Chapter 5 - 4

1st day of the month ngayon. Ang cafe ko ay sarado dahil dayoff day ng mga empleyado ko tuwing unang araw ng buwan. And also its almost one week na noong encounter naming dalawa ni Yohan sa kama. Hindi sya nag-insist na gawin ulit though laging nyang sinasabi na uulitin ulit.

Nandito ako ngayon sa ROSE at inaabangan na tawagin ako sa office para sa mission ko. Hindi ko pa alam ko anong nakatoka saakin. Hindi ko rin nakita si Yohan ngayong araw. Kahit kahapon din hindi ko sya nakita. Nakakamiss ang damuhong iyon.

"L" tawag sakin ni Helena.

Nginitian ko sya nang makaupo sa tapat ko dito sa dining hall. Dito ako nakatambay ngayon kasama ang ibang agents. Ang iba ay nag-aantay ng trabaho at ang iba naman ay nagplaplano para sa mga nakaassign sa kanila.

"Kamusta na pala iyong bantay mo? Hindi parin ba naaakit sayo kaya hindi mo parin nakukuha iyong necklace?" Tanong ko kay Helena habang sumisipsip sya ng kape.

"Naku! Wag mong mapaalala sakin iyon. Pahirap sya sa buhay eh"

"Eh baliw ka kasi! Nagpanggap ka pa namang maid kung nag ala gogo dancer ka o kaya one time girlfriend edi na sayo na yun"

"No, ayoko noon. Saka mas mahirap magpanggap na girlfriend kesa maging katulong sa kanya. Ayoko ngang mahalikan kahit na pogi sya. Mahal atah ang first kiss ko!"

"Ewan ko sayo!"

Narinig kong tinawag na ang pangalan ko sa speaker kaya nagpaalam na ko kay H.

Wala naman talagang code name na required sa agency. Mas madali lang talagang banggitin habang nagmimission ang letters kesa sa buong pangalan. Iyong akin nga pwedeng ka ng mabulol iyong kay Helena pa na may second name.

Pagpasok ko sa loob ng opisina ay inexplain sakin ang trabaho ko. Its all about Sir Gallion Herera na pinagbabantaan papatayin ng kalaban sa business industry na si Wendel Sanchez. Kapwa kasi parehas na Real Estate Company ng dalawa kaya magkaaway. Ang point ng mission is to protect Sir Herera habang kumukuha ng evidence sa pagtatangka ni Sanchez.

"Ikaw na ang bahala Lorelie. I'm counting on you." Sabi sakin ni Boss Rigo. "Nga pala magpapanggap kang secretary ni Herera for the mean time para mas lalo mo syang mabantayan"

"Eh sir, hindi ba may secretary sya? Paano na iyon?"

"I take care of it kaya nga naghahanap si Herera ng kapalit. Galingan mo sa interview"

Ngumiti ako sa boss ko at umalis ng opisina nya. Ngayon daw ang araw ng interview kaya mabilis akong nagbihis ng formal attire at nag-ayos ng sarili. Inabot ako isang oras sa pag-aayos at lumabas ng kwarto. Maraming pumuri sakin kasi ang ganda ko daw. Ngiting ngiti ako kasi naging maganda naman pala ang pagmemake up ko.

Pagkapasok ko sa kotse ay pinaharurot ko na paalis sa ROSE at tinignan ang gawang resume ng boss ko sa passenger seat.

"Mukhang magleleave na muna ako sa cafe ko nito"

....

"Good morning miss....Nieva" bati sakin ng ni Sir Gallion Herera, ang may ari ng Herera Real Estate.

"Good morning sir"

"So, bakit gusto mong mag-apply bilang secretary ko?" Tanong nya sakin habang nakangiti.

"Honestly, because I want money" simpleng sagot ko sa kanya. Totoo naman talagang pera ang habol sa mission ko. Ipapasecond floor ko na talaga ang negosyo ko.  Mas lalong ngumiti ang labi nya sa sagot ko.

Gallion Herera is a handsome man. Bata pa ang itsura nito at paniguradong hindi masyadong nalalayo sa edad ko. Pagkapasok dito sa opisina nya ay bad mood sya. Nakakaintense nga ang paligid ng lumakad ako at inabot sa kanya ang resume ko. Nang makita nya  ako ay umaliwalas ang mukha nya at ngumiti. Mukhang na good mood si sir sakin.

"That's new answer. Ok you're hire"

Natuwa ako sa sinabi nya at ngiting ngiti na kinamayan sya. Bukas na daw ang simula ko at agahan ko raw ang pasok.

"How old are you Miss Nieva?" Tanong nya bago ako makalabas sa opisina nya.

"I'm 27 sir" sagot ko na kinangiti nya.

"That's good. I'm 30"

...

"Jessie, ikaw muna bahala sa cafe ko hanggat hindi pa ako nakakabalik sa inaasikaso ko" sabi ko sa empleyado ko na si Jessie.

"Oho mam. Ingat po kayo" masayang nagpasalamat ako at pinatay ang tawag.

Bumaba ako ng kotse at tumuloy sa loob ng Agency para kumuha ng mga damit. Sa malapit na hotel ako mag iistay for my mission para hindi hassle saakin na bumiyahe pa papuntang opisina. Uso pa naman ang trapik at baka malate ako sa trabaho.

"Oh! Kamusta interview mo L" bati sakin ni Divina ng magsabay kami sa hallway.

"Iyon positive. Mabait si Sir Gallion" sagot ko.

"Ang balita ko ay may itsura ang boss mo. Baka mamaya maakit ka nyan" biro nyang sabi saakin. Ngumiti ako at akmang sasagot sa kanya ng narinig ko ang boses ni Yohan.

"Try L and I will punish you" Madiin na sabi ni Yohan nang makita namin syang pasalubong saamin.

Madilim ang anyo nya habang nakatingin saming dalawa. Nagpaalam na si Divina saakin kaya dalawa kaming naiwan dito. Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko sa baywang nya ng braso ko saka sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

"Pagginawa mo talaga iyon Lorelie, hindi mo alam kung anong gagawin ko sayo"

"As if naman na gagawin ko iyon"

"Don't try me L"

Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya at inis na tumingin. He's angry because of what D said. Tapos eto sya feeling nya gagawin ko iyon. Anong akala nya sakin?

"Are you testing my patience Yohan? Tingin mo ba talaga gagawin ko iyon? Binibiro lang ako ni D at kahit hindi nya iyon sinabi ay hindi ko iyon gagawin"

"Are you sure Lorelie? Are you sure that you will not do it?" Mariin at galit na awrang nyang sabi.

"What's your problem, Quintanilla? Do you think na ganoon akong klaseng babae? Na maakit agad sa gwapo? Think again Mister. I'm not" tinulak ko sya paalis sa harap ng pintuan ko at pumasok doon. May pinindot pa ako kung ano sa pinto ng masara ko iyon para hindi sya makapasok sa loob ng kwarto ko.

I activate the sound proof of my room as my tears fall down on my cheeks. Masakit ang dibdib kung tinungo ang closet at kinuha ang maleta ko sa ilalim nito. I'm crying while putting my clothes that I will bring for my mission. Bibili nalang din siguro ako ng ibang gamit mamaya habang nasa byahe.

Ilang oras din ang ginugulgol ko sa pag-aayos ng gamit ko. Sumabay kasi ang pag-iyak ko kaya umabot ako ng ganoong katagal. Pinatong ko sa kama ang maleta at nagbihis ng komportable. Mamaya na ako aalis dahil nandoon pa sya sa labas ng pinto.

Ayoko syang kausapin. Ayoko syang makita at ayoko syang marinig. How dare him! Ang sakit ng pag-aakusa nyang ganoon akong babae.

Matagal din akong nakaupo sa kama ng mapansin kung umalis sya matapos may magtext sa cellphone. Mabilis kong kinuha ang maleta at lumabas ng kwarto. Hindi nya rin naman mabubuksan ito dahil binago ko ang password.

Mabilis ang lakad ko palabas ng ROSE. Gumamit ako ng kotse at umalis ng agency. Sa Brewed ako pumunta at kinuha doon ang isa ko pang kotse at iyon ang ginamit papunta sa sa hotel. Hindi nya matratrack ang kotseng ito kaya hindi nya ako mahahanap agad.

Pinaharurot ko ang sasakyan ng mabilis at tumigil sa Ruebens, isang kilalang hotel sa bansa. Nag check in ako doon at tumungo sa 25th floor dahil nandoon ang room ko. Pagkapasok ko sa suite ay dumiretso ako sa closet nitong kwarto at inaayos ang damit ko. Bumaba ako para bumili ng mga personal things like shampoo and so sa malapit na grocery.

...

"Ayos ka lang ba dyan, L? Narinig ko kay Fran na nag-away raw kayo ni Kuya sa may hall"

"Ok lang ako dito Helena. Good thing nga at malapit ito sa building ni Sir Gallion para hindi hassle pagpumasok" hindi ko sinagot ang isa pa nyang sinabi at napansin nya iyon.

Nakavideo chat kaming dalawa. Nagfafacebook talaga ako kanina na magmessage syang mag video call daw kami. Kinuwentuhan nya ako tungkol sa binabantayan nya hanggang sa mapunta sa kuya nya ang topic namin.

"Sorry kay kuya, Lor. Baka pagod lang iyon kaya nya iyon sinabi"

"H, pare-parehas lang naman tayong pagod dahil sa trabaho natin lalo na iyong mga may sideline pang ibang trabaho. And for me its not a valid reason para sabihin nya saakin iyon"

"Lorelie"

"I know na hindi kami madalas magsama na kuya mo dahil sa trabaho naming dalawa. Believe me its hard but I didn't think flirting others parang lang maibsan ang kulang na time namin para sa isat isa" namalayan ko nalang na naiiyak na ko habang nagsasalita. Pinahid ko ang luha ko sa pisngi.

"It hurts Helena. Hindi ko alam na ganoon ang iniisip nya sakin. Its a joke but he took it seriously. Ako nga! Hindi ko inisip na may babae sya kahit natatakot ako kasi nagtitiwala ako sa kanya tapos sya" humikbi ako. "I don't know H. I'm fucking hurt right now."

Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko. Kahit anong pahid ang gawin ko mayroon parin. Binitawan ko ang tab ko sa kama at umiyak habang nakatungo ang ulo at nakapatong sa dalawang kong tuhod. Wala akong narinig kay Helena habang inilalabas ko ang hinanakit ko sa kanya.

Its been 3 days. At sa mga araw na iyan mas tinuon ko ang atensyon ko sa pagtatrabaho bilang sekretarya ni Sir Gallion. Pinapagod ko ang sarili ko sa pagtatrabaho sa kanya para pagdating dito sa suite ay tulog na ko.

Sa tatlong araw na iyan wala akong natanggap kay Yohan. Ngayon ngalang si Helena nagparamdam sakin. Kaya siguro ngayon na napag-usapan naming dalawa ang nangyari saka lang lumabas yung luha ko. I shut down my brain about that thing but it turns on. My heart is fuckingly aching right now.

Akala ko wala na iyong sakit pero nandito parin pala. Natago ko lang sya pero hindi naalis.

How that man tell that? Parang kilala nya akong ganoon kung makapagsabi sya sakin, ngayon wala sya at hindi man nagsosorry. How dare him!

"L, baba ko na toh. Nandyan na boss ko. Please be okay" paalam nya bago pinatay.

Maga ang mata ko ngayong gabi dahil sa babaeng iyon. Pinaiyak nya ako! Pinatay ko ang tab ko naiinis na humiga sa kama.

"Ayokong matulog na maga ang mata ko. Baka bukas magtaka ang boss ko sa ayos ko"

Inabala ko ang sarili sa panonood ng videos sa tab hanggang sa nakatulogan ko iyon.