Chapter 11 - 10

"Hi Mam" bati sakin ni Jessie na kakapasok lang sa opisina ko. Pinatong nya ang isang tasang kape sa table at ngumti sakin. "Nga pala mam, may naghahanap kay Sir Yohan."

Kay Yohan? Sino naman ang maghahanap sa kanya dito sa café ko?

"Sino naman?"

"Iyong po na nakayakap ni Sir noon dito sa café"

"Ahh sige pakisabi na antayin kamo ako. Bigyan mo na rin sya ng kape"

Umalis na si Jessie sa opisina pagkatapos kong sabihin iyon. Nagtataka akong sinira ang laptop ko at tinungo ang labas. Nakita ko ang bisita ko na nakangiti habang may kausap sa cellphone nito. Ngumiti ako ng bahagya at nagpakilala na ako ang may-ari. Pinatay na din nya ang cp nya at ngumiti din sakin.

"Hi, Im Bella Maire Soledad. Kaibigan ako ni Han" pakilala nya.

"Lorelie Nieva, nice meeting you miss Soledad" saka ako naglahad ng kamay.

"Just call me Bella. Nice meeting you too" at inabot ang kamay ko. Matapos naming magshake hands ay umupo na ko sa tapat nya.

"Pwede bang tawagin na lang kita Lorelei?" tumango ako at ngumiti sya. "Ahmm gusto ko lang sanang magtanong kung nandito pa ba si Han. Hindi ba dito sya nagtatrabaho?"

"Oo pero minsan lang sya. Parang part time lang pag may oras sya. Bakit?"

"Ahhh. Kasi hindi ko na sya nakikita dito. Umalis na ba sya?"

"Ahmm hindi na nga sya nagtatrabaho this past few days sabi ng katiwala ko dito. Nasa bakasyon kasi ako kaya hindi ko sya namonitor"

"Ganun ba?" malungkot nya sabi.

Naging tahimik kaming dalawa. Bigla kong naisip si Yohan sa mga sandaling ito. Hindi sya nagparamdam dito sa store sabi Jessie. Wala rin akong balita sa HQ dahil ayoko pang alamin ang mga nangyari pagkatapos kong umalis.

Mahigit isang buwan din akong bakasyon sa mga magulang ko. Nag on leave ako sa trabaho sa ROSE at dito sa café. Noong una ay mabigat pa rin ang loob ko ang lahat. Hindi alam ng mga magulang kung bakit ako matamlay at nanghihina. Habang nandodoon ako ay marami akong nararamdaman. Lagi akong nahihilo, marami ako kumain, at antukin. Nagulat nga si mama ng masuka isang beses sa amoy ng luya.

Nagtataka na sila sa sitwasyon ko kaya minabuti nilang dalhin ako sa ospital. Nalaman kong buntis ako at nagtatanong sila kung sino ang ama. Wala akong sinagot sa kanila na inirespeto nila. Sa mga sumunod na araw ay naging mas maselan ako. Mapili ako sa pagkain at sa umaga naman ay sumusuka ako. Dala ng stress at pag-iisip, dinugo ako dinala sa ospital.

Mabuti nalang at healthy ang baby ko at mahigpit parin ang kapit. Nang time na iyon naisip kung ayusin ang buhay. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang sarili. Mas iniunti kong minamahal ang sarili ko at ang baby ko. Masayang masaya si mama na naging ok ako pero nag-aalala din dahil nagdesisyon na kong bumalik dito. Babalik din naman ako doon pero hindi muna ngayon dahil aasikasuhin ko ang store. Marami na akong plano para sakin at sa baby ko.

"Im sorry to ask you pero hindi nya ba sinabi sainyo na kung saan sya pupunta?" basag ni Bella sa katahimikan namin. Umiling ako sa kanya. "Ganun ba? Iyong boyfriend ko kasi hinahanap sya eh matapos ko syang hiwalayan dito ay hindi na sya nagpakita sakin"

Nagulat ako sa sinabi nya. Ibig sabihin noong araw na iyon, noong araw na niyakap sya ni Yohan ay doon nakipagbreak si Bella sa kanya. Si Bella ba iyong sinasabi ni H na mahal nya? Pero pwede naman si Hannah?

Naiinis ako kasi nag-iisip na naman ako nang ganito. Ngayon lang ulit gumana ang utak ko at nag-isip tungkol kay Yohan at sa nangyari saamin. Kinuyom ko ang kamay ko. Dapat malaman ko na ang lahat. Ayoko ng maging tanga.

"Sorry Bella pero pwede mo ba akong kwentuhan kung anong meron kay Yohan"

"Bakit naman? Hindi ba empleyado mo sya dito? Hindi ba sya nagkukwento ng tungkol sa buhay nya"

"Hindi eh"

"Ganun." Nagpout sya. "Ang lalaking iyon talaga. Pasensya na sa kanya, hindi talaga iyon mahilig magkwento ng mga bagay-bagay. Mas mahilig mang-asar iyon at maglaro. Bet is his game. Kaya nga kami nagkaroon ng secret relationship noon dahil sa laro nya"

"Secret?" ibig sabihin iyong relasyon nila ay sekreto? How come eh alam ni H ang tungkol doon?

"Oo" nangalumbaba sya sa harap ko. "Friends kami ng college at crush ko sya noon. Naging kami dahil sa isang laro at kung sino ang mafall saamin ay makikipagbreak. Umamin ako katagalan sa kanya pero hindi nya ako hinawalayan. He changed the game. Sabi nya pag daw ako, may nagustuhang iba ay magbrebreak kami. And it took 11 years relationship bago ko nahanap ang boss ko."

11 years naging sila ni Yohan! Literal na lumaki ang mata at nagtakip ng bibig. All in all kabit talaga ako kasi ako ang pangatlo. Hindi ko napigilang humikbi siguro dala ng pagdadanlatao ko. Sabi rin saakin ng doktor na may pagkaemotional ang mga buntis.

Nagpanik si Bella sa nangyari saakin. Kaagad nya akong inabutan ng tissue na galing sa bag nya. Kinuha ko iyon at pinampunas ko. Pinakalma ko ang sarili ko bago ako magsalita.

"Sorry kung naiyak ako. Sige ituloy mo iyong kwento" habang nagpapahid parin ako ng luha.

"Are you okay? Lah wala akong ginagawa ah! Baka pagbintangan ako ng employee mo"

"No its hormones. Normal lang ito sakin dahil buntis ako." And she's shock.

"Really?! Oh my congratulations sayo! Sana maging healthy ang baby mo" bati nya sakin. "Pwede bang maging ninang ako nyan. Tutal friends na rin naman tayo kahit na ngayon lang tayo nagkausap"

"Thanks Bella. Sure pwede ka nyang maging ninang" ngiti kong sagot. "Ahmm back to the topic. 11 years naging kayo ni Han. Wow! Ang tagal nyo!"

"Yah, pero nag-iba ang ihip ng hangin dahil na inlab ako sa boss ko. Akala ko nga magagalit saakin si Han pero naging ok naman ang pahihiwalay namin." Masaya nyang tugon.

"Ganun ba. Nga pala Bella"

"Hmmm?"

"Habang kayo ba, naisip mo ba na baka may karelasyon sya? Di ba secret lang kayo?"

"Hmmm kung iisipin ko ngayon yan, hmmm siguro oo baka meron"

"Paano mo naman nasabi?"

Ngumiti sya saakin. Hindi nya ako sinagot bagkus may kinuha sya sa bag at iniabot saakin ang isang maliit na sulat. Nagtataka aking tinignan sya.

"Paano ko nasabi? Hmmm well, kasi buntis ka at umiyak ka nung kinuwento ko sayo ang tungkol sa sekreto namin"

Gulat akong tinignan sya na umiinom ng kape. "Paano mo nalaman?"

"Nagkwento sya saakin noon na may babae na syang nagugustuhan. Ang akala ko noon ay ako iyon pero hindi. Nakita ko ang picture mo sa cellphone nya 3 years ago. Magkaholding hands kayo at masayang nakangiti sa picture. Alam kung iyon na ang katapusan naming dalawa pero hindi sya nakipaghiwalay. Sabi nya saakin na mayroon daw syang ginagawang experiment. Nalaman ko sa boss ko na sya pala iyong pinagtitripan ni Han kaya ayaw nya pangmakipaghiwalay.

"Masaya ako sa kanya ngayon dahil nakilala ka nya. Paniguradong pahahalagahan ka nya kasi may nangyari sainyo. Sabi nya noon na kapag sure na sya sa aasawahin nya, bubuntisin nya daw iyon agad para wala ng kawala. Yan!" turo nya sa tyan ko. "Yan ang pruweba na ikaw ang mahal nya. Please Lorelie wag mo ng syang pahirapan dahil sa past naming dalawa. Nagpakita sya saakin kahapon at binigay nya iyang sulat saakin. Hindi ko iyan binasa kasi sabi nya. Inutusan nya akong ibigay ko sa iyo. Kaso wala talaga sya dito at talagang tinotoo nya na maggagala mo na dahil sa away nyo."

"Pinuntahan ka nya? Kamusta na raw sya?" nag-alala kong tanong.

Sasagot palang si Bella ng sumulpot si H sa tabi namin. Ngumiti si H kay Bella.

"Pwede ko bang mahiram si Bestfriend Lore?"

"Sure. Paalis narin ako kasi hinahanap na ko ng jowa ko" bumaling sya saakin. "Alis na ko Lorelie. Basahin mo yan at makipagbati na sa kanya. Dalaw ako dito minsan para makipagchika"

"Welcome ka dito Bella. Ingat ka"

" Ikaw din at ang baby mo. Bye!" paalam nya at mabilis na umalis habang nagtitipa sa cp nya.

Umupo sa upuan ni Bella si H at nakangiting nakatingin saakin. Bigla nalang syang kumisay-kisay sa harap ko at sinundot sundot ako sa balikat.

"Ikaw ah. May baby na pala kayo ni Kuya tas hindi ka nagsasabi saakin" tinaasan ko sya ng kilay. "Ang emote kasi ng kuya ko at ayaw kang sundan noong nakaraan. Alam mo bang halos gabi-gabi iyong natutulog sa kwarto mo sa HQ"

"Bakit ka ba nandito?"

"Taray mo te!" At sumimangot sa harap ko. "Sasabihin ko lang naman sayo na iyong Hannah Fortini na binanggit mo kay Kuya ay pinsan naming lalaki na may gusto sa kanya."

"At bakit naman ako maniniwala sayo?" mas inarkuhan ko sya ng kilay.

"Ikaw naman, di mabiro" umupo sya ng maayos at tinaasan din ako ng kilay. "Pumunta kana sa ROSE. Pinapareport ka ni boss dahil ang tagal mo ng on leave. Tambak na ang trabaho mo"

"Hindi ako pwede magtrabaho. Buntis ako. Bawal ako sa field pero baka pwede ako sa ibang bagay." Tumayo at tinawag si Jessie. "Ikaw na ang bahala dito sa store." Tumango sya at bumalik sa trabaho. "Lika na H. Miss ko na ang amoy doon."

Malapad syang ngumiti at tumayo. Inakbayan nya ako habang naglalakad. Sumakay ako sa kotse at nagseatbelt. Hindi ko alam na nakasakay na sya kasi bigla nalang nagstart ang kotse at mabilis na umalis kami sa store.

"Dahan dahan H, baka mapano ang baby ko sa bilis ng pagpapatakbo mo" paalala ko sa kanya. Binagalan nya rin naman agad ito.

"Sorry babe. Pangako hindi ko na ulit bibilisan ang pagmamaneho lalo na buntis ka" sagot sakin ni H na hindi si H dahil boses lalaki iyon at kilala ko ang boses na iyon.

Mabilis kung tinignan ang driver seat at nakita ko doon ang taong ayoko pang makita.

"Yohan"