Chereads / The Mafia Queen (Fil) / Chapter 13 - Bloody Clash

Chapter 13 - Bloody Clash

Athena.

Please Zans, let me sleep. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog sa kaiisip sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko e.

"Ano ka ba Athena! Halik lang sa pisngi 'yon, hindi naman sa labi. Malay mo, thank you gesture niya lang pala 'yon? Don't take that in the wrong way, okay?" Sabi ko sa aking sarili habang sinasamp ko pa nang mahina ang pisngi ko.

Hindi pwede 'to. This is a bad sign. Really Athena? Just a simple gesture gives a big impact on you? I'm insane, absolutely.

Dumapa nalang ako at tinakpan ko ng unan ang ulo ko nang parang bumabalik na naman sa tenga ko ang mga sinabi sa 'kin ni Thamia kahapon.

"Eeehhhh!" Impit na sigaw ko habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa kama.

Why do I have this strange feeling when that memory keep on hitting my mind? Senyales na ba ito? No... no... no! Nababaliw na ako! Pakidala na nga ako sa bilibid!

Thamia.

Nakakagulat talaga na umuwing magkasama si Athena saka si Zans at 'eto pa, nahuli ko sila na nagpi-PDA sa labas ng bahay. My God! Eke yeng kenekeleg se kenele e!

Lumabas muna ako ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Athena nang walang katok-katok. Duh! As if namang may mababago kung kakatok pa ako, de vah?

"Try mo kumatok, hindi nakamamatay!" Bungad niya sa 'kin habang nakasandal sa may headboard ng kama yung ulo niya at nakapatong sa lap niya 'yong laptop niya. Lumapit ako sa kaniya at tumabi.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at akmang sisilip na ako sa screen ng laptop niya nang isara niya agad 'yon.

"Privacy Thamia, privacy." May diin na sabi niya kaya naman agad nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa ako ng kamay sa bibig ko. Oh em gee! Don't tell me--

"Bakit ayaw mong ipakita sa 'kin ang ginagawa mo? Nanunuod ka ng porn? Hala Athena! Hindi mo naman sinabi sa 'kin na libera--"

Agad niyang pinutol 'yong sasabihin ko kasi binatukan niya ako, napanguso nalang ako dahil sa ginawa niya. Ang sweet ng pinsan ko, 'no? Ganiyan talaga siya maglambing, nakaka-touch lang. Sa sobrang sweet naiiyak na ako.

"Adik! Itulad mo naman ako sa gawain mo." She said while putting her laptop on it's bag.

"Whoa? In denial stage ka pa, saka hindi ako nanunuod ng gano'n ah. Good girl ata ako! Kailan mo pa ako nilihiman insan? Nakakasakit ka na ng damdamin ah. Huhu." Sabi ko at nagkunwaring umiiyak.

"Hindi na sa 'kin bebenta 'yan Thamia. Luma na 'yang style mo."

Sinimangutan ko naman siya at tinignan ng mabuti, "Ano ba kasi 'yang ginagawa mo sa laptop at ayaw mong ipakita sa 'kin?"

"Lah." She said while waving her hand in the air.

Nakakainis na 'tong si Athena ah. Masyadong masikreto sa 'kin. 'Di ko na siya love! De joke lang. Kahit mabaho pa siya, love na love ko 'yan.

"Ano nga kasi 'yan? Magtatampo na talaga ako sa 'yo." I said in a low tone of voice.

Bigla naman siyang tumawa ng malakas, "Wala nga lang 'to, promise. Punta tayo sa Park?"

Automatic naman na kumislap ang mga mata ko sa sinabi niya, "Yay! Park, really?"

"Kasasabi ko lang 'di ba?"

Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama at pumunta sa drawer ng desk niya at tinago niya na 'yong laptop do'n.

"Sige na magbihis ka na. Kakatukin nalang kita sa kwarto mo." Sabi niya habang may kung anong kinakalikot sa closet niya.

Agad naman akong tumayo at lumabas na ako ng kwarto niya. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong pumunta sa walk-in closet ko at naghanap ng maisusuot.

Athena.

Geez! Buti nalang hindi ako naabutan ni Thamia na nagfe-facebook. Nakatambay pa man din ako sa timeline ni Zans. Grr! Masama ba? Stalker na ba ako?

Pagkalabas ni Thamia sa kwarto ko ay agad na akong nagbihis at dinala ko ang aking katana at brass knuckles. Sinuksok ko sa aking tagiliran ang aking matana at sinuot ko na sa aking kanang kamao ang aking brass knuckles.

Lumabas na ako sa kwarto ko at akmang kakatok na sa kwarto ni Thamia nang bigla iyong bumukas at agad na lumabas ang pinsan kong isip-bata.

"Let's go!" Masiglang sabi niya at agad na kumapit sa braso ko. Dinaig pa nito ang linta kung makadikit.

Pumunta na kami sa garage at pumasok na kami sa aking black Lamborghini Aventador. Mayroon kasi akong schedule kung kailan ko gagamitin 'yong dalawa kong kotse.

Ako na 'yong naupo sa driver seat at siya naman ay nasa passenger seat. Agad kong binuhay ang makina at pinaharurot 'yon ng mabilis. Agad naman na napasuot ng seat belt si Thamia dahil sa ginawa ko.

"Juicecolored! Dahan-dahan naman sa pagmamaneho Athena. Marami pa akong pangarap sa buhay. Mag-aasawa pa ako--ay! Hahanapin ko nga muna pala si Mr. Right na siyang icing ng cupcake ko. Hihi!"

Natawa naman ako sa inasta ni Thamia. Binagalan ko nalang ang pagmamaneho para sa kaniya.

"Phew! Muntik na akong himatayin do'n ah." She said in relief.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa park. Agad lumabas ng kotse si Thamia at nagmadaling pumunta sa isang bench. Psh. Isip bata talaga kahit kailan. Lumabas na rin ako ng kotse ko at sumunod kung saan siya pumunta.

Umupo na ako sa tabi niya at nilabas ko 'yong cellphone ko, "Picture tayo insan."

Nilapit naman niya 'yong mukha niya sa mukha ko at saka kami ngumiti.

"1..2..3, smile!"

After naming mag-picture ay tumayo na siya at pumunta sa swing. Minsan napapa-isip ako, ilang taon kayang kinulong sa bahay 'tong si Thamia at ganiyan nalang kasabik sa t'wing lalabas ng bahay?

Ilang oras din kaming nag-bonding dito sa park bago namin maisipang umuwi. Hindi naman ako masyadong napagod dahil siya lang naman ang naglaro na parang four years old kid.

Pumasok na kami sa loob ng kotse ko at agad namang nagseat-belt si Thamia.

"Hoy! Dahan dahan lang sa pagmamaneho. I'm warning you Athena." Pagbabanta niya sa 'kin.

Tss. As if namang nasindak ako. Pinagbigyan ko na siya kanina, so might as well mag-ala-car racer ako ngayon.

Pinaandar ko na 'yong makina ng kotse at pinaharurot na ito nang sobrang bilis paalis ng park.

"Tang juice! Bagalan mo lang sabi yung pagpapatakbo e!"

Sumulyap naman ako sa rearview mirror saglit para tignan ko ang itsura niya. Natawa naman ako kasi nakapikit pa siya at nakakapit sa sandalan ng inuupuan niya.

Binagalan ko naman 'yong pagpapatakbo kasi baka atakihin na siya sa puso. Sa kalagitnaan ng biyahe namin pauwi ay may napansin akong nakasunod sa 'ming dalawang itim na kotse. Binagalan ko pa ang takbo para kumpirmahing sumusunod ba sila. Pero, imbes na mag-over take sila sa kotse ko ay mas binagalan din nila ang takbo.

"Shit!"

Pasigaw kong sinabi nang nilabas ng isang lalaki na nakasakay sa passenger seat ang isa niyang kamay na may hawak na baril. This isn't good.

"Duck Thamia!" I shout.

Nagulat naman ata si Thamia sa sinabi ko kaya agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.

Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng nasa likod naming kotse. Binilisan ko pa ang pagmamaneho kaso tinumbasan din nila ang bilis nito. Damn! Sino na naman ba ang magpapadala nito?

Bigla namang bumalik sa isipan ko ang sinabi sa 'kin noon ni Zans na buhay pa si tanda. Damn him! Dapat natuluyan na siya.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa kotse ko kaso huli na. Pinagitnaan na ako ng dalawang itim na kotse. Takte! Ginigitgit nila ang pinakamamahal kong kotse ko. Magbabayad sila.

"Athena! Sino ba 'yang mga 'yan?" Natatakot na tanong ni Thamia habang nakayuko pa rin.

"Just duck there! 'Wag mong subukang mag-angat ng ulo dahil 'pag ginawa mo 'yon, ako mismo ang gigilit sa leeg mo."

Bullshit! Hindi pa rin sila tumitigil sa kaka-gitgit sa kotse ko. Puro gasgas na ang kotse ko nito. Humanda talaga sila sa 'kin.

Agad akong p-um-reno na naging dahilan ng pagkabanggaan ng dalawang kotse. Buti nalang walang katao-tao sa kalsadang 'to, gabi na rin kasi.

"Just stay here Thamia."

Tumango naman siya bilang tugon sa sinabi ko. Agad akong lumabas ng kotse at lumapit sa dalawang kotseng nagkabanggaan. Binasag ko 'yong salamin ng isang kotse sa may driver seat at hinila ko yung collar ng lalaking naka-itim na may kaunting sugat na natamo sa kaniyang mukha.

"Hindi niyo ba talaga ako titigilan?"

Nginisian lang ako nito na nagpa-init ng dugo ko. I immediately fished out my katana and stab it on his chest. Dumanak ang malapot na dugo pati na rin ang pagsuka niya ng dugo.

"Damn you all! Hindi na ako magdadalawang isip na patayin kayo."

Makita ko lang ang mga pagmumukha nila, bumabalik lang ang sakit na naramdaman ko no'ng pinatay nila ang mga magulang ko.

Lumakad naman ako papunta sa may passenger seat at binasag ang salamin no'n. Itututok ko palang sa lalaki yung katana ng tutukan niya na agad ako ng baril. Shit! Kalabanin mo ang takot mo Athena. Please, labanan mo! Face your fears. Agad kong tinabig ang hawak niyang baril at hinila siya palabas ng kotse.

"You wanna see the real me huh?"

I give him a high-kick on his face that made him fall on the ground. Naglakad ako palapit sa kaniya at tinadyakan ko ang dibdib niya.

"Acckk!" And with that, he vomits a blood.

"Weak!"

Pumatong ako sa may tiyan niya at agad ko siyang sinuntok sa may mukha gamit ang aking kanang kamao na may suot na brass knuckles. Hinawakan ko nang mahigpit ang katana ko at sinaksak ko 'yon sa dibdib niya.

"Ugghh!"

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kabilang kotse. Sumilip ako sa bintana kaso laking gulat ko nang wala akong nadatnang tao. Fuck!

Agad sumagi sa isip ko si Thamia kaya naman lumingon ako sa direksyon kung saan ko iniwan ang kotse ko.

"Damn it!" Agad akong tumakbo papunta dun sa kotse ko. Shit! Hawak na niya si Thamia!

"Athena!" Sigaw ni Thamia nang tutukan ako ng lalaki ng hawak niyang baril.

Natigilan ako dahil ipinutok niya ito at hindi na ako nakailag pa kaya naman natamaan ako sa kaliwang braso. Napasapo ako sa kaliwang balikat ko dahil puro dugo ito.

Babarilin pa sana ako ng lalaki kaso agad kong binato sa kaniya ang aking katana at tumama 'yon sa tiyan niya. Agad namang napatakip ng bibig si Thamia sa kaniyang nasaksihan. Bumaha ng dugo sa kaniyang kinatatayuan.

Tumakbo na ako palapit sa kinatatayuan niya, "Okay ka lang Thamia?"

Tumango naman siya bilang sagot, "Sinaktan ka ba nila?"

Umiling naman siya bilang tugon sa tanong ko. Inalalayan ko naman siya na makapasok na sa loob ng kotse ko. Kinuha ko 'yong katana kong puro dugo pero agad ko rin iyong pinunasan gamit ang pinilas kong dahon.

Pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar na iyon pauwi sa bahay. She must haven't seen that kind of a shit.

Zans.

You're stupid Zans! Bakit mo siya hinalikan sa pisngi? Stupid, nitwit, moron. Ugh! I'm so damn crazy now. Shit! Bullshit. Ano nalang iisipin niya? Tine-take advantage ko siya? Na... nang-haharass ako?

Bumangon nalang ako sa pagkakahiga at naupo, sinabunutan ko rin ang sarili kong buhok dahil sa naguguluhan na ako sa sarili ko. Nyemas! Ang manyak ng dating ko.

Lumapit ako sa cellphone kong nagri-ring at agad kong tinignan kung sino ang tumawag. Nagsalubong naman ang aking kilay nang makita kong number lang ang nakalagay sa screen. Who the heck will call in the middle of the night? Fucking stupid.

I tapped the green button and place my cellphone on my left ear, "Hello?"

"Hello din Zans."

Nailayo ko naman ng 'di oras ang cellphone ko at tinignan ko ang screen nito habang nakakunot pa ang aking noo. Teka... para kasing pamilyar ang boses niya.

"Cosa nostra Franc?" I ask. Para kasing siya 'tong kausap ko.

"Yeah Zans, the one and only cosa nostra Franc. Akala ko, kinalimutan mo na ako."

Ngumisi naman ako dahil sa sinabi niya. Nothing has changed. He use to tell that kind of statement. A sweet type tone of voice. Tss. He's like a gay.

"'Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Alam ko namang may kailangan ka e. What made you call huh?"

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya, "I just want to say that my brother wants to see Athena." He said in a serious tone of voice. Nawala ata bigla ang pagiging jolly niya.

"When and why?" I ask out of the blue. Mukha kasing urgent ang pag-uusapan nila. Nagtataka lang kasi ako kung bakit gusto agad nilang makausap si Athena.

"I don't need to answer your question why because you already know the reason, aren't you? Kailangan mo siyang dalhin dito sa mansyon bukas na bukas din.

"Paano kung hindi siya pumayag?"

Tanong ko dahil sa pangangamba. Knowing Athena? She might ask some question to provoke me to say the truth.

"Make an alibi Zans, you know what to do. My brother trusts you and I also. Osya, marami pa akong gagawin. Bye." And by that, the call ended...

Dapat ko na sigurong ihanda ang sarili ko sa mga rebelasyong mangyayari bukas. In just a snap of a finger, everything might change.