"How's it going?"
"It's going smooth."
"Come on, be honest to me Femella."
Bumuntung-hininga ang kabilang-linya. "Nahihirapan na ako sa totoo lang. Malapit na akong sumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel so powerless. I'm starting to doubt myself. Ang sarap nang sumuko, Rowald. Parang wala na akong kakampi. Ang hirap. Lagma Rey is not someone I should go against with. Not with my current status now. Mahirap na ako. Wala na akong pamilyang maasahan. We had long been in the gutter. So I think this mission is impossible."
Umayos ako ng upo sa silyang kahoy at uminom ng tubig.
"Stick to the plan. Nahulog na sa iyo si Maverick kaya madali mo nang maisasakatuparan ang lahat. It's the only way that can work. Remember, time is our worst enemy here. Kapag nakatunog na si Lagma, game over na ang paghahabol mo."
"No. Matagal ko nang kinalimutan ang parte ng plano kung saan damay siya. I will spare him this time. Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Lagma? Kung hindi ko pa siya naalala na pumupunta sa mansiyon dati, hindi pa ako magkakaroon ng ideya kung sino talaga siya. All this time, I know that fuckin bastard."
"Timing is everything, Femella. If I told you right away then you would completely disregard Maverick in the board plan. Hindi pwede iyon. Kailangan niyang mahulog sa iyo para maisakatuparan ang plano ko. After that, you can do whatever you want."
"I scrapped that plan long ago, Rowald. Kaya iniwasan ko si Maverick but that guy is persistent. Naghintay ako sa ipapadalang tulong ni Uncle pero hindi siya dumating. Things happened and before I could even act, Maverick flew me into his island. I admit the idea to get back to the original plan is tempting but I can't risk to earn his wrath."
Nagsindi ako ng sigarilyo at nagsalin ng alak sa baso. "But you can risk the life of your sister?"
Natahimik si Femella kaya nagpatuloy ako. "Si Maverick na lang ang natitirang pag-asa mo. Bitawan mo siya, para mo na ring isinuko ang buhay ng kapatid mo. Alalahanin mo ang pinangako mo sa mga magulang ninyo bago sila tuluyang nalagutan ng hininga. Alalahanin mong pinagbabayaran ngayon ng kambal mo ang buhay na dapat ikaw ang nagdurusa. You should have been in her place."
"Shut up, Rowald! Wala dapat sa aming dalawa ang nasa posisyong sinasabi mo kung hindi dahil sa walanghiyang Lagma na iyan. This is never my fault or her fault. It's purely Lagma's."
Nilagok ko ang buong laman ng baso. "Can that stop what's bound to happen then? Hindi di ba? Kahit anong gawin mong sisi sa kaniya, nagdudumilat pa rin ang katotohanang walong taon nang nagdurusa si Trisha. Give in, Femella. Do what is necessary."
She laughed desperately. "Alam mo ba Rowald, iniisip ko. Kung ako ba ang nakuha nila noong gabing iyon, magpapakamatay kaya sila mama? Will they ask Trisha the same favor they have asked me? Sometimes I think, if it's really worth it. Pwede ko namang kalimutan ang lahat at ipagpatuloy ang buhay ko. Fuck! I've already wasted fuckin' eight years of my life running after a nameless and faceless abductor. Ibinenta ko ang sarili ko. Nagpakaputa ako para lang tuparin ang pangako ko sa aking mga magulang. Kaya pagkatapos nito, bigo man ako o panalo, kahit patay na sila. Walang kapatawaran akong maibibigay. Being an Alcantara has become a curse. I hate my life. I hate this."
Narinig ko ang kaniyang paghagulhol. Something is telling me to stop this but lives are on the line here. Pinatigas ko ang puso at binalikan ang dalaga sa linya.
"Ayusin mo ang sarili mo. Hindi ito ang panahon para isipin mo ang mga iyan. Put yourself together. Back to the game plan. Ibibigay ko kay Dave ang mga nakalap ko na impormasyon. And Femella, aalis na si Lagma papuntang US kasama ang kapatid mo ngayong buwan. Kung hindi pa iyan ang makakapagpatuwid sa pag-iisip mo ngayon, ewan ko kung ano na lang. Think it over again. Si Maverick na lang ang tanging pag-asa mo."
"But I don't want to screw his mind. He has suffered more than enough."
"Too late for that. You already did. When you decided not to tell him the truth."
May narinig akong nabasag.
"Mas mabuti pang hanggang sa panaginip na lang ang lahat para sa kaniya. Who cares if he can't remember me? I'd choose his peace of mind over mine, Rowald."
"You're selfish, Femella. Maiintindihan ko kung iyan desisyon mo. But how about Trisha? Pipiliin ba niyang hindi siya maalala ni Maverick?"
Muli ay katahimikan.
"Pag-isipan mong mabuti. Oras na para gumawa ka ng hakbang. Your little money wouldn't do a thing to Lagma. You need a solid offense and it's Maverick."
"What a manipulative jerk you are Rowald. I knew it all along that you have a personal interest for helping me. Doon pa lang sa pagtatago ng existence ko sa mismong crime scene, alam ko nang may mali."
"Leave my personal interests to me. I'm dropping this call. Magdesisyon ka na agad."
"I don't know why you're doing this, Rowald. Maybe we have the same reasons but promise me, you'll be with Maverick when this is all over."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi nito.
"Akong bahala."
Tumayo ako pagkatapos ihagis ang cellphone sa mesita saka pumasok sa banyo. Naghubad ako ng damit at itinapat ang sarili sa shower. Hinawakan ko ang ouroboros na tattoo sa leeg ko.
"My loyalty is in El Draconem. Forever and ever."