"'Tol, nakita mo ba si Karina? Hinahanap siya ni tita sa akin...", tukoy nito sa ina ng dalaga, "...na parang ako ang baby-sitter ng magaling na babaeng iyon."
Lihim na napangiti si Markus sa sinabi ng kaibigan. Hanggang ngayon ay natutuwa pa rin siyang marinig ang kaibigan na tukuyin siya bilang 'tol'. Oo at nagtuturingan na sila bilang magkapatid subalit hinding-hindi ata siya masasanay sa astig nitong pananalita. His friend is the type of guy who you will call a pretty boy. Mas maganda pa ito sa ilang naggagandahang campus figures sa unibersidad nila. Pero isandaang-porsiyento siyang sigurado na lalakeng-lalake ito. Hindi nito kasalanan ang pagkakaroon ng ganoon kagandang hitsura. Pino rin itong kumilos, aral kumbaga. Palibhasa galing sa may-kayang angkan. Napakalaki ng pasasalamat niya sa pagkakaibigan na ibinigay nito sa kanya. Napakabuti nito at napakaraming naitulong sa kanya kahit na karamihan sa mga iyon ay tinatanggihan niya.
"Hindi pa nga, eh," sagot niya. "Ibibigay ko rin itong assignment na ipinakiusap niya kahapon".
Kasalukuyan siyang nasa tambayan nilang magkakaibigan nang makita siya nito. They call it 'Jurassic Park' dahil unang tapak pa lang niya sa university ay mga nagyoyosi at naglalakihang mga lalakeng estudyante ang nakita niya. Needless to say, they looked Dinosaurs to him. Napahagikhik siya sa isip.
"Saan kaya iyon? Anyways, if you see her tell her that her mom's looking for her. Isasama yata siya sa party na ayaw niyang puntahan kaya nagtatago at maagang umalis sa bahay nila", umalis na ito ng hindi man lang siya nakakasagot.
"Hay, nasaan ka na mahal ko? Hinihintay ka na ng assignment mo na ginawa ko ng may kahalong pagmamahal, sana maramdaman mo", nangangarap niyang pagkausap sa sarili.
Two years na mula nang makilala niya si Karina dahil kay Gino. Since magkaibigan ang dalawa at magkaibigan naman sila ni Gino ay itinuring na rin niyang kaibigan ang dalaga. Kahit na halatang-halata naman na ayaw nito sa kanya. Bumabait lang ito sa kanya kapag may kailangan o ipapagawa sa kanya. Na sinasamantala naman niya dahil minsan lang ito bumait sa kanya.
Hindi alam ng dalaga na malapitan lang siya nito ay langit na para sa kanya. Ang kaso, kung gaano niya kamahal ito ay ganoon din nito kamahal ang kaibigan nilang si Gino. Kahit masakit isipin at tanggapin, bagay ang dalawa. Prinsipe at prinsesa. Siya ay baluga lang na naligaw sa kaharian ng mga ito. Moreno kasi ang kulay niya samantalang parehong nabiyayaan ng mapusyaw na kulay ng balat ang dalawa.
Lumaki siya sa ampunan kaya hindi niya kilala ang mga magulang niya. Hinintay lang niyang umedad siya ng desisais bago tumakas at gumawa ng sariling buhay. Mahirap sa umpisa pero lahat naman ng bagay nakakasanayan. Lahat ng klase ng trabahong legal ay pinasok niya may mailaman lang sa sikmura. Disiotso siya nang magkaroon ng maituturing na disenteng tahanan mula sa dalawang taong paninirahan sa kalye. May nakilala siyang kaedad na lalake na nakatira sa iskwater at mag-isa rin sa buhay. Binigyan siya ng espasyo sa munting lupang kinatitirikan ng bahay nito at pinagtulungan nilang buuin ang bahay na niya ngayon. Maliit lang pero kumportable. Wala ng sisipa sa kanya sa umaga dahil nakahiga siya sa harapan ng tindahan ng mga ito.
Mataas ang pangarap niya para sa sarili at sa future family niya. Bubuo siya ng sarili niyang pamilya at nangangakong hindi niya pababayaan. Sana kami ni Karina iyon. Piping hiling niya.
"Boxx", short for bakla, "can you introduce me to Gino? I've been dying to meet him. You said you'll do so since time immemorial", maarteng pakiusap ng kaibigan ni Karina na si Maya.
Minsan naiirita na siya sa mga kaibigan niyang babae. She thinks maybe these girls only befriended her because of Gino. Why would she introduce them to him anyways? Gino is hers alone. Kahit ang kaibigan nitong unggoy na si Markus ay hindi ito maaagaw sa kanya. Yes, she sees Markus as a rival to Gino's attention. Alam niyang matibay ang bromance ng dalawa dahil utang ni Gino ang buhay nito sa unggoy na si Markus. She's thankful to him but that's the end of it. She doesn't want to be friends with him, period.
Thinking of the devil. Hayun at paparating na sa kinaroroonan nilang magkakaibigan ang balugang si Markus. Ewww for the word baluga. Ewan ba niya kung bakit pati baluga ay nasasabi niya. Iyon kasi ang tawag ng mga kaibigan niya kay Markus. Guwapong baluga. She agreed to 'baluga" when she learned the meaning of it, but she will never ever agree to 'guwapo'. According to her friends, he is the cheap version of 'tall, dark and handsome'. Markus is tall, baluga and handsome. They are so mean, just like her. Maybe that's why they clicked together.