"Okay ka lang?"
Distracted na nilingon ako ni Femella mula sa pagkakatitig nito sa labas ng sasakyan. Hinagod muna niya ako tingin saka ngumiti. "Yeah, I'm okay. Don't worry."
I returned my focus on the road. "Saan ba kita ihahatid? Will you go back to your apartment first?"
Kanina ko pa napapansin ang kakaibang pananahimik nito. Habang nasa bahay kami at nag-aalmusal ay kibuin-dili na ako ng dalaga. I tried to put on a conversation but she didn't seem to be buying it. Tipid na ngiti lang at kibit-balikat ang palaging sagot nito. I wonder what had gone wrong.
Did she change her mind? I gripped the steering wheel and squeezed my teeth at the thought.
No way in hell I'm going to let her go. I've already decided to explore this new terrain I've discovered. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito kaya marapat lamang na gawin ko ang lahat para manatili si Femella sa akin.
Binilisan ko ang takbo ng sasakyan. Abot-tanaw ko na ang helipad. Nakikita ko na rin ang elisi ng helicopter.
Binato ko uli ng tingin si Femella. She didn't answer my question. She seemed to be too immersed in her own deep thoughts. Nakatulala ito sa kawalan pero kapansin-pansin ang determinadong ekspresyon sa mukha nito.
I pulled the car in the corner and turned off the engine. "Stay here. May kakausapin lang ako."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at bumaba na ako. I saw my pilot and assistant talking to each other. Sa likod nila ang aking Bell 525 Relentless.
I approached them and shook the hands of my pilot. "I'll take it from here," ani ko rito.
Bumalik ang piloto sa loob ng helicopter at naiwan kaming dalawa ni Ivan.
"Brief me about the recent updates about my deal with the Kurasakis."
Naglabas ng Ipad si Ivan at nagpipindot. May ipinakita siya sa aking dokumento. "They are requesting for another Filipino investor for a recommendation. I tried to argue but they wouldn't budge. What's the next step from here, sir?"
Namulsa ako. "Don't worry about it. Luther has some prospects in mind. We will set a meeting this week for that. Anything you wanted to report?"
"Your mother called me yesterday, sir. She's asking when will you back but she didn't elaborate any further."
"Ako na ang bahala sa kaniya. Ano pa?"
He stepped closer to me and lowered his voice. "Mr. Butch came by this morning in the office. He told me to say hi to you."
Tumiim ang bagang ko sa narinig. "Finally, a good news."
May sasabihin pa sana si Ivan pero naudlot nang tuluyan nang inagaw ng maingay na tunog ng helicopter na paparating ang atensiyon namin.
"Who could this be? Did you tell Luther about my location?"
"No, sir. I didn't."
Hinintay naming makalapag ang helicopter. The door opened and out came two big-looking guys. Inalalayan ng isa pababa ang isang babaeng nakasuot ng all-black outfit at malaking shades sa mukha.
Hinubad ng babae ang shades at naglakad papunta sa akin.
Just what the hell is Vida doing here? Paano niya nalaman ang lokasyon namin?
Tumigil ito sa harapan ko. "Hi there, Mr. Fuentebella. Akala ko matagal pa tayong magkikita pagkatapos ng ating very unlikely meeting." Ngumiti ang babae pero hindi ito umabot sa kaniyang mata.
"Akala ko din. What brought you here?"
"The deal is over. Of course I'm here to collect Femella. Where is she?" Nagpalinga-linga ito sa paligid.
"I'm afraid that you don't have to do that. Femella and I have reached another agreement. This time, no third party involved."
Tumigas ang mukha nito. "What do you mean?"
"Femella is cutting her ties with your club. She's mine now, Vida. Mine alone." My thick accent gave out an imminent warning.
"Really?" Tumawa ito ng sarkastiko. "Where is she? I need to talk to her."
Humakbang ito pero pinigilan ko ang kaniyang braso. Agad na lumapit ang dalawang lalaki sa amin pero itinaas lang ni Vida ang kamay nito para pahintuin sila.
"You heard what I said so leave her alone." Matigas na ang boses ko. Anytime my temper could go berserk. Malas lang ng mga kasama ni Vida at baka sila ang unang masampolan ko.
"Relax, Mr. Fuentebella. It's so unlike of you to act like this. You sound so territorial. Gusto ko lang makausap si Femella. Besides, aren't you curious who gave out your location?"
Pinakawalan ko ang kaniyang braso at madilim siyang tiningnan. "Speak."
"Someone called me last night."
"Who? Who called you?"
"Ako. Ako ang tumawag kay Vida."
Sabay naming nilingon ang nagsalita. Nag-init agad ang ulo ko pagkakita kay Femella. Her face devoid of the warmth I saw during our stay together. The walls are back. She's back being the woman on that auction night again.
"What? What did you say?!" Dumagundong ang galit na boses ko.
Femella walked past me and talked to Vida. "Can you give me a minute? I'll just have to sort this out."
Vida nodded and retreated. Sumunod sa kaniya ang mga lalaki. Tinanguan ko rin si Ivan na umalis muna.
"Tell me I did not hear it right," sabi ko dito sa malamig na tinig nang maiwan kaming dalawa.
Tuwid na sinalubong ni Femella ang tingin ko. "It's true. I did call Vida to get me."
Nagtagis ang bagang ko sa narinig. "Why? Didn't we already patch things up last night?"
"No, we didn't. I never said yes."
Hinablot ko sa mga braso si Femella at hinila palapit sa akin, gahibla na lang ang naiwang pagtitimpi ko. "You're never a good liar, Femella. Tell me what happened so I can do something about it."
Nagpumiglas ito sa hawak ko pero hindi ko siya hinayaang makawala.
"So I was right along. Tama ang unang basa ko sa iyo. Kagaya ka rin nila na nagagalit kapag hindi umaayon sa kanilang kagustuhan ang mga pangyayari." Ngumiti ito ng sarkastiko. "For the record Mr. Fuentebella, I never said yes to your proposal. You just assumed it."
Buong pwersang itinulak niya ako para makawala siya sa hawak ko. Labag man sa kalooban pero hinayaan ko na lang siya.
"Don't you dare deny it! You feel it too, don't you? There's something going on between us Femella and you can never deny that."
"So? Ano naman ngayon? I don't want to pursue any of it." Humugot ito ng malalim na hininga. "Look, I admit that I enjoyed my stay here. Thank you for that but the contract has already ended gayundin ang serbisyo ko sa iyo kaya dapat na nating tapusin whatever we have between us kung meron man."
Hindi ako kumibo. Pinag-aralan ko lang ang buong mukha ni Femella mula sa nanginginig na labi nito at sa namumulang mga mata na nangingilid na ang luha. My eyes went down to her tightly clasped hands.
"Alright," mahinahon kong saad. "I am acknowledging the end of our contract, Femella. Thank you for your valued service. I enjoyed tormenting you."
Pinagmasdan ko nang maigi kung paano nito kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng luha nito. Lumapit ako sa kaniya at ikinulong ang mukha nito sa mga kamay ko.
"Would I become a monster in your eyes if I say that I'm happy right now?"
Nagbaba ito ng tingin.
"Kasi alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa ating dalawa. I don't know what your reasons are but I know that we both feel the same."
Maingat na pinunasan ko ang tumulong luha nito nang pumikit ito.
"You're a big mystery I want to solve Fem but unlike you, I'm not a dictator so I won't force myself to you."
Hinubad ko ang suot na jacket at isinuot dito. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito.
"That's my favorite shirt," tukoy ko sa suot nito.
Umatras ako at namulsa. "It was a pleasure meeting you, Ms. Alcantara."
Nagtaas na ito ng tingin sakin matapos tuyuin ang mga luha.
"Likewise, Mr. Fuentebella."
Tumalikod na ito.
"But we both know it's not the end," wika ko.
"It is. It is the end. Thank you. I'll be going," hindi lumilingong sagot nito.
Tuluyan na itong humakbang papunta kay Vida. Sinundan ko pa ng tanaw hanggang sa pagsakay nito sa helicopter.
"Sir, there's an incoming call," pukaw ni Ivan sa akin.
I took another look at them before turning my back and ascending to my helicopter.
Sabay na umangat sa ere ang dalawang helicopter at tinahak ang parehong landas.