Chereads / First Love Actually Dies / Chapter 40 - Chapter 37

Chapter 40 - Chapter 37

Gus

Umalis siya sa pagkakadagan sa akin kaya naman agad akong tumalikod. Ibayong pagsisisi ang aking nararamdaman. Naaalala ko si Chan at ang mga pangakong binitawan ko sa kanya na unti-unti nang naglaho. Masakit ang aking dibdib at ibinuhos ko iyon sa aking pag-iyak. Naramdaman ko nalang nang kumawala ang aking mga kamay sa malamig na posas. Hindi ko na alintana ang malakas na pagsara ng pinto. Kasabay niyon ay mas lalong lumakas ang aking paghikbi.

Wala na akong mukhang maihaharap sa aking mahal na nobyo. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Am I that easy that I could not do anything para pigilan siya sa kanyang ginawa? Ikinahihiya ko ang aking sarili. The feeling was very foreign to me, and I could not believe myself how I reacted. It was so abrupt, the sensation I felt while he was pounding above me shook the sensitivity beyond my soul.

I cannot move my body. I wanted to get up but the pain was unbearable. So, I stayed for a minute, another minute until I could not remember that I drifted into sleep.

Jeff

Padarag kong binuksan ang pinto nang guest room sa kabilang kwarto at malakas kong ibinalya iyon pagkapasok ko. Malakas kong itinapon ang t-shirt kong hawak-hawak ko pa. Wala akong pakialam kung saan man iyon bumagsak. I straddle the bar stool infront of me once I reach that side of the room. I hastily get the liquor and pour it to the glass I used earlier. Nagbabakasakaling pawiin niyon ang sakit na aking nararamdaman sa kasalukuyan. I quitely stayed here after I received a call from Fred telling me that Chan is doing everything just to find Gus. 

Hindi ko hahayaang makuha ni Chan si Gus sa akin. I will do everything para muli siyang umibig sa akin. Alam kong wala siyang maalala sa aming nakaraan. Kung hindi man niya ako maalala, gagawa na lang ako ng ibang paraan upang muling makapasok sa kanyang puso.

Inisang lagok ko ang alak na aking isinalin at muli na naman akong nagsalin pagkatapos ng isa pa. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung pang-ilang baso na ang aking nainom. Nais ko lang na mamanhid ang hapdi sa aking dibdib. Napasabunot ako sa aking buhok at pilit na iwinaksi sa aking isipan ang reaksyon ng dalaga pagkatapos naming magniig. 

I cannot blame her. Marahil ay nabigla siya sa aking inasta. But I was too shocked when I found out that she's still a virgin. Buong akala ko ay may nangyayari na sa kanila ng lalaking iyon. Gusto kong magdiwang dahil ako ang nakauna sa kanya. Subalit lubos akong nasaktan nang makita ko ang pamalisbis ng kanyang mga luha pagkatapos niyon.

I thought she already acknowledge me when I saw her eyes full of unnamed emotions. The emotions that I kept on seeing every time I had a nice dream of her making love with me. But to my own dismay, ang lahat ng iyon ay nawala at napalitan nang pagkamuhi, pagsisisi at galit. Puno ng luha ngunit hindi maikakaila ang sakit na aking nakita. Ayaw kong isipin ang dahilan ng sakit na iyon. Kaya naman kahit labag sa aking loob, mas pinili ko pang iwanan siya pansamantala. I don't want to hear her tears lalo na noong patuloy na lumakas ang kanyang hagulhol.

I missed her so damn much! Ilang taon ko rin siyang tinatanaw lang mula sa malayo. Namimiss ko na ang kakulitan niya, ang mga matatamis niyang ngiti na ako ang dahilan at hindi ang kung sinuman. Ang malambing niyang pagtawag sa akin ng babe... baby. Ang lahat nang pagpapapansin niya sa akin noon, lahat nang iyon ay aking pinanabikan. 

Twelve years ago, her father came and talk to me. He found out na ako raw ang lalaking kinalolokohan ni Gus. Ang lalaking sinasabi ni Marky. Nang malaman raw niya ang tungkol sa akin ay agad niya akong tinawagan at nakipagkita sa akin.

He's not opposing her daughter loving me. Ang hiniling lang niya sa akin ay sana daw hindi ko muna e-entertain si Gus. In fact, he likes me for her daughter. Pumapayag nga s'ya na ako ang maging son-in-law nila. Subalit sadyang mga bata pa kami sa mga bagay na iyon. Pero kilala raw niya si Gus, masyadong marupok. Kung papatulan ko raw si Gus ay malamang na baka hindi na pag-aaral ang aatupagin noon. Na puro na lang daw ako ang pagkakaabalahan n'yon. Which was I think was true. Kaya naman ginawa ko ang lahat upang iwasan siya at hindi pansinin.

Kahit nasasaktan na ako sa mga pambabalewala n'ya sa akin minsan. Na mas pinipili niyang si Chan ang kausapin at hindi na ako. Hindi ko inakala na mangyayari ang pinangangambahan ko noon. Na maibaling niya sa iba ang kanyang nararamdaman. Her accident made me realize that life is full of unexpected events. Na isang iglap lang ay magbabago ang lahat.

Nang maaksidente siya, palagi ko siyang inaabangan sa hospital. Hindi ako umuuwi hangga't hindi ko nasisigurong okay na s'ya. Gusto ko siyang dalawin at lapitan subalit hindi ako pinayagan kanyang mga magulang. Her father did not let me in that time. He told me that what happened to her was too much and he was still in shock to talk or sort things out. Gusto kong humingi nang paumahin sa kanila pero hindi nila ako bingyan nang pagkakataon. Even my parents were terrified hearing what happened to Gus. When they talked to me, hindi na lang ako kumibo. Ayaw kong magsalita that time. I was tired, lonely and hurt. I was in a verge of anxiety and depression. I had no one to talk to even them. Ayaw kong mag-alala sila kaya sinarili ko nalang ang lahat. 

Until one day, I found out na dinala nga nila si Gus sa New York at doon pinagamot. Nawalan na ako nang pag-asa lalo na nang malaman kong nagka-amnesia siya. Ang masakit ay ang panahon kung kailan kami nagkatagpo, ang panahon kung kailan siya nagkagusto sa akin ang hindi na niya maalala. Hanggang sa lumipas ang mahabang panahon ay hindi pa rin niya ako matandaan. 

I was in a cafe back in Paris. Doon din ginanap ang shooting ng una niyang pelikula. I did not expect na papasok siya sa cafe without anyone behind her. Nagkasalubong ang aming mga mata ngunit dagli rin niyang binawi ang tingin sa akin. Ibig sabihin ay hindi pa niya ako naaalala. That hit me so hard. And there, I clearly remebered the kind of pain I didn't know existed. The feeling of loneliness when she left without looking back at me after she got her coffee. The emptiness and the sadness pushed me to do the things I just did just to make her mine. I planned everything. It took me six years to plan everything and now, hindi ako papayag na mabalewala lang lahat ang aking plano.

I got up and walked slowly. I wanted to go back and see if she stops crying. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Ang liwanag mula sa buwan ang tanging tanglaw upang makita kong mahimbing na ang kanyang pagtulog. Tuluyan na akong pumasok at walang ingay ko siyang nilapitan. Bigla akong nahimasmasan pagkakita sa kanya na walang saplot.

She turns into a very gorgeous woman. Kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig sa banyo. Kumuha rin ako ng mga bagong damit at panty sa closet. Lahat ng mga damit sa closet ay binili ko para sa kanya. Pinili ko ang mga damit na sa pakiwari ko ay magugustuhan niya. I am very careful wiping every inch of her skin, afraid that I might wake her up. 

Sadya yatang napagod ko s'ya dahil hindi man lamang s'ya kumilos. Lihim akong napangiti nang mapagmasdan ko ng husto ang kanyang magandang mukha. Mas nanaisin ko pang mamalagi rito nang napakatagal na panahon basta't siya ang kasama ko sa bawat sandali ng aking buhay. Mabini kong hinaplos ang kanyang pisnge pagkatapos ko s'yang mabihisan. Dahan-dahan akong humiga sa kanyang tabi. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa pagmamasid ko sa kanyang mala-anghel na mukha. Ang mukha ng babaeng palaging laman ng aking isipan.

Gus

Nagising ako sa huni ng mga ibon. I opened my eyes and saw the blue sky above. Mula sa aking kinahihigaan ay tanaw ko ang kalangitan. Malaki ang bintana ng kwartong iyon kaya naman masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin ako sa aking katawan nang maramdaman kong may damit nang nadantay sa aking balat.

Binihisan ba niya ako? Maaaring ganoon nga ang nangyari. Dahil ang natatandaan ko ay nakatulog akong walang saplot sa katawan. May mumunting damdamin ang pilit na sumisibol sa aking dibdib ngunit agad ko iyong iwinaksi. Hindi maaari. I should not feel this way. I can only feel this feeling towards the man I truly love. 

Bumangon na ako ngunit agad ding napabalik sa pagkakahiga. I can feel the pain down there. I moved slowly so Ican get up and walk towards the door. As I was about to turn, I abruptly stop when I saw the red stain in the bedsheet. Ang simbolong tanda nang pagkawala ng aking iniingatang yaman. Ako ay nanlumo at nais na namang tumulo ng aking luha.

Subalit kahit maglupasay pa ako ay hindi na maibabalik ang nawala sa akin. Hindi na ulit ako mabubuo. Kakausapin ko ang lalaking 'yon. Siguro naman ay pakakawalan na niya ako dahil nakuha na n'ya sa akin ang bagay na nais n'yang kunin. Agad akong nagtungo sa pinto. Nagbakasakaling bukas iyon subalit nabigo ako. Nakuha na niya ang lahat ngunit ayaw pa rin n'ya akong pakawalan. Ano pa ba'ng gusto n'ya sa akin?

Sandali pa akong nakatayo sa harap ng pinto at pinakinggan ang mga kaganapan sa labas ng silid na iyon. Wala akong marinig maliban sa huni ng mga ibon sa labas. Laylay ang aking mga balikat na tumalikod ako sa pinto. I saw the table full of food as I turn around. Sanay akong palaging puno ang mesa kapag nasa shooting ako. Ngunit ngayon lang ako nakakita ng mga pagkaing puro Pilipino. Hindi ko alam ang mga pangalan ng mga iyon pero nakakatakam pagmasdan.

I slowly walk towards the table. Tahimik akong kumain. Naninibago ako sa katahimikan sa paligid. Sanay akong maingay dahil sa harurot ng mga sasakyan o di kaya naman ay sa mga kwentuhan ng aking mga kasamahan. But here, I can feel peace and so I enjoyed the food I ate.

I took a shower after I ate and now, I am facing the ocean. I am waiting for that man to come in but somehow, I am afraid. Baka ulitin niya ulit ang ginawa n'yang paggalaw sa akin. Hindi na ako makakapayag na gawin n'ya ulit sa'kin 'yon.

Muli akong nakatulog at nagising na may pagkain na namang nakahain sa mesa. Hindi ko ma tyempuhan kung sino man ang nagdadala ng mga pagkain dito. Naka-upo na ako sa harap ng mesa nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong nanigas pagkakita sa lalaking gumawa ng kahayopan sa akin kagabi. Agad sumiklab ang aking galit pero mas pinili ko na lang na hindi siya lapitan.

"Mabuti naman at gising ka na. I was about to wake you up para naman makapananghalian ka." Hindi ako kumibo. Nang maka-upo s'ya sa harap ko, agad ko s'yang tinanong.

"Pakawalan mo na ako." Napatigil siya.

"Not going to happen." Bigla ang nagawa kong pagbaling sa kanya.

"Nakuha mo na ang pagkababae ko. Ano pa ba ang gusto mo?" Nagtatagis ang aking bagang dahil sa galit na gusto kong pigilan. Nagkibit balikat s'ya at walang anuman na sumadok ng kanin at nilagyan ang aking pinggan.

"Not so fast, lady." Tila balewala sa kanya ang galit na nararamdaman ko. Oo nga naman, wala siyang pakialam. Dahil sa oras na kinidnap niya ako at dinala rito sa kung saang lupalop man ito ng mundo, hindi man lang niya inisip ang mararamdman ko. At oo nga naman, walang kidnaper ang magsaalang-alang sa damdamin ng kanyang kinidnap.

"Tell me, ano ba ang talagang kailangan mo sa akin?" Hindi niya alintana ang pagmamarkulyo ko sa harap ng pagkain na wala akong pakialam kung masarap ba o hindi.

"I already told you about that." Malamig ang baritono niyang boses. Kasing lamig ng kanyang ekspresyon sa mukha. Noon ko lang din napagmasdang mabuti ang kanyang mga mata. Those blue eyes na tila puno ng misteryo. Bigla siyang tumingin sa akin. Hindi ako nagbaba ng tingin bagkus ay nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Sinisiguro kong puno ng poot ang makikita niya sa aking mga mata. Samantalang blangko naman ang nakikita ko sa kanya.

"Ano ba ang mayroon sa akin at ayaw mo akong pakawalan?" Hindi ko napansin na humina ang aking boses. 

He sighed. Nagbaba na s'ya ng tingin at nagsimulang kumain. He looks like a hungry lion eating his prey. Na tila ba hindi kumain sa umaga at basta sunod-sunod na subo ang ginawa. Walag pakialam sa aking panonood. Hindi pa ako nakakita ng taong malakas kumain ngunit ang gwapo pa rin. Lalaking-lalaki tingnan kahit na kumakain. And this kind of man is not my type. Siya iyong tipo ng lalaki na mananakit bigla kapag kinontra mo. Dagdagan pang maraming tattoo sa braso at kamay. Lahat yata ng daliri niya ay may tattoo. Parang chinese character sa bawat daliri.

"Eat." Napaigtad ako nang marinig ko ang baritono niyang boses. At para akong nasapian nang kung ano nang bigla akong nagsimulang kumain. 

"Do I know you?" I asked him. Naalala ko bigla ang pag-corner n'ya sa akin sa party.

"Yes."

"Where? When?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Hindi man lang s'ya tumigil sa pagkain.

"At the party, remember?" ani niyang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"You sounded like I know you from somewhere other than that night at the party."

"If I were you, kumain ka nalang."

"That's bullshit!" Naihampas ko ang dalawang kamay sa lamesa. Tumalon ang aking kutsara't tinidor. That's when he stopped eating. He looked at me as if he's tired of something. What? Of me? Huh!

"I want to eat peacefully." 

"I won't give you that peace hanggang hindi mo ako pinapakawalan!"

"Fine." Tumayo siya at akmang lalabas na.

"What am I to you? I know you are not just an ordinary fan. I haven't seen you before na umattend o pumunta sa mga shoots ko. What am I doing here? Para gawin mong parausan? Am I that cheap to you?" Hindi siya sumagot ni kumilos. Basta lang siyang nakatalikod sa akin.

"Hey! Answer me! Kung ayaw mo akong pakawalan, mas mabuti pang mamatay na lang ako."