Athena.
Iniyukom ko na lamang ang aking kamao upang kontrolin ko ang galit na nararamdaman ko ngayon at dahan-dahan kong nilingon si Chin Onozawa at sinabing, "I'll never be a mafia queen, carve that in stone. Tss! All of them who killed my parents will taste my vengeance like hell."
And with that, umalis na ako sa kwarto na 'yon. Patakbo akong lumabas at sakto namang nasalubong ko si Zans. Huminto ako sa pagtakbo at hinarap ko siya. Tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya, "Isa ka ba sa kanila?"
Please Zans, sana huwag. Ikaw nalang ang pag-asa ko. 'Wag mo naman akong bibiguin.
I was relief when he shook his head.
"Alam mo ba ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko?"
Napaupo nalang ako sa sahig at napayuko nang tumango siya nang marahan. All this time? He know me? My real identity? Nagsimula na naman akong umiyak. Nakakainis! Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.
"Bakit mo nilihim sa 'kin?" I ask.
"Because it's needed. That's what they commanded me to do."
Napatayo ako sa sinabi niyang 'yon, "Gano'n? Ano ba naman 'yan Zans! Hanggang kailan ka magiging utusan? Hanggang kailan ka magtatanga-tangahan sa kanila?"
Napansin ko naman na biglang nag-iba ang timpla ng ekspresyon niya. Parang nagalit siya sa sinabi ko.
"Hindi mo alam ang lahat Athena! Hindi mo alam kung bakit ako nagsusunud-sunuran sa kanila. Tsk! Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." Pagkasabi niya niyan ay tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo sa 'kin.
I suddenly felt guilty. Tama siya, I don't know everything. I must haven't judge him that easily.
Agad din naman akong sumunod kay Zans pero nasa likod niya lang ako. Nang makarating na kami sa kotse niya ay agad siyang pumasok sa driver seat. Psh! Hindi man lang ako pinagbuksan?
Pumasok na ako sa back seat at padabog kong sinara ang pinto. Ayaw kong tumabi sa kaniya! Ba't ba kasi ayaw niyang ipaintindi sa 'kin ang lahat ng nangyayari? Para naman hindi na ako nangangapa na parang bulag.
Chin.
"I'll never be a mafia queen, carve that in stone. Tss! All of them who killed my parents will taste my vengeance like hell." Pagkabitaw ni Athena sa mga salitang 'yan ay nanlulumo akong napaupo sa couch.
"Gano'n ba talaga ako kasamang ama? Bakit hindi niya ako matanggap?"
Nagsimula nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Masakit! Sobrang sakit, lalo na't hindi ako tanggap ng anak ko. Masama ba talaga ako?
Naramdaman ko naman na biglang lumubog ang nasa may gawing kanan ko kaya napalingon ako.
Nginitian niya lang ako at tinapik sa may balikat, "You're not that bad. Hindi mo naman sinasadyang pinanganak na maging isang mafia. Alam ko, naguguluhan pa siya sa ngayon. Don't worry, maiintindihan ka niya rin balang araw. Balang araw kung kailan pwede at tama na ang lahat."
Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi ng kapatid kong laging nasa tabi ko, "Thanks my brother."
Zans.
Wala siyang alam, hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit ako pilit nagsusunud-sunuran sa kanila. Para rin ito sa pamilya ko. Ginagawa ko lang ito para protektahan ang mga mahal ko sa buhay..
Nang mawala na sa paningin ko si Athena ay napalingon ako kay la eme Ricko na ngayon ay sapo-sapo ang kaniyang duguang tiyan.
"Ugh! I'll h..haunt you down Z-ans. I will kill you together with your family. Mali ka ng kinalaban! R..emember that."
Hindi ko nalang pinansin si la eme Ricko at kaagad kong pinuntahan ang mga magulang ni Athena na wala ng buhay. Mabilisan ko iyong niligpit sa madaling makita ng mga pulis.
Pagkatapos kong mailigpit ang bangkay nila ay kaagad akong tumawag sa pulis at sinabi ko ang address ng bodega na 'yon.
Nang matapos ko ng tawagan ang mga pulis ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot din iyon paalis sa lugar na 'yon.
"ANO bang problema mo anak at nag-iimpake ka ng mga gamit mo?"
Napahinto ako sa paglalagay ng mga damit ko sa bag ko at nilingon ko si mama na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga nang maglaro na naman sa isipan ko ang mga sinabi sa 'kin ni la eme Ricko.
Lumapit naman ako kay mama at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at sinabing, "Ma, we need to go out of this place. Mag-migrate na tayo sa States."
Bigla namang nangunot ang noo ni mama sa sinabi ko, "At bakit naman Zans Zhyne Dy?" She ask together with her arms crossed.
"Saka ko nalang po sasabihin sa 'yo ang dahilan 'pag nakarating na po tayo do'n."
"No! Ngayon mo sabihin sa 'kin ang dahilan."
I let out a deep sigh and said, "Ang buhay nating lahat ay nasa bingit ng kamatayan. Kinalaban ko si la eme Ricko ma! And now, he's threatening me that he'll kill me especially my family if he finds me."
Napaupo naman si Mama sa dulo ng kama ko at napayuko. I know, she's stress now because of what I had said. I'm such a pain in the ass!
"Son, what have you done? Hindi mo ba alam na, isa sa pinakakilalang mafia si Ricko? Anak naman, hindi mo ba naisip 'yon?"
Pagkasabi ni Mama no'n ay agad ko siyang nilapitan at niyakap, "I'm sorry ma for what I'd done, but for now, we need to go."
At gaya nga ng sinabi ko ay agad din kaming nag-impake. Apat kaming lumipad papuntang States--me, mom, dad, and my older sister named Zaren Zesh. I hope, we can find some peace when we finally land in that place. . .
NANDITO ako ngayon sa kwarto ko nakahiga at nakatingin lang sa kisame. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako sa bagong tinitirahan namin. But it's okay, for the sake of our lives.
Nagulantang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Aba! Sino naman ang mag-aabalang tumawag sa 'kin?
Automatic na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong unregistered number ang tumatawag sa 'kin. I just unconsciously tap the green button and place my cellphone on my right ear, "Hello? Who's this?"
(Good evening Zans Zhyne Dy. I know your situation, I can help you.)
"Why would I trust you? I don't know you. If this is some kind of a prank, just cut the shit!"
Nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya. Tsk! Baliw na ata 'to e. Takas sa mental, I guess?
(I'm Franc Steven, but call me cosa nostra Franc.)
Cosa Nostra Franc? Parang narinig ko na 'yan. Parang minsan na 'yang nabanggit sa 'min ni la eme Ricko.
Tama! Siya 'yong palaging kumakalaban kay la eme Ricko nang patago. Then, why would he call me and offer some help?
(Bakit ka natahimik? Do you know me or my name. . . does it ring a bell to you? Tell me Zans, don't be shy.)
"Hindi, hindi kita kilala."
(I want to help you, or shall I say. . . my brother wants to help you. Nabalitaan ko na kinalaban mo si Ricko, such a brave man.)
"Ano ba talagang pakay mo? Just straight to the point."
(Well, as my brother said. He will protect your family against Ricko. In one condition, he wants you to be his right hand.)
"Paano naman ako makakasiguro na ligtas ang pamilya ko sa kamay niyo?"
(You don't know my brother Zans, he never break promises or such. Kung ako sa 'yo, pag-isipan mo nang mabuti ang sinabi ko sa 'yo. If you agree with what I'd said, just text or call me in this number. Bye.)
Dahil do'n ay pumayag ako na maging kanang kamay ni Yakuza Chin. Sinabi niya sa 'kin lahat-lahat ang tungkol sa pagkatao ni Athena pero hindi ko alam na gano'n na pala kalaki ang galit nito sa mga mafia.
Athena.
Tsk! Badtrip na nga ako, mas nabadtrip pa ako kay Zans. Pa'no ba naman, kanina pa ako tawag ng tawag sa kaniya pero mukhang wala siya sa sarili kaya lumabas nalang ako sa kotse niya ng walang paalam. Bahala siya sa buhay niya.
Walang gana akong umakyat sa kwarto ko at agad kong hinagis ang katawan ko sa kama.
Today is my day. They'll get my revenge. Iisa-isahin ko ang mga pumatay sa magulang ko.
"Waah! Andiyan ka na pala Athena! Kamusta ang date niyo ni Zans?"
Hindi ko napansin na nakapasok na pala sa kwarto ko si Thamia.
"Ahh..Okay lang naman." Pagsisinungaling ko.
Ayaw kong malaman ni Thamia na nakilala ko na kung sino ang tunay kong ama. Panigurado, maguguluhan lang siya. Masyadong mahirap intindihin.
"Wushu! Okay lang? 'Di nga? E sa mukha mo ngang yan, mukha kang nalugi."
Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko at tinignan si Thamia na ngayon ay naka-indian seat sa harapan ko, "Okay nga lang, napagod lang ako."
Bigla naman siyang nag-cross arms at sinabing, "Pagod ka diyan? E hindi nga kayo nagtagal. If I know, matagal mapagod ang isang Athena Agatha Choi."
Napailing nalang ako sa sinabi ni Thamia. She know me better.
"Pumunta lang kasi kami sa park, naglibot-libot. Kaya mabilis lang kami." Pagsisinungaling ko.
"Oh, well I see. Sige, alis muna ako. Diyan ka na, babush!"
Tinanguan ko nalang siya bilang sagot kaya naman tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko. Humiga naman ulit ako at pinikit ko ang aking mga mata. I need to think on how will I do my first step.
Bumangon ako sa pagkakahiga at pumunta sa secret drawer ko. Kinuha ko ang maskara ko na kulay itim at may naka-print na angel face. Pagkatapos no'n ay nilabas ko rin ang black shirt ko na may naka-print sa likod na angel wings. Sinuot ko na 'yon pati na rin ang whole mascara ko.
Sinuot ko yung brass knuckles ko sa right fist ko at sinabit ko rin sa tagiliran ko ang aking scottish claymore. Nag-jeans lang ako at black boots. Sinuksok ko sa gilid ng boots ko ang isa kong dagger.
"Ang swerte niyo dahil nagbago ang desisyon ko. Hindi ko muna kayo papatayin dahil aalamin ko muna ang mga impormasyon niyo."
Lumakad na ako papunta sa may balcony at maingat na bumaba, sa may garden kasi ang labas nito.
Nang makababa na ako ay agad akong lumabas ng gate namin. Nagsimula na akong maglakad papunta sa bodegang pinagdalhan nila sa 'kin noon.
Good luck nalang sa inyo. Ipagdasal niyo na hindi mag-krus ang mga landas natin. Kun'di, mapapa-aga ang pagpatay ko sa inyo!
Habang naglalakad ako ay may nakita akong bike sa gilid ng daan. Psh! Sorry nalang sa may ari nito. Iniiwan lang kasi kung saan-saan e.
Agad akong lumapit do'n at sinakyan ito. Nagsimula na akong magpidal palayo nang may isang lalaki ang sumigaw mula sa likod ko, "Hoy! Bike ko 'yan! Ibalik mo 'yan, magnanakaw!"
Napangisi nalang ako sa inasta ng may ari ng bike na 'to. Tss! It's his fault anyway.
"Sa susunod kasi, 'wag mong iiwan basta-basta ang isang bagay kung ayaw mong makuha ito ng iba. Paalala ko lang, walang magnanakaw na binabalik ang gamit na ninakaw." Sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagpidal.
MINUTES had passed and I finally came on his territory. Para sa isang mafia, ang cheap niya. Teritoryo na nga lang, bodega pa? How poor he is.
Nagsimula na akong maglakad papasok nang may humarang sa 'kin na dalawang lalake. Psh! Sorry nalang silang dalawa, umepal pa kasi e. Hindi naman talaga sila kasali sa mga papatayin ko pero dahil humarang sila sa dinadaanan ko, they'll die.
"Sino ka? Bawal ka dito. Saka, tapos na ang Halloween." Sabi ng isa kaya natawa naman ang isa sa sinabi niya. Tsk! Stupid.
"I just want to visit your fucking bald boss, may I?"
Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ko kaya sabay nila akong sinugod. Agad ko rin naman silang inilagan at hinugot ko ang aking scottish claymore at sinaksak ko iyon sa may bandang puso ng isa.
"Ugh!" Daing niya at natumba na sa sahig habang naghihingalo.
"Deserves you right." And with that, his life ends miserable.
"And you! Wanna die?"
Hindi naman siya sumagot at akmang susugurin na rin ako kaso naunahan ko siya. Agad kong hinagis sa kaniya ang scottish claymore at saktong tumama 'yon sa leeg niya.
"Oops! Sorry, I mean it. Haha!"
Agad din naman siyang nilagutan ng hininga.
"'Yon lang 'yon? Weak."
Kinuha ko na ang scottish claymore ko na puno ng dugo at naglakad na ako papasok sa bodega ni hukluban. Hmm..kamusta na kaya siya?
Napansin ko naman na walang katao-tao sa paligid. Nasa'n na ang mga tauhan niya? On a vacation?
Pumasok ako sa isang kwarto pero pagbukas ko ng pinto puro alikabok at mga sapot lang ng gagamba ang nabungaran ko sa loob. Sunod ko namang pinasok ang isang kwarto pero puro mga armas lang ang nando'n.
"Nice!" Bulalas ko. Ang gaganda ng mga weapons and guns. Nakakamangha! Gusto ko mang kunin lahat ng 'yon kaso wala akong oras para diyan.
Naglakad pa ako ng kaunti at pumasok sa ikatlong kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa harap ko ang isang office. Mukhang ito na ang kwarto ni tanda. Dahan-dahan akong naglakad papasok do'n pero ang nakakapagtaka, walang katao-tao dito sa loob. Mukhang busy talaga si tandang hukluban.
Sinimulan ko ng halungkutin ang drawer sa table pero wala akong nakitang info's about sa mga tauhan niya. Lumibot pa ako sa loob ng office at napukaw ng mga mata ko ang isang kumpol na folder na nakapatong sa isang maliit na desk. Agad ko iyong nilapitan at tinignan.
Napangiti ako nang matamis ng makita ko kung ano ang nilalaman no'n, kompletong impormasyon ng mga tauhan niya. How lucky I am.
Agad kong binuhat lahat ng 'yon at nagsimula na akong maglakad palabas ng kwartong 'yon, "Just wait for my revenge."
Uuuwi ako ngayon ng nakangiti. Ito na ang panahon mom and dad. Maipaghihiganti ko na ang kawalang-hiyaang ginawa nila sa inyo. Sisiguraduhin ko.. wala ni isang buhay ang matitira.