Maingat kong sinundan ang van na sinakyan ng babaeng niyakap ni Yohan sa Brewed. Gamit ang motor ko ay sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa isang venue.
Tinignan ko ang malaking tarpaulin at nakasulat doon ay
'GALAXY FAN MEET'
Kilala ko kung sino ang Galaxy dahil fan si Divina nito. Halos makabisado ko ang pangalan ng miyembro yan dahil sa pagkaadik ni D sa kanila. Pag sya ang nakaassign sa monitoring, lagi nyang pinatutogtog ang kanta nila. Pakiramdam ko kabisado ko na ang kanta nilang Dream dahil iyon ang song na gusto laging patugtugin ni D.
Bumaba ako sa motor at binaba ang helmet ko. Pinagmasdan ko ang pagbaba ng babae sa van kasunod ng miyembro ng Galaxy. Simple lang suot nya. Red shirt with rip jeans. Rubber shoes ang suot nya sa paa at nakatali ang lahat buhok nya.
Pagak ako natawa dahil simple lang ang babaeng minamanmanan ko ngayon. Hindi ko alam kung hindi ito mahilig sa fashion o talagang ganoon lang kasimple syang manamit. May sense din naman ako sa fashion pero kung sa ganitong event mo ko papapuntahin hindi ganoon ang isusuot ko.
Naglakad na ko papunta sa entrance ng building at pinakita ang ticket na binili ko nung nakaraan. Pinapasok na ako sa loob at doon ako pumunta sa VIP. Umupo ako sa pinakadulo at pinagmasdan ang venue.
Dapat talaga ay hindi ako bibili ng ticket at mag aala ninja akong papasok dito. Pero dahil ayokong mahirapan sa pagtakas mamaya, mas pinili ko ng bumili ng ticket at VIP pa. Sayang ang opportunity na ito. Bumili rin ako ng album nila at papapirmahan sa members ng Galaxy. Iingitin ko si D dahil dito!
I saw the woman at the corner. Nakasulyap lang ito sa venue at masama ang timpla ng mukha. I research about her and her name was Bella Maire Soledad, secretary of A+ Entertainment own by Alexander Molina.
She has simple family and her brother, Caspian Leon Soledad Jr., Is one of the member of Galaxy. Nalaman ko din na sa iisang university nakapagatapos sya at ang boss nya. Pero come to think of it? Parang nasabi saakin noon ni H na doon nag-aral si Yohan ng college?
Pinagmasdan ko lang ang babae hanggang sa magsimula ang event. Nag-introduce ang members ng Galaxy at lahat ng fans ay nagtitilian. First time kong dumalo sa ganitong event. Noong college busy ako sa school at training sa ROSE kaya wala akong time para sa mga ganito. Buti pa itong mga kabataan na toh naeenjoy ang ganitong bagay.
Halos matuon ang atensyon ko sa event. Hindi ko tuloy napansin na wala na si Bella Soledad sa kinatatayuan nya kanina. Wala tuloy akong magawa ng halos malapit na ko sa Galaxy. Inintay ko na lang na mapirmahan ang album na binili ko saka umalis ng venue.
Nilibot ko ang lugar para mahanap ang babae pero puro security ang nakapaligid sa lugar. Sayang kung mission ito, baka kanina pa ako nakalusot sa guards. Hinanap ko na lang tuloy ang restroom hanggang sa may nakabangga akong lalaki.
"Sorry miss"
"Ehh sorry din."
Tinignan ko ang lalaking nakabangga ako at nagulat akong si Alexander Molina ang nakita ko. Nakita nyang nagulat ako kaya ngumiti lang sya for assurance na ok lang ang nangyari.
"Naliligaw ka ba miss? Mukhang may hinahanap ka kaya nakabangga tayo"
"Ahh... Hinahanap ko yung restroom. Alam mo ba kung saan banda?"
"Yeah. Just walk straight and turn left. Makikita mo agad ang signage"
"Ohhh thank you" yumuko ako saka nagpaalam na aalis na. Napagpaalam na rin sya sakin.
Tumungo ako sa direksyon na sinabi ni Mr. Molina at nakita ko roon ang restroom. Pumasok ako sa loob at inayusan ang sarili. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.
Nangagalumata na ko dahil kulang lagi ang tulog nitong mga nakaraang araw. Si Yohan at ang kaadikan nya ang dahilan noon. Hindi ko alam kung bakit nahilig sya tapos sisihin nya ko. Wala naman akong ginagawa! Dagdag mo pa itong iniisip ko tungkol kay Ms. Soledad at sa nangyari sa café. Nakakastress!
Tinignan ko ang relos ko. Maaga pa naman. Pwede mo na muna siguro ako magliwaliw
Umalis ako sa venue at dumiretso sa bar na pagmamay-ari ng dati kong classmate noong college. Mukhang maglalasing muna ako ngayong araw ┐( ˘_˘)┌
Pagkarating ko sa Aubrey's ay hinanap ko kaagad ang may-ari para magpareserve ng VIP room para sa balak ko ngayon. Nakita ko sya sa counter na nagmimix ng inumin. Umupo ako sa isang stool at tinignan sya. Ngumiti sya sakin ng makita ako at inilapag ang inumin sa harapan ko.
"I didn't expect na makikita kita dito. May problema ka ba? Trabaho? Lalaki? Love?" sunod-sunod nyang tanong. "Ipapareserve na ba kita ng kabaong para sa nalalapit mong kamatayan?"
"Baliw! Hindi pa ako mamamatay." Saka ininom ang binigay. Halos hindi maipinta ang mukha sa lasa ng pinaghalo-halo nyang alak. "Ano ba to, Brey? Bakit ganito ang lasa ng mixture mo. Hindi ko maintindihan"
"Sira ka kasi! Inumin mo ba naman eh hindi ko naman sinabi na inumin mo" namaywang sya sa harap ko. "Experiment ko lang iyan. Nag cr kasi ang bartender ko at napagtripan ko mag mix kahit no lesson ako sa ganyan."
"Langya ka! Ginawa mo pa akong tester mo!"
"Baliw ka kasi! Ako dapat ang titikim ng gawa ko, ininom mo naman. Kasalanan ko pa talaga?"
"Eh nilagay mo sa harap ko eh. Akala ko sakin mo binibigay"
"Masakit sa puso ang maniwala sa akala Lore." Napangiwi ako sa sinabi nya. "Sensya na. Na busted kasi ako ng nililigawan ko"
"Tomboy ka na, Brey?!" gulat kong tanong sa sinabi nya. Sumimangot sya sakin at tinangkang pipitikin ako sa noo nang umiwas ako.
Naiinis sya sa pag-abot sakin nang may lalaking pumasok sa counter at pinalalayas sya. Sinamaan nya ng tingin ang lalaki.
"Bat naman ako aalis dito?! Bar ko to noh. Kahit saan ako pwede kasi ako ang may-ari ng lugar na toh!" singhal nya sa lalaki.
"Ok if that's what you want woman. Pero tandaan mo oras na mangialam ka sa mga bote na nandito, bibilhin ko itong lupa mo at tatayuan ng negosyo ko" banta nung lalaki kay Brey.
Tinignan ko naman si Brey na may nanlilisik na matang nakatingin sa lalaki. Ang tagal ng titigan nilang dalawa sa harap ko kaya ako na ang nabasag non nang mag-order ako ng drinks. Kumilos naman ang lalaki at binigyan ako. Si Brey naman ay tahimik na umalis sa loob ng counter at tinawag ako.
"Tara na pre, hahatid kita sa kwarto mo" Tsaka naglakad papalayo sa counter.
Mabilis kong inubos ng inumin saka sinundan si Brey na paakyat na sa 2nd floor ng bar.
Tatlong floor ang bar na ito. Ang unang palapag ang party floor kung saan pwede magparty ang mga customer. Sa 2nd floor ang VIP for customers and 3rd floor ay para sa mga kakilala ni Brey na gustong magpakalasing at ayaw makigulo sa baba.
Naabutan ko si Brey sa 2nd floor at sinabayan sa paglalakad.
"Paano mo naman nalaman na may balak ako ngayong araw magpakawalwal?" tanong ko sa kanya habang paakyat na kami sa 3rd floor.
"Instinct ko. Malakas ang instinct ko lalo na sa mga problemadong tao kaya nagpupunta ng bar para pampawala ng stress" sagot nya saakin ng hindi lumilingon.
"Yan ba ang dahilan mo kaya mo pinatayo ang bar na to?"
"Yup"
Ang gandang dahilan ರ_ರ
Pinagmasdan ko si Brey habang naglalakad papunta sa magiging kwarto ko ngayon.
Brey was a playgirl. Naging matino lang sya noong natagpuan nya si Dexter pagkatapos ng college. First love and first heartbreak nya ang lalaki. Wala na rin akong balita sa kanya na may karelasyon sya after Dex. Kahit ngayon siguro wala parin syang boyfriend.
"Hey, sino iyong sinasabi mo na binusted ka?" tanong ko sa kanya nang tumigil kami sa isang pinto.
Hindi sya sumagot sa tanong ko at busy sa pag unlock ng pinto. Saglit lang at bumukas na ito saka alo tinaasan ng kilay.
"Pasok na. Maraming alak sa loob at bilang ko iyon. Bago ka umuwi bukas ay magbayad ka muna sa magaling kong bartender"
"Mukhang hindi kayo in good terms"
"Binusted nya kasi ako" simangot nya at naglakad paalis.
"Kwentuhan mo ko next time!" sigaw ko sa kanya at tinaasan nya lang ako ng kamay. Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Marami nga akong nakitang bote ng alak sa mini kitchen. May maliit din na sofa sa gilid at may bed sa dulo. May maliit na cr sa loob na katabi lang ng bedroom. Parang apartment style ang dating kwarto.
Kumuha ako ng isang bote ng wine at ininom. Hindi naman siguro ako sisingilin ni Brey kung sa bote na ko iinom. Lumagok ulit ako at tinungo ang sofa saka umupo doon ng komportable.
Bukas ko makikita ang resulta ng gagawin ko ngayong araw. Hello hang over bukas, ngayon hello Alak muna! Hmmm yummy!