Chapter 6 - 5

"Are you okay, Miss Nieva? Your eyes... Namamaga ang mata" alalang sabi sabi ni Sir Gallion nang inabot ko sa kanya ang pipirmahan nyang mga papeles.

"Ahh sir kasi, iyong movie na napanood ko tragic ending kaya umiyak ako" palusot ko.

"Its that true?"

"Opo sir. Pasensya na. Dapat pala hindi nalang ako nanood non"

"Its okay. Nakakabother kasi ang mata. Wear some eyeglasses. Para hindi masyadong makita ng iba na maga ang mata mo" may kinuha sya sa drawer nya at inabot sakin. "Its a fake glasses. Walang grado yan kaya hindi masisira ang mata mo"

Masayang tinanggap ko ang salamin at nagpaalam kay sir. Naupo ako sa table ko at tinignan ang CCTV footage na galing sa mga dinikit kong secret camera dito sa building. Wala naman akong nakita kahina-hinala kaya pinagtuunan ko ng pansin ang mga folder na galing sa mga departments ng company.

Ilang oras ang lumipas at lunch time na. Pumunta ako sa office ni sir at tinanong kung anong lunch ang gusto nito.

"Let's go for lunch Miss Nieva." Yaya nya sakin para sumabay. "Wala rin naman akong meeting after lunch kaya pwede ka ng umuwi rin after nating kumain"

"Sige sir. Maglilipit lang ako sa table"

"Wear you glasses" paalala nya kaya tumango ako at umalis ng opisina.

....

"Masarap ba Miss Nieva?" Tanong sakin ng boss ko habang kumakain kami sa isang sikat na restaurant.

"Yes sir" sagot ko na kinangiti nya.

Masaya kaming kumaing dalawa at walang nagsalita samin. Mga ilang minuto din nang binasag ni sir ang katahimikan.

"May boyfriend ka ba ngayon Lorelie?"

"Ahhh sir meron po" lumungkot ang ekspresyon ni Sir Gallion.

"Maybe we should be friends. Sayang at may kasintahan ka na. Gusto pa naman kitang ligawan pero ayokong manira ng may karelasyon na" paliwanag nya sakin na kinagulat ko. "I like you miss secretary. Mag-aabang nalang ako ng time wala na kayo ng boyfriend mo para maligawan kita"

"I will not let you get my girl" sabay hawak sakin ng kadarating palang na si Yohan.

Nagulat ako pati na rin si boss sa pagsulpot nya. Hinila nya ako patayo at kinuha ang gamit ko sabay hatak sakin paalis sa loob ng restaurant. Nakarating kami sa parking lot saka lang pinilit kong agawin ang braso ko at nang magtagumpay ako ay masamang nilingon ako ni Yohan.

"Its rude Yohan!" Pagalit kong sabi sa kanya habang hinihimas ang braso ko. "Boss ko iyon! Sana man lang rumespeto ka sa kanya! What's wrong with you?! Nung nakaraan inaakusahan mo ako pagkatapos hindi ka nagparamdam ng ilang araw! Ni hi! Wala! Walang sorry! Tapos ngayon! My gosh! Nakahiya sa tao ang ginawa mo!"

"Nakakahiya? Fuck! Bakit gusto mo ba syang balikan kasi hindi ko sya nirespeto. Then go! I will kill him after then"

"Yah, killing its good Yohan! Kaya sige patayin mo! Sama mo na ko kasi ako ang dahilan kaya ka nagagalit ngayon?! Why don't you just shoot me in my head so that there's no problem, huh?!" I'm fully mad right now.

Nawala ang galit nyang mukha pagkatapos kong sabihin iyon. Pero hindi pa rin sya kumikilos sa kinatatayuan nya kaya ako ang kumilos.

Kinuha ko sa kanya ang bag ko at tuloy-tuloy na naglakad sa kalsada para pumara ng taxi. Bukas ko na kakausapin ang boss ko dahil dito.

Habang nag-aantay ng masasakyan ay may yumakap sakin sa likod.

"Im sorry babe. Please, don't leave me" pagmamakaawa nya sakin at mas lalong hinigpitan ang yakap nya.

Hindi ko sya pinansin. May biglang tumigil na taxi sa harap ko kaya malakas kong kinalas ang yakap nya at mabilis na sumakay at isinara ang pinto.

"I doble the price. Sa Ruebens kuya pakibilisan" sumunod din ang driver at pinausad ng mabilis ang taxi.

Ilang minuto ang tinagal ng byahe at nakarating kami sa hotel. Binayaran ko sya at mabilis na pumasok sa hotel at tumungo sa suite ko. Ramdam ko na nakasunod si Yohan sakin kaya mabilis kong pinindot ang elevator para sumara at hindi nya ako maabutan.

Mabilis akong lumabas sa elevator nang makarating sa floor ko at pumasok sa loob ng suite. Nagtungo ako sa banyo para maligo at pagkatapos lumabas na nakatapis ang twalya.

Gulat akong naabutan si  Yohan sa tapat ng pinto ng banyo. Nakatingin ito saakin ng mariin. Isasara ko ulit sana ang pinto para makaiwas sa kanya ng hinarang nya ito at pumasok sa banyo at walang sabing hinalikan ako.

Nilabanan ko sya para makakawala sa kanya pero mas malakas ang pwersa nya kaya hindi ako nagtagumpay. Umatras kami nang umatras hanggang naramdaman ko ang lababo sa likod ko. Mapusok ang halik nya saakin at hindi ko iyon gusto. Nagsimulang lumuha ako dahil sa ginagawa nya kaya napatigil sya. Patuloy lang ang akong umiiyak hanggang sa humikbi ako sa harapan nya.

"Lorelie" tawag nya sakin bago nya ako niyakap ng mahigpit. "Im sorry babe. Please stop crying. Please. Im sorry"

Paulit-ulit nya iyong binabanggit saakin habang yakap nya ako sa loob ng banyo. Ilang minuto ang tinagal ng iyak ko. Nang matapos iyon ay kumawala ako sa kanya tinignan sya.

"Babe I'm sorry. I'm sorry for accusing you. I'm sorry for hurting you. Please don't leave me. Don't break up on me. Please Lorelie. Babe please" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit ang parehas naming noo. "I love you babe. Please. Im sorry"

Hindi ko kayang makita syang ganito. At aaminin ko namiss ko na talaga sya.

"I'm sorry too Yohan. Sorry for shouting you. Sorry for leaving you and not letting you speak. Im sorry" nagsimula ulit akong umiyak. I finally low down my pride. Hindi dapat masira ang relasyon namin ng ganito lang.

"Please stop crying. Don't be sorry. Kasalanan ko kasi pinairal ko ang pagseselos ko. I'm sorry for being jealousy"

"It's normal Yohan to get jealous. Pero hindi maganda na pinaiiral mo masyado iyon. It will destroy our relationship"

"I know babe" at niyakap nya ako. "Im sorry for that. Please forgive me"

"You're forgiven Yohan as always pero kailangan mong magsorry kay sir Gallion dahil sa ginawa sa kanyang kanina"

Narinig ko syang nagmura at tumingin sakin.

"Can we just forget him? Hindi naman siguro kailangan na mag sorry ako kasi gusto ka nyang kunin sakin?" Irita nyang sinabi saakin kaya pinisil ko ang ilong nya.

"Ok ako nalang ang magsasabi sa kanya" mas lalo syang nainis sa sinabi ko. "Its a job Yohan. Mission ko ito kaya wag ka ng magalit."

"Bakit ba kasi saiyo yan na assign? Pwede naman na doon ka nalang sa mga barilan kesa magpanggap na sekretarya ng lalaking iyon"

"Mas gusto mo talaga ako doon sa patayan kesa sa safe noh? Grabe ang sweet mo!" Sakastikong sabi sa kanya. Hinalikan nya ako saglit sa labi bago sumagot.

"I'm sure that you will not killed by the enemy. Magaling kaya sa target shooting ang girlfriend ko" proud nyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya at nagulat nang buhatin nya ako at hinagis sa kama. Pumatong sya sakin saka inalis ang twalya ko. Naghubad rin sya ng damit at sinimulan akong halikan sa labi hanggang sa napunta sa may bandang tenga.

"Let's make love babe. I miss you" bago bumaba ang halik nya sa katawan ko.

...

Pagod akong umupo sa table ko sa labas ng opisina ni Sir Gallion. This is my last day dahil binigay sa ibang agent ang mission ko and because of Yohan's wants. Ayaw nya na daw magselos kaya kinausap nya ang amang si Sir Rigo na palitan ako. After all nakataggal  naman ako dito ng mga higit dalawang linggo.

Nagpaalam na rin ako sa boss ko. Nalulungkot sya dahil mawawala na ko pero ok lang daw kasi hindi naman daw tungkol sa encounter nya kay Yohan ang dahilan. Nag-imbento ako na valid naman kaya napirmahan ang nya resignation letter ko.

As of now, wala akong gagawin kasi natapos ko na last three days ago ang lahat. Kaya relax na relax akong umupo sa swivel chair ko nang bigla bumukas ang elevator at lumabas doon ang isang lalaking na may dalang baril at bigla akong pinaputukan.

Mabilis akong nagtago at hinanap ang baril ko sa desk. I glance on him and shoot him on his knee. Agad syang napaluhod kaya tumakbo ako palapit sa kanya at malakas syang sinipa sa mukha. Tumumba ang lalaki pero may malay parin. Malakas ko syang sinuntok sa mukha dahilan para mawalan ito ng malay.

Narinig kong bumukas ang pinto ng opisina ni sir Gallion at may kinasang baril bago tinutok sakin.

"Move or  i will shoot Miss Nieva" madilim ang eskpresyon nyang nakatingin sakin.

Nalilito akong nakatingin sa kanya.

"Put down your gun sir. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo" babala ko sa kanya na ikinatawa nya lang.

"Bakit ako matatakot sayo, Miss Nieva? Your just a girl. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala sayo para bantayan ako samantalang ako ang nagbabanta sa buhay ni Sanchez"

"Ano?" Nagulat ako sa sinabi nya. Ayon kay boss si Sanchez ang nagbabanta. Sino kaya ang nagpadala sa Agency kung mali naman ang nakasaad doon?

"Maybe my ex-butler told you about it. Mas gusto nyang bantayan ako dahil ang totoo gusto kong patayin ang walanghiyang Sanchez na iyon! Loving that man is not good! I will kill you Miss Nieva"

Pinutok nya ang baril na hawak nya kaya umilag ako. Nakarinig ulit ako ng isang putok at doon humandusay si Sir Gallion. May tama ito. Tinignan ko ang bumaril sa kanya at nakita ko ang hindi pamilyar na lalaki sa tapat ng elevator.

"Im sorry Gal. Pero hindi na tama ang ginagawa mo" sabi nito at nilapitan si sir.

Narinig kong umiyak ang lalaki habang hinahagkan si sir. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nya dahil lumalabo na ang pandinig ko dahil sa dalawang tama ng bala sa balikat ko at sa braso ko. Unti-unti ng hinihila ulirat ko hanggang sa tumumba ako sa sahig.