Jeff
Naalimpungatan ako at marahas na bumangon ngunit agad ring napahiga nang biglang sumigid ang kirot sa aking sintido. Gaya ng dati, naparami na naman ang alak na nainom ko. Simula nang insidenting iyon labindalawang taon na ang nakararaan, nahihirapan na akong matulog kung hindi lulong sa alak ang buong sistema ko. Palagi kong naaalala ang tagpong iyon. Ang tagpong palaging dumadalaw sa aking panaginip. Itinuturing kong masamang panaginip. Kung bibigyan man ulit ako ng pagkakataon, sisiguraduhin kong itatama ko na ang lahat ng aking pagkakamali sa babaeng tangi kong iniibig.
Subalit sadyang hindi na iyon mangyayari. Mahirap nang ibalik ang nakaraan. Ang tangi kong magagawa sa ngayon ay ang agawin siya sa mga taong naglayo sa akin. Ilang taon ko ring pinlano ang araw na ito. Sisiguraduhin kong maisakatuparan ang matagal ko nang binabalak.
Tumayo ako at hinagilap ang aking cellphone sa lamesa. Gaya ng nakagawian, tinawagan ko ang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Ang taong malapit sa buhay ni Gus, ang palagi niyang kasama kung saan man siya magpunta. At ang taong may malaking utang na loob sa akin.
"Fred," bungad ko nang masagot niya agad ang tawag ko.
"Yes, Boss."
"Handa na ba ang lahat?"
"Yes, Boss. Naghihintay na lang kami sa go signal mo."
"Magaling." Bumuntong hininga ako. "Nasaan siya?"
"Nasa silid niya, Boss. Hindi pa lumalabas." Alam kong wala siyang schedule ngayon. Siguradong naisumbong na niya ang nangyari sa kanya kagabi. Kaya bago pa mapalitan ang mga bodyguards ko, mas maiging maisakatuparan na namin ang pinaplano.
"Is she alone?" Sa bawat tawag ko kay Fred ay palagi ko na lamang naitatanong iyon sa kanya. Na minsan ay pinagsisihan ko sa tuwing malalaman ko na hindi siya nag-iisa. Na palagi nang si Nikolai ang kasama niya. Si Fred ang nagbibigay ng mga impormasyon sa akin nang tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa araw-araw.
"Yes, Boss. Tulog pa ang mga kasama niya."
"Good. Execute the plan, now."
Iyon ang tanging hudyat ko upang gawin na nila ang iniuutos ko. Pagkababa ko ng cellphone ay agad akong naghanda. Sa wakas, makakasama ko na ang babaeng matagal nang nagpatibok ng aking puso. Sisiguraduhin kong hindi na siya makukuha sa akin ninuman.
Gus
I've been waiting for Chan to come back. Nagising ako nang madaling araw dahil sa masamang panaginip. Nakita kong mahimbing ang tulog niya kaya hindi ko na siya ginising. Pinilit ko na lang ang sarili kong bumalik sa pagtulog. At ngayon nga ay hindi ko siya mahagilap. Nag-iwan lang siya ng note na may pupuntahan lang sandali.
Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto. Akala ko ay ang nobyo ko na ngunit nadismaya ako nang sumungaw ang ulo ni Fred.
"Here's your breakfast, Ma'am," anito at pumasok na dala ang isang tray na naglalaman ng pagkain at isang baso ng malamig na juice.
"Hindi pa ba dumarating si Chan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa po, Ma'am. He'll be here soon."
"Okay. Thank you."
Iyon lang at lumabas na si Fred pagkatapos mailapag ang dalang tray. Nagugutom na ako at biglang kumulam ang sikmura ko pagkakita sa masarap na pagkain na nakahain sa harapan ko. Uminom muna ako ng malamig na juice bago ko isinubo ang fried rice. Nangangalahati na ako sa pagkain ng bigla akong makaramdam nang pagkahilo. Nanlalabo ang paningin ko at hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.
What is happening to me?
Tumayo ako ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Aabutin ko na sana ang cellphone ko ngunit bago ko pa mahawakan iyon ay nagdilim na ang paningin ko.
Channing
Pabalibag kong binuksan ang pinto nang makita kong wala nang tao sa labas. Nasaan ang mga bodyguards na inutusan kong magbantay sa labas ng pinto ni Gus? Labis ang aking pag-alala ng hindi ko makita ang nobya sa loob ng kanyang silid. Saka ko lang napansin ang mesa na may nakahaing pagkain. Biglang lumakas ang aking kaba.
Tumakbo ako at pinuntahan ang room ng aming mga kasama. Mas lalo akong nag-alala nang halos lahat sila ay hindi alam kung nasaan si Gus.
"What the hell is happening here?" Mommy Anita came rushing with her robe on.
"Have you seen Gus?" I hurriedly asked her.
"No. I just woke up." Napasabunot ako sa aking buhok. I left her at six in the morning. Mag-a-alas onse na.
"Sir, the bodyguards are nowhere to be found!" ani Kaye na humahangos papalapit sa amin. Nakalabas na ang lahat mula sa kani-kaniyang mga kwarto. Maging ang mga security guards sa hotel ay hindi rin alam kung nasaan si Gus at ang mga bodyguards.
"Maybe she went outside with the bodyguards. Let's wait for her." Mommy Anita patted me with assurance on her face. Sana nga may binili lang sa labas. Pero bakit hindi nakita ng mga security guards na nagbabantay sa labas? Luminga ako sa paligid. May mga cctv akong nakita sa bawat sulok ng lobby ng hotel. Agad akong lumapit sa manager ng hotel.
"Can we check you CCTV please?" She agreed and we followed her to their security room.
Agad naming inutusan ni Mommy Anita ang in charge sa CCTV room to replay the area outside Gus' room. Ngunit sa aming pagtataka ay biglang nagblack out ang lahat ng monitor.
"What is happening?!" I shouted. Labis-labis na kaba ang aking naramdaman. Sobrang takot ang lumukob sa akin. Baka kung may nangyaring masama na sa girlfriend ko.
"Sir, I'm sorry. Hindi ko po alam kung bakit biglang namatay lahat ng CCTV," ani ng operator.
"Open it!"
"Hey, relax." It was Mommy Anita.
"I can't!" Muling binuksan ng operator ang lahat ng monitor. Ni-replay nya ang CCTV sa hallway ng hotel room namin ni Gus. It was six in the morning when the CCTV footage caught me going out in our room. Kinausap ko si Fred ng ilang sandali. It was when I gave him instructions to not to let anyone in dahil natutulog pa si Gus. Pagka-alis ko ay ilang minuto pa ang lumipas. Nakatayo lamang ang limang bodyguards sa labas at hindi gumagalaw.
Subalit biglang nagbago ang footage. Nawala bigla ang mga bodyguards na nakabantay sa labas. Napalitan iyon ng aking pagdating. Makikita sa footage na mabibilis ang aking mga hakbang.
"Ano'ng nangyari?" Tanong ko sa operator.
"Sir, na-cut po ang footage," sagot niya. Makikita ang pagbabago ng oras sa CCTV. Ang kaninang alas syete ay naging alas onse. Halatang binura ang footage. May apat na oras ang pagitan. Napasinghap si Mommy Anita. Inutusan ko ang operator na e check ang ibang CCTV footage. Nungit ganoon din ang nangyari. Lahat ay binura simula alas siete hanggang alas onse ng umaga.
"Shit!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok. May hindi magandang nangyayari.
"Gus was kidnapped!" Nag-alalang turan ni Mommy Anita.
No, it can't be!!! Agad kong kinuha ang cellphone. Tatawagan ko ang lahat ng aking kakilala. Alam ko na kung sino ang kumuha kay Gus. Hindi ako maaaring magkamali. Kasabwat ang mga bodyguards ni Gus. Walang makakapantay sa galit na aking nararamdaman sa kasalukuyan. Hindi ko alam na aabot siya sa ganito. Siya na walang ibang ginawa kundi pasakitan ang buong pagkatao ni Gus.
Gus
Masyadong mabigat ang aking pakiramdam. Hindi ko maimulat ang aking mata dahil sa sobrang bigat ng aking ulo. Umungol ako baka sakaling marinig ako ni Chan. Napakapresko ng sariwang hangin na dumadama sa aking balat. Bago ko pa maimulat ang aking mga mata, iginupo na naman ako ng antok. Tuluyan na akong nagpasakop sa madilim na kapaligiran.
Hmm.. bakit ang bango?
Dahan-dahan akong nagmulat nang mga mata. Dalawang puting kurtina ang aking nabungaran. Sumasayaw sa ere dahil sa malakas na ihip ng hangin. Nagpalit na ba agad ng kurtina ang hotel? Muli kong ipinikit ang aking mga mata at unti-unti ay nanumbalik sa aking ala-ala ang nangyari bago ako nawalan ng malay.
Napabalikwas ako ng bangon at nagpalinga-linga sa paligid. Agad akong nahintakutan nang ibang kwarto ang aking nabungaran. Wala ako sa hotel. The hotel was oozing with elegance, from the interior to the furnitures. But this room is filled with bamboo and nipa? Nipa ba ito? The ceiling is covered of woven split bamboo panels. Its brown color gives solemness of the whole room. Ang tahimik at ang preskong tingnan. Iginala ko ang aking paningin. Ang mga kagamitan at pawang gawa rin sa kahoy.
Pero bakit ang mga iyon pa ang pinagtutuunan ko ng pansin? Hindi ba dapat akong mag-alala dahil hindi ko pa alam kung bakit ako naririto? Agad na bumalik sa aking alaala ang ginawa ni Vhong back in New York. Hindi kaya nakalaya na ang masamang taong 'yon at nasundan ako dito? Ibayong kaba ang aking naramdaman. Paano kung siya nga ang nagdala sa akin dito? Hindi maaari. Pinanghinaan ako nang loob at mabilis na tumakbo papunta sa balcony.
Ngunit sa aking paglabas ay isang napakalawak na karagatan ang aking nabungaran. Asul na karagatan at wala ni isang banca o sasakyan akong nakikita. Nalula ako nang sa pagtingin ko sa ibaba ay napakalalim na bato. Is it a cliff? Oh my God.. And a realization hits me. I was kidnapped!
Nasapo ko ang aking dibdib. Where am I? Pagtingin ko sa paligid ay pawang mga nagtataasang mga puno ang aking nakikita. Pagdungaw ko sa ibaba ay wala akong makita dahil sa kalakihan ng balcony. I'm nervous. Saan ako dinala? Sino ang nagdala sa'kin dito? Bumalik ako sa loob. Hinanap ko ang pinto at agad ko iyong pinuntahan. Subalit nadismaya ako nang sa pagpihit ko ng seradura ay nka-lock ito. Bugso ng aking damdamin ay hinampas ko nang paulit-ulit ang likod ng pintuan.
Whoever it is who brought me here will face the anger that I am feeling right now. Ano ang karapatan niyang dalhin ako dito? Hindi ako tumigil sa paghampas ng pinto. I don't care if my hands are hurting. Nais ko lang makalabas sa silid na ito. Napaatras ako nang makarinig ako ng yabag galing sa labas.
A pair of shoes stopped right in front of the door. Who's the man behind this door?
"Who are you?!" Galit kong sigaw. Muli akong napaatras nang makarinig ako nang kumpol ng mga susi at tila binubuksan ang seradura ng pintuan. Naghanap alo ng bagay na pwede kong ipamalo sa kung sinuman ang pangahas na tumangay sa akin dito.
Wala akong makita. Pumasok ako sa banyo ngunit wala rin akong makita roon maliban sa mga bote ng shampoo, conditioner at body wash. Isang malaking plastic na bote nalang ang kinuha ko. Hindi ko na inalam kung ano iyon. Mabilis akong nagtago sa likod ng pinto nang marinig ko ang pag-click ng seradura. Ibayong kaba ang aking naramdaman nang bumukas ang pinto.
Dahan-dahang pumasok ang taong hindi ko pa nakikita ang mukha. Mahigpit ang hawak ko sa bote at nakahanda akong ihampas ito sa kanya. Nang tuluyan nang makapasok ang lalaki ay buong lakas kong inihambalos ang hawak na bote sa kanyang ulo. Ngunit hindi iyon umabot dahil sa sobrang katangkaran nito. Imbes na sa ulo ay sa batok ko iyon naihampas. Ngunit kahit malakas na ang hataw ko ay hindi manlang siya natinag.
Bumuhos ang kaba sa aking dibdib. Kasabay nang malakas na tunog sanhi ng pagkahulog ng bote ay siyang lakas rin nang tahip ng aking dibdib. Sinamantala ko ang pagkakataon. Agad akong lumabas ng pinto at walang tigil akong tumakbo. Hinanap ko ang daan palabas ngunit nagulat ako sa aking nadatnan sa ibaba ng hagdan. Maraming bodyguards ang nagkalat sa ibaba. Hindi nila ako nakita kaya naman dahan-dahan akong tumakbo at nagbakasakaling makakita pa ng ibang daan.
Napasigaw ako nang biglang may yumakap sa akin sa likod at ini-angat ako sa lupa. Nagpupumiglas ako upang makawala sa matitigas na braso o tila baka na nakapulupot sa akin. Tinadyakan ko siya at siniko. Ibinuhos ko ang buong lakas ko para lamang makawala sa taong pangahas na bumuhat sa akin.
"Help! Help! Anybody please help!!!" Walang puknat ang aking pagsigaw kasehodang mamaos pa ako. Paulit-ulit ang ginawa kong pagsigaw.
"Put me down, you asshole!" Itinaas ko ang mga kamay at nahawakan ko ang kanyang mukha. Hindi ako nagdalawang isip na kalmutin iyon. Napa-aray siya pero wala akong pakialam. Ngunit kahit nasaktan na siya ay hindi pa rin ako binitiwan. Hanggang sa umabot na kami sa loob ng silid na pinagkulungan sa akin kanina.
"Let me go!" I screamed to my heart's content, but he did not let me. Instead, I heard him closed the door behind us and put me down to one of the chairs behind the table. Ipinagtaka ko ang puno ng ingat niyang pagbaba sa akin.
"How dare you!" ani ko paglapat pa lang ng aking puwet sa upuan. Subalit lahat ng masasakit na salitang gustong lumabas sa aking bibig ay nabitin nang tuluyan kong masilayan ang pagmumukha ng taong kumidnap sa akin.
You..
He's the man who cornered me at the party. The owner of the security agency my boyfriend hired for me. Nangunot ang aking noo. Again, the realization hits me.
"Why did you do this to me?"