Chapter 10 - Ten

"Girlfriend?" nanunuya namang tanong nito, natigil sya sa kanyang paghalakhak ngunit hindi rin maikukubli na nagpipigil sya ng ngiti.

"Saan mo naman narinig na may girlfriend na ako?" medyo naiiling pa nitong tanong sa akin, making me flustered.

Nalimot nya na ba iyong mga sinabi niya kahapon sa klase namin? Napakabilis naman!

"Ah-eh, hindi naman sa nanghihimasok ako sa usapan ninyong dalawa pero masakit na kasi yung kamay ko sa pagkakahawak mo Joe"

Napalingon naman ako kay Jeanne na nasa tabi ko lang at unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa kamay niya pero siya na rin ang kumalas and checked her hands.

"Hindi naman ako informed na malakas ang grip mo ati, medyo namula itong kamay ko oh," sabi pa nito habang pinapakita ang kamay. Medyo na-guilty naman ako, napaiwas ng tingin kay Jeanne pero ewan ko ba, mas nananaig pa rin ang inis sa sarili ko nang maalala kung bakit ganto ang sitwasyon.

"Let go of my hand, Kuya Uno" banta ko pa sa kanya, medyo nanlilisik ang mata kasi badtrip talaga ako ngayong araw. Kung hindi ba naman ang ganda ng bungad sa'yo ng araw tas malalaman mo na ikaw lang pala ang nag-iisip ng ganoon.

'We don't do paasa. It's you girls who put meaning to our actions.' alala ko naman sa sinabi niya kahapon. Baka nga naman kasi ako lang talaga iyong nagbibigay ng kahulugan o malisya sa mga ginagawa nila for me. Baka naman kasi ambisyosa naman talaga ako.

He let go of my hand naman nang bawiin ko ito sa kanya. Pinamulsa pa niya ang mga kamay niya sa pantalon niya, staring right through me.

"Mauuna na kami ni Jeanne" paalam ko na sa kanya at tumalikod na. Hinila ko naman si Jeanne palapit sa akin at naglakad na.

"Kuya Uno, nagseselos tong kaibigan ko kasi sabi mo kahapon may girlfriend ka na!" rinig ko namang habol na sigaw pa ni Jeanne kay Kuya Uno kaya naman nanlaki ang mata ko. Dali-dali ko namang tinakpan ang bibig nya ng kamay ko at halos kaladkarin ko ulit sya sa hiya.

'Gaga ba naman kasi, ba't kailangan nya pang sabihin iyon?'

I'm so frustrated and panicky dahil ramdam ko pa rin iyong presensya ni Kuya Uno sa likod namin na sumusunod. Paano ba naman kasi ako kakalma kung naririnig ko pa rin siyang tumatawa nang marahan. Kulang na lang yata ay masamid siya para naman matigil na sya sa ginagawa niya.

"Selos?" dugtong pa niya kaya naman siningkitan ko ng tingin si Jeanne. Gusto pa rin niyang kumalas dahil hawak ko pa rin siya sa bibig para hindi na muli makapagsabi pa ng kung ano sa harap ni Kuya Uno. Madali ko lang naman siyang nahigit kanina dahil mas matangkad ako sa kanya, pasalamat na lang sa genes na minana ko kung kanino man at sa pilit na pagpapatulog sa akin ni mama tuwing tanghali noong bata pa lamang ako. But compared to my height, Kuya Uno was so much, so much taller than me. Kung hindi nga siguro ako nabiyayaan ng tangkad na ganito ay mukhang higante si Kuya Uno kung magtatabi kami samantalang ako ay isang bubwit na umaaligid sa kanya.

"Ba't ka naman magseselos?" tanong pa nito, napapikit ako, trying to think kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Eto na naman kasi ang puso ko, napakabilis ng tibok! Daig pa ang hinabol ako ng sampung kabayo o hindi kaya ay nakipagkarera sa mga hyena.

"Why... would I be jealous? Ikaw naman Jeanne, iba ka rin magbiro. Ha...haha" awkward kong sabi sabay palo kay Jeanne na pinakawalan ko na sa pagkakahawak ko.

"Punyeta ka girl, balak mo ba akong patayin?" nanlilisik naman ang mata niya sa akin. Ang cute lang kasi para syang midget na galit sa akin pero kinilabutan naman ako nang magtama ang mata namin at ngumiti sya.

"I mean, who wouldn't be jealous naman hindi ba?" naagaw naman ni Kuya Uno ang atensyon ko kaya naman nalingon ko siya mula sa pwesto namin. Ilang dipa rin kasi ang layo namin ni Jeanne sa kanya, which is, kinahinga ko ng maluwag kasi hindi ko na rin talaga alam kung paano ako kakalma at makakahinga nang maluwag kung malapit lang siya sa amin.

"Kung ako rin naman kasi ang tatanungin, I would be jealous too. You know, I'm just... too precious to have" nakapalumbaba pa nitong sabi. Halos mapairap naman ako sa sarili ko dahil sa tinuran nya.

"So yeah, ang swerte ng magiging girlfriend ko" makahulugan pa niyang sabi habang may matamis na ngiti. Kumindat pa siya sa akin habang pigil na pigil naman ako sa kilig na nararamdaman ko.

'Kumalma ka Joe, ganyan talaga sya. There's nothing special with it. Wag kang ambisyosa' I whispered to myself.

Nginitian ko na lang siya at tumango, "Napakaswerte nga". Hindi ko na makapa pa kung ano ang sasabihin ko kung kaya naman nanatiling tahimik lang kami. Napakagat na lang ako sa labi ko, trying to pick some words to break the ice pero naunahan na ako ni Jeanne.

"So, ngayon na okay na kayo, pwede na ba ako umuwi?" nagmamakaawa namang tanong ni Jeanne. Nakataas pa ang makapal nitong kilay sa akin pero tinuturo ng mga mata niya si Uno, telling me na siputin ko na ito sapagkat inaya naman talaga ako nito para kumain ng tanghalian at kaya lang naman ayaw kong tuloy ay dahil sa akala ko na mayroon na itong girlfriend.

Pinakawalan ko naman na si Jeanne sa pagkakahawak ko sa kanya. Halos magkumahog naman siyang lumayo sa akin pero nginingitian ako na parang aso.

"Buh-hye marufok~" sabi pa nito sa akin while waving her hands. Hanggang sa huli talaga ay gagang-gaga siya at naisip pang manukso. Kumindat pa siya sa akin bago tumalikod at naglakat papalayo sa akin.

Nakagat na naman tuloy ako sa labi ko, na-blangko na naman ako. Ano ba naman kasi ang sasabihin ko kay Kuya Uno after I stormed out of the cafe without saying goodbye to him and thanking him again for the strawberry latte and the oreo cake.

"Tara na?" aya na nito sa akin. Unti-unti naman akong lumapit sa kinaroroonan niya, slightly embarrassed on how I act earlier.

Napansin ko naman na lumakad muli sya pabalik sa cafe kaya naman sinundan ko lang siya. Nang makapasok kami ulit sa cafe ay binati na naman ako ng lamig.

"Seven, kaya mo ba muna mag-isa?" tanong pa nito kay Seven na pinupunasan ang mga baso sa counter.

"Okay na ako dito Kuya Uno, pupunta rin naman dito mamaya sila Kuya Tres" he innocently replied. I was even quite mesmerized by his doe-eyes, napaka-cute kasi.

"Sige, just text me 'pag dumating na sila or if you need help" paalam na nito, tinanguan si Seven at lumabas na ng cafe, hila-hila ako. I bet, namumula na naman ako na parang inaatake ako ng allergy dahil kinikilig ako deep inside.

"Sakay na" he told me when he opened the door pero nakatulala lang ata ako sa hangin. Nagising naman ako sa sinabi niya at dali-daling sumakay sa kotse na itim, different from what he's driving last time na sinakyan namin. Hindi pa rin pala ako nakakapagpasalamat para doon. Gusto ko na talaga iuntog ang ulo ko sa mga katangahan na iyon. Para naman kasing tine-take for granted ko iyong kabaitan ni Kuya Uno. Nagulo ko tuloy ang buhok ko in frustration.

"Oh, bakit gulo-gulo na buhok mo?" rinig kong tanong niya pagkapasok niya sa kotse. Natigilan naman ako sa paggulo ng buhok ko, slowly putting down my hands from my hair. Tiningnan ko pa ang reflection ko from my phone at halos guluhin ko na naman ang buhok ko.

'Nakakahiya ka talaga Joe!' I mentally scolded myself.

Binalikan ko na lang ng tingin si Kuya Uno na nakakunot ang noo, still looking at me with the puzzled expression in his face. Nginitian ko na lang siya ng pilit habang dahan-dahan kong sinusuklay ang buhok ko using my hands.

"So, saan pala tayo pupunta?" pag-iba ko na lang sa topic. Nangiti naman siya sa tanong ko.

"Saan ba masarap kumain ngayon?" tanong niya sa akin na kinabilog ng mga mata ko.

"Ba't naman ako tinatanong mo diyan?" balik ko sa kanya habang nag-iisip kung saan ba masarap kumain ngayon.

"I don't know. Mukha kasing mas familiar ka sa mga lugar dito eh" dahilan pa nya as he start the engine of the car. He turned on the aircon naman dahil medyo mainit din dito sa loob ng kotse niya kumpara sa cafe, probably because nakapart ito sa may arawan.

"Hmmm, you know Amelito's?" I asked him. I was craving for something salty, something savory for lunch since kakakain ko lang din ng matamis.

"Amelito's? Saan naman yung lugar na yun? Nakakain ka na dun?" sunod-sunod nya pang tanong sa akin.

Nginitan ko lang naman sya, "You'll know later" pabitin ko pang sabi sa kanya.

"So, saan naman yun matatagpuan. Make sure na hindi napakalayo nyan ah, baka mamaya sa Tagaytay pa pala 'yan, nai-scam mo ako" natatawa pa niyang biro sa akin. Putting his seat belt in him kung kaya naman inayos ko rin ang akin.

"Tungek, sa may tapat lang iyon ng Adamus Institute, College of Letters and Arts, doon lang sa highway, malapit sa paraan patungo sa Sitio Isla" I told him, nakatingin pa ako sa kanya if he got offended nung sinabi ko yung word na tungek na sa mga kaibigan ko lang talaga ginagamit. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito. I'm confused by what I'm feeling kasi ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, na it's like we've known each other dati pa lang. And quite amazed kung gaano kabilis ko siyang naka-vibes. Dahil ba sa pagkain ito or iba pa?

"Then, ituro mo na lang yung daan kung ayaw mong maligaw tayo. Ayaw ko naman gumamit ng GPS, nakakatamad tutal sa malapit lang pala tayo" sabi pa nito. Tinanguan ko na lang siya as he started to drive. Tahimik lang kaming dalawa though it's really not the awkward silence. Paminsan-minsan naman ay nagsasalita ako, directing him kung saan dapat lumiko para makarating na kami sa kakainan namin. Seryoso naman siya as he's driving, paminsan-minsan ay nakakagat ang labi sa tuwing liliko, just like what I observed the last time na nasakay ako sa kotse niya.

"Ayan, diyan sa may malapit sa toda ng tricycle. You can park dito na lang sa gilid para malapit lang tayo" ngiti kong sabi sa kanya nang makarating kami. Inalis ko na ang pagkakakabit ng seat belt ko. Kinuha ko naman ang wallet ko from my tote bag, planning to leave the bag here in his car.

"Pwede bang iwan ko na muna itong laptop dito sa kotse mo? May laptop kasi akong dala" paalam ko naman sa kanya. He nodded his head naman, removing the seat belt at nilingon ako.

"Wait, ilagay mo dito sa may safe box ko dyan sa likod" he told me, asking for my tote bag na binigat ko rin sa kanya.

"Ba't naman may safe box ka sa kotse mo?" nagtataka ko namang tanong sa kanya as he's reaching for the box sa may likod, placed between the two seats. May kung ano-ano naman siyang pinipindot doon pero hindi ko na tinginan, it's a private thing for him perhaps plus kakakilala lang namin. It might be too private or personal for him.

"Oh, that? This isn't my car. Kay papa 'to, pinahiram lang kasi pina-car wash ni Dos iyong kotse ko. Pinahatid kasi ni papa si Rich kanina dyan sa cafe so I grabbed the chance rin na makita ka" he reasoned out. Nang matapos siya sa inaayos niya ay humarap na ito sa akin na may ngiti sa labi.

"Tara na"aya nito sa akin. Lalabas na sana ako pero pinigilan nya ako, signaling that he would open the door for me.

'Napaka-gentleman naman ni Kuya Uno, sana all na lang talaga eh' isip ko pa.

Bumaba na ako pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto. Pinangunahan ko naman siya kung sana naman kami pupunta at tinuro kung saan kami kakain.

"Here, Amelito's~~~" natutuwa ko pang introduce sa kanya. Kahit na ba nasa labas pa lang kami ay maaamoy mo na ang bango ng sisig at mga silog na tinitinda rito. Nakita ko naman siya na napangiti rin, probably impressed by what I presented him.

"Don't worry, mura lang naman dito. Plus! Pinili ko talaga iyong may unli rice and unli soup na kainan para hindi ka mabitin. Ayaw ko namang ma-disappoint ka sa isa-suggest kong kainan" daldal ko pa sa kanya habang papasok kami. He's observing the place naman which made me quite nervous, a little panicky dahil baka mamaya ay hindi niya pala gusto ang mga ganitong tipo ng kainan.

Medyo marami rin ang kumakain dito, pulos mga college students from AICOLA kahit Sabado pero hindi naman kami nahirapan makahanap ng upuan. We're lucky to find a seat sa may bandang gilid malapit sa refill-an ng soup. Pansin ko namang nakatingin sa kanya iyong mga babaeng students from another table. Those girls look someone at his age, college students like him, mga kasabayan niya unlike me who's still in SHS and has still so much more pacing to do.

I admit, his looks really are remarkable. Macharot lang talaga siguro ako nung una ko siyang na-meet sa cafe, stressed by all of the quizzes that day kaya ko nasabing 7 out of 10 lang ang visuals nya kahit alam ko namang perfect 10.

"Here's the menu, pili ka muna" I told him, handing him the menu. His eyes immediately scanned it, locking his attention on it completely. As for me, I'm just waiting for him dahil sure ako na sisig ang dayo ko rito. It's been so long na rin pala simula nang una akong makakain dito dahil naghahanap kami ng makakainan na affordable pero mabubusog ka. Hindi rin kasi mapagkakaila na mas sulit pa rin kumain sa mga ganitong kainan kesa sa fast foods.

Naliliyo naman ako sa amoy ng niluluto sa kitchen dahil malapit lang kami roon. Halos manlaki naman ang mata ko at mamula ang buo kong pagmumukha nang kumalam ang tiyan ko.

"Okay, that's it. You order for me. It'd take an hour for me to choose kung ano o-orderin. Mukhang gutom ka na naman kahit kakakain mo lang ng cake kanina" nanunuya nya pang sabi. Napahilamos ako ng kamay sa pagmumukha ko sa hiya.

'Maliit lang kaya yung serving nung oreo cake kanina' I rebut in my mind.