Chereads / First Love Actually Dies / Chapter 37 - Chapter 34

Chapter 37 - Chapter 34

Chapter 34

Gus

Malakas kong tinabig ang kamay niya. Marahil ay hindi niya inaasahan ang gagawin ko kaya naman nagtagumpay akong mailayo ang kamay niya sa mukha ko.

"You have no right to touch me!" gigil kong sigaw sa kanya. Kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya. Ang pagtaas-baa ng dibdib niya. Natakot ako dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya.

"It's been a long long years." He said. Naguluhan ako.

"What are you talking about?"

Muli ay itinaas niya ang kamay at akmang hahaplosin ang pisngi ko. Bumaling ako upang hindi dumapo ang kamay niya sa mukha ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam na hinahawakan nang ganoon ng ibang tao. Only my boyfriend can touch me like that.

"Let me go." Pinatigas ko ang boses ko upang malaman niya na hindi ko gusto ang pagkakalapit naming ito. "I can sue you, you know?"

"Sue me then. I don't care." Ayaw ko siyang harapin dahil ramdam ko na sobrang lapit niya sa akin. Maling kilos ko lang ay baka mahalikan na niya ako. No way!

I could feel him touching my hair. Tila kinilabutan ako nang inamoy niya ang buhok ko. Mas lalo akong kinabahan dahil sa ginawi niya. The realization hits me. He's one of my stalker!

Napapikit ako. Nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata. Maiiyak na ako sa takot dahil sa lalaking ito. He keeps on sniffing my hair.

"P-please.. let me go." My voice shook. Tuluyan na akong napaiyak. Natatakot ako. I could feel his stare and slowly took steps backwards. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. I saw his confusion while looking at me.

Tuluyan na akong nakahinga ng maluwang nang tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Nagtagal pa ako sa kinaroroonan ko dahil sa panginginig ng aking mga tuhod. Bumalik ako sa loob ng comfort room upang ayusin ang aking sarili.

I composed myself yet still bothered on what was just happened. Bakit pinahintulutan ng mga bodyguards ko ang nangyari? Hindi ko ito mapapalampas. Kailangan ko silang palitan. Kailangan ko itong sabihin kay Chan.

Malakas na sunod-sunod na katok ang pumukaw sa aking pag-iisip.

"Honey?"

Chan..

Napatakbo ako sa pinto pagkarinig ko sa boses ng boyfriend ko. Agad akong yumakap sa kanya at napahikbi.

"Hey? What happened?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. "What took you so long?" Tanong niya habang humihigpit ang yakap sa akin. Umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya. Ibinuhos ko lahat ang takot at pag-aalala sa nangyari kanina.

"Honey? Tell me. Ano ba ang nangyari?" Hinahagod niya ang likod ko habang yakap pa rin niya ako. Then I told him what happened. I told him everything that man did to me. And I could feel him stiffened. I could sense his anger kahit pa hindi ko nakikita ang mukha niya.

"What else did he do to you?" Matigas ang pagkakatanong niya sa akin. Galit na galit sya base na rin sa tono niya.

"Nothing else." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"You look like a mess. Umakyat na tayo," aniya pagkatapos ayusin ang buhok ko. Noon ko pa lang nakita ang ekspresyon niyang iyon. Blangko pero nakakatakot. Halatang nagpipigil sa galit. Namumula ang mukha niya na tila gustong manakit ng tao.

Inakbayan niya ako at iginiya papunta sa elevator. Dinaanan namin ang mga bodyguards ko na noon ay bumalik na sa kanikaniyang pwesto.

"Don't follow us." Matigas na sabi ni Chan sa kanila. Hindi ko pa rin lubos na maisip na magagawa nila sa akin iyon. Pinabayaan nila ako. Naguguluhan ako. Maraming katanungan ang umuukilkil sa utak ko. Pero ayaw ko munang bigyan pansin ang mga iyon. Nais ko munang magpahinga.

I feel tired and exhausted. I just want to sleep. Bukas ko na haharapin ang mga katanungang gumugulo sa isipan ko. Narating namin ni Chan ang silid namin. Walang salitang pumasok kami at dumeretso sa higaan. Agad akong humiga at ipinikit ang mga mata ko.

"Just sleep. Dito lang ako. Babantayan kita, okay?" He kissed my forehead. Kinumutan niya ako. Tuluyan na akong iginupo ng antok. Pero bago ako mahulog sa kawalan, narinig ko pa ang nobyo ko.

"Hello. I want you to do something." He said.

Jeff

Muli kong tinungga ang bote ng alak. Wala na akong nalalasahang pait sa bawat lagok ko n'yon. Dahit mas mapait pa sa alak ang nararamdaman ko ngayon. Padarag kong inilapag ang bote sa center table. Wala na akong pakialam kung mabasag ko man ito.

Kinuha ko ang sigarilyo at muling nagsindi ng panibago. Pang-ilan ko na nga ba 'to? Ah, wala akong pakialam. Mapait akong natawa. Isinandal ko ang likod sa upuan at tumingala sa kisame. Habang humihithit ng sigarilyo ay walang tigil ang aking isipan sa pagbalik ng alaala sa nangyari kanina.

Parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa aking isipan ang mukha niya. Ang mukha niyang puno ng takot at kaguluhan. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa kanya ngayon. Ang takot at disgusto habang nakatingin siya aa mga mata ko.

Ah. Ang mga mata niyang singganda ng mga bituin sa kalangitan. Pero mas pinanabikan kong makita ang ningning n'yon na ako ang dahilan at hindi ang kung sino pa man.

Muli na namang nanariwa ang sakit sa aking dibdib nang makita kong nakikipaghalikan siya sa lalaking iyon. Kinuha ko ang bote ng alak at malakas na ibinato sa dingding.

"Put*ng *na naman oh!" Wala na akong pakialam kung maubos ko man lahat ng gamit dito sa condo ko. Palagi nalang ganito ang nangyayari sa tuwing nakikita ko siyang nakikipaghalikan sa lalaking iyon. Hinding hindi ko matatanggap. Kanina lang ako nagkalakas loob na lumapit sa kanya at burahin ang halik na pinagsaluhan nila ng lalaking iyon.

Nagpupuyos ang kalooban ko! Hindi ko gusto ang mga nangyayari! At talagang nagpropose pa talaga ang animal!

Ilang taon ko na silang sinubaybayan. Ayokong mapurnada ang mga plano ko dahil lang sa kapangahasan ko kanina. Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang sarili ko. Ang tanga-tanga ko talaga!

Napasabunot ako sa sarili kong buhok at nakayukong nag-iisip. Kailangan ko nang maisakatuparan ang matagal ko nang binabalak.

Sino ang mag-aakalang magiging ganito ako kabaliw sa kanya? Kahit ako ay hindi ko alam na hahantong ako sa ganito. Ilang taon na ba ang lumipas? Maraming taon na pero hindi ko siya makalimutan. Sinubukan ko pero hindi ko kaya.

Walang segundo na hindi siya ang naiiisip ko. Walang araw akong pinalalagpas na hindi ko alam ang lahat ng nangyayari sa kanya. Hindi nga ba at nagtayo pa ako ng security agency para lang masubaybayan siya? Ganoon ako kabaliw sa kanya.

Noong una ay nagkasya na lamang ako sa impormasyong inihahatid ng mga tao ko. Pero kalaunan ay hindi na ako nakokontento. Ang buong akala ko ay agad na magbabalik ang alaala niya. Pero maraming taon na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik. Umasa ako kahit na nga ba alam kong posibleng kamuhian niya ako. Umasa pa rin ako at patuloy na umaasa.

Pero gusto ko na siyang makasama. Gusto ko na siyang makita araw-araw. Makatabi sa bawat gawin ko sa buhay. My heart is yearning for her. And that's so stupid of me. Kung sana ay pinahalagahan ko na siya noon, sana ay hindi siya nawala sa akin.

But I won't give up on her. I will fight for her kahit na nga ba sa sitwasyon n'ya ngayon ay talong-talo na ako. Hindi pa rin ako susuko. Mawala man ang lahat hinding-hindi pa rin ako susuko!

Gus

Humihingal ang babae sa kakatakbo. Hindi dahil sa pagod kundi dahil sa  umiiyak siya. Nakasunod ako sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Napakabilis niya pero di yata ay napakabagal ko. Papaano ko siya nasusundan ng ganito?

Lumingon ako sa paligid. Napakadilim. Wala akong maaninag maliban sa babaeng tumtakbo. Subalit ilang saglit lang ay biglang nagliwanag ang lahat. Ang gabi ay biglang nag-umaga.

Napatigil ako sa pagkilos. Muli kong tiningnan ang babae sa unahan ngunit wala na siya roon. Bagkus ay napalitan ng maraming tao. Maraming studyante. Maingay. Nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ngunit kahit isa ay wala akong makilala sa kanila.

Nasa eskwelahan ako. Ano ang ginagawa ko rito? Bakit narito ako? Hindi ko kilala ang mga taong nakikita ko. Pawang nakangiti silang lahat sa akin. Ipinalibot ko ang tingin subalit wala akong makitang pamilyar sa akin. Wala akong makitang pwede kong daanan palabas sa lugar na ito.

Naglakad ako. Tinatahak ko ang daan kung saan ko nakita ang babaeng tumatakbo kanina. Gusto ko siyang sundan. I have this feeling that I need to follow her. I need to see her. Siya lang nararamdaman kong kilala ko. There's something inside of me that o could not explain. I want to know what that feeling is. Malalaman ko lang iyon kapag nakita ko siya.

Lakad takbo ang ginawa ko. Ang maraming tao ay biglang dumalang. Unti-unti silang nawala. Ang liwanag ay unti-unting nawala. Hanggang sa tuluyan na akong kainin ng dilim.

Subalit bigla kong narinig ang hikbi ng babae. Nananangis siya. Nasasaktan siya, alam ko. Nararamdaman ko. I want to see her. I must find her.

Hanggang sa makita ko siya. Nakatayo sa isang nakabukas na gate. Nakatalikod siya sa akin. Natigilan ako. Naging mabagal ang lakad ko hanggang sa isang dipa nalang ang layo ko sa kanya. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. What is happening to her? Why is she crying?

"Ms.?" I raised my hand and was about to touch her shoulder when all of a sudden, she ran. Hindi ko na siya nahawakan.

Pero sa pagkagulat ko ay nakita ko siyang bigla na lang lumipad sa ere. Napasigaw ako kasabay nang pagbangon ko. Napatakip ako sa bibig ko at hingal na hingal na napahawak sa dibdib ko.

I was dreaming. And why am I crying? Kinapa ko ang mukha ko. Basang-basa ang magkabilang pisngi ko. Naalala ko ang babae sa panaginip. Nakakaawa siya.

Who is she?