Chereads / The Mafia Queen (Fil) / Chapter 12 - Kiss

Chapter 12 - Kiss

Athena.

"Class dismissed."

Hay. Marinig ko lang ang dalawang salitang 'yan ay masaya na ako. Buong klase nakapalumbaba lang ako, ang boring kasi ng klase ni sir e. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. 'Yan ang sistema ko kanina.

Tss. Buti nalang uwian na pagkatapos ng subject niya. I'm damn sleepy.

Iniligpit ko na yung mga gamit ko na nakakalat sa desk ko, props 'yan. Kunwari nagno-notes ako sa mga lectures niya, pero ang totoo, kating-kati na ang mga mata ko para matulog.

Isinukbit ko na sa likod ko yung bag ko na Jansport at lumabas na ako ng room namin at pumunta na ako sa tapat ng room nila Thamia. Sumilip ako sa may glass ng pinto nila at nakita ko siya na nakasubsob yung ulo niya sa desk niya.

Ang lakas din pala ng tama ng babaeng 'to e. Lagot talaga 'yang si Thamia kapag nahuli siya ng teacher nila. Adik, tulugan daw ba yung terror teacher nila?

Napailing nalang ako sa pinsan ko at umalis nalang do'n. Magtetext nalang ako sa kaniya mamaya na muuna na akong uuwi.

Pumunta na ako sa elevator para bumaba. Pisti kasi! Fourth floor pa kasi 'tong room namin.

Nang makarating na ako sa first floor ay agad muna akong pumunta sa cafeteria. Bumili lang ako ng mogu-mogu at sandwich at lumabas na ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Ang laki na talaga ng pinagbago, lalo na sa mga daily routines ko. Dati-dati kasi may driver pa ako, ngayon wala na kaya naglalakad nalang ako. Well, pwede ko namang dalhin 'yong kotse ko kung gugustuhin ko, ang kaso, wala akong lisensya. Saka, okay na rin 'to. Exercise na rin, tapos makakatipid pa ako sa gagastusin kong pang-gas. Nakakahiya naman kila tita kung gasta lang ako ng gasta.

Sinimulan ko ng maglakad palabas ng school namin. I look at my wrist watch, masyado pa palang maaga.

"Wala naman sigurong masama." Bulong ko sa sarili ko nang maisipan kong pumunta sa sementeryo.

Buti nalang bumili ako ng makakain, para naman hindi ako magutom nito sa paglalakad. Malapit lang naman dito yung pinaglibingan sa mga magulang ko.

"KAMUSTA na po kayo?" Tanong ko sa kanila habang hinahawi ko sa gilid yung mga natuyot na bulaklak.

"Miss ko na po kayo."

Maya maya lang ay nakaramdam ako ng basa sa pisngi ko. Tumingala ako sa langit upang alamin kung umaambon ba o hindi.

"Tss." Here we go again. I promise to myself that I wouldn't cry anymore. But look, here I am infront of my parents' grave shedding some tears. So fragile of me.

Akala ko sapat na yung isang taon para makapagmove-on sa nangyari, pero hindi pa pala. Kulang pa pala 'yon, hindi pa pala sapat.

Tumayo na ako sa pagkakaindian-seat sa bermuda grass at pinagpag ko yung likod ng skirt ko. Nagsimula na akong maglakad palayo sa puntod ng mga magulang ko. Hindi ko pa kaya, hindi pa sa ngayon.

Habang naglalakad ako palabas ng sementeryo ay pakiramdam kong may sumusunod sa 'kin. Binilisan ko pa ang lakad ko. Lumingon ako nang biglaan sa likod ko para kumpirmahin ang kutob ko pero wala namang ibang tao.

Oo, alam kong sementeryo 'to pero wala namang takutan. Hapon na hapon tapos tatakutin niyo ako?

Binalewala ko nalang yung instinct ko. Psh. Maling akala, maraming taong namamatay sa maling akala.

Napailing nalang ako sa naiisip ko. Kailan pa ako naging mapaniwala sa ganiyan?

Nang makalabas na ako ng sementeryo ay pakiramdam kong may sumusunod pa rin sa 'kin. Agad akong lumingon at do'n ko nakita ang isang lalaking naka-jacket at nakasuot sa ulo niya yung hood nito. Nang makita niya ako ay dali-dali siyang tumakbo kaya agad ko naman siyang hinabol.

Hindi ko na pinansin yung mga taong nababangga ko para lang maabutan ko yung lalaking naka-itim. Nakaabot na kami sa kung saang-saang iskinita pero hirap pa rin akong maabutan siya. Ugh! Masyado siyang mabilis tumakbo.

Nang maabutan ko siya ay agad kong hinatak yung likod ng jacket niya palapit sa 'kin. Hinapit ko 'yon palapit sa 'kin at hinarap ko yung ulo niya. Tinanggal ko yung hood na nakasuot sa ulo niya kaso naka-hospital mask pa ang loko.

Agad ko naman 'yong tinanggal, "Zans?"

Tatakas na sana siya kaso agad kong nahawakan yung laylayan ng jacket niya, "Matapos-tapos mo akong pahabulin ng ganito kalayo, tatakas ka lang? Hindi mo ba alam na nakakapagod kang habulin? Buti na nga lang hindi nasira 'tong black shoes ko." Seryosong sabi ko habang nakatingin pa sa kaniya nang masama.

"Haha! Pfft..haha!"

Aba! Tawanan daw ba ako? Mukha ba akong nagjo-joke? Pero, first time ko siyang marinig at makitang tumawa.

"Anong nakakatawa?"

Nginisian niya lang ako at sinabing, "Sinabi ko ba na habulin mo ko?"

Kanina pa siya ah! Sino bang tanga ang tutunganga lang kapag napag-alaman mong may sumusunod sa 'yo?

Nainis ako sa sinabi niya kaya naman agad ko siyang nasuntok sa tiyan. Serves him right, ha!

"Acckk!" Napasigaw siya kasabay ng pag-igtad niya dahil sa suntok ko.

"Malamang hahabulin kita. Ano ako, tanga para tumunganga lang sa isang tabi at panuorin kang tumatakbo palayo?"

"Haha! Hindi ka pa rin nagbabago, kakarating ko pa nga lang dito sa Pilipinas, 'yan na agad matatanggap ko sa 'yo? Napaka-warm naman ng pagwe-welcome mo sa 'kin. Maraming salamat ah." Sarkastikong sabi niya.

Pero ano daw? Tama ba ang dinig ko na kakarating niya lang dito sa Pilipinas? Ows? So, saang lupalop ng Earth siya nanggaling?

"Did I heared it right? Kakarating mo lang dito sa Pilipinas?" Nagtatakang tanong ko.

"Yeah." Simpleng sagot niya habang nakangiti. Wow, dumadalas ang pag-ngiti ng isang 'to ah.

"Saan ka naman galing?" I asked out of curiousity.

"Sa States kami galing. Remember what I'd done to la eme Ricko?"

Ah, oo nga. He killed that old bald man.

"Yeah right. You killed him."

Napahinto siya sa sinabi ko at tinignan ako ng matiim. May mali ba sa sinabi ko o sadyang na-guilty lang talaga siya?

"Oh, I'm sorry. I'm so insensitive." Paghingi ko ng paumanhin.

He let out a deep sigh first and said, "Nah. I'm not guilty.--" he pause for a while and smile, a sad ones. "--He's alive."

Alive? Buhay si la eme Ricko? That's bullshit! Dapat natuluyan na siya. He don't deserve to be in this world, freely living. A person like him, must die and suffer in hell for eternity.

"How.. did it happens?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Kun' sabagay, matagal nga namang mamatay ang mga masasamang damo.

Hindi naman siya umimik sa tanong ko. Sa tingin ko, hindi pa ngayon ang panahon para malaman ko ang dahilan.

"May lakad ka ba ngayon?" I was taken aback with his random question.

"Wala naman, bakit?" Sagot ko kaya naman parang nakita ko siyang napangiti. Is it me or he's just really happy?

"Basta, tara?" Atat na tanong niya kaya naman napatango nalang ako at nagpatangay kung saanman niya ako dadalhin.

"BILISAN mo Zans! Mauubos na yung oras."

Okay, napalakas ata yung sigaw ko dito sa loob ng arcade. Napatingin tuloy yung mga ibang tao dito sa 'kin. Shame on me. Naglalaro kasi si Zans ng basketball e, na-carried away lang talaga ako.

5, 4, 3, 2, 1...Time's Up!

Whoa? Sa loob ng sixty seconds, naka-shoot siya ng ninety-nine balls? Tsk. 'Di pa ginawang 100, pabitin din ang isang 'to e.

Napahawak ako bigla sa tiyan ko dahil naramdaman kong tumunog 'to. Lumapit naman ako kay Zans at kinalabit siya kaya naman lumingon agad siya sa 'kin, "Let's eat, I'm fucking starving."

Nginitian niya naman ako at tinapik pa yung tuktok ng ulo ko. Ano ako, bata?

"Ako rin e."

Agad na kaming lumabas ng arcade at pumunta na sa Jollibee. Buti nalang at malapit lang dito 'to.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay tumambad sa 'min ang mahabang pila sa counter. Naghanap muna kami ng mauupuan kaso sa dami ng tao, wala ng bakante.

"Wala na ata." Bulong ko kay Zans.

"Sa taas, baka meron." Sabi niya kaya naman agad kaming umakyat sa second floor ng Jollibee.

Nang makahanap na kami ng mapupwestuhan ay tinanong ni Zans kung anong gusto ko. Sinabi ko naman na kahit ano nalang, lahat naman kasi ng pagkain dito sa Jollibee ay favorite ko.

Nagpaalam na si Zans at um-order na ng makakain namin. Kinuha ko na muna sa bulsa ko yung CP ko and shoot, 31 missed calls and 16 unread messages. Lahat 'yon ay galing kay Thamia, na kesyo daw, nasaan na ako, sagutin ko daw yung mga tawag niya, and so on and so forth.

Nakalimutan ko nga pala siyang i-text. For sure nag-aalburoto na 'yon sa inis at galit. Nag-type na ako ng sms sa kaniya, 'Nandito lang ako sa Victory mall. Uuwi na rin ako maya maya.'

Sakto pagkatapos kong mag-text ay dumating na rin si Zans. Ang dami ngang laman ng tray na hawak niya e, and take note, tinulungan pa siya ng isa sa mga staffs dito sa Jollibee. Diyos ko! Maubos kaya namin lahat ng in-order niya?

"Tara, kain na tayo." Aya niya kaya naman agad kong nilantakan yung burger steak. Heaven. Ang sarap talaga ng gravy dito, walang katulad.

Nang maubos ko na 'yon ay sinunggaban ko naman yung spaghetti. Ang daming sauce! Ito yung nagpapasarap sa spaghetti nila e.

Bigla ko naman naalala yung nangyari kanina, yung dahilan kung bakit kami nandito. Napatingin ako bigla kay Zans na ngayon ay nakatingin lang din sa 'kin. Okay, that's awkward.

"Bakit mo nga pala ako sinusundan kanina?"

A sly grin form into his lips, "Sinusundan ba kita?"

Naningkit yung mga mata ko sa sinabi niya kaya naman nabato ko siya ng tissue na malapit sa 'kin. Hindi naman siya natamaan kasi nasalo niya agad 'yon. Bobo mo kasi Athena, magbabato ka na nga lang, tissue pa.

"Ano sa tingin mo?" I said while my one eyebrow shots heavenwards.

"Okay, ganito kasi 'yon. Nang makauwi kami dito sa Pilipinas dumiretso agad ako sa puntod ng iba naming kamag-anak na patay na. Sakto namang pauwi na ako nang makita kitang naglalakad mag-isa kaya naisipan ko na ihahatid kita hanggang sa inyo nang hindi mo nalalaman, kasi delikado na. Marami pa man ding tarantado diyan sa tabi-tabi." Pagpapaliwanag niya habang nakatitig pa sa mga mata ko. Ako nalang ang unang umiwas dahil parang nakakailang makipagtitigan sa kaniya.

Napahawak naman ako sa tiyan ko nang maramdaman ko na parang umiikot yung sikmura ko. Teka, hindi naman na ako gutom ah? What's happening to you, my dear stomach?

"Oww, if you said so. How about la eme Ricko? Bakit buhay pa siya?"

Natigilan naman siya sa pagkagat ng burger dahil sa narinig niya 'yong tanong ko.

"Kasi, agad naagapan yung pagkakabaril ko sa kaniya. Pagka-alis mo kasi, agad kong niligpit yung mga magulang mo at tumakas na rin. Sakto pagka-alis ko ay do'n naman nagsidatingan yung mga ibang alagad ni la eme Ricko. Buti na nga lang hindi nila ako nahuli. Pero ito ako ngayon, laging nagtatago kasi, he's kept on haunting me."

Nakaramdam naman ako ng lungkot sa kinuwento niya. He's like a rat playing hide and seek with a cat.

"Dapat kasi, pinatay mo na ako noon."

Napangiti naman siya ng mapait sa sinabi ko, "I can't."

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Pero, wait. Naaalala pa kaya niya yung ginawa ko sa kaniya bago ako umalis noon sa bodega? Yung paghalik ko sa kaniya? Ugh! Ngayon ko lang na-realize na nakakahiya pala yung ginawa ko. What I did is an abrupt move.

"Anong iniisip mo? Mukhang malalim ah."

Nginitian ko nalang siya at umiling. Sana..sana hindi mo na 'yon natatandaan. But that's too impossible.

MATAPOS naming kumain ay agad na kaming lumabas sa Jollibee at napag-isipan na naming umuwi.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Naku! Pasado ala-sais na pala. Lagot talaga ako nito pag-uwi ko.

Nang makalabas na kami ng mall ay agad kaming pumara ng taxi. Magkatabi kami ngayon sa may backseat. Siya sa may left side, ako naman ay nasa right side.

"Saan ka nga pala umuuwi?"

Nilingon naman niya ako at nginitian nang nakakaloko, "Secret."

Hala siya? May secret, secret pa 'tong nalalaman. Pektusan ko kaya siya sa spinal cord. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinawanan niya lang ako. Pansin ko lang, madalas na yung pagtawa niya. But, I like it. Bagay kasi sa kaniya ang laging nakangiti. Para bang nakaka-light up ng mood yung ngiti niya.

"Ka-subdivision lang kita." Sabi niya nang maka-recover na siya sa pagtawa.

"Oh, really? Saan?"

"Too confidential."

Napa-irap nalang ako sa sinabi niya. Napakalihim talaga ng taong 'to kahit kailan.

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa biyahe nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba na kami ni Zans at binayaran niya na yung driver.

"Napagastos ka pa tuloy." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa sahig. Nakaramdam naman ako ng paghawak niya sa baba ko at inangat niya yung mukha ko para magkaharap kami.

"Okay lang 'yon, ikaw naman ang kasama ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Okay, 'wag bigyan ng double meaning Athena.

He leans closer to me and he gives me a smack kiss on my right cheek, "Goodbye."

And with that, umalis na siya at naiwan akong nakatulala dito sa harap ng bahay namin.

"What was that for?" Wala sa sariling tanong ko habang nakahawak sa right cheek ko. Oh men, this is not right.

"To show his feelings for you. Hindi ba obvious?"

Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Thamia sa harapan ko habang nakapameywang pa.

"Tss. Ano bang pinagsasasabi mo?"

To show his feelings for me? What kind of feelings? That's absurd.

"Nah, bahala kang intindihin yung sinabi ko. Kaya naman pala hindi ako nahintay e, kasi may date sila ni Zans."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Thamia, "Oy! Hindi 'yon date."

Tinalikuran ko nalang siya at pumasok na sa bahay, nadatnan ko naman sila tito at tita na nanunuod sa sala.

"Oh, Athena? Saan ka galing at inabot ka ng ganitong oras para umuwi?" Tanong sa 'kin ni tita nang makita niya akong pumasok.

"Ah--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang dumating si Thamia at agad siyang tumabi sa 'kin at agad akong inakbayan at sinabing..

"Nag-date po sila ni Zans."

What the? Ni hindi ko nga kino-consider na friendly date 'yon e, date pa kaya? Ang exaggerated naman nitong si Thamia, kung makapag-salita kala mo naman alam yung buong pangyayari.

Dahil sa sinabing 'yon ni Thamia ay pinaulanan ako ng tanong nila tito at tita. Na kesyo daw gwapo daw ba yung dinedate ko? Na kesyo daw gusto daw nila makilala yung Zans.

Like err. Napaka-supportive naman nila pagdating sa love life ko. If that will be consider as a love life. Together with Zans? Nah.