Chapter 25 - Chapter 25

Nanlilimahid na sa alikabok at dumi ang aking buong katawan at nanlalagkit na rin ako dahil sa pawis mula sa ilang oras na paglilinis ng buong apartment pero sige pa rin ako sa pagkuskos sa mga dumikit na natuyong kanin sa tiles ng sahig.

Sa isipan ay ilang daang ulit ko nang ginutay-gutay ang green-eyed monster na nagngangalang Dave. Kung di ba naman dahil dito ay nasa spa na sana ako ngayon at nagpapakasarap sa paglustay ng forty-nine million ni Maverick.

Pero hindi. Andito ako ngayon at halos ingudngod na ang mukha sa kaka-brush sa nangingitim na white tiles. Iniimagine ko na lang na mukha ni Dave ang nginungudngod ko sa sahig.

Nang matapos ay nagpahinga ako ng ilang sandali habang kumakain ng watermelon. Sinulpayan ko ang wall clock. Pasado alas-diyes na ng gabi. Ipinatong ko ang mga siko sa kitchen table at inubos ang prutas. Magpapalipas muna ako ng ilang minuto bago maligo.

I looked over my place and smiled. It's back to its tidy and order form as it should be. I stretched my arms in the air and yawned.

"I'm so sleepy."

Straight dalawang linggo na akong walang maayos na tulog dahil sa pagmamamanman kay Lagma Rey. I went to his company posing as a client hoping that I would see him but I ended up waiting in vain. The next few days after that were spent trailing him according to his schedule Dave gave me but again and again, I have not picked out a single clue that will lead me to the location of my subject. Tama nga si Dave. The man is as clean as a white sheet. He's clever too. Kung hindi lang ako magaling magbalatkayo, baka matagal na niya akong nahuli. Hindi rin naman ako basta-basta lang makakalapit sa kaniya dahil sa sandamakmak nito na bodyguards.

I can't wait until the gala night for some information about the guy. Gahol na ako sa oras. Kapag wala pa akong ginawang solidong hakbang ngayon, baka mawala na ang maliit na tsansa kong makita ang hinahanap ko. Baka isang maling hakbang ko lang ay masalisihan niya ako at tuluyan nang makaalis ng bansa kasama siya.

Ginabi na lang ako at nilamok sa paghihintay kay Lagma na lumabas ng restaurant pero hindi nangyari ang pinakaaasam ko. Sa sobrang pagkapikon ko dahil wala ni kaunting magandang development ang pinagagagawa ko ay nagpasya na lang akong umuwi na at maglinis na lang ng bahay. As of now, I'm putting all my bet on Dave.

Tumayo ako para ibalik sa ref ang watermelon. Pagkatapos ay umupo ako sa sofa at sinimulang tupiin ang mga nilabhang damit. Natigilan ako nang dumako ang tingin ko sa jacket at t-shirt ni Maverick.

I missed that obnoxious arrogant guy who drives me crazy with his touch and kisses. I missed our sharp conversations. I miss hugging him when we are sleeping.

But all of that should be shoved in the corner for now.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto para kumuha ng paper bag. Maingat na isinilid ko ang t-shirt at jacket nito sa loob. Hindi ko alam kung kailan kami magkikita ni Maverick o kung magkakaroon pa ba kami ng pagkakataon na magkita para maibalik ko ito sa kaniya pero just in case topakin ang tadhana at magpasyang pagtagpuin uli kami.

"Tsk. Kailan pa ako naging cheesy. Tadhana my ass."

Ipinasok ko sa closet ang iba pang damit saka kumuha ng towel at dumiretso ng banyo. I need a long warm bath to soothe my aching muscles.

Lumabas ako ng banyo na fresh na fresh ang pakiramdam. Kumuha ako ng boyleg at mahabang kupas na t-shirt para isuot. Nag-apply rin ako ng moisturizer sa mukha at lotion sa buong katawan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtutuyo ng buhok ng may marinig akong kumakatok sa sala.

My hands immediately froze in the air. Naging malikot ang mga mata ko at kinapa agad ang Swiss knife sa ilalim ng kutson.

Who the fuck knocks on one's door at almost midnight?

"Ms. Alcantara? Gising ka pa ba? Ms. Alcantara?"

Bumalik sa natural na ritmo nito ang paghinga ko nang makilala ang boses ng landlady ko. Right. That weird girl from the other side of this room used to knock on my door in the dawn just to give me her newly baked dark black cookies with red sauce. Maybe this disturbing action is no exception.

"Ano na naman kaya ang ibibigay ng babaeng ito sa akin?"

Lumabas ako ng silid at inalis ang tatlong pad locks sa pinto saka ito marahang binuksan.

"Ano—" Naputol ko ang iba pang sasabihin nang tumambad sa akin ang pamilyar na amoy. Fruits. It smelled of fruits.

Nagtaas ako ng tingin at sinalubong ang mga matang matiim na nakatitig sa akin habang naglalaro ang pilyong ngiti sa sulok ng labi nito.

The guy in his immaculate navy blue three-piece suit is towering over me while his hands are on his pockets.

"Hi, Fem.." pakli nito sa pagod na tinig.

I blinked to regain my lost composure at the sight of the very man I was just thinking earlier.

"What are you doing here, Fuentebella? Nasaan ang landlady ko? I heard her call me that's why I opened the door."

Nagpalinga-linga ako para hanapin ang babae. I was so sure she called my name.

"Ah, that girl? She is kind enough to help me. Sabi niya siya na lang daw ang magpapalabas sa iyo para mas effective ang gagawin niyang orasyon mamaya. I don't know what she meant by that but whatever her reason is, I appreciate her kind heart. So pure."

I grimaced at how he casually said those things while smiling at me. "Hindi ko rin alam ang sinasabi mo pero mas hindi ko alam kung bakit nandito ka?"

Maverick leaned on the frame of the door. "I miss you."

Hindi ako nakahuma sa kaniyang sinabi. Sa ilang sandali ay parang may  naramdaman akong humahalukay sa sikmura ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at parang nahihirapan akong huminga.

Nag-iwas ako ng mukha at tumikhim.

"I don't have time for this, Fuentebella. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga kaya wag ka ditong mangulit. Umuwi ka na."

Akmang isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ito at malalaki ang hakbang na pumasok. Napaatras ako sa kabiglaan sa kaniyang ginawa. Ito na rin ang isa-isang nagbalik sa pad locks. Napailing pa ito nang kaunti.

Humarap ito sa kabuuan ng bahay at sinuyod ito ng tingin.

Parang sumikip bigla ang buong lugar dahil sa presensiya ng binata.

"What are you doing? Ang sabi ko umuwi ka na dahil pagod na ako. I want to sleep."

Naghikab ito at hinubad ang coat at isinampay sa sofa. Umupo at nagde-kwatro.

"Ako rin pagod na. Come now. Let's sleep."

Matalim ko siyang tiningnan. "Spare me with your jokes, Fuentebella. Umuwi ka na."

Sa halip na sundin ako ay tumayo ito at kinalas ang neck tie pati ang sinturon nito.

"I'm not joking. And for the nth time, it's Mav or Mab. Quit calling me Fuentebella. At makikitulog muna ako dito sa iyo. My body is too tired to drive."

"Wag mo nga akong pinagloloko. Isang tawag mo lang ay may darating na para sunduin ka."

"But I'm too tired to even make a call. Please, can you be at least hospitable enough to let me stay here for a couple of hours? Para namang wala tayong pinagsamahan."

Napasimangot ako sa huli niyang sinabi. "Tapos na ang kung ano mang pinagsamahan natin. You're too tired to make a call? Akina yung cellphone mo. Ako ang tatawag para sa iyo."

Inilahad ko ang palad sa kaniya pero umiling lang ito.

"I don't have the phone with me. Naiwan ko sa kotse."

"Then give me your keys. Kukunin ko. Bilis."

He shook his head. "What a cruel woman you are. Okay, how about you let me borrow your bed for an hour and then you wake me up after. I'll just take a quick nap para mabawi ko ang lakas. Is it okay with you?"

Nakakunot-noo pa rin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay kung bakit niya ito ginagawa.

"Nice. You're speechless that's mean you are agreeing to me." Nagsimula na itong naglakad papunta sa nakabukas ko na kwarto.

Wala na akong nagawa kundi hayaan ito.

"Shit!" Napahilamos na lang ako sa mukha nang makita ang dumi na nilikha ng sapatos nito sa kakatapos ko lang linisan na sahig.

"Bat ang hilig ninyong mag-iwan ng dumi? Shit!"

Nagdadabog na kumuha ako ng basahan at disinfectant para linisan ang dumi. Lumuhod ako sa sahig at nagsimulang punasan ang bakas ng sapatos ni Maverick. Nanlumo ako nang makitang papunta sa kwarto ko ang mga dumi. Tumayo ako at nagpupuyos sa inis ang kalooban na nagmartsa papasok sa silid.

Ready na akong sugurin ang lalaki at ihampas ang basang basahan dito pero nawala ang lahat ng iyon nang makita kong payapang natutulog na ito. Nakadapa si Maverick sa kama ng walang pang-itaas at yakap-yakap ang unan ko. Pinagkasya lang nito ang malaking kaha sa maliit kong kama. He looks so out of place with him snuggling comfortably in my neon covers and Sponge Bob pillow covers.

"Look at this big man sleeping like a child. Pasalamat ka mabait ako sa mga tulog kundi ay pinakain ko na ito sa iyo."

Pinunasan ko na ang sahig at nilabhan ang basahan. Bumalik ako sa kwarto para iligpit ang polo nitong nahulog sa kabilang bahagi ng kama. Tinupi ko ito at itinabi sa sofa kasama ang belt at neck tie ng lalaki. Kinuha ko na rin ang paper bag na naglalaman ng t-shirt at jacket nito at ipinatong sa kaniyang damit.

Nilapitan ko si Maverick at hinubad ang suot na sapatos at medyas nito.

"Ikaw ha. Dinumihan mo na nga iyong puting-puti ko na sahig, nagkalat ka na tapos gagawin mo pa akong yaya. Sapakin kita diyan, eh."

Tinampal ko ang puwet nito na umani lang ng ungol mula kay Maverick.

Inilagay ko sa shoe rack ang kaniyang sapatos sa sala saka bumalik sa kwarto bitbit ang isang mug ng kape. Nilakasan ko ang aircon bago kinuha ang libro tungkol sa agriculture.

Naupo ako sa sahig, isinuot ang eyeglasses, sumandal sa gilid ng kama at nagsimulang magbasa.

Nang maubos na ang kape ko ay inilabas ko muna ito para hugasan. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Minsan ay sinusulyapan ko ang binatang natutulog sa tabi ko.

Mabilis na lumipas ang oras. Kung hindi pa sa isang mainit na braso na dumantay sa balikat ko ay hindi ko bibitawan ang hawak na libro.

Isiniksik ni Maverick ang mukha nito sa leeg ko at bumulong.

"Hey, it's so late. You should sleep now..."

Nanindig ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko. His ragged husky voice seems to seep through my skin.

"Yeah. I should."

But he didn't let me go. He took his time sniffing me and nuzzling his nose on the side of my neck. I gulped at how he made my body too sensitive of him.

"Mav.. Let go. Please."

He chuckled first before releasing me.

Ibinalik ko ang libro sa book shelf at nakapamewang na hinarap ito.

"Usog."

He didn't move. "You can lay on my chest. Your bed's too small for the two of us."

"Not my problem. Hindi ko naman binili iyan para i-share sa iyo. Or wait, kanina pa natapos ang isang oras mo. You can go home now."

Umusog ito sa kanang bahagi ng kama at tinapik ang espasyo sa tabi nito.

"Eto na. Come."

Hindi ako tuminag. "Umuwi ka na kasi."

Bigla niya akong hinila sa kamay pahiga sa tabi nito sa kama at kinumutan ako. He puts his finger on my lips and trapped me with his legs.

"Shhh. You should sleep now and let me also sleep in silence. I still have a flight later to Japan."

"May flight ka pala so bakit ka pa nagpunta dito? Gulo-gulo ng utak mo. Wag kang nangyayakap."

Pinalis ko ang braso nito sa bewang ko at tumalikod ng higa.

"I miss you, Fem. I miss you so bad.."

He hugged me from behind and kissed my hair. "I don't know what you have done to me. You're making me crazy."

Inalis ko uli ang mga kamay niya sa katawan ko. "Tigang ka lang siguro. Maybe you should get laid. Go get yourself a girlfriend and stop pestering me. Tapos na ang kontrata natin at hindi ako kailanman papayag sa alok mo."

Wala akong narinig na sagot mula dito kaya pumikit na ako at sinubukang matulog. But then his hands went to my waist again under the sheets.

"It's you I only want. Wala akong gustong ibang babae kundi ikaw lang. If I have to buy every second I spent with you then so be it. If I go broke buying your time all over again then I'll just reinvest again. That's how I want you to be in my life, Fem."

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko sa sinabi ni Maverick.

"What a sweet-talker. Tumigil ka nga. Ako ang kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay sa bewang ko at hinaplos.

"Matulog ka na. Iba pala ang epekto sa iyo ng kulang sa tulog. Nagpapaniwala ka sa mga ganiyang bagay."

"If it's you sweetheart, I'm more than wiling to take a risk. Always."

Umahon ito nang kaunti sa kama at hinalikan ako sa pisngi. He kept a good distance between us and only held my hand.

Nakatulog na nang tuluyan si Maverick hawak-hawak ang kamay ko pero gising na gising pa rin ako at nakatitig lang sa kisame. His words kept replaying in my mind.

Nilinga ko ang lalaking payapa nang natutulog. Hindi ko na napigilan ang paglaglag ng mga luha ko dahil sa kaniyang mga sinabi.

"We can't be together, Mav. We just can't."