Chapter 33
Gus
Napakunot ang noo ko nang magtama ang aming tingin. Kung hindi ako nagkakamali, tila may lungkot akong nakita sa mga matang iyon ng lalaki. Ang mga mata niyang matiim na nakatitig pa rin sa akin.
Naramdaman ko ang pag-akbay at pagpisil ni Chan sa balikat ko. I looked at him and found him sweating. "Hey, are you alright?" Tuluyan na akong humarap sa kanya at idinantay ko ang likod ng palad ko sa noo niya.
Ganunpaman, ramdam ko pa rin ang mainit na titig ng lalaki sa likod ko. Wari'y nagbabaga sa init ang klase ng titig niya na nagsisimulang magpagulo sa akin. Hindi naman bago sa akin ang ganoon, pero parang may iba pagdating sa may-ari ng HJG. I am not comfortable with his looks.
"Pagod na ako, hon. Maaari na ba tayong umalis?" Bakas sa boses ng boyfriend ko na tila siya hapong-hapo. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na tumango. Bumaling ako kay Mommy Anita.
"Chan is not feeling well. Is it okay if we go ahead?"
"What? It's still early. Besides you haven't started eating yet." Binigyan ko ng nagpapasensyang tingin si Mommy Anita. Concerned ako sa nararamdaman ng nobyo ko kaya wala akong balak na magpapigil.
"Yeah, I know. But he's sick. He's sweating and he's pale." Tuluyan nang tiningnan ni Mommy Anita si Chan. Maging ang mga kasama namin sa mesa ay napadako sa amin ang pansin.
"How are you feeling, Chan?" Bakas sa mukha ni Mommy ang pag-aalala. Tumayo siya at lumapit sa amin. Tumikhim naman ang nobyo ko. Bumaling ako sa kanya.
"I just need to rest. It's my migraine."
"Ahw. Do you have painkillers?"
"Yeah. Where's your painkiller?" Malumanay kong tanong sa kanya. Paminsan-minsan kasi ay inaatake siya ng migraine lalo na kung stress at pagod sa trabaho.
"I left it upstairs."
"Don't worry. I have here." Mommy Anita opened her elegant shoulder bag and handed me a Tylenol for Chan. I got it without second thought and a glass of water. Agad namang kinuha iyon ni Chan and thanked me after.
"Maupo na tayo." I invited him and glad that he obeyed me. Nakalimutan ko na ang taong nagbigay nang hindi kaaya-ayang pakiramdam sa akin. Not until Lance started to introduce the owner of the security agency. We didn't bother to stand up and shook his hand. Hindi gaya ng ibang kasama namin sa mesa.
"Hi." I just nodded just like what I used to greet other people formally. I hated him for staring at me like that. Baka hindi nito alam na katabi ko ang boyfriend ko. And it was so rude to stare at someone who is already taken. Ewan pero ang pakiramdam ko sa tingin niya sa akin.
"Sit down, Hec. Finally, you showed up at this kind of event." Narinig kong tanong ni Lance sa kaibigan nito. We started eating at gaya ng dati, asikasong-asikaso ako ng boyfriend ko.
"Honey, let me. Ako naman ang mag-aasikaso sa'yo. You should stop moving." Kinuha ko ang pitcher ng cucumber lemonade ng akmang lalagyan niya ang baso ko. Nilagyan ko muna ang baso niya at saka ko nilagyan ang sa akin.
"I'm sorry for that. We're limited to waiters tonight. Ayaw ko kasing maraming tao. Alam mo na marami kang fans dito." Isaac just said that.
"No. It's okay. Hindi naman mabigat na trabaho ito." Binuntutan ko pa ng tawa ang sinabi kong iyon. Again, that intense feeling stared by someone hit her. Marami naman silang nakatutok sa akin pero kakaiba pa rin kung tumitig ang isang ito. But I didn't bother to look at him. Ayaw kong magka-ideya ito na naaapektohan ako sa klase ng titig na ibinibigay niya sa akin.
Patuloy kong inignora ang lalaking nagngangalang Hec. Good thing at kinakausap ako ni Mommy Anita regarding the shoot. Paminsan-minsan ay binabaling ko ang atensyon kay Chan na abala na rin sa pakikipag-usap kay Isaac. Masaya ako at hindi na siya nakakaramdam nang pananakit ng ulo.
We finished our food and decided to have some sort of fun. We have now our drinks and some are dancing. Kinuha ni Chan ang kamay ko at niyaya akong sumayaw. Hindi ko siya tinanggihan bagkus ay buong puso ko siyang pinaunlakan.
Miminsan lang mangyari ang ganito sa amin dahil sa abala akong tao. Tonight, I will dance with him hanggang sa magsawa kaming dalawa. Sumayaw kami sa saliw ng musika. Eksaktong sweet music ang pinatugtog kaya naman wala akong pakundangang yumakap sa kanya. The feeling of being caged inside him make me at ease.
"What are you thinking?" Chan asked me.
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakahilig ko sa kanyang dibdib. Nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya. Kung kanina ay bothered siya, ngayon ay hindi na. Tila ba napanatag siya habang yakap-yakap ako at marahang sumasayaw.
"Nothing."
"Come on, tell me."
Natawa ako. "Wala. Masaya lang ako dahil isinayaw mo ako."
"Iyon lang ba?" Malambing na tanong niya.
"Yeah. Ikaw, what are you thinking?" Balik-tanong ko sa kanya na may matamis na ngiti sa mga labi.
"I was thinking if I could kiss you right now."
"You must be kidding." Muli akong natawa.
"No. I'm serious." He damn looks serious indeed.
"Why not?" And without having second thought, I kissed him. It was just a featherly kiss. Pero tila kapwa kami nabitin. He bend over and claim my lips. Tinugon ko ang halik niya kahit na alam kong maraming tao ang nakakakita sa amin.
Lumalim ang halikan namin. Hanggang sa kapwa kami tumigil dahil sa kailangan na naming huminga. Funny, isn't it? Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. My boyfriend is really sweet. And I am lucky to have him.
Humiwalay siya sa akin. Akala ko ay babalik na kami sa mesa nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Nakaluhod ang isang paa niya at may kinuha siya sa kanyang bulsa.
Nasapo ko ang bibig nang mapagtanto ko kung ano ang nangyayari. Biglang namatay ang ilaw ngunit ang spotlight ay nakatutok na sa amin. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
Hindi ko ito inaasahan at lalong wala sa isip ko na mangyayari ito ngayon. Wala naman siyang sinasabi sa akin.
"Hon, ano bang ginagawa mo?" May nginig sa boses kong nagtanong sa kanya. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng ibang kasamahan namin. Ang iba naman ay humihiyaw at napapa-wow.
May pulang kaheta siyang hawak-hawak at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Honey, I'm sorry if I didn't tell you. Pero hindi ka na masosorpresa kung sasabihin ko sa'yo," aniya.
Oo nga naman.
"Kung hindi ko ito gagawin ngayon, baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon. We're both busy, lalo ka na. At gustong-gusto ko na makasama ka na sa araw-araw."
Hindi na niya napigilan ang sariling umiyak. Especially that she could see Channing lightly shook and teary eyed.
"I want you to spend the rest of your life with me. I want to be with you 'til the end of my days. I love you so much and I'm sure that my love for you will never fade. So, please be my wife.. honey ko?" Nangungusap ang mga mata niya. Tila sinasabi na huwag ko siyang biguin at saktan.
I love him.. so much. All my life, siya lang ang taong nagmahal sa akin ng ganito. Through ups and downs, he never dared to leave me. At ganoon rin ako sa kanya. I want to be with him, every day.
Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Yes. Yes, honey. I will be your wife."
Masigabong palakpakan ang kapwa namin narinig buhat sa paligid. Tumayo si Chan at isinuot ang diamond ring sa akin na kumikinang pa dahil natatamaan ng spotlight na nakatutok pa rin sa amin. It's a simple ring na may malaking diyamante sa gitna at napapaligiran ng maliliit na diyamante sa paligid. A beautiful ring that fits on my beautiful finger. Hindi maampat ang pagtulong ng aking mga luha. Ganoon din si Chan na niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you, honey. I love you so much." His lips met mine. He was kissing me again and I gladly responded. Mabilis lang ang halikan namin at dahil naririnig na namin ang mga kasama namin na lumalapit sa amin. They're congratulating us.
Nag-uumapaw ang saya sa aking dibdib. Hindi ko ito inaasahan. I did not expect him to propose this early. At sa harap pa ng maraming tao.
"Congrats!" Mommy Anita hugged me.
"Thank you, Mommy."
"No one informed us that there will be a proposal this evening." Umiling-iling pa ito.
"And so as me."
"Oh, dear. I hope your career will never change once you get married." Natawa ako sa sinabi ni Mommy Anita.
"I can't promise that, Mommy. Well, we will talk about that matter."
"Uh-oh. Why do I have this feeling that you'll leave us soon." Alam kong nagbibiro lang siya. Mahal ko rin ang karera ko at siguro naman matagal pa bago sila magpapakasal ni Chan. What's important now is that I am sure that he's mine and I am his.
"That's not gonna happen soonest. Don't worry, Mommy," sabi ko para mapanatag siya kahit papaano.
Marami ang lumapit sa amin at nakikigalak sa isa sa mga magagandang nangyari sa buhay namin ni Chan. We're engaged now. And we are obviously happy about it. Tuloy ang saya, tuloy ay sayawan at inuman.
I am so excited na sabihin sa mga magulang ko ang magandang balitang ito. Pero bago iyon ay nais ko munang hanapin ang kababata ko. Excited akong mahanap at maka-usap siya.
Bumalik kami sa mesa namin at nakita kong wala na doon ang may-ari ng security agency. Who cares, anyway?
"That was so sudden." Isaac exclaimed. "But sweet, really."
Natawa ako sa reaksyon nila. Maging ang girlfriend nitong si Vaneza ay natawa rin. "Congratulations!"
"Thank you." I answered her. Ramdam ko ang buong puso niyang pagbati sa amin ni Chan.
"Don't worry, sweetie, mas maganda pa roon ang balak kong pagpo-propose sa'yo. Iyong tipong hihikbi ka sa gulat." Nakangising sabi ni Isaac dito. But he embraced her and drew her closer to him. Kahit nakangiti ito ay makikita ng seryoso si Isaac sa sinabi.
"Puro ka kalokohan." Hinampas ni Vaneza sa balikat si Isaac. Hindi kalakasan pero mukhang kinakabahan. So sweet. Napangiti ako.
I suddenly heard the call of nature. Kailangan kong pumunta sa comfort room. "Hon, CR lang ako."
"Do you want me to come with you?"
"Nah, don't bother. Okay lang ako." Sabi ko at tumayo na.
"Bro, mapapangasawa mo na naman si Gus. Pati ba naman sa CR sasamahan mo pa?" Tudyo ni Isaac sa boyfriend niya. Tuloy ay kinantyawan rin siya ng iba. I just rolled my eyes and walked towards the comfort room. Agad na sumunod ang apat na bodyguards ko sa akin.
Medyo malayo rin ang comfort room ng pinagdausan ng party. Pero hindi na kailangang lumabas ng hall. Pakiramdam ko ay para akong nakalutang sa alapaap sa sobrang saya. Hindi mapuknat ang ngiti ko habang naka-upo at nagbabawas.
Nang matapos ako ay agad akong naghugas ng mga kamay. Nakikita ko ang sarili ko sa salamin. Gumanda pa yata ako lalo dahil sa ningning ng aking mga mata. Kumakanta pa ako habang naglalakad palabas ng comfort room.
"I didn't know the monkey can sing."
Lumipad yata ang espiritu ko sa gulat nang biglang may magsalita sa gilid ko. Just as I was about to close the door when someone spoke. Marahas akong bumaling. And there I saw the owner of HJG leaning against the wall near where I am standing.
I took two steps backwards. The man is tall. Nasa 6'2 yata ang height niya. Mas lalo pa itong gumwapo dahil sa porma nito. But then he stood straight and face me. He's not handsome at all. Because he's now dangerous. Masama yata angtl tingin niya sa akin.
Muling nanu balik ang pagkainis ko sa kanya. "Excuse me? What did you just said?"
"I didn't know the monkey can sing."
Nanlaki ang mga mata ko. Itinuro ko ang sarili ko at sabay sabi. "Are you insulting me?"
"Are you insulted?" He steps forward. Kaya naman umatras ulit ako.
"No." Bigla akong sumeryoso. Where the hell are my bodyguards? Lumingon ako sa paligid at hinanap ang mga iyon. Ngunit wala akong makita kahit isa.
"Looking for someone, lady?"
"Pwede bang umalis ka sa harap ko?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay tinarayan ko siya. Hindi ko gusto ang auro nito. I could smell trouble just by looking at his rock hard chest and broad shoulders. Dagdagan pa ang nagngangalit nitong panga. Is he mad at me?
"Paano kung ayoko?"
"I'll scream." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Scream as you can. Sa tingin mo may makakarinig sa'yo?" Sumilay ang pilyong ngisi nito.
"What the hell do you want?" Galit na ako. Hindi ko na gusto ang nangyayari. Kinakabahan na rin ako. Isa rin ba siya sa mga stalker ko?
No way. Papaanong ang nagmamay-ari ng security agency ay magiging stalker niya. That hit me. Tama, kaya siguro wala ang mga bodyguards niya ay dahil pinaalis ng may-ari.
This is bullshit.
"Pinaalis mo ba ang mga bodyguards ko?"
"I told them to." Lumapit na naman siya sa akin. Aatras sana ulit ako nang biglang naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.
"You have no right to do that."
"Oh, believe me.. I do." Paanas na sabi niya. Malapit na kami sa isa't isa. Iyong tipo na kahit malakas ang tugtog ay maririnig ko pa rin ang sinabi niya dahil sa sobrang lapit na niya sa akin. At tila hindi pa siya nakontento. Lumapit pa siyang hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan namin.
"Ano bang kailangan mo?" Ayaw kong malaman niya na kinakabahan na ako. Nasaan ba si Chan? Bakit hindi niya ako sinundan dito? Bigla ko siyang tinulak subalit parang pader ang tinulak ko dahil hindi man lang siya natinag.
Pinakatitigan niya lang ako at tila kinakabisa ang bawat parte ng mukha ko. Partikular na ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan ang pag-angat ng kamay niya at lalo pa akong nahindik ng dumako iyon sa labi ko.
Walang pag-alinlangan nitong binura ang kung anuman ang mayroon sa mga labi ko. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa. I was shocked by his sudden movement. Especially when I felt his thumb brushed my lips.
Pain. If I'm not mistaken.. I saw pain beneath those pair of eyes staring at me with madness.