Chapter 6 - Six

"Hala punyawa ka"

Nakagat ko naman ang dila ko when that bad word slipped my mouth. Maging siya ay na bigla sa sinabi ko.

"I showed you some love and you'll say I'm punyawa?" tanong pa nito sa akin habang nakalagay ang kanang kamay sa kanya ng bewang habang ang kaliwa ay tinuturo ang kanyang sarili kung kaya naman ay mukha tuloy siyang nanay na nagrereklamo sa sales lady in a mall.

Hindi naman ako makasagot sa tinanong nya. I'm still trying to regain myself, dahil sadya talaga akong nagulat nang tumayo ito and shoved his finger heart in my face. Napahigpit naman ako sa hawak kong basket at nilagay na dito iyong sandwiches that I grabbed earlier. Sandali ko lang syang tinapunan ng tingin at kaagad nang tumalikod. Ano pa ba kasi ang dapat kong sabihin sa kanya?

I proceeded to the counter and put the basket down for the cashier girl to do her work with it. I then immediately gave a 500 peso bill for the payment nang may maalala ako.

I forgot my phone at home. 'Shit sayang yung points,' I mentally scolded myself. Napaabante naman ako sa counter nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Though hindi naman naka dikit sa akin ay ramdam ko ito. Unti-unti ko pa syang nilingon pero agad akong natingin kay ate sa counter nang makita syang naka tingin rin sakin while holding the same noodles I just bought and a pair of gimbap on his hands.

"Ate pa bilis na lang po" bilin ko sa babaeng nag-bibilang pa ng sukli ko. I was even taken aback nang nilingon ako nitong nakakumot ang noo sa akin.

'Sabi ko nga, take your time'

Kaagad na akong umalis doon kasama ang mga binili ko pagka abot ni Ate sa akin ng sukli ko at ng resibo. Dali-dali akong umupo sa pinakadulong table, placing the food I just bought at the table. Anyone would see me would probably think I bought these food for two person, only to find out na ako lang ang kakain nito.

"Hoy Seven ba't mo naman kinain na yung ice cream di pa yan bayad! Makukulong kami nang di oras sa'yo" nagkukumahog na saad ni Kuya Uno which catched my attention once again. Halos matawa naman ako sa reaction nung Seven na patuloy lang sa pagkain ng ice. I feel like he's younger than me for a year or two. He looks adorable with those doe eyes. He look so innocent.

"Uno, eto na yun. Bayaran na nang makauwi na tayo" another guy told him. He's so white which made me wonder kung may dugo pa bang dumadaloy dito. Anemic ata ito.

"Akin na nga. Nasaan yung iba?" hanap nya pa sa mga kasama nya.

I just shrugged them off. They look cute. I love their bond. It reminds me of the bond that I have sa mga kaibigan ko. Though we differ in personalities, we still made it through.

Focusing sa mga binili ko, I prepared the spicy cup noodle and put all the seasonings in it. I also opened the sandwiches so I can put them on the toaster to reheat it. After doing it, tumayo muna ako at iniwan ang ibang mga pagkain na binili ko to get some how water for the cup noodle and toast the sandwich.

Halos mabitawan ko naman iyong cup noodle ko nang may marinig akong mabasag sa loob ng convenience store. I got curious kaya naman binaba ko muna yung tangay ko at tiningnan kung saan nanggaling iyong tunog. Nakita ko namang nagkukumpol sa shelves ng mga alak sila Uno which made my brows meet.

"Miss, excuse ho. Tingnan ko lang po iyong nangyari" the cashier girl na nagsungit sakin kanina told me kaya naman gumilid muna ako. Makitid kasi ang pasilyo at talagang kaunting maling galaw mo lang ay makakabasag ka ng alak.

"Lintek naman Kwatro, nakabasag ka na naman," I heard Uno, while he's standing there, slightly stressed habang hinihimas ang batok yet stifling a smile on his face.

"Napakatindi mo pars, black label pa talaga!" natatawa namang asar pa nung lalaking maputi kanina sabay akbay dun sa isang lalaking ka-height din nya na tawa din nang tawa. Kasama nilang tumatawa iyong lalaking nakapatulis ng jawline maging iyong pinakamaliit sa kanilang pito. Si Sais naman ay walang emosyon at nakatayo lang doon habang inaalalayan palayo sa lugar na iyon iyong Seven kanina na pinagalitan ni Uno na kumakain pa rin ng ice cream.

"Walanjo may dala ba kayong pambayad dyan? Hindi ko dala wallet ko" worried na banggit nung lalaking pinakamatangkad sa kanila na hinala ko ay nakabasag nung maliit na bote ng Black label. I almost laughed when I saw him rummaging his pockets and turned out he only has coins in it. They are clearly having problems with money, dahil baka sakto lang ang dala nitong pera pambayad sa mga bibilhin talaga dapat nila. Probably no extra money para pambayad sa nabasag na bote ng alak.

Napailing na lang ako sa nasaksihan. It's pure chaos but it's also entertaining. I went back to the table where I was preparing my noodle and filled the cup with the boiling water. I then put it to the table together with the snacks I bought. I went back again to fetch the sandwiches I left dun sa toaster. Just smelling these foods bring comfort to my aching heart.

I was about to take a bite to the newly toasted sandwich when I felt someone sat down beside me. At first, hindi ko ito nilingon at napairap na lang ako sapagkat pamilyar ang aura nito.

"Pwede mangutang?" tanong pa nito sa akin kaya naman nilingon ko na.

"Sorry, I don't talk to strangers," I replied to him sabay subo ulit ng pepperoni sandwich, trying to completely shoo him away.

"Hala sya, eh kausap mo na nga ako kanina and you talked to me yesterday. Saang banda pa ba ako stranger sa'yo?" I heard him asked me kaya naman hinarap ko na ito.

"Uhm, mister, sorry to burst your bubble but even though I talked to you yesterday and you're friend Sais is a friend of my friend, you are still a stranger. I may have talked to you for a while and that's my bad. Kinausap lang kita saglit but I still don't know you. Ba't naman kita papautangin? I'm not that dumb to let you rip off some money from me" mataray kong sagot pa dito. I haven't even thought that he's older than me for a few years. I really, just hate it, when someone interrupt me when I'm eating.

"Oh, okay" medyo down na sabi pa nito kaya medyo na-guilty naman ako sa sinabi ko. He was even pouting for Pete's sake.

"Pano ba yan guys, mukhang isasangla muna natin si Kwatro ngayon dito sa 7-eleven" he told the guys beside him, just a few meters away from us. Hindi ko naman napansin na nandun sila.

"Hindi ba kasi talaga aabot yung pera natin pag nag-ambagan?" the guy na nakabasag ng alak shyly asked.

I was even shocked when the short pale guy smacked him in the head, "Anong ambag na pera natin? Ambag na pera lang namin! Naawa naman ako sa trese pesos na nasa bulsa mo", bulyaw pa nito rito na kinatawa lang nila.

"Pasensya na sa abala" I heard Kuya Uno told me, with a smile on his face at tumayo na. He directed the guys near the cashier and talked to the cashier girl. I was left here in the corner with my food slightly getting cold as I just observed them from afar.

"Isangla na yang si Uno!" I heard Seven told them when they were on their way out. Nagtawanan naman iyong mga kasama nila sa tinuran nito. Kuya Uno was even crossing his arms, waiting for them to go out but they still haven't.

"After all these years, papayag ka lang na isangla ako dito Syete, ha?" pabiro namang tanong ni Uno rito. Tumatawa pa rin iyong mga kasama niya, probably laughing at Kuya Uno's reaction.

"I already have Kuya Tres to take care of me naman" pabalang pero mapagbiro namang sabi nito. Umakto naman si Kuya Uno na nasasaktan, acting like he's just been stabbed in the heart kahit tumatawa naman siya.

"Ansakit nun! Ako na nga ata nagpalaki sa'yo tas gaganyanin mo ako" Kuya Uno told him, nagging a little.

"Sus, selos ka naman dyan Uno" dagdag pa nung lalaking kanina pa nakangiti nang malawak. Para tuloy syang bulaklak na may smiley face kasi nakakalighten-up iyong ngiti niya.

"Lagot ka Syete, palalayasin ka na nyan sa condo pagkatapos nito" pambanta naman nung pinakamaliit sa kanila.

"Shhhh Cinco, walang nagtatanong" Seven shut him down, putting his hands dun sa bibig nung pinakamaliit. Ang dali lang kasi syang dakmain ni Seven dahil magkasing-tangkad lang naman sila. Hinatak naman nya iyong lalaki papalabas kung kaya naman nahihiyang sinundan na sila nung iba, leaving Kuya Uno behind.

"Don't worry Kuya Uno, ikaw lang pinaka-Kuya ko! Kainin mo na lang iyong gimbap, bayad na iyan" the guy na nakabasag noong alak told him before going out. Nang makalabas sila ay biglang tumahimik sa loob ng store na kanina ay maingay.

Napakunot naman ang noo ko nang umalis na iyong anim na kasama ni Kuya Uno. Maybe the cashier agreed na mauna muna iyong anim at maiwan ang isa sa kanila to make sure na babalik ang mga iyon at babayaran ang nabasag na bote ng alak.

After quite some time observing them, I shifted my attention to the food I just bought. Umayos na ako ng upo at humarap na sa glass wall nitong convenience store. Bigla naman akong nawalan ng gana kumain kahit na ba kanina ay takam na takam ako sa mga pinagdadampot ko.

I just sighed and looked at the glass wall of this convenience store. I stared atthe view outside. Kaunti lang ang tao at madilim na rin sa labas dahil siguro ay hindi palalabas ang mga tao sa barangay namin o hindi lang talaga dayuin itong kalye na ito kahit na mayroong convenience store. Kahit na ba paminsan-minsan at tinatambayan ito ng mga kabataan just like me, mukha pa ring patay ang kalye na ito kapag gabi na. Hindi ko naman mawari kung bakit pero dahil siguro mas gusto kasi ng mga mas nakakatanda sa amin ang mamalengke at eka nga nila ay mahal na ang mga bilihin rito sa tindahan na ito sapagkat napatungan na ang presyo.

"I went here so I can eat pero ba't parang nakakatamad?" I asked myself that. Para akong tanga na kinakausap ang sarili habang tulala lang at nakamasod sa labas. Ramdam ko naman iyong lamig ng aircon sa buong katawan ko pero nalalabanan naman iyon ng noodles sa harapan ko.

"Your noodles would get soggy"I heard someone said from behind na kinalingon ko naman.