"Hindi naman ako informed na mayroon palang dragon diyan sa tiyan mo" natatawa pa niyang sabi, making that sound again tuwing naglilinis ka ng bintana.
Hindi ko naman tuloy alam kung mapipikon ako o matatawa na lang din.
"Stop making fun of me, nakakapagod kayang maging leader sa mga group projects" sabay hilot ko sa sentido ko.
Andami na naman kasing gawain simula sa Lunes at iniisip ko pa lang ang mga iyon ay parang gusto ko na lang mag-drop sa mga klase at maggala sa kung saan. But I know na hindi ko kaya at hindi pwede so I need to bear with it.
"I know" sabi pa niya sabay higop doon sa soup na naunang sinerve.
Nabigla naman ako nang makitang namilog ang mata niya, quite shocked marahil maasim siguro iyong soup. Sabaw kasi ng sinigang iyon, just like sa Mang Inasal, iyong sinigang mix na hinaluan lang ng mainit na tubig para maging soup. But really, it's good. Humigop na rin ako ng sabaw, just like him.
"Masarap?" tanong ko sa kanya after heaving a nice long satisfied sigh. Mainit pa kasi ang sabaw which is really pampagana talaga bago pa kami kumain.
He's nodding his head naman, tuloy-tuloy at hindi na nagsalita. I'm glad that he liked it. Hindi naman na ako nabigla nang tumayo pa ulit siya para i-refill ulit ang cup niya.
"May laman pa iyang iyo?" tanong nito sa akin, looking kung may laman pa sa soup ko.
"Meron pa, sige, mag-refill ka na ng sa iyo" chuckling, I replied. Pinagmasdan ko na lang siya lumapit doon sa table kung saan nakalagay ang refill-an ng soup. Tinatanya pa nga niya ang paglalagay ng soup sa mangkok niya, careful enough not to spill anything.
Napalingon naman ako sa paligid namin and some girls were gawking at him again na kinailing ko. Simple lang naman kasi ang suot niya pero ang lakas ng karisma.
"Matagal pa ba yung pagkain?" he inquired about our order, agad- agad pagkabalik niya sa kinauupuan. Namaang naman akong nakatitig sa kanya pero agad ding bumalik sa realidad nang pitikin niya ang noo ko.
"Sabing huwag papangalumbaba sa hapag-kainan eh" pangaral pa nito sa akin.
"Ade huwag. Sorry naman"
"So, matagal pa ba ulit before the food is served?" he asked again. Nilingon ko naman ang banda ng kitchen kung saan nanggagaling ang nakagugutom na amoy. You can smell the ginigisang garlic and onion, may something buttery smell at higit sa lahat ay ang amoy ng sisig.
"Kaka-order ko lang naman, kalma ka muna riyan" awat ko sa kanya. Excited lang kumain chong?
"Okay" he just replied at humigop na naman ng sabaw.
"So, since mamaya-maya pa naman iyon, pag-usapan muna natin ang ipo-propose kong idea" sabi pa niya, his hands palying with each other habang nakatingin sa akin.
Medyo naiilang ako dahil sa sobrang gwapo ba naman nitong kaharap ko. I mean, sinong hindi maiilang kung kaharap mo ang isang Juan Carlito De Ayala?
Natawa naman ako sa isip ko nang maalala ko kung ano ang buo niyang pangalan.
"Why are you chuckling? Anong iniisip mo?" nagtataka nitong tanong sa akin na kinatikom ng bibig ko. Sabi ko nga, hindi ko na tatawanan ang pangalan niya.
"Nothing. So ano naman 'yang ipo-propose mo?" pag-iiba ko ng topic, giving my utmost business tone.
I know he'd have something to offer that would benefit the both of us, a deal to be made. Hindi naman ako pinalaki ni mama na business minded sa mga bagay-bagay para sa wala. She said if there's an opportunity, grab it lalo na kung hindi naman ganoon kalaki ang iri-risk.
We should conquer that fear of the risks kasi sino ba namang kumikita if you wouldn't sacrifice something or take the risk?
"This one" he put his phone out and showing me the menu of Omelas cafe. Nakunot naman ang noo ko sa ipinakita niya.
"Anong connection ko sa Omelas cafe?" confused, I asked him.
He replied with a smile before proceeding with an explanation, "You would help me to improve the cafe's menu. Rich suggested it to me and I agreed. With your project in Entrepreneurship, you can explore the kitchen ng Omelas while doing your experiments. In exchange, you'd be my taste-tester ng mga food na gagawin namin".
"Why me?" nakataas-kilay ko pang tanong. Malay ko ba kung bakit ako napili nilang maging 'taste-tester'.
"Well, I can't risk the cafe's menu sa panlasa ng mga kaibigan ko. Lahat naman kasi ay masarap para sa kanila" naiiling pa nitong sabi.
"And I could see that you got the taste. Rich told me that you can't cook but has a great taste on things. Mahirap ka raw ma-satisfy sa mga pagkain, pihikan kumbaga. Though you really eat... well" tuloy-tuloy pa niyang sabi though he paused before the last word, medyo nag-aalinlangan pang ituloy ang sinasabi.
"Should I be offended?" tanong ko sa kanya. Naputol lang panandalian ang usapan namin nang dumating ang pagkain na sinerve. I was immediately captivated by the sisig in front of me.
"Saang part ka ba na-offend? The pihikan part?" naguguluhan niya pang tanong sa akin na kinahagikhik ko.
"No, dun sa part na I eat well" natatawa kong sabi bago langhapin iyong nakahain na sisig. Mainit-init pa ito at alam kong gaganahan ko.
"But really, why me?" tanong ko sa kanya in a serious tone.
"I feel like you've got this sensory acuity. Do you know what that is?" tanong pa nito sa akin. Tumango naman ako. I know what sensory acuity is. So he thinks that I can identify,siguro, the sugar, salt or acid levels of different products and describe it in a manner other people would understand, in a more specific manner?
"Paano naman 'yon, hindi naman ako professional taste-tester. Ang gusto ko lang naman is kumain" natatawa kong sabi and ate a mouthful of my food. Nagsimula na rin siyang kumain, his eyes unfocused, tasting the food carefully.
"In fairness, it's yummy" ngiti pa niyang sabi sa akin at hindi na sinagot ang tanong ko. Pilit naman niyang tinitikom ang bibig niya after chewing the food, trying not to say something.
Nailing na lang ako sa inakto niya at kumain na rin. We could still talk about this later, mahaba pa naman kasi ang araw. Pwede ko namang ipagpaliban ang paggawa ng paper namin since I was the one compiling and editing it and for sure baka late rin magpasa ang iba, lalong-lalo na ang pinsan ni Kuya Uno na si Rich.
Only, if only Uno knows kung gaano ka-stressful maging ka-grupo si Rich! Sumasakit ang ulo ko sa yayamanin na iyon!
We ate there in silence, paminsan-minsa'y nagnanakaw ako ng tingin sa kanya. He still look princely kahit na sa simpleng kainan lang kami kumakain ngayon.
He has this certain charm on him na parang nagmomodelo siya sa isang tv commercial and that he was endorsing that sisig plate he's eating.
When we're done eating, nauna pa siyang tumayo and held his hands to me, asking me to follow him. Sumunod naman ako sa kanya na tuloy-tuloy lamang sa kotse, opening it for me.
"So, have you decided about it na ba?" tanong pa nito sa akin.
Umiling naman ako sa kanya, still unsure of the answer.
"Hindi ko pa rin alam yung grounds ng deal natin. Though I'm sure it'll benefit me, hindi ako sure kung may benefits ka bang matatanggap sa deal na ito. Look at me, I'm not really a taste-tester, okay? I just love eating as it is pero never sumagi sa utak ko ang maging taste-tester" mahaba kong explain sa kanya.
It's clear naman kasi na I have the advantage on learning how to cook and such for the project that would benefit me and my group mates but the cafe? I'm not sure. It is a great deal pero hindi ako papayag kung walang benefit for the cafe. I'm forward when it comes to deal pero hindi naman ako ganun ka-oportunista so that I can take advantage of them kahit na ba gigil ako kay Rich.
"It's not that simple like you think it is" he told me in a tone which gave me some chills.
"I know"
"If you'd agree, you're probably gonna undergo to series of tests so that you would be qualified to be an amateur taste-tester. Si Rich na ata ang mag-orient sa'yo about that thing or si Aspen, his older brother since sila ang may-ari ng cafe since I'm just a barista in their cafe" sabi pa niya, fumbling for the keys in his pockets.
"I see" sagot ko na lang. I'd probably take days before deciding and someone to convince me to say yes. I mean, hindi biro maging taste-tester and it is a huge responsibility on my side. I'm not confident enough to agree.
"Don't worry, you'd be my assistant Joe. I'd be the professional taste-tester here" he winked at me before starting the car.
"Okay. Saan pala tayo pupunta na? I mean, hindi mo naman siguro ine-expect that I'd agree right away to your proposal, hindi ba?" pa-hard to get ko pang tanong dito pero hindi naman niya ako nililingon at naka-focus sa daan.
"I know you're smart Joe. Panigurado ay pag-iisipan mo pa iyan for days but let me show you the cafe's kitchen first and the menu para naman medyo ma-convince ka na um-oo" ngiti pa niya sa daan before looking at my direction.
"Sabi mo eh" I just said. After a few minutes, dumating naman kami sa cafe. He still opened the door for me in which nginitian ko ulit siya in return. Sasakit ata ang panga ko kakangiti sa isang ito.
"Uno! Saan ka galing, hinihintay ka namin kanina pa!" lingon ko sa pinanggalingan noong boses.
Nakita ko naman sa kumpol na iyon sa counter ng cafe ang mga kaibigan ni Kuya Uno, nagkakagulo sa isang tub ng ice cream. They guy who just said that ay lumapit kay Kuya Uno, tugging him against him habang nakaakbay dito.
"Kumain na ba kayo ng lunch para makakain na kayo ng ice cream?" he worriedly asked them.
Parang bata naman tumatango ang mga kaibigan nya, most especially si Seven. He really look so adorable. Kung magkakaroon man ako ng kapatid, a little brother, I would choose him.
"Hi? Would you like some?"
Nagulat naman ako nang lapitan ako ng isa sa mga kaibigan niya na medyo namumukhaan ko. Siya iyong napakaganda ng jawline, captivating you with his smile. If I would describe him in one word, it would be 'sunshine' because his smiles would lift you up from a bad mood.
Hindi naman ako makasagot sa kanya at nginitian lang ito, awkwardly.
"Tres, balik ka nga ulit doon kela Seven. Papakilala ko rin sya maya-maya sa inyo, okay?" mahinahon namang awat ni Uno sa lalaking Tres daw ang pangalan.
Tres smiled at me again before backing out and went beside Seven. The other guys went busy again with the tub of ice cream nang kuhanin muli ni Kuya Uno ang atensyon ko and guided me through the counter, all the way to the kitchen.
Pagkapasok ko naman, I was quite amazed by the interior. It looks like someone tidied it up with every chance they've got dahil puting puti ang mga tiles.
There are some indoor plants placed at the side of the narrow hallway between the counter and the kitchen which made the place lively.
"Who designed this cafe? It's lit" bulong ko pa, observing the place. I can't imagine myself ruining this kitchen dahil hindi ako sanay magluto like ngayon pa lamang ay nagi-guilty na ako.
"Oh, I think it's Caspian? Yeah, it's him" sagot pa niya, thinking if it really was the Caspian he know did the interior of the cafe.
Paikot-ikot naman ako sa kitchen nila habang siya ay nakatayo lang sa isang gilid, his body quite leaning to the abuja brown painted wall.
I don't know but I'm drawn sa design ng kitchen ng cafe kahit na simple lang ito. Maybe because it's minimalist style is quite catchy at sa maayos na pagkakasalansan ng mga pans and other kitchen wares.
Mayroon ring roasting machine sa isang tabi beside the lababo, though it's not big, hindi rin ito ganoon kaliit. Napatango naman ako, realizing that they're the ones roasting the coffee beans and brewing it probably the next day. Imagine the work! Ang effort lang.
"I really don't get it na si Rich talaga ang may-ari ng cafe na ito" comment ko pa habang inuusisa ang mga gamit.
More on pang-luto ang nandito, for desserts probably at iyong roasting machine lang ang solely for coffee purposes marahil siguro nasa labas ang espresso machine nila at kung ano-anong abubot nila sa paggawa ng kape. Hindi naman ako maalam sa mga appliances used for coffee dahil wala talaga akong hilig sa kape.
'Gatas lang sapat na mga ati'
"Come here" tawag sa akin ni Kuya Uno kaya naman lumapit ako sa kanya.
He's directing me to a metal door before opening it. Bigla naman akong nanginig when he opened it sa lumabas na lamig from it. Hindi naman ako binalaan na refrigerator pala ito.
"Ano ulit tawag dito? Walk-in refrigerator?" tanong ko pa sa kanya.
Ngayon lang ulit nag-sink in sa akin kung gaano siya katangkad beside me dahil medyo sumasakit na ang leeg ko sa kanya.
Pumasok naman siya kaya naman sinundan ko lang siya, still not answering my question. Binati naman ako ng iba't ibang pagkain sa loob, my eyes twinkling when it landed on a big pack of whipped cream.
"Daebak"
Not to be a child but this walk-in refrigerator is a foodie wonderland, a Disneyland kung maituturing in my dictionary. Having a sweet tooth, I'd like to live here. Kung pwede lamang ay kukuha na ako ng karton at dito na ako titira.
I'm too occupied with what's in front of me, lowering my defenses kaya naman I got quite shocked when Kuya Uno bumped into me, him trying to get something behind me. He's leaning towards me and I immediately smelled his manly fragrance. Ramdam ko pa iyong hininga niya which made me shiver a little.
Nalaman ko lang na lagayan pala ng tub ng ice cream ang nasa likod ko kung kaya pala sobrang lamig.
'Is it the coldness of the freezer kung bakit para akong naninigas or dahil sa proximity between us?' I asked myself. I admit, I was and still distracted by our position.
"Aha, kinuha na naman nila ang isang tub ng ice cream dito" kinakamot pa niya ang batok, he said.
Kaunti na lang talaga ay magkukulay-asul na ako dahil hindi ako makahinga nang maayos when he's so near like this kaya naman halos maghabol na ako ng hininga nang medyo dumistansya ito sa akin, peeking outside sa kitchen. He even looks like hindi man lang siya nilang sa nangyari at parang wala lang iyon sa kanya. It's clear na ako na naman itong nagbibigay ng malisya sa mga bagay-bagay.
Halos mahulog naman ang panga ko nang biglang tumalim ang tingin niya, looking for something behind me which is the place where the tub of ice creams were placed bago ulit lumingon sa labas ng kitchen.
"Sean Venice Quicho-Razon! Tell me na binayaran niyo 'yang kinakain niyong ice cream kung hindi! Naku!" sigaw pa niya, namumula ang mukha. He' s even ruffling his hair at ako naman itong si marupok ay na-cute-an dito.
I was chuckling at him silently, amused by the situation habang focused siya sa pagtawag sa kung sino man sa labas. He looks like an old lady scolding people.
Natigil lang ako nang nilingon nya ako, naningkit pa ang mga mata.
'Sabi ko nga hindi na ako tatawa'