Chereads / Mahal Kita, Mahal Mo Siya / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

"Good morning, Kari," nakangiting bati ni Markus. Kasalukuyang nasa tambayan nila sa Jurassic si Karina at nag-iisa.

Nakataas ang isang kilay na tiningnan siya nito. "How many times do I have to tell you that I don't like being called Kari? And besides, what are you doing here? I'll be meeting Gino in a short while."

"May thirty minutes pa naman bago siya lumabas. Importante kasi itong sasabihin ko sa iyo. Sigurado akong magugustuhan mo ang ideya ko."

"Not interested. Just go. Shoo," pagpapalayas ng dalaga sa kanya.

Bago pa siya mapalayas nito ng tuluyan ay  inilahad na niya ng mabilis ang sadya niya dito.

"Tutulungan kita para maging boyfriend mo si Gino. Akong bahala sa pagse-set-up ng lahat. Tapos kapag---," hindi siya nito pinatapos magsalita.

"You know what, just go. I don't need anything from you. I can make Gino fall in love with me without anybody's help especially from you," confident na pahayag nito.

Walang nagawang umalis na lang si Markus. Subalit hindi pa rin siya susuko. Hahanap siya ng paraan upang muling makalapit kay Karina at sana matanggap din siya eventually.

Kinabukasan nilapitan na naman niya si Karina at gaya ng dati ay itinaboy na naman siya nito. Bakit ba ang damut-damot nito sa pakikipag-kaibigan sa kanya? Mabait naman ito sa ibang tao pero pagdating sa kanya ay palagi na lang galit. Hindi naman niya kasalanan kung bakit masyadong attached si Gino sa kanya. Binawasan na nga niya ang bonding time nila nito bilang pagsunod sa kahilingan ng dalaga sa kanya.

Mainit talaga ang dugo sa kanya ni Karina at hindi na nagbago iyon sa nakalipas na mga taon. Hindi nito alam na sa bawat hindi magagandang ipinakikita nito sa kanya ay nagdurugo ang puso niya. Samantalang siya, walang ibang iniisip kung hindi ang kaligayahan nito.

"Markus bakit parang iiyak ka na diyan," pagpansin sa kanya ni Joanne. Kanina pa kasi siya tahimik. Sobrang nalulungkot siya sa paulit-ulit na pagtataboy sa kanya ni Karina.

"Naranasan mo na bang masaktan ng sobra, Joanne? Akala ko kasi napagdaanan ko na ang lahat ng sakit pero hindi pa pala. Ayokong maranasan ng kahit na sino itong nararamdaman ko. Hindi ko na kayang pakibagayan minsan." Yumuko siya para hindi nito makita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

Awang-awa naman si Joanne sa kanya at nag-iisip na ng mga pwede nilang pagkaabalahan para lang mawala sa isip niya si Karina.

"Alam mo, Markus, napakabait mong tao. Hindi ko alam kung bakit hindi makita ni Karina iyan. Siguro kasi palagi kang nandiyan, nakukulitan siya sa iyo tapos sabi mo nga karibal ang tingin niya sa iyo dahil sa pag-agaw mo daw ng atensiyon ni Gino.

"Subukan mo munang huwag magpakita sa kanya kahit ilang linggo. If your presence annoys her, then make yourself invisible to her. Baka sakaling hanap-hanapin ka niya kapag hindi ka niya nakikita," suhestiyon nito.

"Huwag mo naman akong bigyan ng pag-asa na darating ang araw na mangyayari iyan. Na hahanapin niya ako kapag wala na ako."

"Believe me, Markus, it's effective. You will thank me soon."

Sinunod ni Markus ang payo ni Joanne. Hindi na siya muling tumapak sa Jurassic mula nang pag-usapan nila ang tungkol sa pag-iwas. Hindi na rin siya sumasama kapag niyayakag siya ni Gino at nagdahilan na nakahanap siya ng isa pang trabaho na siyang totoo naman.

May maganda rin palang naidulot ang pag-iwas niya kay Karina dahil nagkaroon siya ng karagdagang source of income. Malapit na niyang mabili ang second hand na motorsiklo ng kapitbahay nila. Matagal na niyang gustong makabili ng ganoon para mas madali sana kapag papasok siya sa unibersidad galing sa trabaho. Mas  magiging kapaki-pakinabang ang motorsiklo sa kanya ngayon dahil sa dala-dalawang trabaho niya. Kapag may motorsiklo na siya, pwede na rin siyang maging delivery boy at messenger. Sumosobra na ata ang pag-iisip niya at baka limang trabaho na ang makuha niya.

Kung kaya lang niya ay bakit hindi. Mas mabuti na nga ang ganito para hindi na niya masyadong isipin si Karina.

Pagkalipas ng tatlong linggo ay nabili na niya ang motorsiklo ng kapitbahay. Masaya siya sa naging bunga ng pagpupusige niya.

"You've become more productive,"  ani Joanne nang ipakita niya ang motor niya dito. "I'm so proud of you."

"Sarap sa pakiramdam na napupuri ng ibang tao ang naa-achieve mo," masaya niyang sabi dito. "Salamat sa tulong mo. Kung hindi dahil sa iyo baka nagmumukmok pa rin ako."

"Anything for you, big brother."

"Mas gusto ko iyang pagtukoy mo sa akin. Simula ngayon kuya mo na ako, ha?"

At nagkaroon siya ng kapatid na babae sa katauhan ni Joanne. Dalawa na ang kapatid niya. Si Gino at si Joanne.

Kari... Sana kapag naging ito na at si Gino ay matanggap na rin siya nito kahit bilang kuya man lang.