Athena.
Nang makarating na kami sa bahay ay patago kaming umakyat ni Thamia sa kwarto ko. Shit! Nadaplisan ako no'ng bala kaya hindi pa rin tumitigil sa pag-dugo ang kaliwang balikat ko.
"Athena, nadaplisan ka." Nag-aalalang sabi ni Thamia.
Umiling lamang ako at ngumiti ng pilit, "Ah, wala 'to. Malayo sa bituka." Pagdadahilan ko kahit napapangiwi na ako sa sobrang hapdi. Fuck those bastards!
Agad kong ginamot 'yong sugat ko at naupo na sa tabi ni Thamia na ngayon ay nakaupo sa couch ko.
"Thamia, nakita mo ba 'yong buong pangyayari kanina?" Tanong ko sa kaniya nang hindi ko siya pinapadaanan ng tingin.
Nakita ko naman na umiling siya sa peripheral vision ko, "Hindi, wala akong nakita. Noong lumabas ka ng kotse, nakayuko lang ako. Natakot lang talaga ako ng sapilitan akong pinalabas ng lalaking may hawak na baril. Natakot din ako para sa 'yo ng barilin ka niya Athena." May lungkot at pag-aalala sa boses niya.
I let out a deep sigh first and said, "Haha! Ano ka ba, malakas ata ako. I can handle myself Thamia. Don't you trust me?"
I said just to ease the tension between us. I saw her lips form a smile and said, "Naman! May tiwala ako sa pinsan kong magaling makipaglaban. Petiks lang naman sa 'yo ang mga 'yon e."
Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya at saka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap, "Sorry kung nadadamay ka pa rito Thamia. I'm really, really, sorry for bringing this kind of mess to you."
Naramdaman ko namang kumalas siya sa pagkakayakap kaya kumalas na rin ako. Sinapo naman niya ang magkabilaang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya, "No, you don't have to say sorry. Wala kang kasalanan sa nangyaring 'yon. Biktima ka lang din Athena. Ba't ka nga ba nila hinahabol?"
Nagkibit-balikat nalang ako sa tanong niya. Ayaw kong sabihin ang totoo kasi mag-aalala lang siya ng sobra sa 'kin. I don't want to bring too much problem on her life.
Nagulat ako nang may maramdaman akong nag-vibrate sa tagiliran ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti nang makita ko ang pangalan niya na naka-flash sa screen ng cellphone ko.
"Si Zans." I said while looking at Thamia that's why her eyes widen because of amusement, I guess?
"What? Ano pang hinihintay mo? Sagutin mo na." Excited na sabi niya na kulang nalang ay magtatatalon siya sa couch.
Pero, ano daw? Sagutin ko na? Ni hindi pa nga nanliligaw e. 'Tong pinsan ko talaga, napaka-advance mag-isip.
"Hindi po siya nanliligaw sa 'kin Thamia. Bakit ko naman sasagutin?"
Dahil sa sinabi kong 'yan ay agad akong nakatanggap ng batok mula sa kaniya.
"Aray! Masakit 'yon ah. What was that for?" I said while stroking the back of my head. Tumayo naman siya at nagcross-arms pa sa harapan ko.
"Hoy Athena! Napaka-assuming mo naman. Ang ibig kong sabihin, sagutin mo na 'yong tawag niya--" She pause for a while and pinpoint my cellphone, "--Oh, ayan! Tumatawag na naman siya."
Hala, oo nga. Ano bang nangyayari sa 'kin? Iba kasi para sa 'kin ang meaning ng, 'sagutin mo na'. Okay, enough said.
I tapped the green button and place my CP on my right ear, "Hello!" Masiglang bati ko.
"Hi Athena!" He greet me back with a joyful tone of voice. I can picture now that he's smiling.
"Bakit ka napatawag?" I ask out of the blue. Maganda na 'yong malaman ko ng mas maaga ang dahilan niya kung bakit siya napatawag. Sounds excited Athena, eh?
"Naistorbo ba kita?"
E 'di sana hindi ka na tumawag kung ayaw mo palang maka-istorbo. De joke lang.
"Tss, hindi naman. Ba't ka nga tumawag?" Pag-uulit ko sa aking tanong. Ayaw pa kasing diretsuhin.
"Can we meet?"
Huh? Anong can we meet? Ugh! Stop being a shrek Athena! He just want to have a meet-up with you, is there something wrong with that?
"Ah, eh? Meet?"
I heard him on the other line chuckle. Okay, what's funny?
"Ang sabi ko, pwede ba tayong magkita? Kung okay lang naman sa 'yo."
Hindi ko alam kung bakit parang biglang nakaramdam ako ng kilig ng tanungin niya ako ng ganiyang klaseng tanong. Really Athena?
"Sure, magbibihis lang ako."
Pagkasabi ko no'n ay tumawa na naman siya. Namumuro na 'to sa 'kin ah. Ano ba kasing nakakatawa sa mga sinasabi ko? Isa pa. Isa pa talaga, pepektusan ko na siya sa esophagus niya.
"Is there some freakin' reason to laugh?" Naiirita na kasi ako sa katatawa niya. Kahit wala namang nakakatawa sa sinasabi ko.
"Hindi pa ngayon Athena, bukas pa. Masyado ka namang excited. Magkita nalang tayo sa park--ay! Susunduin nalang pala kita diyan sa bahay niyo."
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko habang ang isa kong kamay ay nakasapo sa aking noo. Okay, that's epic fail. Akala ko kasi ngayon na, 'yon pala bukas pa. Napalingon naman ako kay Thamia na ngayon ay magkasalubong ang mga kilay. Haha! Someone's curious here.
"Gano'n ba? Sige, anong oras ba?"
Natagalan naman siya sa pagsagot, marahil ay nag-iisip siya kung anong oras niya akong susunduin.
"Eight in the morning."
Watda? Alas-otso ng umaga? E kasarapan pa ng tulog ko 'yon.
"Ang aga naman masyado. Wala bang extension?" Pagpoprotesta ko. Aba't dapat lang 'no. Nananaginip pa nga ako sa mga oras na 'yan.
"Hmm. What about 9:00 AM?"
Nag-extend pa siya, one hour lang naman. Kuripot kasi. Pati ba naman oras pinagdadamot. How dare he? Char!
"Fine. For the sake of your stubborn soul, happy?" I sarcastically said. Pasalamat siya. . .
"Haha! Settle then. I'm going to pick you up tomorrow at nine in the morning. Bye!"
"Bye."
And with that, I hear the dial tone.
Nakita ko naman na nakatingin lang sa 'kin nang seryoso si Thamia. Alam ko na kung anong itatanong nito.
"Ano daw sabi?" She eagerly ask.
See? I knew it, she's Thamia. Nothing's new with it.
"Susunduin niya daw ako bukas dito sa bahay dahil--" Natigil ako sa pagsasalita dahil napa-isip ako kung ano nga palang dahilan kung bakit niya ako kikitain bukas.
"Dahil?"
Nakagat ko naman ng 'di oras ang hintuturo ko at napatingin sa itaas, "--hindi ko alam e."
Automatic na nanlaki ang mga mata ni Thamia at nagsimula ng mag-hysterical, "Omo! It's a date Athena! It's a date, trust me."
This time, mata ko naman ang nanlaki sa sinabi niya. Date? I think it's too early to have a date with him. But I think too, it's not that bad having a date with Zans. Right? I told you guys, naghi-hysterical nga siya, "Nah. It's not a date."
Napaigtad naman ako nang bigla niyang sundutin ang tagiliran ko. Ugh! Ang ayaw ko pa man din sa lahat ay ang kinikiliti ako.
"Yieeh! May love life na ang pinsan ko." She said while continue poking me. I feel like I'm going to burst out a million titter!
"Stop! Haha--I s..said stooop!" Kahit hirap na ako sa pagsasalita dahil sa pagtawa ko ay nagawa ko pa ring tabigin ang kamay niya.
Tinignan niya naman ako ng nakakaloko. Ano na naman bang problema nito? Kung makatingin akala mo naman isang imbestigador.
"Wushu! Hindi daw date. E ano ang gagawin niyo bukas?"
Napaisip naman ako bigla. Something's bothering me since Zans calls me for permission if we can go out tomorrow. Weird isn't it? I hope that my premise is wrong.
•
KINABUKASAN, maaga akong gumising para wala namang ma-say ang lalaking 'yon. Teka, bakit ko nga ba inaalala ang maaaring sabihin niya?
"Pwede ba Athena? Try mo kayang maupo, ako ang nahihilo sa kaiikot mo e. Kalma lang, darating din si Zans maya maya. 'Wag kang tense masyado."
Napaupo naman ako sa dulo ng kama ko dahil sa sinabi ni Thamia. Yeah, she's right. I need to calm down. Pa'no ba naman kasi, pasado 9:30 na pero hindi pa rin dumadating ang lalaking 'yon. Paasa ba siya o ano?
"E kasi naman Thamia, pa'no kapag hindi na siya matuloy na pumun--" Naputol ang sasabihin ko dahil biglang may nagdoor-bell sa labas. Nagkatinginan naman kami ni Thamia kaya naman sumilip ako sa balcony para tignan sa baba kung siya na ba 'yon.
Napangiti naman ako nang malawak nang makita ko si Zans na nakatayo sa labas ng gate namin. Agaran akong tumakbo pababa at nang makarating na ako do'n sa tapat ng gate namin, huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang maliit na pinto ng gate namin.
"Bakit ang tagal mo?" Bungad na tanong ko pero nginitian niya lang ako at hinila na niya ako papasok sa kotse. . . niya?
Pagkatapos niyang isara ang pinto sa passenger seat ay agad siyang pumasok ng kotse sa may driver seat. Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad ko siyang tinanong, "Sa iyo 'tong kotse?"
"Ah, parang?"
Naguluhan naman ako sa sagot niya pero ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon. It's not that important anyway.
"Saan ba tayo pupunta?" I ask while he's starting the engine.
Nilingon naman niya ako at ngumiti lang siya ng tipid, "Malalaman mo rin, just wait." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay pinaandar na niya nang tuluyan ang sasakyan.
Napanguso nalang ako dahil sa sagot niya at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas.
"Ayaw pang sabihin e." I murmur to myself. I hope that he didn't hear what I say.
"May sinasabi ka?"
Anak ng! Ang talas naman ng pandinig ng isang 'to. Umiling lamang ako at sumandal nalang sa bintana.
"Maghintay ka nga lang kasi Athena. Malalaman mo rin mayamaya."
•
MAYAMAYA lang ay inihinto na ni Zans ang kotse kaya naman napatingin ako sa labas. Literal na napanganga ako dahil tumambad sa mga mata ko ang isang mansyon. Wow! Si Henry Sy ba ang nakatira diyan?
"Nandito na tayo."
Lumabas na ako sa kotse ni Zans at gano'n din siya. Nang makarating na kami sa tapat ng gate ay tinapat niya ang pulsuhan niya sa isang maliit na detector and with that, the gate opens automatically. Wow! Literal na napanganga ako sa aking nakita. Hanep! Ang lupit naman ng gate na 'yan. I want that kind of gate too.
"Tara." Aya niya sa 'kin at pumasok na kami sa loob. Lumakad pa kami ng kaunti bago kami makarating sa tapat ng mansyon. Katulad ng kanina ay gano'n din ang ginawa ni Zans para bumukas ang pinto.
"Hightech." Manghang sambit ko.
Nginitian niya lang ako at nauna na sa paglalakad. Nang huminto si Zans sa tapat ng isang pinto ay napahinto din ako.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kaba sa dibdib. Okay, I think something's bad will happen today. I wish that my instinct is wrong.
Dahan-dahang binuksan ni Zans ang pinto ng kwarto. Pansin ko lang, 'yan lang ang hindi hightech sa mga nadaanan namin kanina.
Kinalabit ko muna si Zans kaya agad siyang napalingon sa direksyon ko, "Ano ba kasi talagang gagawin natin diyan?"
Nginitian niya lang ako at sinabing, "Trust me."
Tinulak niya na ako papasok sa kwarto na 'yon at sinara na niya ang pinto. What the? Iwanan daw ba ako?
Nakita ko naman ang isang lalaki na nakatalikod na nakaupo sa isang swivel chair. Umikot 'yon paharap sa 'kin at laking gulat ko kung sino ang nakaupo do'n, "You?"
No, it's too impossible. Siya 'yong. . . 'yong matandang lalaking nakausap ko noon sa park. 'Yong Onozawa ang apelyido.
"Oh, there you are Athena. How are you?"
Naguguluhan na talaga ako. Pa'nong naging magkakilala sila ni Zans?
"I'm okay. Answer my question sir. Ano ba talagang pakay niyo sa 'kin at pinapunta niyo ako dito? At bakit magkakilala kayo ni Zans?"
Ngumiti siya nang mapait sa 'kin at tumayo na siya palapit sa kinatatayuan ko, "I'm Chin Onozawa."
Napansin ko naman na nagtutubig na ang mga mata niya. What's wrong with him? Baka mamaya ako pa ang sisihin na pinaiyak ko siya.
"Yes I know, I remember you. Nagpakilala kayo sa 'kin no'ng nasa park tayo."
Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya kasi bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng security sa yakap niya.
"And I'm your father."
Dahil sa sinabi niyang 'yan ay para akong napaso sa yakap niya kaya naman agad ko siyang tinulak palayo, "No! You're not my father!"
Hindi ko alam kung saan siya naiyak, sa ginawa ko bang pagtulak sa kaniya o dahil sa mga sinabi ko. He walk closer again to me and he was about to give me another embrace but I step away from him, "Don't. I don't believe what you're saying because you're not my father."
Bigla naman siyang lumuhod sa harap ko at sinabing, "Believe me Athena, I'm you're father. Sorry if I gave you to another people, it's just for your sake. I want you to be safe because they want to kill you."
Ang gulo na ng isip ko. Bakit may gustong pumatay ng isang batang walang kamuwang-muwang sa mundo? At bakit naman nila ako gustong patayin? For what? What's the reason?
"Why? Why do they want to kill me?"
Dahil sa tanong kong 'yon ay tumayo na siya at tinignan ako sa aking mga mata, "Because you're the mafia queen."
Napa-isip ako bigla sa sinabi niya. What? Mafia Queen? No...no. You know how I despise all those mafia's, am I right?
"Haha! Is this some kind of a joke time?"
Umiling naman siya bilang sagot sa tanong ko, and with that, my tears started to fall.
"That's not true! Pa'no ako magiging mafia? I'm just an ordinary girl. How can I be a mafia queen?"
He let out a deep sigh and said, "You belong to the mafia world, it's our home Athena."
"Home? Hah! Well I think it's not, for me, it's hell. Wala kayong ibang alam gawin kun'di ang gumawa ng ilegal, pumatay ng tao at kung anu-ano pa! Ngayon mo sabihin sa 'kin kung home bang matatawag 'yon!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magburst-out dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.
"Why? Pa'no ako magiging mafia queen? Bakit, isa ka rin bang mafia? Isa ka rin ba sa kanila?"
Tumango naman siya nang dahan-dahan.
Napahilamos nalang ako at tuloy-tuloy ng bumabagsak ang aking mga luha. Hindi ko na kinakaya ito. I'd rather die than to be with them.
"No! I don't have a mafia father. I'd rather kill my ownself than to be a mafia queen. Naiintindihan mo ba 'yon? Matagal ko ng sinumpa ang mga mafia! Dahil sa kanila. . . dahil sa inyo--namatay ang mga taong nag-aruga at nagmahal sa 'kin. Mga wala kayong awa."
Akmang lalabas na ako ng kwarto nang may sinabi siya na nagpahinto sa akin, "Kahit ano pang gawin mo Athena, hinding-hindi mo na 'yon mababago. Ikaw at ikaw pa rin ang magiging mafia queen, tandaan mo 'yan."
I hope that this is just a nightmare. So please, wake me up now.