Chapter 13 - 12

Maingat akong nag-inat ng braso at nagmulat ng mata. Tumambad saakin ang mukha ni Yohan na nakapatong saakin ngayon umaga. Nakangisi ito at parang aliw na aliw sa nakikita nya.

"Good morning babe" sabay halik sa labi ko. "Good morning din sayo baby" saka gumapang papunta sa tyan ko at hinalikan iyon. Napangiti ako at lumubog ang puso ko dahil sa ginawa nya.

"I cook your breakfast babe. Nakahanda na iyon sa baba at ikaw nalang at si baby ang kulang." Pagbalik nya sa mukha ko. "Stand babe. Bibihisan pa kita"

Kinikilig ako sa sinasabi nya pero hindi ko iyon pinahahalata. Umalis sya sa ibabaw ko at tumungo sa closet. Ako naman ay umupo at tinakpan ang hubad kong katawan. Bumalik sya sa kama at hinila nya ang kumot na nakabalot saakin at sinuotan ako ng t-shirt saka ako pinatayo at sinuotan ng boxer. Nahihiya ako sa kanya pero hindi sya nagpapapigil. He even tie my messy hair bago ako binuhat at lumabas ng kwarto para mag-almusal.

When we arrive in the dining room, pinaupo nya ako sa isang wooden chair at doon sa tapat ko inilapag nya ang pagkain. It smells so delicious pero bigla akong naduwal ng maamoy ko ang luya. I don't know what was the food he made but it has a ginger smell and i dont like it.

Mabilis akong lumapit sa lababo at sumuka. Naramdaman ko na lumapit saakin si Yohan at hinagod ang likod ko. He's so worried about me and asking me what is happening pero di ko sya masagot kasi tuloy-tuloy ang pagsuka ko. Nang matapos iyon ay inabutan ako ng tubig ni Yohan na agad kung ininom bago ako nanghihinang sumandal sa kanya.

"What happen babe? Bakit ka sumuka?" Pag-aalala nya sakin. "Gusto mo bang dalhin kita sa doktor?"

"No. It just that I dont like ginger Yohan. Nasusuka ako pag naamoy ko iyon. Please throw it away kung hindi aawayin kita"

"But its your food. Its your—"

Humiwalay ako sa kanya at masamang tumingin. "Quintanilla throw it or hindi ka tatabi sakin ng dalawang linggo! Mamili ka"

Iniwan ko sya sa dining area at pumunta sa sofa. Itinuon ko ang atensyon ko sa panonood ng TV nang may biglang pumasok. Si Hannah iyon at may dalang tupperware. Kahit alam ko kung sino na sya, naiinis parin akong makita ang mukha nya. Tinaasan ko sya ng kilay ng makita nya ako. She didn't bother my presence and continue walking to Yohan na kakalabas lang kusina at may dalang tray.

"Good morning Hannie. May dala akong breakfast para sayo" bati nya kay Yohan. Ang lalaki naman ay ngumiwi sa inasal ng pinsan nya at lumapit sa kinaroroonan ko at inilapag ang tray.

"Wala na yang ginger babe. Kain ka na at baka gutom na si baby" saka sya tumabi saakin.

Akmang susubuan nya ako ng lumapit si Hannah saamin at humarang sa pinanonood ko. Naglabasan lahat ng itim na awra sa paligid ko dahil naiistorbo ako sa panonood ng Phineas and Ferb. Masamang tinignan ko ang pinsan ni Yohan na walang balak umalis sa harap ng tv. Hindi naman umiimik ang katabi ko.

"Umalis ka dyan at nanonood ako." Galit kong sabi kay Hannah pero umirap lang sya saakin at bumaling kay Yohan.

"Hannie ko, kain ka na. Susubu—"

Hindi na natapos ang sasabihin nya ng binato ko sya ng tinidor. Hindi iyon tumama sa kanya bagkus tumama iyon sa tv na kinatumba nito. Nang hindi parin sya gumalaw ay hahawakan ko na ang kutsilyo na nasa tray pero iniwas iyon ni Yohan at tinapon sa ibang lugar. Masamang tinignan ko sya pero nakatingin ito kay Hannah.

"Please leave us alone Hannah. Akala ko ba ay hindi ka ng mangugulo pa?" Maawtoridad nito sabi sa babaeng may gulat paring ekspresyon sa ginawa ko. "Leave Hannah or I will tell tito about this. Alam nating parehas na malalagot ka kapag nalaman nilang nangugulo ka na naman"

"Dont tell kuya to my father. Fine, hindi na" padabog itong umalis sa sala.

Binalingan ako ni Yohan.

"Dont do that L. Hindi iyon maganda. Baka may ma—" pinatigil ko sya sa pagsasalita.

"Then leave me. Hindi ko alam kung bakit ako inis sa kanya pero naiinis talaga ako sa kanya. Maybe its my pregnancy kaya ganito.ako towards sa kanya." Sa ibang direksyon ako tumingin bago ulit nagsalita. "If you cannot handle my temper and my attitude lalo na ganito akong buntis. Mas mabuti pang iwan mo nalang ako. Kaya ko naman ang sarili ko"

Nagsimula akong humikbi sa tabi nya. Narinig ko syang bumuntong hininga bago nya ako niyakap at hinapit palapit sa kanya. Umiiyak ako habang hinahaplos nya ang braso ko at sinusuyong tumahan na.

"I forgot about that things. Nasabi na saakin ng doktor na kinunsultahan ko na may ganitong bagay ang mga buntis. Sensitive and always has a temper. Pero hindi naman kita iiwan dahil ganito ka. Its the baby kaya ka ganito ngayon and its normal. I just don't want you to hurt your self. Papakasalan nga kita tapos iiwan kita dahil dito? Im not that man babe" paliwanag nya habang magkayakap kami.

"Im sorry Yohan. It just that hindi ko lang mapigilang mainis sa kanya."

"Maybe we should go home tommorow. Wala naman akong balak magtaggal dito. Ayoko ding may mangyari saiyong masama dahil kay Hannah. Baka mapatulan ko sya ng di oras pag nangyari iyon."

"Okay, lets go home tommorow then. Miss ko na ang HQ at si D."

"Kain ka na babe. Malilipasan ka na"

Tinanggal nya ang yakap nya at sinimulan akong subuan. Matapos noon ay bumalik kami sa kwarto at nagkwentuhang dalawa. Sa ganoong paraan naming pinalagpas ang oras hanggang sa nagtanghalian at naghapunan na. Sa kwarto na nya ako pinapakain dahil sa kadahilanan na baka daw mapagod ako sa pag-akyat baba.

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nahiga na kami sa kama. Kinukulit nya akong gawin iyon pero tinulugan ko nalang sya dahil antok na ko. Kinabukasan ay nakabusangot sya at hindi ako pinapansin. Hindi ko rin sya pinapansin hanggang sa nasa kotse kami at pabalik na.

Nasa byahe kami ng tumigil ang kotse dahil sa trapik. Naramdaman kong lumingon sya saakin pero hindi ko sya binalingan. Naririnig ko ang himutok nya dahil sa nangyari kagabing pagtulog ko at di sya pinagbigyan. Naiinis ko syang binalingan at nakita kong natakot sya dahil sa titig ko.

"Hindi na. Hindi na" suko nya at tinuon ang sarili sa pagdadrive.

Nakarating kami sa ROSE at sinalubong kami ng confetti ng mga agents. Natatawa ako sa mga bati nila at pagtatanong kung sino ang magiging bridemaids at kung may bachelorette na magaganap. Si Yohan naman ay pinagkaguluhan ng mga lalaki at tinatanong kung kelan ang bachelor's party. Sinamaan ko ng tingin ang mga lalaki at si Yohan.

"Subukan mo lang Yohan. Yang mga plano nyong hindi ko gusto pagginawa nyo, makikita mo ang hinahanap mo" babala ko sa kanya. Nagpout sya saakin at niyakap ako.

"Sila lang naman iyon eh. Hindi ko naman balak na magpaparty eh"

"Uy hindi pwede yun pre!" Reklamo nila kaya tinignan ko sila ng masama. Tumahimik sila pagkatapos non at tinawanan ng mga babae.

"Buti nga sainyo. Puro kasi kalokohan ang alam nyo" sabi ni D.

"Kaya nga. Noong kay Sam at Walter halos maghiwalay na ang dalawa dahil sa kagaguhan nyo. Pati pa naman kanila Yohan gagawin nyo iyon." Si Fran na nakatingin sa mga lalaking halatang guilty sa mga ginawa nila bago ang kasal ng dalawang agent noon. Mga pasaway kasi.

"Tara na babe. Baka ayain na naman nila ako eh. Doon na tayo sa kwarto mo" yaya ni Han at hinila ako papaalis doon.

Habang naglalakad kami ay humarang saamin si Sir Rigo at tinignan si Yohan.

"Pwede ko bang hiramin si Yohan, Lorelie. May pag-uusapan lang kaming dalawa sa opisina." Paalam nito saakin.

"Ok lang sir." Sang-ayon ko at tinignan si Han. "Sige na mag-usap na kayo ni sir. Didiretso na ko sa kwarto." At nauna na kong maglakad at iniwan sila.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at tinignan iyon. Malinis ang paligid at maayos ang mga gamit ko na parang walang gumagalaw. Napagdesisyunan kong maligo at dumiretso ako sa banyo. Halos 30 minutes din ako doon at paglabas ko wala parin si Yohan. Nag-aalala akong nagbihis at inantay sya habang nakahiga sa kama.

Marami akong ginawa para mapalipas ko ang oras habang nag-aantay kay Yohan. Nagfacebook ako at nanood ng mga videos. Nang mapagod ako kakascroll ay binuksan ko ang tv at nanonood ng palabas. Inilipat ko sa channel na pambata at pinanood ko ang Phineas and Ferb.

"Bumili kaya ako ng dvd nito. Parang trip ko syang panoorin lagi" sabi ko sa sarili habang nanonood.

Natapos na ang palabas pero wala paring Yohan na dumating. Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa dining hall at tinignan ko ang menu. Nakita kong mayroong carbonara sa menu kaya nag-order ako. Masayang tinanggap ko ang carbonara at pumunta sa pinakamalapit na table para kumain.

Halos mauubos ko na ang pagkain ko ng umupo si Yohan sa harapan ko. Nakita ko ang pag-aalala nya sa mukha nya at hingal.

"Bat parang napagod ka? Pinag-exercise kaba ni boss sa opisina?" Takang tanong ko. Umiling lang sya saakin at nangalumbaba.

"Tumakbo ako papunta sa kwarto natin ng matapos kaming mag-usap ni Papa. Tas wala ka doon kaya nag-aalala ako bigla. Hinanap kita at natagpuan dito." Paliwanag nya. Nagpout ako at naghingi ng sorry. Ngumiti lang sya at kinurot ang pisngi ko ng bahagya.

"Ok lang. Hindi ka naman umalis eh. Kumain kalang naman. Nagutom ba kayo ni Baby kaya ka nandito?" Tumango ako. "May gusto ka bang kainin or may kinicrave ka bang food?"

"Wala naman akong gustong kainin porket sa ayaw ko ng luya at amoy non." Sagot ko. "Pero dahil tinanong mo yan, Im craving for ice cream. And I think strawberry ice cream. Can you buy me?" Lambing ko sa kanya.

"Yes babe. Hintayin mo lang ako dito or sa kwarto mo. I will buy your ice cream." Umalis sya sa upuan at hinalikan ako sa ulo bago nagpaalam na bibili na.

Excited akong inubos ang carbonara at pumunta sa kwarto. Doon ko nalang sya aantayin dahil inaantok na ko.

My baby is so antukin kaya siguro antukin na din ako. Naku baby wag ka sanang lumaking ganon paglabas mo ah

Hinaplos ko ang tyan ko na hindi pa umumbok dahil weeks palang ito. Siguradong matutuwa si Yohan kapag naramdaman na nya itong sumipa pagmalaki na.

Nakakaexcite isipin!