Chapter 9 - 8

Yohan's

Kanina ko pa tinatawagan si Lorelie at kanina nya pa ako hindi sinasagot. Wala sya sa Brewed ng pumunta ako doon at nang tinanong ko ang empleyado nyang si Jessie, hindi daw ito pumasok at may pinuntahang event. Hindi ko rin sya matrack kahit si Fran din. Wala din sa ROSE. Hindi daw ito dumalaw doon.

Nag-aalala akong pinuntahan ang kapatid kong si Helena na nasa amo nya. Gamit ang kotse ko, pinaharurot ko ito sa subdivision kung saan doon nakatira ang amo nya. Tinawagan ko sya habang nagdadrive.

"Hello Kuya. Bakit ka napatawag?"

"Lumabas ka. May itatanong ako sayo"

"Nasa trabaho pa ako"

"Its urgent H. Hindi ko mahanap si Lorelie at kahit si Fran hindi sya matrack"

"Ok wait a minute"

Binaba nya ang tawag.

Pinarada ko ang kotse sa harap ng isang bahay. Lumabas doon ang kapatid kong nakashorts at sando lang. Tinignan ko sya ng masama dahil sa itsura nya. Lumabas ako ng kotse at sinalubong ko ang kapatid ko.

"Bakit ganyan ang suot mo Helena Marquis? Lalaki ang kasama mo sa bahay na iyan, tas ganyan ka manamit?" galit kong sabi sa kanya na kinibit balikat nya lang.

"Walang basagan ng trip kuya. Bakit ba hindi mo mahanap si L? May ginawa ka ba kaya nagtatago sya sayo?" sumandal sa sasakyan. "Kung sabagay, kung ako din sya ay tataguan kita lalo na pagnalaman ko ang bagay na iyon"

"Hindi nya iyon malalaman. Tapos na din naman."

"How sure you are kuya? Baka nga mamaya magtanong na saakin si L tungkol sayo at sa past mo. No offense pero baka ikwento ko iyon"

"Don't try me Helena. Alam mo naman na masasaktan si Lore pagnalaman nya iyon. I don't wanna hurt her"

"Kuya, kahit saang anggulo mo tignan ang sekreto mo, malalaman nya pa din. At kahit ano pa ang dahilan mo, masasaktan pa din sya. Sinabi ko sa iyo noon na kung hindi mo hihiwalayan ang babaeng iyon, wag mo ring liligawan si Lore." Tumingin sya sakin. "At kahit pa kuya kita at kadugo, kung sasaktan mo ng sobra ang kaibigan ko. Pasensyahan na lang tayo, pero kuya igaganti ko sya at magagalit ako sayo"

"It will not gonna happen, trust me. I'm making her mine now and as far as I know she is in love with me deeply. At kailangan ko iyong mas palalimin pa para hindi nya ako iwan dahil lang sa sekreto ko."

"You're crazy Yohan. I don't think I can support you lalo na ngayon. Alam nating pareho na hindi mo sya mahal Yohan. Hindi sya ang taong nagpapatibok ng puso. Stop this shit kuya."

"No. Ayoko" pinaledad kong sagot sa kanya. Inirapan nya lang ako at naglabas ng cellphone sa bulsa ng short nya. Tinignan ko ng masama ang damit nyang maikli. Hindi talaga ako komportable sa damit nya.

"Oh? Andyan ba si Lorelie? Eh sa ganito ako mag hello eh! Oh? Bakit mo naman pinayagan alam  mo namang mahina sya sa ganyan? Seriously, Brey! Mahina ang tolerance ni Lorelei sa alak"

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Helena. Akmang hahablutin ko sana ang cp nya ng ilayo nya ito saakin sabay patay ng tawag. Binelatan nya ako saka naglakad ng mabilis papasok sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Inis akong susunod sa kanya para palabasin sya sa loob ng magvibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Tinignan ko ang nagtext at napangiti ng makita ko ang pangalan. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse at pinandar papunta sa lugar kung saan sya naroon.

Tumunog ulit ang cp ko pero inend call ko nalang iyon kahit hindi ko nakita kung sino ang caller. Paniguradong sya lang iyon.

Lorelie's

Mabilis kong sinapo ang ulo ng magising ako kinabuksan. Matagal ding pinupukpok ang ulo dahil sa pag-inom ko kagabi.

Mabilis lang akong tinubuan ng kalasingan at hindi ko na alam ang nangyari. Nagising nalang ako dito sa kama at masakit ang ulo.

"Buti nagising kana" boses ng isang hindi pamilyar na lalaki.

Nakapikit pa ako dahil sa hang over at hindi ko makita kung sino ang lalaki na nagsalita sa loob ng kwarto ko. Maingat akong umupo at sapo parin ang masakit kong ulo nang biglang may umupo sa kama.

"Here" saka kinuha ang kamay ko. "Drink it for your hang over."

Mabilis ko naman na ininom ang gamot at inabot ang tubig na hawak nya. Humiga ulit ako sa kama at hindi na inabala ang lalaking hindi ko kilala na nasa room ko ngayon. Mas ituon ko ang sarili ko sa ulo kong unti-unti naring nagiging stable. Mga ilang minuto din bago nawala ang sakit. Doon ko lang naisipang dumilat at tignan ang paligid.

"Buti naman at maayos kana. Mag-agahan ka na dito" boses ulit ng lalaki.

Umupo ako para tignan sya at laking gulat kung hindi ito ang kwarto na binigay sakin ni Brey.

"Bat, bakit nandito ako?" bulong ko sa sarili ko na narinig siguro noong lalaking nasa mini kitchen. Nilingon nya ako at nginitian.

"Sorry hindi na kita na ilipat sa kabilang kwarto na obviously kwarto mo. Bigla ka nalang kasing kumatok sa pintuan ko kagabi at sininghalan ako dahil nagloko daw ako sayo." Natatawa nyang sabi saakin. "Hindi kita napigilan na pumasok dito sa loob at humiga sa kama ko."

"No way! Did I really did that? Oh my gosh!" nahihiya akong tinignan ang lalaking naperwisyo ko atah kagabi. "Im sorry sir. Nalasing kasi ako kagabi kaya siguro kung ano-anong ginawa ko"

"It's okay though damit ko iyong suot mo ngayon" saka tinuro ako.

Tinignan ko ang suot ko at nakita kong nakapolo shirt ako pero iyong suot ko na pants ay iyon padin.

"I call Aubrey about your situation. She went here and curse you habang nakahiga sa kama. She tell me to use my extra shirt for you. Wag kang mag-alala sya ang nagpalit sayo. Balak pa nga sana namin na ilipat ka sa kwarto mo kaso you're room is messy. Sa sobrang gulo nun para ng tambakan ng basura sabi Aubrey"

"Really? Naku sorry sa nangyari kagabi" guilty kong sabi. "I will bring back your shirt once na magkita tayo ulit or I will give it to Brey"

"Its okay kahit hindi mo na ibalik" inilapag nya sa table ang luto nyang pagkain. "Lets eat"

"Ok lang ba na sumabay ako? Nakakahiya eh. Naistorbo na nga kita kagabi" tumayo ako sa kama at inilapit sya. Yumuko ako ng bahagya at humingi ng tawad. "Sorry talaga"

"Its okay miss. Wala namang kaso sakin iyon. You're forgiven because your beautiful" playfully he smile and pat my head lightly. "Kumain ka na kasi hinabilin ka sakin ni Aubrey."

"Loko. Kung okay lang sayo. Sige kakain na ko. Gutom na rin naman ako"

Ngumiti sya ng malapad at pinaghila ako ng upuan. Sya na rin ang nagsandok saakin ng pagkain. We start eating while we introduce ourselves to each other. Nalaman ko na kaibigan nya si Brey at ex-fling nya ang babae. Galing sya sa isang kasal bago daw sya tumungo dito sa bar para uminom at magliwaliw. Kinuwentuhan nya pa ako sa mga ginawa ko kagabi na nakakahiya at mga sinasabi sakin ni Aubrey habang binibihisan ako. May kinunwento din sya tungkol sa mga bagay na nakakatawa at mga discovery nya. He likes to travel at past time nyang magroadtrip.

Halos ganoon ang siste namin habang kumakain. Hindi ako nakaramdam ng awkwardness kasi hindi sya nawawalan ng topic. When we finish eating, sya ang nagligpit at ako nagvolunteer naman akong maghugas para makabawi ako sa ginawa ko sa kanya. Napilitan syang ibigay sakin ang gusto ko at pumunta sa coach para magpahinga siguro.

Patapos na ko sa paghuhugas nang may kumatok sa pinto na agad namang pinagbuksan ni Kevin. Habang nakatalikod at busy sa pagpupunas ng kamay ko matapos maghugas ay nakarinig ako ng lagabog at mura. Lumingon ako at nakita ko si Kevin na duguan ang labi habang nakahiga sa sahig. Tinignan ko ang taong dahilan non at nanlaki ang mata ko ng makita si Yohan na nakatingin saakin.

Nanlilisik ang mga mata nya at ramdam ko ang tagos sa buto nyang tingin. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Kung tutulungan ko ba si Kevin o kakausapin ko kaagad si Yohan para magpaliwanag? Pero heto ako nakatingin lang sa kanya. Hindi ako makagalaw sa pagkakalingon ko sa kanilang dalawa.

Nakita kong tumayo si Kevin at may tinawagan. Narinig ko ang pangalan ni Aubrey kay Kevin. Medyo natuwa ako sapagkat may dadating saamin o saakin na pwedeng tumulong sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi umalis si Yohan sa pagkakatayo nya. Minura nya lang ako. Minura nya lang ako dahil sa nadatnan nya sa kwarto. Nagagalit syang suot ko ang hindi pamilyar sa kanyang damit. Inaawat sya ni Kevin pero hindi ito lumapit sa lalaki. Nakadistansya sa dito. Hindi nya rin ako nilapitan kahit na sinabihan ako ng kung ano-anong paratang ng lalaking minamahal ko.

"Are you going to be silent L?! Explain to me this fucking shit! Kinokontak kita kagabi kasi hindi kita nakita sa Brewed! Hindi rin alam nila Fran at D kung nasaan ka! Kung hindi pa ako sinabihan ni Helena kung saang lupalop ka pumunta baka hindi ko naabutan ito!" galit na galit nyang sabi sakin. "Tell me Nieva! Matagal na ba ito?! Oh sure matagal na ito!"

Hindi ako sumagot sa tanong nya kasi sya rin naman ang sumasagot. Hindi ako makatyempo at wala rin sigurong balak ang bibig kung bumuka. Hindi ko maramdamang maiyak kahit he seeing me as a cheater.

"Hey man. Wag mo namang akusahan ang girlfriend mo kung hindi mo alam ang kwento. Its not true. Aksidente lang na dito sya pinatuloy ni Aubrey dahil makalat ang kwarto nya dahil sa kalasingan nya kagabi" paliwanag ni Kevin sa nagbabagang si Yohan.

Pumasok si Aubrey sa loob kasama ang bartender nya. Tinanong nito kung anong nangyari pero iyong dalawa ang sumasagot.

"Sir, my friend Lorelie, hindi nya gagawin ang sinasabi mo. And as you concern and for your madness, ako ang naglipat sa kanya dito" rinig kong boses ni Brey.

"At bakit naman ako makikinig sayo?! Paniguradong pinagtatakpan mo lang ang sitwasyon" galit nyang sagot kay Aubrey. "Look at her, she's not responding. And I know na kapag hindi sya sumasagot ay totoo iyon. She's cheating on me. And this bastard is her affair! I will kill him in stealing my girl!"

Tinignan ko syang susuntukin ulit si Kevin ng humarang ang bartender ng bar.

Hindi ko alam pero may gusto akong alalahanin kaya ako naglasing ng todo-todo kagabi. Its not my hobby na maglasing ng grabe pero ang instinct ko ang nagsasabi sakin na may pinaghuhugutan ako ng mga oras na iyon para sugurin ko dito si Kevin at sigawan na niloloko ko nya ako.

Unti-unting nagpop out sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Doon sa pag-inom ko ng wine hanggang sa pumunta ako sa kama ni Kevin at doon natulog. Malungkot kung sinapo ang dibdib ko at galit kung tinignan si Yohan na hanggang ngayon inaawat parin nung bartender.

"Bella Maire Soledad" mahina pero sinigurado kong rinig nya. Napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin na saakin.

"Babe" gulat na gulat sya nang banggitin ko ang pangalan ng babaeng nakita kong kayakap nya sa café ko.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang luhang unang pumatak saakin ngayong araw. Malungkot akong ngumiti sa kanya bago ko binanggit ang isa pang pangalan na kagabi ko lang nalaman.

"Hanna Fortini"

Mas lalong nanlaki ang mata nya sa sinabi. I smile widely while telling the most hurtful words I don't want to say.

"Lets break up Yohan Quintanilla. Im tired"