Chereads / Mahal Kita, Mahal Mo Siya / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

"Hi, girls", bati ni Markus sa kanilang magkakaibigan. Ni wala man lang pumansin dito. Mukhang tanga, sa loob-loob niya.

Hindi siya nagi-guilty sa pagtratong ginagawa niya dito. Him knowing her should be a privilege already. Isa siyang prinsesa na nakaupo sa tasa. Wait, parang ito ang nagsabi ng ganoon sa kanya. Sa pagkakatanda niya isa iyong bugtong tungkol sa kasoy. Excuse me, hindi siya mukhang kasoy. Sabi ng lahat ng nakakakilala sa kanya ay isa siya sa may pinakamagagandang mukha sa university.

Patunay doon ang ilang nagtangkang ligawan siya at gawing girlfriend. May mga offer din siya to represent her college department sa mga beauty pageants. And once she wins, she will represent the university. Some talent scouts were also after her. But she declined them all. Her only goal is to finish her studies and be Gino's wife.

"Hi, Kari", muling bati ni Gino. Naiinis talaga siya sa palayaw na ibinigay nito sa kanya. It sounds like a menu or something. Ang cheap talaga ng balugang ito. Ilang beses na niyang sinabi dito na ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa ganoong pangalan subalit paulit-ulit pa rin ito sa ganoong pagtawag sa kanya. And she hated him all the more.

Maya-maya ay iniabot na nito sa kanya ang isang papel nang mapansin nitong wala siyang balak kausapin ito o tapunan man lang ng tingin.

"Heto na 'yong assignment mo. Hinihintay kita sa Jurassic kaso hindi ka naman dumaan. Naisip ko baka makalimutan mo ito at wala kang maipasa mamaya sa klase mo kaya idinaan ko na dito", tuluy-tuloy nito sa pagmo-monologue. "Siyanga pala hinahanap ka ni Gino", awtomatiko ang pag-angat niya ng ulo pagkarinig sa magic word, no magic name. Napansin niya ang bahagyang pagngiti nito.

"Talaga? Bakit daw niya ako hinahanap?" Medyo obvious yata ang pagningning ng mga mata niya. Parang nasasalamin niya sa mga mata ng kausap. Pero bakit naman magniningning din ang mga mata nito, tanong niya sa isip.

"Hinahanap ka daw ng mommy mo sa kanya. Isasama ka daw yata sa party na mukhang ayaw mong samahan", pakielamerong sagot nito.

"Akin na nga iyang assignment ko. Thank you", labas sa ilong na pasasalamat niya. Kung hindi rin lang naman niya kailangan ang tulong nito ay hindi niya kakausapin ito. Masyado kasi itong matalino na halos lahat ng bagay ay may alam ito. Lumaki daw ito sa kalye sabi ni Gino kaya maraming alam sa kalakaran ng buhay at sobra ang pagiging observant.

"Nagpasalamat na ako kaya ano pa ang hinihintay mo diyan. May bayad na ba ito ngayon? Wait, I'll just get my wallet." Akma na niyang kukunin ang wallet sa bag nang muling magsalita ito.

"Hindi naman ako nagpapabayad sa konting tulong na naibibigay ko. Masaya na ako na kahit minsan kinakausap mo ako kahit naman alam kong ayaw mo sa akin. Sige mauuna na ako." Iyon lang at umalis na ito.

"Boxx, nagtampo ang guwapong baluga sa iyo. Masyado ka kasing bruhilda, eh, you know?" Okay, na-guilty siya pero konting-konti lang. Minsan masakit din magsalita itong si Gellaine, ang pinaka-prangka niyang friend.

"Alam mo, boxx, kung naging mayaman lang iyang si Markus, matagal ko ng naging boyfriend iyan. He looks yummy at amoy-baby but his status makes me think twice", out-of-the-blue na sabi ni Kylie, ang friend niyang may pagka-flirt at mahilig sa 'fling-fling lang'.

Ano daw? Amoy-baby? Iyong mamang iyon amoy-baby? Parang hindi bagay i-associate dito ang word na baby. Maitim at matangkad. She estimated he's 2 or 3 inch taller than Gino who is 5'10". While she stands only 5'3". Kaya wala rin siyang hilig sa mga pageants because she thinks she'll look dwarf among the contestants. She may be beautiful but she lacks in the height deparment. Pero naniniwala siyang hindi siya bansot.