Chapter 20 - Chapter 20

Malalim na ang gabi at kanina pa tulog si Femella sa tabi nito pero gising pa rin ako. My mind kept going back to our conversation earlier.

"My parents are dead. I don't have a sibling and my relatives all lead  fucked up lives so I know they can't take good care of me so I am practically alone forever. There, I already answered your question. Satisfied?"

"Only child ka?"

"No."

It might have been a slip of her tongue or I just didn't hear her right. Maybe she's just bluffing because she remembered how she already told me about her having no siblings. And why did I even ask that question?

Siguro dahil bumabalik na naman ang mga panaginip. Vague memories of the past went back to haunt me again as if them being constantly in my head every now and then is not enough. Pati ba naman sa gabi ay ginugulo nila ako.

Mas malinaw na ang mga alaala ngayon kompara dati. What's even shocking is the more I think about Femella, the clearer the hazy memory gets.

There is one particular woman in my dream. Noong una, akala ko simpleng panaginip lang ito pero sa pagdaan ng mga taon na palaging nauulit ang kaparehong senaryo, I knew then that it wasn't just a dream.

It was a memory coming back.

The face of the woman is unrecognizable but she feels familiar. I tried to think she's Femella but my instincts told me otherwise.

Siguro dahil ngayon pa lang ako may nakasamang babae sa loob ng matagal na panahon kaya may nagbabago sa persepsiyon ko. All my other interactions with women or ex-girlfriends are only brief sex nights and dinner dates. Never did I bring them in a vacation because I don't want for them to feel attachment for me.

Femella purred in her sleep and curled under the blanket. Nakaawang ang bibig nito at naghihilik. Mukhang napagod talaga siya sa buong araw.

Hinaplos ko ang pisngi nito at inayos ang pagkakumot nito sa sarili. Tapos dahan-dahang bumaba ako sa kama at binuksan ang closet. I sat down and opened the last drawer and took out a box.

Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang isang jewelry box. Binuksan ko ito at kinuha ang gold anklet. Pinagmasdan ko ito habang pilit na hinahalukay sa isip kung kanino o ano ang kaugnayan nito sa nakaraan ko.

Sabi ng imbestigador, hawak ko na ito nang madatnan nila ako sa loob ng nayuping kotse matapos akong madisgrasya nang gumitgit na dump truck pero wala akong naaalala bago ang mga pangyayaring iyon.

Everything has become a mystery.

Kahit anong gawing kalikot ko sa utak para alalahanin ang mga nawalang alaala, wala pa rin.

Everything is a blank slate.

Sometimes I think they're just my imagination. There was really none to be remembered of. Maybe it's just a result of my trauma because of the accident.

Pero sa tuwing tinititigan ko ang anklet kapag umuuwi ako rito sa isla, parang may humahalukay sa utak ko na mga alaalang gustong kumawala.

They felt so important and precious to my existence that it almost felt like dying if I never recovered them at all. Kaya pinili kong iwan dito sa isla ang anklet dahil wala akong magagawang kahit na ano kung palagi siyang sumasagi sa isip ko.

Nakakabaliw. Nakakawala ng tino ang isiping may nawawalang malaking parte sa iyo at ni hindi mo alam kung paano ito maibabalik.

I felt so helpless. Ni walang magawa ang pera ko.

I tried hypnosis and all sorts of memory-enhancing programs to remember.

The brain is a very complex organ and there are many things we still don't know about it. Often times, these are the statements I receive after my last sessions with experts.

Kaya pinili ko na lang na hayaan ang lahat. Kung maaalala ko ang nakaraan o mababaon na ba talaga ito sa limot, ibinibigay ko na sa panahon.

I just hope someone from that memory will come up to me. And Femella might be that someone.

Maingat na ibinalik ko ang anklet sa loob ng jewelry box at inilagay ito sa kahon. After putting it back inside the closet, I got my phone and dialed a number. Someone picked up in the other line after the first ring.

"Staying up late again?" I said.

Umubo muna ito bago sumagot.  "Hindi ka na naman makatulog?"

"None of your business. I have a work for you."

Sumeryoso ang lalaki. "I'm listening."

"Get all the information about Femella Alcantara of La Vida Club. All about her. Her past, her childhood, all you can gather about her. I want it in my desk one week from now."

"Areglado, boss."

Ibinaba ko ang cellphone at tinitigan ang mahimbing na natutulog na babae. Pagkuwan ay nag-iwas ako ng tingin at nagpasyang lumabas.

Tinalunton ko ang kusina at naglabas ng alak sa ref. Tinanaw ko ang dagat mula sa glass wall habang umiinom.

Malakas ang kutob ko na may kaugnayan sa nakaraan ko si Femella.

It's maybe the reason why she's rejecting me profusely. Come to think of it, I can't think of another reason for her to continue to refuse me other than the fact that she knows something. She may not be the girl in my dream but she definitely knows something.

That I intend to know.

Sinaid ko ang laman ng lata at itinapon sa basurahan. Pumasok ako sa silid at hinubad muna ang suot na t-shirt bago sumampa sa kama at sumukob sa kumot.

Gumalaw ang kamay ni Femella papunta sa bewang ko at doon ay yumakap. She said something inaudible before snoring back lightly.

Hindi ko napigilan ang pagtakas ng amuse na ngiti sa ginawi nito.

"It's straight in a row that you sleep talk." Inayos ko ang pagkakayakap niya sa akin at ipinikit na ang mga mata.

"Goodnight, Fem."

Gumalaw uli ito para isiksik ang mukha sa kilikili ko. Mahina akong natawa at dumilat para halikan ang bibig nito.

"Stop by snoring, please. Gusto ko nang isipin na dahil sa paghihilik mo kaya bumabalik ang mga bangungot ko.

Umungot lang ang babae na para bang tumatanggi ito.

"Yeah, yeah. I know. It's not your fault."

Hinalikan ko uli ito at niyakap nang mahigpit.

I closed my eyes hoping that the dreams will be clearer this time.