Chereads / Mahal Kita, Mahal Mo Siya / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

"Bakit dito ka na tumatambay 'tol?" Nagulat si Markus sa paglapit ni Gino. Nilinga niya ang paligid at napaalerto bigla dahil baka kasama nito si Karina at magalit na naman sa kanya ang dalaga. Nag-iisa lang itong lumapit sa kanya at mukhang talagang hinanap siya.

"Naisip ko kasi na mas maraming resources dito para sa pagpapaka-dalubhasa ko", biro niya sa kaibigan. Gino eyed him suspiciously. "Kidding aside 'tol, mas masarap umidlip dito kasi tahimik at may aircon." Sinasabi lang niya iyon pero siyempre mas gusto pa rin niyang kasama ang dalawang importanteng tao sa buhay niya doon sa Jurassic kesa sa airconditioned library.

"Anong atin 'tol", tanong niya dito.

"Malapit na ang birthday ko. Debut ko iyon. Haha!"

"Ah, naghahanap ka na ba ng 21 roses mo? Siyempre ako ang last dance mo," biro niya sa kaibigan.

"'Tado", sagot nitong tumatawa.

Naalala lang nila na nasa library sila ng may sumaway sa kanila.

"Tara 'tol, dun tayo sa Jurassic", yaya ni Gino sa kanya.

Napapaisip siya kung paano tatanggi subalit baka magduda na ito at malaman ang totoong dahilan kung bakit hindi na siya tumatambay doon. Piping dalangin na lang niya na sana ay wala doon si Karina kung hindi ay mapipilitan siyang yayain ito na sa ibang lugar na sila mag-usap.

Masuwerte namang wala doon ang dalaga. Pinag-usapan nila ni Gino ang plano ng mga magulang nito para sa nalalapit na kaarawan nito at sa totoo lang ay wala siyang alam kung paano isine-celebrate ng mga may-kayang pamilya ang 'debut' ng mga lalake. Meron din palang debut ang mga lalaki, naisip niya.

Pero paano naman siya a-attend na hindi niya maaagaw ang atensiyon nito kay Karina? Masyadong attached sa kanya ang kaibigang ito simula ng mailigtas niya ang buhay nito at habang-buhay na ata siyang pasasalamatan sa nagawa niya.

Ah, bahala na. Marami namang bisita kaya sigurado siyang hindi na siya mapapansin ng mga ito. Ang importante ay makadalo siya.

Sa gitna ng pagkukwentuhan nila ni Gino ay bigla niyang napansin ang papalapit na si Karina. Dali-dali siyang nagpaalam sa kausap na pupunta sa banyo. Takang-taka naman ito na nag-uusap nga naman sila tapos bigla na lang siyang tatayo para nga mag-CR at dala-dala pa ang mga gamit niya.

Karina was beaming when she saw Gino at the school park but felt irritated when she saw Markus was with him. Nakita naman niyang tumayo ito bigla at umalis. Then she smiled. It's good that he listened to her.

"Gino", agaw niya sa pansin ng binata.

"Karina".

"'Di ba mamaya pang 3 PM ang klase mo? Punta muna tayong mall. Ipag-drive mo naman ako, please? May bibilhin lang akong importante", paglalambing niya dito.

She knows Gino adores her kaso hanggang ngayon parang hindi pa nito nari-realize na hindi na sila mga toddler. Nauubusan na rin siya ng mga taktika kung papaano magpapapansin dito. But she's patient and she knows tht it's going to be him and her in the end. Masyado ng mahabang panahon ang na-invest niya sa damdamin niya para dito.

"Wait lang isama natin si Markus wala rin namang klase ang isang iyon."

"Sa palagay ko wala ng balak bumalik iyon kasi dala lahat ng gamit niya nung umalis eh", logical na sabi niya dito.

"Sabagay, mukhang naistorbo ko nga lang sa pag-aaral at pag-idlip iyon. Tara na nga", yaya nito sa kanya.

It feels so good to be with the man you always want to be with. At walang asungot na ang pangalan ay Markus.

Kita pa ni Markus ang pag-alis ng dalawa sa Jurassic. Kaya bumalik na siya sa tambayan at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. Naisip niya na hindi naman siguro siya maaabutan ng mga ito doon pagbalik ng mga ito. Patungo kasi ang mga ito sa kotse ni Gino.

"Ano kayang ireregalo ko kay Gino," pagkausap niya sa sarili. Ang hirap kapag nasa kaibigan mo na ang lahat.

Naagaw ang pansin niya nang may babaeng dumaan sa harapan niya. Masyado kasi itong matangkad para sa pangkaraniwang Pilipina. Wari ay hindi alam kung saan pupunta. Nakita din kaya nito iyong mga dinosaurs na nakita niya noong unang tapak niya dito sa unibersidad?

Ngumiti ito nang mapatingin sa kanya.

"Excuse me, I'm a transferee here. I can't find a nice spot to stay while waiting for my next class. Then I saw you here. Do you mind if I join you", pagkausap nito sa kanya.

"No. It's okay", sagot niya.

"My name's Joanne. You are?"

"Markus. Do you speak Tagalog? I don't mind if you don't but it'll be more comfortable for me to talk to you in Tagalog."

"Yes, I do. Ibig kong sabihin nagta-Tagalog ako", nakangiting saad nito.

Magaan agad ang loob ni Markus sa babaeng kausap. Napakaamo ng mukha nito na mukhang anghel. Madaling mapapansin ito dahil sa tangkad na tantiya niya ay nasa 5'9" at idagdag pa ang napakaamong mukha. Bigla niyang naisip ang maamong mukha ni Karina na nagiging tigre kapag nakikita siya. Napailing siya sa naisip.

Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nagpaalam na ito na pupunta na sa klase kaya nagmagandang-loob na siyang ihatid ito. Nagkamali yata siya ng desisyon dahil napansin niyang halos sa kanila lahat nakatingin ang mga estudyanteng nadadaanan nila. Agaw-atensiyon talaga ang dalaga dahil sa angking katangkaran at ganda.