Chereads / Mahal Kita, Mahal Mo Siya / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

Pakiramdam ni Markus ay nagiging sensitive siya lately. Oo nga at matagal na niyang alam na ayaw sa kanya ni Karina subalit kanina ay talagang medyo nagdamdam siya. Akala niya makakasanayan din niya ang masakit na pakiramdam na dulot ni Karina sa damdamin niya kya nagtataka siya kung bakit siya nagkakaganito ngayon.

Tumatanda na talaga ako, naisip niya. Matanda siya ng limang taon kina Karina at Gino kaya hanggang maaari ay nagpapaka-adult siya sa mga ito. Pero paano mo naman mapaninindigan ang pagiging adult mo kung ultimo damit na suot mo galing sa kaibigan mo? Teka, anong kinalaman nito sa iniisip niya?

Totoong maraming damit at accessories si Gino na mga ipinamana sa kanya. Sabi nito sa kanya ay hindi na nito ginagamit ang mga iyon subalit nahahalata naman niyang mga bago pa ang karamihan sa mga bigay nito. Pakiramdam nga niya ay hinahaluan lang nito ang mga iyon ng ginamit na nito para masabi lang na pinaglumaan. Karamihan kasi sa mga bigay nito ay mukhang katatanggal lang ng price tags. Nagtatampo naman ito kapag hindi niya tinatanggap ang mga bigay nito kaya napipilitan na rin siyang kunin dahil ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya.

Ipinapaalala na lang niya minsan na mas matanda siya dito kaya sana naman ay makinig ito sa kanya kapag pakiramdam niya ay sumosobra na ito ng mga ibinibigay sa kanya.

May isang pagkakataon pa nga na dahil sa mga damit na galing dito ay napagkamalan siyang ito ni Karina. Sobrang saya na sana niya nang yayain siya ng dalagang pumunta sa kung saan subalit bigla siyang lumagapak sa lupa ng makita nitong hindi siya si Gino.

Tandang-tanda pa niya ang pangyayari...

Nakatulog si Markus sa paghihintay kay Gino sa Jurassic. Usapan nilang dito sila magkikita pagsapit ng alas-singko ng hapon. May boys night out sila kasama ang iba pa nitong mga kaklase. First time niyang lalabas kasama ang mga ito. At sa totoo lang, first time niya talagang lalabas na alam niyang may kasamang inuman at kasiyahan.

He never had such leisure time in his life. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Masuwerte din siya dahil scholar siya sa kanilang unibersidad kaya kahit papaano ay nakakapag-ipon siya.

Nagising siya nang may marahang umalog sa balikat niya. "Wake up, let's watch a movie. Ako ang taya". The voice is so sweet he doesn't want to move a bit thinking she's just a dream and will disappear once he do so. Not even in his wildest imaginations that Karina will ask him to go with her. She kept on shaking him kaya napilitan siyang iangat ang ulo at tingnan ito.

"Talaga, niyayaya mo ako?" Without thinking twice, he will refuse the boys night out if only for the girl of his dreams.

But disappointment was written all over her face when she finally learned that it was him. Him. Markus. And her words crushed his being.

"Oh, sorry. I thought you are Gino. You wear all his things. His shirt, cap, shoes, what else", pag-aanalisa nito sa mga suot niya. Naka-longsleeves siya kaya hindi nito agad napansin ang pagkakaiba ng kulay ng balat nila ni Gino.

"Don't ever assume that I will ask you out. I'm only nice to you because of Gino. I know you feel how much I dislike you." Her words cut deep in his soul. She will never know how much he was hurt by her simple statements.

Nang dumating si Gino ay niyaya ito ni Karina subalit tumanggi ang una. Kasi nga may plano na sila para sa gabing iyon. Pero kung siya ang niyaya ng dalaga ay mabilis pa sa alas-kuwatrong sasamahan niya ito. Pero hindi siya ang niyaya. Naipagkamaling niyaya kanina.

Sa isang bar sila humantong na magkakaklase. Disente ang bar kompara sa mga bar na nasa isip niya. Nightclub yata ang tawag doon sa mga alam niya. Sumusumpa siyang hindi siya kailanman pumasok sa mga ganoong uri ng bar.

Hindi lang pala pag-iinom ang matututunan niya sa gabing iyon. Bilang late celebration sa birthday niya ay niregaluhan siya ng mga kaklase ng isang babae. Tigas ang tanggi niya sa gustong mangyari ng mga ito. Lahat ng mga ito ay may kapareha. Medyo nahihiya din siya dahil siya ang pinakamatanda subalit siya pa itong walang kaalam-alam sa mga ganoong bagay.

Mukhang na-turn on pa sa kanya ang 'regalo' ng mga kaklase. Hindi niya gustong magkasala sa babaeng pinakamamahal niya ngunit dahil na rin sa nadama niyang sakit ng damdamin kanina lang ay nagawang magrebelde ng isip niya. Lalo na nang kumandong ang 'regalo' sa kanya na napag-alaman niyang Cindy ang pangalan. Napakaganda nito subalit wala ng mas gaganda pa kay Karina para sa kanya.

Nang maisip si Karina ay tinangka niyang alisin si Cindy sa kandungan niya ngunit ipinulupot nito ang dalawang braso sa leeg niya at sinimulan siyang halikan sa mga labi. Napakabango nito at napakalambot ng mga labi.

Masarap pala ang halik, sa loob-loob niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang ganitong bagay. Romance was out of his vocabulary until he met Karina. But his love for her was pure and he never once think that he will kiss her one day. Sa tanda niyang ito ay masyadong puro ang isip niya at pambatang pag-ibig lang ata ang alam niya.

Cindy kissed him more at lalong ginanahan nang mag-umpisa siyang gumanti ng halik. Hanggang sa siya na ang may kontrol sa halik. It's his first kiss but he learned the act immediately.

Nang pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga ay saka pa lang niya  pinakawalan ang mga labi ng kahalikan. Wala pang sampung segundo na naghihiwalay ang mga labi nila ay sinakop na naman nito ang mga labi niya. It really feels good at may kung ano na siyang nararamdaman sa ibabang bahagi ng katawan niya. May nabubuhay na kahalayan sa isip niya sa pagkabuhay ng bahagi ng katawan niyang iyon.

"You taste so good, Markus. Is it really your first kiss or you're just trying to act innocent to make me more interested in you?"

That night, he lost his virginity. Cindy taught him a lot about the act. In return, he gave her pleasures that he never knew he was capable of.