Chapter 10 - 9

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa kwarto ni Kevin. Basta natagpuan ko na lang ang sarili kong pababa na at lumabas ng bar. Nakapaandar na rin ako ng motor at tinahak ang daan papunta sa ROSE. Hindi ko alam kung bakit iyon ang una kung naisip na puntahan samantalang makikita ako doon ni Yohan.

Bumaba ako sa motor at mabilis na pumunta sa kwarto ko sa loob ng HQ. Pagkasarado ko ng pinto, bumuhos ang luha ko. Napaupo ako sa sahig at humagulgol sa sakit na nararamdaman ko.

Naalala ko na ang lahat ng nangyari kagabi.

Habang umiinom ako ng wine sa sofa kagabi, kinuha ko ang cellphone ko. Nakita ko ang mga missed calls ni Yohan sakin at mga text messages na hindi nya raw ako mahanap. Tinawagan ko sya kaagad pero bigla nyang pinatay. Naiinis akong tinapon ang cp ko dahil sa pagpatay nya. Buti nalang at hindi nasira. Mga ilang minuto bago ko ulit hawakan ang cp ko para tawagan sya. Nariring iyon. Tatlong beses ko syang tinawagan at sa pangatlo pa lang nya sinagot iyon. Magsasalita sana ako ng ibang boses ang narinig ko.

"Hello? Ahmm nasa banyo si Hannie. Naliligo sya." Boses ng babae ang narinig kong sumagot ng telepono nya.

Umarko ang mata ko noong mga oras na iyon. Hannie ang tawag nya kay Yohan.

"Ahmmm….. sino toh?" sagot ko sa kanya.

"Ahhh si Hannah Fortini ito. Girlfriend ni Yohan. Ahhmmmm…. Miss Nieva. As I said nasa banyo pa sya at naliligo. Don't get me wrong in calling your name. Ito kasi ang nakalagay sa caller ID mo" taray na sagot ng babae sakin. Madiin nya ring sinabi ang girlfriend word na kinapantig ng tenga.

"How sure you're his girlfriend? Hindi ko alam na may girlfriend na si Quintanilla?" tanong ko sa babae kahit na gusto ko syang singhalan at sabihang girlfriend ako ni Yohan.

"Ohh, we've been in relationship for five years miss Nieva. And also her sister knows it. Sino ka ba para magtanong ? Kabit ka ba ni Yohan? Oh no, ikaw ba ng lumalandi sa Hannie ko?!"

Naiinis ako sa babaeng kausap ko ng mga oras na iyon pero namanage ko paring hindi magalit.

"No Im not. Im just shock na may jowa sya." Huminga ako ng malalim. "Katrabaho nya ako. May itatanong sana ako kaso mukhang busy sya ngayon."

"Oh sorry miss" lambing nitong sabi sakin. "I just thought na baka ikaw yung babaeng text ng text sa kanya."

"Hannah! Paabot naman ng damit ko!" rinig ko sa kabilang linya. Boses iyon ni Yohan at hindinako pwedeng magkamali.

Pinigilan kung umiyak habang nasa telepono. Nagpaalam ako kaagad sa kanya at binaba ang cellphone. Nakatingin ako sa kawalan habang iniisip ko kung ano iyong nangyari.

May babae sya? 5 years? Ibig sabihin ako ang kabit saaming dalawa?

I started crying. Halos iyon ang rinig ko sa buong kwarto. Hikbi at iyak ko at walang nakakarinig noon. Hanggang sa nagwala ako loob ng kwarto. Doon ko itinuon ang galit ko, iyong lungkot ng puso at mga emosyong naghalo-halo sa dibdib ko. Habang ginagawa ko iyon ay malakas akong sumisigaw. Parang iyon lang ang kaya kung gawin para mawala ang sakit. Hindi ko alintana ang ingay ko dahil sound proof naman ang kwarto.

Matapos kung magwala ay uminom ako. Hindi ko alam kung ilang bote ang ininom ko ng gabing iyon. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kabilang kwarto na kumakatok at sinisigawan ang lalaki na akala ko ay si Yohan. At ng mapagod ako ay walang sabi akong tumungo sa loob ng kwarto nya at nahiga sa kama.

Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ako ba ang naloko o ako ang niloko. Kung ako ang kabit o hindi. Pero limang taon na sila ng babae? Maniniwala ba ako? Pero nakita ko ang reaksyon sa mukha nya ng mabanggit ko ang pangalan ng babae nya.

May naririnig akong ingay sa labas. Nang tignan ko ang video ng CCTV na nasa tapat ng kwarto ko ay nakita ko si Yohan. Nandoon si Helena at pinipigilan syang pumunta sa tapat ng kwarto ko. Hindi ko rinig ako ingay sa labas dahil nakamute ito. Pinagana ko ang sound at narinig ko ang ingay.

"Umalis ka dyan Helena! Let me talk to Lorelie!" sigaw nito sa kapatid.

"No kuya. I won't let you. Sabi ko nga sayo kuya na kapag nasaktan si Lorelie sa ginagawa mo, kakalabanin kita." Saka tinapat sa kapatid nya ang isang baril. Hindi ko napansin iyon. Nagulat naman ang mga tao sa paligid sa ginagawa ni H. Maraming nagsalita sa kanyang ibaba nya iyon pero hindi sya nakinig. Tutok sa kapatid ang paningin nya.

"Please H. I want to talk to L. Please" pagmamakaawa nya sa kapatid. Lumuhod na ito sa harap ni H. Umiling si Helena sa kapatid.

"No kuya. Sinabihan na kita noon, ayusin mo muna ang buhay mo bago ligawan si Lorelie. Pero hindi ka nakinig sakin. You even continue your relationship to that girl and also Hannah is involved!" galit nya sabi. "Youre unbelievable Yohan! Kaibigan natin si Lorelie pero pinaglaruan mo sya. Alam naman nating hindi mo sya mahal!"

Mabilis kung pinatay ang ang camera at sumubsob sa kama.

Hindi nya ako mahal? May isa pang babae? Pinagsabay sabay nya kami? Pinaglaruan nya lang ako? Why this things happen to me? Wala naman akong ginawa sa kanya ah!

Marami pang pumasok na tanong sa utak ko. Tanong na hindi ko masagot kasi alam kong siya lang ang makakasagot. Pero hindi ko pa kayang humarap sa kanya. Hindi ko pa kayang makinig sa paliwanag nya. Baka maniwala na naman ako.

Iniling ko ang ulo ko. Hindi dapat maging ganito ako. Hindi dapat ako nagmumokmok dahil hindi naman ako ganito noon. Matapang ako at hinaharap ko kaagad ang problema ko para matapos agad. Pero bakit hindi ko magawa ngayon?

Nakatulog ako habang umiiyak. Nagising nalang ako ng naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Binuksan ko ang mata ko at bumungad sakin ang mukha ni Yohan. Malungkot itong ngumiti sakin. Mabilis akong tumayo at umiwas sa kanya.

"Babe" malungkot nyang sabi sakin. Nanghihina ako sa boses nya pero hindi dapat.

"Pano ka nakapasok dito? Wala ka ng access para makapasok dito"

"Tinulungan ako ni Fran. Nakiusap ako sa kanya pagkatapos umalis si Helena kasi tumawag iyong boss nya sa trabaho." Sagot nya. "Halika dito babe. Tabi ka sakin"

"No. No Yohan. Please leave me alone. Leave Yohan. Hindi kita kailangan. I hate you. Just leave me alone"

"Babe please" pakiusap nya. "I know you love me. You don't hate me. Im here L, hindi na kita iiwan. Hindi na ko tatanggap ng mission sa ibang bansa para makasama kita. Come here" sabay tapik sa tabi nya.

Umiling ako at naglakad sa closet. Kung hindi sya aalis sa kwarto ko, ako ang aalis. Mabilis kung nilabas ang maleta at kinuha ang mga damit ko saka isinalaksak sa loob ng maleta. Narinig kung bumuga ng hangin si Yohan at umalis ng kama. Nakita ko syang lumapit sakin at niyakap ako. Pumiksi ako para makaalis. Halos inipon ko ang lahat ng lakas ko at tinulak sya. Nagtagumpay naman ako.

"Babe, hindi na ko natutuwa sa ginagawa mo. Hindi pa ba sapat sayo na nandito ako at pinili kita kesa sa kanila? Bella left me because of my friend. And Hannah is nothing. I choose you L. Why you just be happy about that?"

"Happy?! Really, Yohan?" pagak akong tumawa at sinuklay ang buhok ko sa harapan nya. "Tingin mo ba matutuwa ako sa ginawa? Im not happy and I'm in pain, Yohan. Hindi mo ba iyon dama? Manhid ka ba at hindi mo maramdaman na galit ako sayo kasi ginawa mo akong kabit sa dalawa mong karelasyon?"

"Pero Lorelie, I told you already that I left them for you. Bakit hindi mo iyon maintindihan? Ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko"

"I don't believe you. You don't love as Helena said habang nasa labas kayo ng kwarto ko. Pasalamat ka at pinakinggan ko kayo kahapon dahil kung hindi baka hindi ko nalaman na pangatlo ako at sabay-sabay kaming sinasabihan ng mahal kita" tinuon ko ulit ang sarili sa pag-iimpake.

"Pinakinggan mo ba lahat, L?" umiling ako. "Why?"

"Ayoko ng marinig. Sapat na sakin na sinaktan at niloko mo ko"

"Babe, if you hear it—"

"Just leave me alone, Yohan. Let me rest. Maghiwalay na tayo dahil wala naman patutunguhan ang relasyon nating ito" ziniper ko ang bag at tumayo. Hinila ko ang handle at tinignan sya. "Bye Yohan"

"No, babe. Please! Bawiin mo iyong sinabi mo? Your just joking right? Hindi mo naman ako iiwan at ibibreak diba?" hysterical nyang sabi sa harap ko. Naawa akong tumingin sa kanya. Halatang ayaw nyang maniwala. Ngumiti ako at naglakad palapit sa kanya. Niyakap ko sya.

"Bye" inalis ko ang yakap ko at mabilis na naglakad palabas ng HQ. Mabilis kung pinaharurot ang sasakyan ko.

Kailangan kong magpahinga at takasan ang sakit. At ito lang ang paraan para makalimot sa kanya. I really love Yohan at nasisiguro kung mahihirapan ang kalimutan sya pero susubukan ko. Susubukan ko syang kalimutan.