Chapter 14 - 13

Yohan's

Matapos akong iwan ni L ay dumiretso kami ni Papa sa opisina nya. Pagpasok namin doon ay nakita ko ang kakambal kong si Helena at si mama. Masamang tumingin si mama saakin ng makita ako.

"Honey, wag mong titigan ng ganyan ang anak mo. Baka maihi yan sa brief nya" biro ni papa kay mama pero sinamaan nya lang ng tingin si papa. Nakita ko pang napalunok ang ama ko sa titig ni mama.

Under kasi

"Bakit nyo ba ako kakausapin? Hindi ba nag-usap na tayo noong nakaraan, Ma?" Tanong ko sa kanila habang nakatayo at nakatingin sa kanila.

"Hindi naman ito tungkol sa sekreto mo binunyag ng kapatid mo saamin. Tapos na ang issue natin sa pagiging two timer mo." Sumimangot ako dahil sa sinabi nya.   "Tungkol ito sa pamamanhikan natin sa bahay nila Lorelei." Sagot ni papa na nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Pamamanhikan?!" Gulat kong sabi. "Hindi pa nga ako nagpropropose kay L tas mamanhikan na tayo?!"

"Bakit kuya? Kailan mo ba balak magpropose sa kanya? Buntis na si L. Isipin mo, hindi ka kilala ng magulang nya" sagot ni Helena sakin.

"Tama ang kapatid mo." Sang-ayon ni papa. "Ano bang balak mo ngayon, Yohan? Hindi sa nangingialam kami pero gusto lang namin masiguro kung gusto mo ba talagang pakasalan si Lorelie. Kasal na ang sinasabi ko Yohan at hindi biro ang pagpasok sa pag-aasawa."

"Alam ko Pa. And Im sure that L is my life. Sya lang ang gusto kong makasama sa buhay ko at alam nyo yan." Sagot ko. "Pero hindi ba parang ang magiging rason ko sa pagpapakasal ko sa kanya ay dahil nabuntis ko? Ayokong isipin iyon ng magulang nya. I want to have a relationship with her a little longer. Madali lang ang kasal. Preparation and money lang ang kailangan para masagawa ko iyon. Pero gusto ko muna magtaggal ang relasyon namin."

"So girlfriend-boyfriend muna kayo ganun?" Tanong ni mama."Nak, bakit hindi ka nalang magpropose tapos maging magfiance muna lang kayo? Hindi ba maganda iyon?"

"No ma. It will give her pressure. Kakabalik lang namin at may trust issues sya sakin na kailangan kong ibalik. Ayoko syang bigyan ng pressure dahil baka magfailed ang plano ko. Maybe I should do things in right. Gusto ko na kapag nag-aya na ko sa kanya ay hindi na sya mag-iisip ng kung anong negativity saakin. Alam kung matatagal pa bago iyong gusto nyong magsettle down na ko pero please wait because she's having a hard time pa because of what I did to her." Paliwanag ko sa kanila.

Nagtinginan si mama at H habang si papa naman ay huminga ng malalim. Tumingin si papa saakin at ngumiti ng bahagya.

"I trust you, Yohan. Alam kong kaya muna ang sarili mo at ayokong pangunahan ka sa mga desisyon mo sa buhay. Malaki ka na." Sabi nya saakin. "Just be sure that she will be your wife."

"I will Pa"

"Rigo" mahinang sambit ni mama kay papa. "Ang tanda ko na. Ang laki na ng anak natin tapos magkakaapo na ko sa kanya. Huhuhuhu"

Nagsimulang umiyak si mama na ikinairap ni H. Si papa naman ay lumapit kay mama at pinatahan ito.

"Si Helena nalang ang walang asawa sa kanila. Sana mag-boyfriend na sya. Gusto ko na din magkaapo sa kanya, Rigo" parinig ni mama kay H na ngayon ay nagrereklamo.

Natawa ako kay H na ngayon ay pinipikon nila mama dahil ayaw pang mag boyfriend. Nagtagal pa ako sa opisina dahil sa plano na pamamanhikan namin sa bahay ni L kahit hindi pa mangyayari. Maraming suggestion si mama at si Helena ang taga comment. Si papa naman ay nakikinig lang at ako naman ay natatawa sa kalokohan ng nanay ko.

Napakasupportive nila. Sa sobrang supportive nila saamin lalo na ngayon saakin, sinamahan nila ako noong nakaraan sa pagbili ng singsing. Sila ang nagsusugest at nagcocomment. Halos mainis na nga ang saleslady sa kakulitin ni mama. In the end of the day, nakapili kami ng singsing na babagay Lorelei. Matutuwa ang babaeng iyon kapag nakita nya iyon.

Matapos ang pag-uusap namin ay nagpaalam na ko sa kanila at tinungo ko ang kwarto ni L. Nagulat ako ng wala sya sa kwarto nya kaya hinalughog ko ang HQ. Nag-aalala ako sa girlfriend ko na baka nagbago ang isip at iniwan na ako. Dapat talaga hindi ako sumasama sa mga lalaki dito sa ROSE at baka doon na inis si L saakin.

Hingal na hingal ako ng makarating sa dining hall at nakita ko sya doon. Masayang kumain ang girlfriend ko ng carbonara nang lumapit ako.

Bat parang napagod ka? Pinag-exercise kaba ni boss sa opisina?" Tanong nya saakin. Umiling ako sa kanya at ngumiti.

"Tumakbo ako papunta sa kwarto natin ng matapos kaming mag-usap ni Papa. Tas wala ka doon kaya nag-aalala ako bigla. Hinanap kita at natagpuan dito." Paliwanag ko sa kanya. Nagpout sya sa harapan at humingi ng sorry.

Nakyutan ako sa ginawa nya kaya kinurot ko ng bahagya ang pisngi nya.

"Ok lang. Hindi ka naman umalis eh. Kumain kalang naman. Nagutom ba kayo ni Baby kaya ka nandito?" Tumango sya. "May gusto ka bang kainin or may kinicrave ka bang food?"

"Wala naman akong gustong kainin porket sa ayaw ko ng luya at amoy non." Sagot nya. "Pero dahil tinanong mo yan, Im craving for ice cream. And I think strawberry ice cream. Can you buy me?" Lambing nya saakin.

"Yes babe. Hintayin mo lang ako dito or sa kwarto mo. I will buy your ice cream." Sagot ko at umalis sa upuan at hinalikan sa ulo. "Alis na ko babe." Paalam ko sa kanya at tinungo ang parking lot.

Mabilis akong nakabalik sa HQ at pinuntahan si L sa kwarto nya. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko syang natutulog sa kanyang kama. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa noo bago ko inilagay sa mini ref ang pinabili nya.

Pumunta ako sa kwarto ko at naligo at bumalik sa silid ni L. Ganoon parin sya, tulog na tulog. Tumabi ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hinahaplos ko ang kanyang buhok ng maramdaman kong gumalaw sya at humarap saakin. Niyakap nya ako at sinubsob ang mukha sa aking dibdib. Pantay parin ang paghinga nya kaya pinagpatuloy ko ang paghaplos sa buhok nya hanggang sa dinalaw ako ng antok.

Nagising ako kinagabihan at naramdaman kong wala akong katabi. Umupo ako sa kama at hinanap si Lorelie. Narinig kong bumukas ang tubig sa cr kaya pinuntahan ko ang banyo at pagbukas ko ay nakita ko si L na nasa ilalim ng shower at naliligo. Nakahubad ito at kitang kita ko ang hugis ng katawan nya. May umbok ng unti sa ibaba ng kanyang tyan. Siguro lumalaki na si baby kaya ganoon.

Napansin siguro ni L na may nakatingin sa kanya kaya lumingon sya sa pwesto ko at gulag na gulat.

"Quintanilla!" Sigaw nya sa pangalan ko. "Bakit hindi ka marunong kumatok lalo na sa banyo?! Kita mong naliligo ako!"

"Babe, lagi ko namang ginagawa ito. Di ka na nasanay saakin. Ako nga sanay na sayo eh." Kinindatan ko sya. "Gusto mo bang tulungan kita dyan?" Nagsimula na kong magtanggal ng damit.

Kakaalis ko palang ng shirt ko ng marinig ko ang pagpatay ng tubig ng shower. Tinignan ko si L at masama ang tingin nito saakin.

"Pag hindi ka pa lumabas ng banyo lalaki, hindi mo na ako makikita kahit na kelan. Tandaan mo yan" banta nya habang nanglilisik ang mata nya saakin.

Sa takot ko sa banta nya mabilis akong umalis ng banyo at sinarado ko iyon. Ayoko pang mabaliw dahil wala sya sa buhay ko ay mas takot akong umalis sya. Minsan kasi tinototoo ni L ang mga sinasabi nya. Mas lalo na ngayong buntis sya at may bad temper. Baka mas lalong hindi ako pakasalan ni L dahil kalokohan ko.

Humiga na lang ako ulit sa kama at inintay na lumabas sya. Mga ilang minuto din ang tinagal nya sa loob ng banyo bago sya lumabas na nakabihis sando at cotton short.

"Kain tayo sa dining hall, Han. Nagugutom ako" Panlalambing nya saakin. Lumapit pa sya sa lugar ko at hinawakan ako sa braso. "Tara na babe."

"Babe?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Ngayon ko lang syang narinig na tinawag ako sa endearment ko sa kanya. Fuck! Kinikilig ako!

"Bakit? Ayaw mo ba na tawagin kitang babe? Mas gusto mo si Hannah ang tumawag sayo? Fine! Bahala ka na sa buhay mo! Masaya sana kayong magsama ng Hannah mo!" Padabog syang umalis sa kwarto at iniwan ako.

Takang taka ako sa inasal nya pero nagpop out saakin ang pagbubuntis nya.

Sa gabing iyon, hindi ako pinapansin ni L. Hindi nya rin ako pinapasok sa silid nya na kinabadtrip ko. Hindi pa naman ako sanay na hindi sya katabi kaya kinunsulta ko si mama.

"Mukhang pinaglilihian ni Lorelie si Hannah." Tanging sagot saakin ni mama matapos kong ikwento ang nangyari.

"Ma naman! Ayokong ipaglihi ang anak ko sa kanya." Reklamo ko.

"Eh sa iyon ang naiisip ko. Bakit hindi mo nalang tanungin ang mama nya. At saka wala namang ibang rason na pwede."

"Eh mama, baka maging katulad ni Hannah ang unang anak ko. Hindi ako against sa kanila pero ma ayoko talaga"

"Manalangin ka nalang na maging babae ang panganay mo,Yohan" sambit ni papa. "Atleast kagandahan ni Hannah ang mabibigay nya sa anak mo. Be positive nak"

"Tama ang papa mo. At saka kung mangyari nga na maging ganun ang anak nyo ni Lorelie, sure akong hindi tututol ang girlfriend mo. Mabait si Lorelie, Yohan. Blessing ang baby nak"

"I know ma. Siguro tama kayo." Sang-ayon ko. "Pero ma paano ko susuyuin si L? Ayokong matulog sa kwarto ko. Hindi ako sanay na hindi sya katabi"

"Naku, Yohan. Noong laging galit ang mama mo dahil buntis sya, halos lahat ng pwedeng gawing paraan ginawa ko para magbati kami. Kaya ikaw nak, ikaw lang ang makakaalam ng solusyon sa problema mo." Sabi ni papa saakin. "Saka hindi ba gusto mo syang pakasalan? Dapat alam mo ang dapat gawin sa mga ganitong bagay. Trial yan sayo kung mahahandle mo sya o hindi"

Matapos ang pag-uusap namin nila mama at dumiretso ako sa kwarto ni L. Tatlong katok palang ay nagbukas na ang pinto at sinalubong ako ng yakap ni Lore. Narinig ko ang mahina nyang hikbi na kinataranta ko.

"What happen? Bakit ka umiiyak?" Panik kong tanong sa kanya.

"Akala ko kasi galit ka sakin. Akala ko iniwan mo nako kasi hindi mo na ako kinukulit simula kanina" paliwanag nya habang nakasubsob sa dibdib ko. "Im sorry Yohan."

"Tahan na babe. Hindi naman kita iiwan eh. Di ba papakasalan pa kita? Bakit kita iiwan"

"Talaga?" Sabay tingala sakin. "Did you love me, Yohan?"

Masayang ngumiti ako sa kanya at niyakap sya. Pumasok kami ng ganoong posisyon saka ko isinara ang pinto. Inaya ko syang umupo sa kama.

Umupo ako at sumandal sa headboard. Sya naman ay umupo sa lap ko paharap at hinawakan ang pisngi ko.

"Your not answering me, Yohan. Galit ka ba sakin?" Mahinang nya sabi.

Mabilis kong dinampian sya ng halik sa labi sabay sabing.

"I love you, Lorelie Nieva"

Malapad syang ngumiti at hinalikan ako ng mabilis.

"I love you too, Yohan Quintanilla"

Nang marinig ko iyon ay sinungaban ko sya at hinalikan sa labi. Lumalim ng lumalim iyon hanggang sa natagpuan namin ang sarili na umiindayog sa ibabaw ng kama. Kita ko sa kanyang ang kasabikan habang gumagalaw ako sa kanyang ibabaw. Ang gandang nyang pagmasdan sa mga oras na iyon. Ilang saglit pa ay narating namin ang dulo. Humiga ako sa tabi nya at hingal na hingal na niyakap sya ng mahigpit.

"That's mind blowing" komento nya sa ginawa namin.

Natawa ako sa sinabi nya. Humarap sya saakin at sumiksik. Ganoon lang pwesto namin hanggang sa parehas kaming hinala ng antok.