Chereads / Mahal Kita, Mahal Mo Siya / Chapter 4 - Chapter Four

Chapter 4 - Chapter Four

Karina and Gino was having fun when Markus approached them. Gustung-gusto niyang nakikita ang ganitong kasiyahan sa mukha ng dalawang kaibigan lalung-lalo na kay Karina. She never smiles when he's around. She always looked so pissed everytime she sees him. Tulad ngayon na papalapit pa lang siya pero nawala na ang tuwa nito.

Napatingin si Gino sa direksiyon niya nang makitang huminto na sa pagtawa si Karina. Alam din nito na siya lang ang may kakayahang inisin ang dalaga by just feeling his presence.

"Tol, kanina ka pa namin hinihintay. Manlilibre si Karina kasi siya ang highest doon sa isang quiz nila na never niyang naipasa. Naka-tsamba itong kaibigan natin", masayang imporma ni Gino sa kanya.

Tiningnan niya si Karina at pinandidilatan siya at nagpapahiwatig na tumanggi siyang sumama. Ayun, kumirot na naman ultimo kaliit-liitang hibla ng pagkatao niya sa ipinakikita ng dalaga sa kanya.

Nginitian niya si Gino. "Sensya na 'tol, may tatapusin pa ako kaya pumunta ako dito sa tambayan natin. Sakto naman na nakita ko kayo. Kailangan matapos ko to bago mag-alas tres." Tumingin pa siya sa mumurahing relo niya para i-emphasize ang sinasabi. Alas dos y media na ayon sa relo niya.

"Minsan lang manlibre si Karina tatablahin mo pa", nanghihinayang nitong pahayag sa kanya.

"Gino mauna ka na sa cafe at mag-reserve ka na ng table natin. Kukumbinsihin ko lang itong si Markus na sumama", anito kay Gino subalit alam naman niyang hindi talaga iyon ang pakay nito sa pagpapaiwan.

Hindi pa nakaka-sampung hakbang si Gino nang magsalita si Karina. "Will you stay out of our way when I am with Gino", malupit nitong pakiusap. "Alam kong alam mo kung ano'ng nararamdaman ko para sa kanya. Kaya sana naman, be sensitive. Nakakahadlang ka sa posibleng pwedeng mangyari sa aming dalawa. You know very well that I treat you as a rival when it concerns Gino's attention.

"Wala ka naman kasi dati kaya sana huwag kang palaging umeeksena. Give us our moment. Kapag nakita mong magkasama kami please lang ikaw na ang umiwas muna. Are we clear on that", pagtatapos nito sa sinasabi.

Wala sa sariling napatango siya. He wants to feel numb at that moment pero bakit napakasakit? Ultimo dulo ng daliri niya ay nagre-react sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. God help him but he wanted to die.

Dahil sa pakiusap na iyon ng dalaga ay iniwasan na niyang tumapak sa Jurassic. Sa library na lang siya gumagawa ng assignments at umiidlip. Subalit hindi siya nakadarama ng kapanatagan ng loob kapag nandoon siya. Pakiramdam niya ay nasa classroom pa rin siya. Hindi tulad kapag nasa Jurassic siya na may natural na simoy ng hangin, mabining huni ng mga ibong lumilipad, at kaunting ingay ng mga estudyanteng napapadaan. Masyadong tahimik sa library kaya lalong damang-dama niya ang kalungkutan.