon ko ang mga magulang ko na ngayon ay wala ng buhay.
Don't worry mom and dad. They will taste my revenge, a vengeance tastes like hell.
Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palabas ng bodega nang marinig kong nagsalita ulit si Zans, "Mag-iingat ka palagi, Athena."
Huminto ako at hinarap siya at nginitian nalang, a bittersweet one.
Nang makalabas na ako ng bodega na 'yon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nilibot ko yung paningin ko sa paligid.
'Texas Street'
So it means, nandidito pa rin ako sa subdivision namin. A few streets away from ours.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga, kasabay ng mga luha kong kumawala na naman sa aking mga mata.
I need to face this. I need to be strong, for my parents.
Nagsimula na akong maglakad pauwi papunta sa bahay namin. Para akong tinakasan ng kaluluwa sa mga nangyari. Sobrang bilis, mas mabilis pa ata sa isang kidlat.
Nakatungo lang ako sa lupa habang umiiyak. Ang sakit, sobrang sakit. Nagawa nilang pumatay ng tao ng ganun-gano'n nalang? Mga demonyo sila, mga walang puso. Damn those mafias!
Simula ngayon, sinusumpa ko kayong mga mafia. Burn their souls to hell.