Chereads / The Mafia Queen (Fil) / Chapter 16 - First Victim

Chapter 16 - First Victim

Athena.

Hindi talaga ako makapaniwala na nasa akin na ngayon ang mga impormasyon nila. Ang tanga-tanga lang kasi ni tanda. E kung nilagyan niya sana ng lock ang kwarto niya, hindi ko sana makukuha ang mga impormasyon ng mga walang pusong tauhan niya.

He's getting into my nerve!

Agad akong napahinto sa pagbabasa ng mga impormasyon nila at tinago ko agad ito sa ilalim ng kama ko nang may marinig akong kumakatok sa labas, "Sino 'yan?" Tanong ko habang agad na nahiga sa kama.

"Ano ka ba Athena, si Thamia 'to. Buksan mo nga, naka-lock e."

Tumayo naman ako sa pagkakahiga at agad kong binuksan ang pinto, "Oh? Ba't ka napunta dito?"

Nagulat naman siya sa tanong ko dahil nanlaki pa ang mga mata niya, "Parang hindi ka naman nasanay sa 'kin Athena, e lagi naman akong dumadalaw sa 'yo. May problema ka ba?"

Umiling na lamang ako bilang sagot sa tanong niya at agad ko siyang pinapasok sa kwarto ko. Naupo din naman siya sa couch ko,

"So, what brought you here?" Tanong ko sa kaniya at tumabi ako sa kaniyang tabi.

"I just want to say na, may pupuntahan akong birthday party at itatanong ko sana sa 'yo kung gusto mong sumama? Kung gusto mo lang naman."

Sounds good. Baka may makita akong mabibiktima do'n, hindi na rin masama. Blessing in disguise din pala 'tong si Thamia kahit minsan.

"Sure. Kailan ba 'yang party na 'yan?"

Bigla namang nangislap ang mga mata niya at napangiti nang malapad, "Yeess! Salamat Athena. Mamaya na 'yong party and nine in the evening 'yon magsisimula."

Napatango naman ako at sinabing, "That's interesting, matagal na rin akong hindi nakakapunta sa mga parties, I want to be with you tonight."

I lied. Actually, I've never been in a party before. To be honest, this is my first time going out for a party. Not bad for a first timer like me.

"Sige insan, pupuntahan nalang kita dito sa kwarto mo kapag aalis na tayo. Formal dress lang naman ang susuotin mo. Ciao!" And with that, she stormed out on my room. Napatayo na rin ako sa pagkakaupo at nahiga na lang sa kama ko. This will be a good night.

MABILIS na lumipas ang oras at nagbihis na ako ng pang-alis. Kahit diring-diri akong mag-suot ng dress ay pinilit ko pa rin. Just for the sake of my plans. Siguro naman, walang nakakakilala sa 'kin doon. Nilagay ko na rin sa gilid ng black boots ko ang aking dagger at nag-ayos ng kaunti.

Natigil ako sa pag-aayos nang biglang sumulpot sa likod ko sa Thamia, "Athena, you look pretty. 'Di ba? Sabi ko naman sa 'yo e, maganda ka talaga kung mag-aayos ka lang."

Ngumiti nalang ako ng pilit sa sinabi ni Thamia. I don't want her to be disappointed, "Salamat. Kanino bang birthday party ang pupuntahan natin Thamia?" I ask out of curiosity.

"Sa classmate ko." She retorted.

"Kilala ko ba?"

Umiling naman siya at sapat na 'yon para malaman ko na ang sagot niya sa tanong ko, "Let's go?"

"Nagpaalam ka na ba kila tito and tita?"

Tumango naman siya at agad na hinila ako palabas ng kwarto ko. Nang tuluyan na kaming makalabas ng mansyon ay agad kaming dumiretso sa garahe at agad niya akong pinapasok sa kotse ko.

"Sinong magda-drive?" Tanong ko dahil ako ang nakaupo sa passenger seat.

"Me!"

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya. 'Nak ng! Hindi ko nga pinapa-drive sa iba ang kotse ko kasi baka magasgasan lang ito lalo na sa isang hindi marunong mag-drive, "Ikaw? Ni hindi ka nga marunong magmaneho."

Humagikgik naman agad siya at sinabing, "Just kidding!"

And with that, lumipat na ako sa may driver seat at siya naman ang naupo sa passenger seat, "Put your seat belt on."

Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at nakita ko pa siya na nag-sign of the cross. Tsk! Alam niya na talaga kung ano ang balak kong gawin.

"Sa'n ba ang venue ng party ng classmate mo?" I ask out of the blue.

"Sa R..oyal Mirage R..esort."

Natawa naman ako sa pagsasalita niya. Halatang kinakabahan siya, alam na niya kasing bibilisan ko ang pagpapatakbo ko sa kotse.

"'Wag ka ngang masyadong tense diyan Thamia. Easy-han mo lang!" Pabiro kong sambit.

"Kasi naman! Alam ko naman na bibilisan mo ang pagda-drive e."

Pagkasabi niya niyan ay agad kong pinatakbo ang kotse ng pagkabilis-bilis.

"Woah! Athena naman, alam kong maganda ang kotse mo kaya hindi mo na kailangan pang bilisan ang takbo. Hinay-hinay lang naman, gusto ko pang mabuhay! Marami pa akong pangarap na dapat matupad."

Siguro, kung hindi lang ako nagda-drive ngayon, baka kanina pa ako humahagalpak sa katatawa dito. 'Yong itsura kasi ni Thamia, hindi maipinta.

"'Wag kang mag-alala! Sa langit ka naman mapupunta."

Nakita ko naman sa rearview mirror na lumingon siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin.

ILANG minuto lang ang lumipas at agad din kaming nakarating sa resort na pag-gaganapan ng party ng classmate ni Thamia.

"Pasok na tayo sa loob." Aya sa 'kin ni Thamia pagkatapos kong i-park yung kotse ko. Nang makarating na kami sa loob ay medyo madami na rin ang mga bisita. Si Thamia naman ay pinuntahan na ang birthday celebrant. Out of place naman ako dito. I'm not a party girl, you know? I consider myself as a wallflower.

"Hi miss, I'm Thaiko (tayko)! You are?"

Psh! Pake ko kung ikaw si Thaiko?Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso, I don't want to be rude!

"Athena." Pagkatapos kong sabihin 'yan ay nakipagshake-hands ako sa kaniya. Aaminin ko, gwapo siya. Tsinito, maputi, matangos ang ilong at thin red lips. Almost perfect. Nah, masyado namang exaggerated ang pagkakasabi ko na almost perfect siya.

"Bakit parang ngayon lang ata kita nakita?" Tanong niya.

"Ibang section ako, ikaw? Kaklase mo ba si Thamia?"

Bigla naman siyang tumawa na ipinagtaka ko. What's with this guy? May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Haha! Ano bang pinagsasasabi mo Athena? Hindi ko kilala ang sinasabi mong Thamia. Kaibigan ako ng birthday celebrant pero hindi ako sa school nila nag-aaral. Mahirap lang kami at hindi ko afford ang mag-aral sa isang private school."

Ows? Sa pananamit niyang 'yan? Ngayon lang ako nakakita ng mahirap na naka-tuxedo. So ironic.

"Nakabili ka nga ng tuxedo tapos, hindi mo kayang mag-aral sa isang private school?"

Tumawa naman ulit siya sa sinabi ko. Magmumukha na talaga akong joker sa lalaking 'to e.

"This tuxedo? Binigay lang sa 'kin 'to ng birthday celebrant."

Napatango naman ako sa sinabi niya. Something hit my curiousity about the celebrant, "Ano bang pangalan ng birthday celebrant?"

"Luke Reyes. Maiwan muna kita, nice meeting you Athena. Sana magkita pa ulit tayo." And with that, he left me with a big smile form unto his lips.

"That guy is weird." Sabi ko habang umiiling.

"The who?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Thamia. Para namang kabute ang isang 'to, kung saan-saan nalang sumusulpot.

"Nothing." I answer casually.

"Gusto mo bang kumain? Punta ka na do'n sa may buffet, tapos na kasi ako e. Sinabay na ako ni Luke."

Ah gano'n? Walang hintayan? Tinanguan ko nalang siya at pumunta na sa buffet. Nang makarating na ako do'n ay nagsandok na ako ng makakain ko pero kaunti lang. Hindi naman ako matakaw kapag hindi ako gutom. Oy! Don't take that as the wrong way, hindi naman ako body conscious.

Maglalakad na sana ako pabalik sa pwesto ko kanina kaso nakaramdam ako na maiihi ako kaya nilapag ko muna 'yong sinandok kong pagkain sa isang lamesa do'n.

Agad akong tumakbo kung saanman. Argh! Saan ba ang CR dito? Sasabog na talaga ang pantog ko. Geez. Habang tumatakbo ako ay may nakabangga akong babae, "Ah, miss. Saan ba ang CR dito? Hindi ko kasi alam e."

Nginitian naman niya ako at tinuro 'yong sa may bandang kaliwa ko. Agad naman akong nagpasalamat at tingungo ko na ang palikuran para sa babae. Magkatabi lang kasi 'yong sa lalake at sa babae e.

Pumasok na ako sa isang cubicle at nilabas ko na ang dapat ilabas, "Hay salamat!" I murmured. Lumabas na ako sa cubicle at agad na pumunta sa sink at naghugas na ako ng kamay.

Paglabas ko nang CR ay may nakasabay din akong lalaking lumabas sa CR ng lalake. Tinitigan ko siya ng mabuti at halos kumulo ang dugo ko ng mamukhaan ko kung sino siya.

Halos lumuwa naman ang mga mata niya nang makita niya ako. Agad ko siyang kwinelyuhan at sinandal ko siya sa pader, "Damn you! Nagkita rin tayo sa wakas, at bakit nandito ang isang walang pusong tulad mo sa isang resort huh? Dapat ang mga tulad mo, nasa impyerno!"

Agad ko siyang binigyan ng malakas na suntok sa sikmura kaya naman napaigtad siya dahil sa sakit.

"Ugh!" Impit na sigaw niya dahil sa sakit na natamo niya sa suntok ko.

"Hindi ba kayo nakokonsensya sa ginawa niyo sa mga magulang ko? Mga demonyo kayo!" And with that, I gave him another full-forced punch on his jaw line.

"Ano? Bakit hindi ka lumalaban? Show me your real demeanor!"

Hinugot ko na ang aking dagger mula sa aking boots at agad ko siyang sinaksak sa may dibdib. Binitawan ko na rin ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya na naging dahilan ng pagkakahiga niya sa sahig. Bago ako umalis ay agad sinugatan ko siya sa may kamay na letrang baliktad na C.

"Ugh! T..tulong. Tu--" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil agad siyang nilagutan ng hininga. Nilibot ko naman ang aking paningin sa paligid upang masiguro ko kung may CCTV ba sa paligid. Good thing dahil wala namang camera's dito sa may CR.

Hindi ako pwedeng dumaan sa dinaanan ko kanina, mahahalata ako. May nakita naman akong bakod sa may bandang gilid, medyo may kataasan siya pero kaya ko naman siyang abutin.

Inakyat ko na 'yon at sakto naman ang labas ko ay sa mini garden ng resort. Sa'n kaya ang daan papunta sa pwesto namin ni Thamia kanina?

"Miss naliligaw ka ba?"

Bigla namang may sumulpot na mukhang unggoy na lalaki sa tabi ko. Eww! Yuck! Amoy alak at sigarilyo siya. Pa'no nakakapasok sa ganitong resort ang ganiyang uri ng nilalang? Dapat nasa zoo siya nakalagay.

"Sorry pero hindi ako naliligaw, nagpapahangin lang ako."

Ngumisi naman bigla ang lalaking 'to na ikinatayo ng balahibo ko sa buong katawan. Goosebumps!

"Sumama ka nalang sa 'kin miss." Sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Hands-off, or else--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil agad kong hinawakan ang kamay niya at pinilipit ko 'yon na ikinahiga niya sa damuhan.

"Ugh!" Daing niya sa sobrang sakit. Napangisi naman ako sa reaksyon niya.

"Sa susunod kasi, mamili ka ng babastusin mo. Don't mess with me or else you're going to regret what you'd done." And for my last wave. I give him a punch on his head that made him fall asleep.

Hay! Wala bang challenge dito? 'Yong magaling makipaglaban? Ang hihina ng mga tao dito.

"Athena, kanina pa kita hinahanap."

Nakita ko naman si Thamia na nasa likod ko at mukhang nag-aalala.

"Let's just go home Thamia. Gusto ko ng matulog."

Tumango naman siya ng marahan at tinungo na namin ang pinag-park ko sa kotse ko.

One down. Iisa-isahin ko na kayo, just wait. This is my new perspective in life, killing who killed my parents.