Chapter 31
Gus
"Why is this happening?" Nasa loob kami ng silid ni Mommy Anita. Hindi siya mapakali nang marinig mula kay Chan na hindi ito papayag at ang mga magulang ko na pumunta ako sa Pilipinas.
He told her that I am prohibited in that country. Hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ang akala ko noon, kaya ayaw nila akong payagan ay dahil sa wala na kaming uuwian roon. But now, bakit para yatang iba ang dahilan nila?
"I will call Lance right now. Maybe he will consider your situation when I tell him."
Tango lang iginanti ko kay Mommy Anita. I was too preoccupied by Chan's reaction earlier. Bigla itong nagalit nang ipagpaalam ni Mommy Anita ang susunod na shoot namin na gaganapin sa Pilipinas. He suddenly burst out at matigas ang pagtanggi niya. Kahit na ba ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit doon ang susunod na location namin.
He wasn't even listening. Basta sinabi lang niya na hindi maaari at hindi siya pumapayag. Maging ang mga magulang ko raw ay hindi rin papayag. We're an immigrants now, legal citizens in New York City. Bakit pa raw kami babalik sa Pilipinas?
"Magtatrabaho lang ako r'on, hon. I will not stay there for good. I will be back here after the shoot."
I could clearly remember my reasons but still, he doesn't even care. Para siyang bingi na basta na lang lumabas sa silid ko. Nagulat ako dahil ito ang unang beses na nagalit siya nang ganoon. Na hindi man lang ako inintindi. That's why I am very much worried.
"It's really bad news." Bungad sa akin ni Mommy Anita nang matapos siyang makipag-usap sa telepono. "Lance told me that everything is fixed now. There's no chance that he will change the location because the writer will disagree. The producers requested this so he have no say on this. I'm sorry, darling." May simpatya niya akong tiningnan.
"I will talk to my parents. I will talk to Chan, Mommy Anita. Maybe I need to convince him more. I will call you right away if everything's okay."
"Yes, darling. I will wait for your call. Convince them, show them what you've got. This project is very important to us. Okay?"
"Okay."
"I will go ahead, darling."
"Take care, Mommy Anita."
MATAGAL nang wala sa silid ko si Mommy Anita ngunit hindi pa rin ako makalabas dahil sa kakaisip ng posible kung gagawin upang pumayag ang honey ko.
In the end, I stood up and walked outside my room. Mas mabuti siguro kung ang mga magulang ko muna ang kakausapin ko. I search for my parents and saw them in the living area with Chan. I saw them talking seriously pero hindi ko naririnig ang pinag-usapan nila.
"We should stick to our decision. Gan'on na lang ang gawin mo, hijo." I heard Dad said facing Chan.
"Dad?" Agad nila akong nilingon pagkarinig sa boses ko.
"Hija," aniya na tumayo pa at tila biglang nag-alala. "How are you?"
"I'm okay." Tumayo si Chan at lumapit sa akin. Inalalayan niya akong maupo sa harap ng mga magulang ko.
"Ano ang pinag-uusapan n'yo?" Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapalitan nila ng tingin. It's as if something is not right.
"Hon, pumayag na sina Tito at Tita na pumunta ka ng Pilipinas." Para akong nabunutan ng tinik pagkarinig sa sinabi niya. Hindi ko na pala kailangang isipin ang sasabihin ko sa kanila. God already answered my prayer.
"Really?"
"Only if you bring Chan with you, anak," ani Mommy. Tiningnan ko si Chan sa tabi at nginitian.
"No need to say that, Mom. Talagang isasama ko po siya papunta sa Pilipinas." I turned back to my parents and gave them an assurance.
"Good to hear that. Mapapanatag lang kami kapag kasama mo si Chan."
"So it's settled then. Stay for dinner, Chan." Tumayo na si Daddy kasama si Mommy. "Maiwan na namin kayo at may aasikasohin pa kami."
"Thank you po."
"You look too serious while talking. Kinabahan tuloy ako," ani ko nang wala na sina Mommy at Daddy.
"Bakit ka naman kakabahan?" Kinuha niya ang kamay ko at pinisil. I look at him.
"I was thinking baka kasi dito na masisira ang career ko. Kung hindi kayo papayag, hindi talaga ako pupunta."
"You mean, mas pipiliin mo kami kasya sa career mo?" Ewan ko pero parang naramdaman ko ang kasiglahan sa boses niya.
"Of course. Mas importante kayo sa akin." He touched my cheek. I could see a glint in his eyes while brushing his fingers in my flushed cheek.
Ngumiti siya sa akin. Iyong klase ng ngiti na nagiging dahilan ng pagrigodon ng puso ko. Hindi ako gumalaw nang makita kong lumalapit ang mukha niya sa akin. His eyes in my lips anticipating my next move. Na para bang pipigilan ko siya anumang oras. But he's wrong.
Ako na ang tumawid sa distansya naming dalawa. He groaned upon my lips brushed unto his. Madiin ang halik niya sa akin. I could feel the hunger when his other hand went to my back. He pulled my head dahilan ng mas lalong pagkakadikit ng mga labi namin.
Ngunit agad akong humiwalay sa kanya nang maalala ko kung nasaan kaming dalawa. A smile crept in my lips when I saw his disapproval of my sudden action.
"Baka makita tayo nina Daddy," ani ko nang makitang muli na naman niya akong hahalikan.
"We should go to your room, hon." He playfully said.
"Honey?"
"Hahaha. I was just kidding." Sinamaan ko siya ng tingin.
"So, kailan tayo pupunta ng Pilipinas?" aniya.
"Okay lang ba talaga na sumama ka sa akin?"
"But of course."
"Paano ang trabaho mo dito?" I am really worried. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami sa Pilipinas. Baka maapektohan ang negosyo niya.
"Nakalimutan mo na ba kung ano ang nobyo mo, hon?" I rolled my eyes.
"Nope. Baka kasi bumagsak ang negosyo mo sa kasasama sa akin." Tinitigan niya ako at muling pinisil ang kamay ko.
"Malugi na ang lahat ng negosyo ko, sasama pa rin ako sa'yo at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Hinampas ko ang balikat niya.
"Ang corny mo talaga!" ani kong natatawa pa rin sa kakornihan niya.
Chan stayed until dinner. Hindi na kami gaanong nag-usap dahil si Daddy na ang kausap niya which is nakakatuwa. Nang ipakilala ko si Chan sa kanila noon bilang nobyo ko, wala akong nakita at naramdamang pagtutol mula sa kanila. Pati na rin sina Ate at Kuya. They like Chan and they're happy for me.
Nang magpaalam ang honey ko ay halos ayaw na niya akong pakawalan sa higpit ng yakap niya sa akin. He even whispered in my ear na sumama raw ako sa kanya at tabihan siya sa pagtulog. Loko talaga!
Hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa aking mga labi sa tuwing maaalala ko siya. He even called me nang makarating na siya sa bahay niya. Puro lang paglalambing ang mga sinabi niya sa akin. Which is nakakakikig din naman.
After we talked, tinawagan ko rin si Mommy Anita upang ipaalam sa kanya na wala ng problema.
"I was glad to know that. Lance called me just a while ago asking me about you. I will tell him that you're good and ready to go."
Sinabi pa niya sa akin ang mga dapat gawin bago kami umalis papuntang Pilipinas. Ewan ko ba pero habang nakikinig ako sa kanya, tila ba nakaramdam ako ng kaunting kasabikan. After how many years, makikita ko na naman ang lugar kung saan ako isinilang.
May isang tao rin akong babalikan sa lugar na 'yon. I haven't heard from him for how many years now. Kumusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako?
I smiled remembering that childhood of mine with the most silly friend I had. I close my eyes at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
NAIA. Manila, Philippines
Isaac Morin's private plane is huge and grand. Ito ang sinakyan ng buong staf at crew ng movie. All the actors and actresses are here. Isaac is one of the producers in the movie. Siya rin ang nag-request na dito sa Pilipinas e-shoot and eksena kung saan napadpad ang bidang babae sa pagtatago sa bidang lalaki.
Sa iisang hotel rin kami tutuloy although I am waiting for Chan to invite me to stay at his parents house. Pero mukhang malabo iyon dahil hindi man lang siya kumontra o nagsalita ng sabihin ni Mommy Anita ang room number namin sa hotel.
"Lance called, there's a lot of people outside the airport."
"What?" Nauna nang bumaba si Lance kasama ang ibang staff. Inasikaso pa kasi nila ang sasakyan naming mga artista. But Chan told him na may sarili siyang sasakyan dito and his driver is already waiting outside. Ngunit nagpumilit si Lance na sabay na lang daw sila. Despite the number of bodyguards we have. May dala ring bodyguard si Chan para sa amin.
After thirty minutes of waiting, sa wakas pwede na kaming bumaba. I let the fresh air embrace me as I embrace the memory of being here when I was a child. Napapikit ako at napangiti ng malakas na umihip ang sariwang hangin. The air here is so different.
Agad akong inakbayan ni Chan nang tuluyan na kaming makababa. The group of men wearing white uniform surrounded us as we walked outside. Agad naming narinig ang hiyawan ng mga tao. Pero mas lalo kaming nagulat dahil nagsitakbuhan papunta sa amin ang mga ito. But the uniformed men was alert kaya hindi gaanong nakalapit sa amin.
"Gus!
"We love you, Gus!"
Kumaway ako sa kanila at binigyan ng malawak na ngiti. Lubos akong nagagalak dahil hindi ko inaasahan na abot hanggang dito ang kasikatan ko. Not just me of course, pati na rin ang mga kasama ko. Lalo na ang leading man ko.
Maging sa labas ng airport ay may mga nakaabang rin pala sa amin. Kung marami sa loob, mas marami pala dito sa labas. Everyone is calling our names. Kaya ang lakad namin ay mas lalo pang bumilis. Good thing because my boyfriend is with me. She hugs me tight dahil nagsimula nang magsiksikan. Mas lalong lumakas ang ingay at panay ang tawag sa amin ng mga fans.
Sanay na kami sa ganito. This is one of the consequences of being famous, of being in the show business. Bawat galaw ay kalkulado at may limitasyon. At bawat labas ay may nakaambang panganib.
I wave my hand before I went inside the car. Sumunod si Chan sa akin. Ilang sandali pa ay umalis na kami ng airport kasunod ang ibang sasakyan ng mga kasama namin. Ipinakilala ni Chan sa akin ang family driver nila na si Mang Romy.
"Kumusta po, Mang Romy?"
"Mabuti naman po, Ma'am." Isang nahihiyang ngiti ang iginawad niya sa akin bago ibinalik ang tingin niya sa harapan.
"I didn't expect what happened back there," ani ko na ang tinutukoy ay ang dami ng tao kanina.
"Hindi nagbibiro si Lance nang sabihin niyang marami ngang tao. No wonder at nagpadala pa siya ng maraming security."
"But you know what? Natutuwa ako kasi hanggang dito pala ay may mga fans ako."
"You're in Hollywood, hon. There's no doubt about that."
Sabagay, kahit noong bata pa ako ay mahilig na akong manood ng mga Hollywood movies. Hindi ko inakala na balang araw ay magiging artista rin ako. No one knows what's waiting for us in the future. Walang nakakaalam kung ano ang mga darting na problema, o may problema nga bang darating sa susunod na umaga.
When my psychologist said na hindi niya alam kung babalik pa ba ang mga nawala kung alaala, I didn't mind that. Kasi masaya na ako. At naniniwala akong hindi makakaapekto sa akin ang ilang taong iyon na nawala sa isip ko.
A/N:
Again, I am really really sorry for a super duper late update. It's because I joined the contest in webnovel at may deadline kaya naman na pressure ako ng todo. Hehe..
If you have an account there, please support my story entitled ALLURINGLY DANGEROUS.. romance teen story po ito and I'm sure na magugustuhan n'yo. Surely, mas unang matatapos 'yon.
Pero sana huwag pa rin kayong magsasawang subaybayan at abangan ang story nina Gus at Hec.
Thank you and love you all. :)