Chapter 23 - Chapter 23

"A boy named Dave called me last night and leaked out your location. Care to tell me what's going on, princess?"

"Stop calling me that!" I hissed at Vida.

"Then tell me what's this all about. Hindi iyang para kang timang diyan na nakatulala na parang hiniwalayan ng jowa. Oh wait!" She paused and inspected my face.

"Ano ba!" Pinalis ko ang kaniyang kamay sa aking mukha at ibinalik ang tingin sa labas ng kotse.

Pagkatapos lumapag ng helicopter sa isang hangar ay sumakay na kami sa nakaantabay na sasakyan ng club na maghahatid sa akin patungo sa  apartment.

"Gosh! Did you just fall in love with Maverick? Wow! I can't believe it! You have a horrible taste in men, Femella."

Tinaliman ko ng sulyap si Vida.

"Okay, I'm gonna shut up. I have to consider your feelings, I know. It's not easy to nurse a broken heart."

"Shut up." Hinapit ko sa katawan ang suot na jacket ni Maverick. I silently cursed myself for being vulnerable in front of him. He shouldn't have witnessed that.

"So? Who's Dave?" untag sa akin ni Vida.

"A hired detective. He's the one I put in-charge of the investigation."

She crossed her legs and leaned on the leather seat of the car.

"Akala ko talaga baliw ka noong sinabi mo sa akin ang dahilan kung bakit gusto mong pumasok sa bar ko. But seeing you now after rejecting that one hot man, I say you're crazier than I expected. Sino ba kasi ang babaeng papalagpasin pa na mapasakaniya ang  isang Maverick Fuentebella? Tingin pa lang niya sa akin kanina, parang kaya na niyang gawin ang lahat para sa iyo. Kapag nalaman ito ni Chino, siguradong masasabunutan ka ng baklitang iyon. Opportunity wasted."

"I thought I have a horrible taste in men? Bakit mukhang gusto mo pa yata akong magbago ng isip?"

"Because I'd rather want you to move on in your life than to see you completely ruin it to waste."

Bumuntung-hininga ako. "I've already decided, Vida. No going back this time."

"Bakit ba kasi hindi mo na lang kalimutan iyon? Wala na sila. The living should continue living. Why are you letting the dead lead your life?"

"Sana madali lang gawin ang mga sinasabi mo. But you were never in my shoes. You were never the one being blamed the whole time. Hindi ikaw iyong palaging hinahabol ng multo ng kahapon. I only want peace in my mind but I can only have that if I will fulfill my promise."

Tiningnan ko si Vida na nakatitig lang sa akin. "So please, let me be."

"Okay, okay. I will let you. Pero kung nakikita ko na talagang nahihirapan ka na, that's the time I will have to interfere. It's my duty. Just like you, I also have a promise to fulfill. Pangako ko iyan sa tatay ko." Naging malungkot ang boses nito nang banggitin ang ama.

"You have done more than enough, Vida. I owe you that."

Tumigil ang kotse sa tapat ng apartment ko.

"Thank you sa pagsundo at paghatid."

Binuksan ko ang pinto at bumaba.

"Wait, Fem. Naipadala ko na pala ang pera sa account mo."

"Thank you. Can I ask how much?"

"Fifty million."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Vida. Muntik pa akong mawalan ng balanse sa nalaman. "Fifty million!?? Fifty million for just a week of fucking? Hindi naman siya sobrang yabang, ano? He really loves to throw his money away."

Nagkibit-balikat lang si Vida. "Perks of being a billionaire." She waved her hand to me and pointed to her heart. "If this speaks out then it's game over."

"Shut up."

Malakas na isinara ko  ang pinto at tumalikod na.

"You two are a good match. Isang bilyonaryong mayabang at isang prinsesang napaka-humble," pahabol na sigaw nito.

Itinaas ko ang panggitnang daliri sa ere at iginalaw ito nang nakatalikod pa rin. Rinig ko pa ang halakhak ni Vida bago tuluyang umarangkada ang sasakyan paalis.

Inakyat ko na ang hagdan patungo sa second floor ng maliit na apartment building. There are six rooms in total. Three rooms in the first floor and three in the second one. Nasa isang simpleng village nakatayo ang apartment na pagmamay-ari ng isang weird na babaeng nakatira sa taas katabi ng kwarto ko. Sometime in the wee hours in the morning, I will hear her chanting Latin phrases. Palagi rin itong nakasuot ng itim na damit at hindi ko kailanman nakita siyang ngumiti kahit isang beses. She is so creepy and different which is a good thing. For one, she is not nosy. Two, she is not nosy.

Kinuha ko sa bulsa ng jacket ang susi ng kwarto na ibinigay sa akin ni Vida kanina. Sa kaniya ko kasi iniiwan ang susi ko kapag may bidding sa club. I put the key in the keyhole but was surprised to realize that the door was ajar.

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. I looked around for someone to ask for help in case something goes wrong. Nilakasan ko ang loob at dahan-dahang itinulak ang pinto para lang mapasinghap nang bigla itong bumukas.

A pair of green eyes greet me. A lanky boy is smiling from ear to ear while eating a pizza on his hand.

"Mabuti naman at bumalik ka na. Ilang araw rin kitang hinintay. Pasok ka Femella."

Walang pasabing agad na pumasok ako sa apartment at inilibot ang tingin sa paligid. Muntik na akong mapasigaw sa frustration dahil sa tumambad sa akin.

Nagkalat ang mga walang laman na junk foods at mga soda can sa sahig. Wala rin sa ayos ang buong sofa na punung-puno ng mga papel. May nakabukas na box ng pizza sa center table.

Nilinga ko ang maliit na kitchen. Puno ng mga hugasin ang lababo at nilalanggam na ang mga naiwang pagkain sa lamesa.

"Yung totoo Dave, ilang araw ka nang nagkakampo dito sa bahay ko?" sabi ko sa tinitimping tinig. Hinarap ko ang binatang nagkakamot ng ulo.

"I knew you would say that pero bago mo ako sermonan at pagalitan, baka pwedeng yakapin mo muna ako. Hindi mo man lang ba ako na-miss, Ate Fem?"

I glared at him. "At biglang nagawa mo akong igalang ngayon. Sapak, gusto mo?"

"Five days. I stayed here for five days." Lumuhod ito sa sahig at sinimulang linisin ang kalat.

"You are staying here for five days," pagtatama ko rito.

I glanced at my bedroom door.

"Saan ka natulog?"

"Hindi ako natulog sa kwarto mo. Promise." Itinaas nito ang isang kamay.

"Good." I looked at the sofa and found my most prized fleece blanket splattered all over it.

Bumuka ang bibig ko at shocked na tinitigan lang ang kawawang blanket na may mantsa na ng sauce ng pizza.

"O-oh oh my poor baby..." Naitakip ko ang kamay sa bibig at galit na nilingon ang salarin na nakangiwi at naka-peace sign na.

"Hindi ako natulog sa kwarto mo pero hiniram ko ang blanket mo. Ang sarap pala niyan sa pakiramdam. Saktong-sakto sa malamig na panahon."

Pumikit ako para pigilan ang sariling manuntok ng mukha. Bata iyan, Femella. Minor iyan. Minor, paulit-ulit ko na paalala sa isip.

"Why did I even agree to Rowald to get this kid," bulong ko habang hinihimas ang sentido.

"Because I have a potential. I'm a genius," mayabang na sabi nito.

Kinuha ko ang blanket at itinupi ito nang maayos.

"Bat ba kasi dito mo pa naisipang maghasik ng lagim? May apartment ka naman, Dave!" asik ko.

Umupo ito sa kabilang sofa at itinaas ang paa sa upuan.

"Temporary evicted ako sa apartment ko. Pinarentahan ko muna sa isang kaibigan para may magamit akong pera. Kasi naman ikaw. Magpapaimbestiga ka tapos di ka man lang mag-iiwan ng pera. Tuloy, ako pa ang naghanap ng paraan para dumiskarte. Buti di ako masyadong busy."

Di ka talaga busy kasi ako lang naman ang kliyente mo.

"How did you get in?" sa halip ay tanong ko.

"It's a sleuth's thingy, something you small-minded people won't understand."

Pumutok yata ang mga ugat ko sa ulo sa narinig. Bakit pa ba ako nakikipag-usap sa batang ito. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan, eh.

Sumalampak ako ng upo sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa. Pumikit ako at pinalipas muna ang ilang sandali bago dumilat.

"Okay, Dave. Tell me what you found out."

Agad na sumeryoso ang mukha nito at kinuha ang mga papel sa sofa.

"After a series of hacking into the database of dog breeders here and abroad, I finally narrowed them down to three persons who all have Tibetan Mastiff dogs and a travel history here in the Philippines eight years ago. The first individual I identify is Kristine Han but I dropped her off because she only stayed here in the country for a day. Next is Hans Reeves. This one's fishy but I let him slide. He's from the US and only came here to give his puppy to our last person of interest, Lagma Rey."

I straightened my back after hearing his name. "Lagma Rey. Lagma Rey. Saan ko ba narinig ang pangalang iyon?"

"Well, Lagma Rey must be a new name for you but that's not really his real name. Iyan lang ang pangalang ginagamit niya tuwing lumalabas siya."

"Lumalabas?"

"Lumalabas para makipag-transact sa mga business partners niya."

"What's his real name then?"

"Levin Monaco."

I sank back into the floor. "His name doesn't ring a bell for me. Mas familiar ako sa Lagma Rey. Pakiramdam ko narinig ko na ang pangalang iyan. Never mind, now proceed."

"Now Levin Monaco is the man we're looking for."

"Paano ka nakakasiguro? What if it's Hans Reeves. Sa kaniya naman talaga originally yung aso di ba?"

"No, I'm positive it's Levin."

May kinuha itong isang papel at iniabot sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan. Napasinghap ako sa nakita.

"W-What does this mean?" nabitiwan ko ang papel at nalaglag sa sahig.

"It means he is exactly the man we're looking for. That ouroboros tattoo on his neck proves that he is the man or has a connection with the man you saw on that night."

Ibinalik ko ang tingin sa papel. It's a stolen picture of the man inside a room. Nakahubad-baro ang binata habang may kausap sa cellphone. A grim expression is on his face. I got chills while looking at him.

"Yeah, it's the same tattoo." I looked at Dave. "Tell me more about him."

"Okay." Inipon nito ang ibang papel sa kamay bago nagsimulang magpaliwanag. "He's Levin Monaco or Lagma Rey to his business associates. 31 years old. Not much is known about his background. All I know for now is that he is an emerging name in the real estate industry. Malinis ang record. No matter how I dig deeper about his life, he's so clean which is so suspicious. Sa sobrang linis niya, magtataka ka talaga."

"Maybe because you're digging on the wrong side of the house. Don't pry on Lagma Rey. Concentrate on unearthing the secrets of Levin."

"I've thought about that. But even Levin Monaco is consistently clean."

I sighed. "Where is he now?"

Tumayo ito at itinapon sa trash bin ang mga basura saka bumalik sa sofa.

"I don't know. No one knows. Apparently, Levin Monaco is a type of man who just vanishes in thin air. He is such a mystery."

"Is there any trace of the subject? Kailan sila aalis patungong Amerika?"

"That is still my theory. Na mukhang hindi na magiging theory lang. Wait, let me show you something." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa. "As for your first question, I'm positive na kasama niya palagi ang subject."

He gave me another batch of papers.

"What's this?" Puro kopya ng deed of sale ang mga nababasa ko.

"Lagma Rey is selling all his businesses and properties here in the Philippines. Kakaibang galaw ito considering na maayos naman ang takbo ng mga kompanya niya dito. Walang naiulat na bankruptcy issues. I asked for a favor in my friend in the US and according to a reliable source there, Rey is starting to build his start-up. Nagsisimula na rin siyang mag-transfer ng pera sa bangko papunta doon. Nangangahulugan lang ito ng isang bagay. May plano siyang umalis na rito at tuluyan nang manirahan sa Amerika."

Galit na sinipa ko ang center table. Malalaglag na sana ang box ng pizza kung hindi lang ito maagap na nasalo ni Dave. I clenched my teeth and blast him a sharp look.

"If he is really the man I'm looking for then it's better for him to leave this country for good. That would be one less criminal in here. Pero sisiguraduhin kong maiiwan niya dito ang hinahanap ko. Dave, give me the action plan."

"Of course."

May kinapa ito sa ilalim ng center table. He handed me a small white envelope.

Inabot ko ito at binuksan. There were two invitation letters inside. Binasa ko ang mga nakasulat.

"A gala night?" Nagtatanong ang mga mata na nag-angat ako ng tingin kay Dave. "Para saan 'to?"

"It's a celebration hosted by the Asturia clan, a giant in the high society. If you're into politics and old money then you'll know them. Pag-aari nila ang ekta-ektaryang mga lupain sa iba't ibang parte ng Pilipinas.  Medyo nag-lie low sila sa limelight these past few years but they decided to finally expand their empire into real estate industry. That's our last chance, Fem."

Sinalubong ko ang titig ni Dave.

"Because Lagma Rey will be there."

"Tama. Ito na ang pagkakataon natin para makita at makausap siya ng malapitan para kumuha ng impormasyon."

Tumango ako habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa.

"I got it. Thank you, Dave. Ang galing mo."

Namula ang mukha nito at nag-iwas sa akin ng tingin. "Wala iyon. Ginagawa ko ito para sa isang milyon."

"About that. I'll give you half of it now and then the other half after I successfully have all the information I needed. You okay with that?"

Biglang nagliwanag ang buong mukha nito sa narinig. "Talaga Ate Fem? Ngayon na? Talaga ba? Baka prank lang ito, ha." Ngumuso pa ito.

Tumayo ako at ginulo ang buhok nito. Nginitian ko siya. "Ganiyan. Smile more often. Para kang hindi 15-year old kung umasta kadalasan. Send me your account now."

Sumuntok pa ito sa ere bago nagmamadaling hinanap ang cellphone. Pumunta naman ako sa kwarto at humiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at sinubukang itaboy ang mukha ni Maverick.

I could have surrendered right then to his charms, to his words and to his promise but if I do that, it will only complicate things.

"Ayoko nang madamay ka pa sa gulo namin gaya ng dati. This will only be between me and my mission."

Tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan.

I'm already missing you now. What more in the coming days?