Chereads / The Mafia Queen (Fil) / Chapter 20 - Nagseselos

Chapter 20 - Nagseselos

ATHENA.

Kaso.. nang inapakan ko na ang preno, hindi man lang ito gumana.

"Damn! What the hell is wrong with you?" Sigaw ko sa kotse ko. This can't be!

Sa sobrang bilis ng takbo ko, nalampasan ko na ang jeepney station. Pilit ko pa ring tinatapakan ang break pero ayaw talaga.

"Shit! Shit! Shit! Come on!" I cuss three times.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makakita ako nang sobrang liwanag na ilaw. I have no other choice. Nag-sign of the cross muna ako bago ko buksan ang pinto ng kotse ko sa may gawing kaliwa.

It's now or never.

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga at ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata bago ako tumalon palabas ng kotse ko at naramdaman ko na lamang ang pagtama ng aking katawan sa matigas at magaspang na sahig.

Pagulong-gulong lang ako hanggang sa..

ZANS.

Natigil ako sa panonood ng basketball nang biglang nag-ring ang cellphone. Medyo nagtaka ako nang makita ko ang pangalan ni Thamia na nasa screen. Bakit naman siya tatawag ng ganitong oras?

Agad kong sinagot ang tawag at tinapat 'yon sa kaliwang tenga ko, "Bakit ka napatawag Tha--"

"Zans, si Athena.."

Kinabahan ako bigla nang marinig ko ang boses niya na parang umiiyak pati na rin nang masama ang pangalan ni Athena dito, "Bakit Thamia? Anong nangyari sa kaniya?!" Hindi ko na mapigilan pa ang sumigaw dahil sa kabang namamahay sa aking dibdib.

Habang tumatagal, mas lalo lang itong lumalakas...

"Na-aksidente siya Zans."

Dahil do'n nanlumo ako. Na-aksidente? Bakit? Kailan? Saan? Gulong-gulo na ang isip ko.. Hindi ko alam kung bakit nangyari sa kaniya 'yon? Dapat pala pumasok nalang ako kanina para nabantayan ko siya. I'm so stupid!

"Where are you?"

"Nandito kami sa Acebedo Hospi--"

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad ko siyang binabaan. Wala na akong ibang nasa isip pa kun'di si Athena. Ano bang nangyari sa 'yo???

If there something worst happen to you Athena, I might kill myself for not protecting you.

NANG makarating na ako sa ospital na sinabi ni Thamia, agad kong tinanong sa nurse na nasa lobby kung saan naka-room si Athena.

"Sa room 32 po sir, second floor."

Pagkasabing-pagkasabi niyan sa 'kin, patakbo akong umakyat gamit ang hagdan. Dahil sa sobrang pagkataranta ko, hindi ko na naisipan pang gumamit ng elevator.

Nang makarating na ako sa hallway ng second floor agad kong hinanap ang room 32. Medyo nalito pa ako dahil ang daming tao ang palakad-lakad dito na paririto't paroroon. Nakahinga naman na ako nang maluwag nang mahanap ko na ang room ni Athena.

Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at agad ko 'yong binuksan. Nanlabot ang aking mga tuhod nang makita kong nakahiga siya sa cot at maraming benda ang katawan niya.

Isang tanong lang ang naglalaro sa isipan ko ngayon, anong nangyari sa kaniya?

"Iho, maupo ka rito." Sambit ng tito niya nang makita niya ako kaya naman ay naglakad na ako palapit sa isang mono-block na katabi lang naman ng hinihigaan ni Athena at agad akong naupo do'n.

Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa nakikita kong kalagayan ngayon ni Athena, "Anong nangyari sa kaniya?" Pambabasag ko sa katahimikan.

Napalingon naman sa 'kin si Thamia, "Ang sabi ng mga nag-imbestiga, wala daw preno ang kotse niya Zans kaya may posibilidad na tumalon daw siya palabas ng kotse niya para daw makaligtas siya sa paparating na bus. At 'yon, nakita siyang nakahandusay sa may gilid ng daan, walang malay at puno ng sugat ang katawan."

Tinitigan ko nang mabuti si Athena at kinuha ko ang kamay niyang nakalapag sa gilid niya. Hinawakan ko 'yon nang sobrang higpit at hinalikan ko ang ibabaw nito.

She don't deserve this, she's been through a lot. Sobra na 'to..

"Bibili lang kami ng pagkain. Anong gusto mo anak? Ikaw Zans?"

Nilingon ko ang mama ni Thamia at ngumiti, "'Wag na po kayong mag-abala pa, kumain na po ako sa bahay kanina."

"Nakakahiya naman sa 'yo iho, gabing gabi na pero nandito ka pa rin." Sambit ng papa ni Thamia.

"Okay lang po sa 'kin, it's for Athena though."

"Ah.. ma, pa. Sama na po ako sa inyo. Iwan na po muna natin si Zans dito." Pagkasabi niyan ni Thamia, agad silang lumabas ng kwartong 'to. Nang tuluyan nang sumara ang pintuan muli kong nilingon si Athena na mahimbing na natutulog.

"Ano ba kasing pinaggagagawa mo Athena? Kahit kailan talaga, hindi mo iniisip ang maaaring mangyari sa 'yo. You make me so worried." Sabi ko habang hawak-hawak ang kanang kamay niya at nakayuko rito.

"Gano'n ba? Sorry naman kung pinag-alala kita.. Hindi ko naman alam na mawawalan ng break ang kotse ko e."

Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya kaya naman nag-angat agad ako ng ulo. Nakita ko namang nakapikit pa rin siya pero may kaunting ngiti sa kaniyang labi.

"Dapat lang Athena! Ano ba kasing ginawa mo at--" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko dahil binatukan niya ako.

Wow! Parang walang nangyari sa kaniya ah. Napahimas naman ako sa batok ko at napailing na lamang. Yeah, she's still the one and only Athena that I knew.

"Ang OA mo palang mag-alala. Nag-sorry na nga 'di ba? May isang mayabang na babae kasi ang humamon sa 'kin na makipag-drag race kaya ayon, pinatulan ko." This time, dilat na ang mga mata niya at nakahilig ang ulo niya sa pwesto ko.

"Tss. 'Wag mo na ngang gagawin ulit 'yon sa susunod! You're making me worried, so much."

Ngumiti naman siya at tinignan ako nang mata sa mata, "Ang cute mong mag-worry sa 'kin. Haha!" At dahil sa sinabi niyang 'yan, hindi ko alam kung namula ba ang pisngi ko o ano. Aish! Ang bakla masyado ng dating.

"Ayieeh! Nagba-blush siya!" Pang-aasar niya habang sinusundot pa ang tagiliran ko kaya naman napatayo ako sa kinauupuan ko. Kahit kailan talaga, napakamapang-asar niya.

But that's one of the reason why I'm falling for her harder in each everyday.

ATHENA.

Natigil kami ni Zans sa pagtatawanan nang biglang bumukas ang pintuan ng kwartong 'to at niluwa nito si Luke. Nadako ang paningin ko sa hawak niyang supot ng Jollibee.

Kanina pa kami nagtatawanan dito pero hindi pa rin dumadating sila tito, tita, at Thamia. Mukhang sadya talaga nila ang iwanan kami dito.

"Luke! Dapat hindi ka na nag-abala pa." I said as he put down the food on the bedside table.

"Wala 'yon. May kasalanan din naman ako kung bakit nangyari 'yan sa 'yo e." Seryosong saad niya kaya naman natigilan ako.

Nagulat naman ako nang biglang sinugod ni Zans si Luke at sinandal ito sa pader habang hawak niya nang mahigpit ang kwelyo ng damit nito. Ang sama ng titig na ipinupukol ni Zans kay Luke pero pa-cool lamang na ngumingisi ang isang 'to.

"May kinalaman? Bakit, sabihin mo nga sa 'kin kung anong kinalaman mo sa nangyari kay Athena!" Sigaw ni Zans habang naka-igting ang kaniyang panga.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang mapigilan ang nangyayari sa pagitan ng dalawang lalaking 'to. Bwisit! Ako 'yong nate-tense sa kanilang dalawa e!

"Just chill dude, calm your shits. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit nawalan ng preno ang kotse niya e. Sadyang ako lang ang kasama niya no'ng oras na 'yon. Imbes na pigilan ko siya, p-in-ush ko pa siyang ipanalo ang laban nila. That's it! I'm sorry, okay?"

Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi ni Luke. Akala ko, may kinalaman na talaga siya sa pagkawala ng preno ng kotse ko.

"E gago ka pala e!"

Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Zans dahil tinulak niya nang malakas si Luke na naging dahilan nang pagkahiga nito sa sahig.

"Zans stop!" Sigaw ko pero parang wala lang siyang naririnig dahil agad niyang sinunggaban ng malakas na suntok si Luke.

"Ano ba Zans! Tama na 'yan!" I shout again but he seems not paying attention on what I'm saying.

"Damn you!" This time, si Luke naman ang sumuntok kay Zans dahilan para si Zans naman ang mapahiga sa sahig.

Tumayo naman na si Luke at akmang susugurin pa ulit si Zans nang sumigaw ulit ako, "Ano ba! Hindi ba kayo titigil? Para kayong mga bata!"

Laking pasasalamat ko dahil hindi na tinuloy pa ni Luke ang pagsapak kay Zans dahil for sure, hindi sila matatapos sa palitan ng suntok.

"Pasalamat ka, kaya kong magtimpi. Mukhang hindi ka naman concern sa sinabi kong hindi ko pinigilan si Athena sa pagda-drag race e. Sa tingin ko, nagseselos ka lang dahil kami ang magkasama no'ng mga oras na 'yon. Sige Athena, aalis na ako." And with that, Luke left us dumbfounded.

Napatingin naman ako kay Zans na ngayon ay pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Tumayo na siya at naupo sa isang single couch na hindi naman malayo sa pwesto ko.

"You know what Zans, dapat hindi mo na siya sinuntok pa. Kahit naman pigilan niya ako no'ng mga oras na 'yon, hindi rin ako magpapapigil. You know me, I'm such a big hard-headed girl." Saad ko.

Nagulat naman ako dahil tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papuntang pinto. Teka, iiwanan niya akong mag-isa dito? Nang makarating na siya sa tapat ng pinto, nakita kong humawak na siya sa doorknob at nagbuntong hininga.

"Fuck! Yeah Athena, he's right. Nagseselos ako dahil magkasama kayo kanina. Nagseselos ako dahil siya ang kasama mo at hindi ako!"