"Putangina talaga nung Grayson na iyon! Makakatikim talaga sa akin yong lalaking iyon! Naku talaga!" nanggigigil na sabi ni Nami, her fist balled when I told her what happened earlier when Grayson and I talked.
"Pero seryoso ah, he's such a trash. Tubuan sana sya ng kulugo overnight! " insulto pa ni Jeanne sa tao.
Napatingin na naman ako sa sapatos ko, trying to spot if may dumi when in truth, nakayuko ako para di nila makitang umiiyak ako.
"Sabi ko kasi sa'yo hinay-hinay din eh" Kris added to me habang hinihimas ang likod ko.
Hindi ko naman mapigilang humagulgol dito. Hindi ko naman alam kung bakit ganto ako maka-react samantalang wala naman talagang kami or what.
Naiinis ako! Naiinis ako hindi kay Grayson kundi sa sarili ko kasi laging ako iyong talunan sa mga ganto.
"Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?" mahina kong tanong sa kanila but napanganga na lang ako nang naramdaman kong may bumatok sakin.
"Tanga, si Cali ka ba? Nasobrahan ka na ata sa kakanood ng LizQuen movies" sita ni Raine sakin. Siya pala iyong bumatok at aaminin ko masakit iyon.
But that woke me up, it kicked me back to reality.
"Gaga, nasaktan na nga ako, binatukan mo pa" baling ko sa kanya, pasinghot-singhot pabut she's just looking at me with her resting bitch face on. I even flinched when she reached my cheeks at pinahid ang mga luha ko despite of that cold demeanor.
"Tamang ganti lang mamsh, nakailang batok ka na samin este sakin eh" she just reasoned na kinangiti ko na lang.
Pinahid ko pa yung natitirang luha sakin at tumayo na sa bowl ng cubicle na ito. Kaagad naman silang nabigla at napaatras nang kaunti.
Kung hindi ba naman sila sabog at pumasok silang apat sa isang cubicle ng CR ay hindi ganto kasikip. Sa kakamadali siguro ay nagkumpulan na dito.
Susko, kahit anong emote ko ay ayoko namang umiyak sa isang crowded na cubicle ng CR much more in front of my friends. I just hate that feeling of being vulnerable. I feel like mahina ako when people see me cry that why I prefer dealing with my problems alone. It's just that ngayon ay sa school ako sinapulan ng panibagong rejection, much more from a person that's close to my heart. To be honest ay sanay na akong ma-reject but its just that the pain is still the same and has the same intensity.
"Uwi na tayo" aya ko na sa kanila, while I'm composing myself.
Inayos ko pa ang suot kong blouse maging ang buhok kong medyo nagulo. Mukha na naman akong bruha kung uuwi akong mukhang sawi.
"Ayt di tayo magliliwaliw teh?" balik sa'kin ni Nami, probably wanting to go somewhere else kesa umuwi.
"I'm worn-out na besh, time first muna" pagrarason ko. Ang sama talaga ng araw na ito.
Aba'y kung kelan ako nag-effort na mag suot ng magandang damit tsaka ako aatakihin nang ganto. May galit ba sakin ang tadhana?
"Sige na nga, sa inyo tayo tatambay ngayon" saad pa ni Jeanne na kinalaki ng mga mata ko sabay lingon sa kanila.
"Hoy sabi ko uwi na tayo, hindi lang ako. Ano yun, entertainment center yung bahay namin?" tanong ko pa sa kanila habang hinarap ang sarili ko sa salamin ng cr na ito.
I look so wasted, damn.
"Eh san kami tatambay? Ayaw mo bang damayan ka namin sa pagkasawi mo kay Grayson? Promise, we won't judge you" kumbinsi pa ni Nami sakin pero umiling na lang ako.
"Hindi mo nga ako ija-judge pero may picture naman ako sa phone mo na wasak. Remember the last time you comforted me guys? May picture ako sa'yo na may uhog pa the last time you guys comforted me noong gumraduate si Kuya Lay" bato ko ulit sa kanya kaya napatikom na lang sya. Maging ang iba kong mga kaibigan at nakatingin lang sa akin, may awa sa mga mata.
Awa? Pity? That's the last thing I need. I despise people pitying me. It makes me feel small and weak.
Assuring them with a smile, "Okay na talaga ako. Need ko lang matulog okay? Di naman kawalan si Grayson. Marami pang lalaki dyan sa gilid-gilid"
"Walangya, broken na't lahat lalaki pa rin iniisip mo" sermon pa ni Kris sabay kaltok sa noo ko.
Irritated, pinisil ko naman ang braso niya ng slight lang."Masakit yon ah, nakakailan ka na ngayong araw"
"Gaga ka kasi, tanga pa. Ano ba yan, yung dalawang masama ng combination pinagsama. Ayan ang resulta, nagngangalang Joe" Ani Raine
"Pahinga mo din kasi puso mo ghorl, wag patibukin para sa mga gwapong nakakasalubong mo lang" dagdag pa ni Jeanne.
"Nagsalita ah, eh kayo nga dyan tumutulo pa laway kay Kuya Uno kahapon eh" tukso ko sa kanila na medyo kinapula nila.
Totoo naman kasi, literal na tumulo mga laway ng mga loka lalong-lalo na si Jeanne! Kadiri nga eh!
"Tsaka may picture nyo pala ako nun, muntik ko nang malimot!" I even exclaimed nang maalala ko. Bigla naman silang nagkatinginan, parang may planong masama kasi biglang nangiti nang masama kaya naman nagtatakbo na ako papuntang room namin. Para naman silang zombie na mabibilis na tumakbo.
Is this my end? tanong ko pa pero medyo natatawa ako sa nangyayari samin. Kung kanina ay lugmok ako pero ngayon nagkakasiyahan na. Though we are laughing nga lang ay may mabigat pa rin sa puso ko na probably I'm gonna overthink with again mamayang gabi.
Pagkauwi ko nang makatakas ako sa apat na bruhilda ay napahiga na lamang ako sa kama ko. Pinagmasdan ko na lang ang puting kisame habang dinarama ang malambot na kama.
"Good news Joe! Effective yung ginawa natin!" I remember how happy Grayson was when he broke out that news once na kami na lang dalawa ang nasa third floor ng building namin na hindi pa occupied.
May hilaw na ngiti man sa labi, I replied"Wow, congrats... Pare?"
"Nako pare, ililibre kita kahit ano pa gusto mo! Kahit buhatin pa kita sa ML" tuwang-tuwa pa nitong sabi sa akin.
Napatitig na lang tuloy ako sa buong campus kung saan tanaw ko ang jowa lane where lovers usually meet and spend time with each other.
"Hoy, ba't tulala ka ata pare? Hindi ka ba masaya para sa akin? Para samin?" nag-aalala pa nyang tanong sa akin when he noticed na nag-iba iyong pagmumukha ko pero hindi ko sya sinagot.
And that encounter ended there. That moment ended with me not replying to any of his questions. And he just left me there, thinking that I mayhaps needs some time kasi pagod ako the whole day. He even said na kapag okay na ako ay tsaka na nya na ako ililibre.
Napatawa na lang ako sarcastically, dahil siguro sa sakit o sa inis. Inis kay Grayson, inis sa sitwasyon na pinasok ko, at inis sa sarili ko.
Napasinghap na lang ako nang lingunin ko ulit iyong mga mag-boyfriend at mag-girlfriend sa jowa lane. Alam ko naman ang reason kung bakit hindi ko sya magawang kausapin pa. Alam ko sa sarili ko na once na buksan ko ang bibig ko ay kaagad na tutulo ang luha ko. And I don't want him to see that. I don't want him to pity me just because I'm crying at dahil iyon ay sa marahil nahuhulog na ako sa kanya. Na kahit hindi ko man sabihin ay nagsisimula nang makaramdam ang puso ko nang kaunting dagundong ng pagmamahal para sa kanya.
Ayoko naman na kaawaan nya ako. Not that I want him to choose me over her kapag nakita nya akong nasasaktan. I'm not that kind of person.
I don't want him to be pressured to choose me. Kasi alam ko sa sarili ko na for once, I want someone to choose me kasi iyon talaga ang gusto nila. I want them to choose me not because pinilit ko sila.
Ang sakit kayang isipin na ang pagmamahal ng isang tao para sa'yo ay pilit lang kasi in the first place, pinilit mo lang din naman talaga sila na mag-stay.
I firmly belive that people could decide on their own whether to stay or to leave. I value freedom of choice that much because I, myself don't have it.
Sa sobrang tagal ko na palang nag-space out ay bigla na lang akong sinipa sa katotohanan nang tumunog ang tiyan ko, hudyat na nagugutom na ako. Kaagad naman na akong bumangon dahil ayokong malipasan pa ng gutom dahil para talaga akong lantang gulay kapag ganoon ang nangyari.
I changed to a light brown sweater at itim na jogging pants para naman komportable akong makakain.
Pagkababa ko naman ng hagdan ay nilingon ko pa ang salas at ang kusina to check kung nakauwi na si mama. Napabuntong-hininga na lang ako nang makitang wala pa siya at wala ring tirang pagkain na maaari kong initin for dinner. Napaakyat na lang tuloy ako sa kwarto at nahiga muli, nag-iisip.
"Parang masarap maanghang na noodles ngayon?" isip ko pa at tumunog na naman ang aking tiyan.
Nai-imagine ko na naman kasi kumain ng maanghang na noodles habang umuulan. Para kasing nakaka-comfort gawin iyon lalo na kung wala kang kasama at nasa malamig kang lugar. I suddenly miss Baguio.
Gayunpaman ay hindi na ako nagparumpik-tumpik pa at bumangon para hablutin ang wallet ko.
I decided to go to the nearest convenience store instead, sa 7/11 malapit sa amin na dalawang kanto lamang ang layo. Nilock ko muna ang bahay sabay laglag ng susi shaking bulsa and proceeded to walk habang iniisip kung ano ang gusto kong bilihin.
Nang makarating na ako room ay kaagad na akong kumuha ng basket dahil alam ang isang pack ng sour cream-flavored ridges maging ang isang pack ng red velvet oreo. Muli pa ulit akong luminga-linga only to spot the spicy oishi prawn crackers. Hindi ko naman alam pero talagang nag-crave ako for something spicy kaya naman kinuha ko na iyon kasama ang isang spicy noodle.
"Oy Seven lintek yan kinuha mo na naman yung potato chips ko!" I heard a group of guys arguing malapit sa counter na kinalingon ko.
Hindi ko na narinig pa ang sinasabi nila at pinagsawalang bahala ko na lang dahil namimili ako ng maiinom ko. I went for a 1 litre of mountain dew, hihingi na lang siguro ako ng plastic cup sa counter.
Magbabayad na sana ako when I noticed a display of bread, triple cheese sandwich so I went for it and grabbed one. Hindi ko alam but I just stared at that shelf of sandwiches, trying to choose between the pepperoni one or the tuna cheese melt one.
"I recommend this one to you" I heard a voice told me when I saw Sais near me.
Halos manlaki pa ang mata ko when I recognized him, quite shocked as he was towering me. Medyo nagislot pa ako nang inabot nya sa sakin iyong pepperoni sandwich but he just shrugged it away and went to the guys who's arguing kanina. I counted kung ilan sila, they were six and all of them are quite good-looking.
Napakunot naman ang noo ko when I realized na wala doon iyong mataas ang apog para buhatin ang sariling bangko.
"Miss, nahulog mo ata ito" kalabit sa akin ng pamilyar na boses kaya agad akong napalingon to confirm kung siya nga iyon.
'Speaking of the devil nga naman'
Kahit hindi ko man kita ang mukha niya dahil nakaluhod siya ay nasisiguro kong siya iyon dahil ba naman sa lapad ng kanyang mga balikat. He's wearing a pink hoodie and a black pants with a white sneakers, probably his casual outfit outside the cafe.
Napakunot naman ang noo ko nang hindi pa siya tumatayo toon at nakatingin lang sa sahig na parang may pinupulot kung kaya naman na bigla ako nang bigla syang tumayo sabay pa kita ng finger heart. Halos mahulog naman iyong hawak kong sandwiches sa gulat.
"Hala punyawa ka"