Chapter 9 - Nine

"Why don't you open the file so you can see what's in it?" a familiar voice told me kung kaya naman naangat ang tingin ko dito. There I saw Kuya Uno, standing with a mischievous smile in his face before grinning at me. Napairap naman ako sa sarili ko, thinking how he's teasing me again. Hindi ko rin naman napansin na nandito sya, probably because sa mala-runway entrance ni Rich.

"Ba't ka naman nandito?" tanong ko sa kanya at nagkibit-balikat lang sya sa akin.

"I'm a barista here, hindi ba? 'Di na ba ako allowed pumunta sa workplace ko?" balik naman nya sa akin kaya hindi na muli ako nagsalita. Napansin ko rin kasing tahimik itong mga kasama ko nang dumating itong nakatatandang lalaking ito. I bet, Krisha was even shocked to see him here, might as well as Jeanne ngayon na nakita kami nitong nag-uusap casually.

"Punta na ako sa counter. We'll talk later ha, Joe" bilin pa ni Kuya Uno sa akin sabay tapik sa balikat ko. Tumango na lang ako sa kanya at pinagmasdan siyang naglakad sa counter. He even had a high give with Seven who's patiently waiting there, who seems to be watching us over here a minute ago dahil nakapalumbaba pa ito sa counter.

Without batting an eyelid to Kuya Uno again na bumalik na sa counter, napatingin naman ako sa banda nila Rich. May naglalaro namang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. Nang magtama naman iyong paningin namin, he wiggled his eyebrows, intriguing me probably dahil kakilala ko itong tinagurian niyang pinsan.

"So ano Joe, okay ba yung ginawa namin ni Kuya Uno?" may sa kung anong panunuksong tono ang lumabas sa labi nito. It's between nagyayabang at nanunuksong tono, actually. Panigurado ay iniisip na naman nito na napakagaling niya.

"Wait, kalma lang! Kitang bubuksan ko pa lang eh" baling ko dito at humarap ulit sa laptop. I immediate skimmed all the details inside the only file saved here. Nasa mga limang pages din ito, containing 3 different suggested products with its description and ingredients. Halos manganga naman ako when I realized how good these were at makikita mo na talagang pinag-isipan ng taong gumawa nito.

"Are you sure you really did this? Or si Kuya Uno lang?" hindi man sa nag-aakusa ay tanong ko kay Rich na dumekwatro pa ng pagkakaupo. A smile then escaped from his lips, "secret."

"Wait, let me send it to the gc so you can read it guys" I told them and proceeded in sending it to our gc in our messenger. Minasahe ko naman ang mga mata ko once I sent it while they're quietly reading it on their own. Ang hapdi ng mga mata ko, perhaps from all of the radiation coming from my laptop kahit na ba half-day lang naman akong nakaharap dito. I think I really should buy an anti-rad glasses as soon as possible dahil sa dami ng workload namin at ang lahat ng iyon ay nangangailangan ng laptop or maski phone man lang.

Once I opened my eyes, nagulat naman ako nang may gumalaw ng laptop ko, putting it away from me before placing what looks like a cup of strawberry latte and what looks like an oreo cake in front of me.

"Eat. You look more stressed today than last night" Kuya Uno told me in his serious voice. Naangat naman ang tingin ko sa kanya na nakatayo, my neck suddenly hurts. Ang tangkad kasi.

"'Di naman ako gutom, Kuya Uno" ngiti ko pa sa kanya, telling him a lie. Damn, sino ba namang hindi magugutom kung yung kine-crave ko nung isang araw ay nasa harapan ko na?

" I didn't asked if you're hungry, Joe. Ang sabi ko lang naman, eat. Hindi ko tinanong kung gutom ka ba" suplado namang sabi nito na kinataas lang ng kilay ko.

Napatikhim naman si Jeanne which quite got my attention. Nalipat naman sa kanya ang mata ko from Uno and noticed na tahimik lang sila na nagmamasid sa amin.

"I think product 2 is a good idea," dagdag pa nya, redirecting everyone's idea from what happened between me and Kuya Uno. She discussed her opinions regarding the product to them which made me feel at ease. Napansin ko namang papaalis na si Kuya Uno but I suddenly reached out my hand to him, pinigilan syang umalis.

"Thank you," I mouthed to him nang magkatagpo ang mga mata namin. Ngumiti lang sya ang gave me an okay sign before walking to the counter. When he reached there naman, he called Seven.

Nag-focus naman na ako sa ginagawa namin. We discussed the pros and cons of the product they all seemed to like doon sa pinresent ni Rich where he said na tinulungan daw siya ni Kuya Uno. I also noticed iyong mga palihim na tingin sa akin ni Jeanne, her eyes seemed to be threatening me to tell everything to her about what happened yesterday. She seemed to be eager to know all of it lalo na't nakita niya how Kuya Uno and I were looking and talking to each other. And by means of everything, it literally mean everything that happened.

Pinasantabi ko muna iyong pagkain na nilagay ni Kuya Uno sa table at hinarap ang laptop ko. I know na kapag tumikim man lang ako noon ay madi-distract ako nito at kakain na lang. Maybe I'll reserve it as a treat after matapos ng meeting namin.

"So, eto na yung final na ipapasa natin kay Ma'am Aileen?" I asked them for the last time before packing our things up. Lahat naman sila ay um-oo, and we also agreed that we're gonna edit some part na appropriate for our level. Para naman kasing business student from college iyong pagkakagawa nung description of the product, much more from a person who really studied with a business major and has experience in the food industry.

"I'll just send my part mamayang gabi so you can have more time in revising" bilin ni Krisha sa akin before standing up with her backpack.

"Ako man, siguro mga 7 or 8pm? Still not sure kasi baka magsimba pa kami nila mama mamaya" Toffee told me na kinatango ko naman.

"Ang banal naman bruh" Rich teased him pero napairap na lang ito sa tinuran nito.

"Ikaw kasi Rich, masusunog ka kapag tumapak ka sa simbahan" pambabara naman nitong si Bane pero pinagsawalang-bahala na lang sya ni Rich na nakatitig pa rin kay Toffee na nag-aayos ng sarili nitong bag.

"Pano ba yan, mauna na kami Joe at Jeanne. Gonna catch up with my fam eh, you know, lunch with mom and dad's business partners" paalam na ni Krisha bago umalis. Tumango naman sa akin sina Toffee at Bane na sinabayan na rin si Krisha sa pag-alis.

"Ikaw? Di ka pa lalayas?" mataray na tanong ni Jeanne kay Rich. You can really, easily tell how mouch Jeanne hate Rich's guts.

"Papalayasin mo ako sa sarili kong cafe?" para namang offended na tanong ni Rich sa kanya, inalis ang pagkakapatong ng mga paa sa table at umayos ng upo. Para namang sumeryoso itong gunggong na ito. Wala namang maibatong salita si Jeanne kung kaya't umirap na lang ulit ito na kinahagikhik ko.

"At ikaw naman," tuloy pa ni Rich na nakaturo sa akin kaya naman nilingon ko ito.

"I didn't know na kaibigan mo pala si Kuya Uno. Kung hindi lang sya nag-kwento ay di ko malalaman" pang-aakusa pa sa akin nito na parang obligasyon kong sabihin sa kanya iyon.

"FYI lang yayamanin ha, I just met him two days ago" I rebut. He just shrugged his shoulders, parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Tumayo naman na sya at sumaludo sa akin ang gunggong. Pinagpag pa iyong mga balikat nya na animo ay nadumihan.

"Bwisit talaga iyang Rich na 'yan" banas, nanggigigil na sabi sa akin ni Jeanne pero nang magtama naman ang mga mata namin ay bigla itong kumalma at nangiti.

At masama ang pakiramdam ko sa ngiti na iyan

"So, ano nga ulit yung ganap kahapon, specifically, kagabi?" medyo giggly na tanong pa nito sa akin na parang kanina ay hindi nya gustong sabunutan iyong nakaayos na buhok ni Rich.

"Hmmm, san ba ako magsisimula?" tanong ko sa sarili ko, humming to keep her waiting and wanting for more details. Sinadya ko talagang bitinin siya lalo kaninang umaga para maagang dumating dahil kung hindi ay kasing-late rin niya si Rich.

"Ate Joe" rinig ko namang tawag sa akin ng papalapit na si Seven. Though hindi naman kami close ay nginitian ko sya ng matamis. May tangay naman itong dalawang baso ng tubig at binaba muna sa table bago inabot ang isang pink na sticky note.

"Pinapabigay po ni Kuya Uno" magalang naman na sabi nito, medyo nahihiya pa sa akin kung ihahalintulad sa kung paano sya ka-aktibo kagabi habang kasama sila Kuya Uno at mga kaibigan nito.

"Thank you" I just replied at binaling na ulit kay Jeanna ang atensyon ko.

"San ulit tayo nahinto?" tanong ko sa kanya pero nginitian na lang ulit ako.

"Sus, sa chat mo na lang kwento samin" parang aso naman iyong mukha niya, banat na banat sa ngiti pero iyong mga mata ay pilit sinisilip iyong bigay sa aking sticky note.

"Ayan na nga, basahin mo na. Nahiya ka pa eh" biro ko pa sa kanya sabay bigay noong note bago ko pa mabasa. Kinuha naman ng gaga at binasa.

"Punyemas, ano ba kasing nangyari kagabi" halos patili pa nitong react na kinakunot ng noo ko. Ano ba kasi iyong nakasulat?

Kaagad ko namang inagaw sa kanya iyong papel at tiningnan. Mas kumunot ang noo ko at napatingin sa pwesto ni Kuya Uno sa counter na nagpe-prepare ng drink. His eyes on the drink, carefully measuring and putting whatever syrup dun sa kung anumang drink which looks like a caramel macchiato sa akin. Napalingon naman siya sa direksyon namin and smile which my heart flutter a little. Iniwas ko naman ang tingin ko, my cheeks heating up a little before proceeding on arranging my things. Inilagay ko muna ang mga paper drafts sa isang envelope in a manner na mas maiintindihan ko kapag re-reviewhin ko ito mamaya. I then put my laptop and that envelop in my tote bag at nilagay muna sa silya sa tabi ko.

Feeling satisfied sa mga na-accomplish ko ngayon araw ay kaagad kong tinikman iyong strawberry latte maging iyong oreo cake na binigay ni Kuya Uno kanina. Sana lang talaga ay libre ito nang hindi ako maharang mamaya palabas ng cafe dahil hindi ako nagbayad for this dahil in the first place ay hindi ko naman ito in-order.

"Hindi ka ba muna uuwi?" medyo naka-recover na sa kilig na tanong ni Jeanne sa akin. Umiling naman ako, still unsure kung uuwi ba muna ako o buong araw tatambay sa cafe. Panay naman ang pag-inom ko noong strawberry latte, sobra kasing energizing.

'Let's meet outside the cafe after your meeting. Lunch. I'll propose something you probably would like' that's what written in the pink sticky note na inabot sa akin ni Seven. Hindi ko man pinapakita kay Jeanne ay nangingiti ako sa loob ko. Ginanahan lalo akong kumain kung kaya't kaagad kong naubos iyong cake at latte. Inalok ko naman si Jeanne kanina pero humindi lang ito sa akin dahil allergic daw sya sa kahit na anong related sa strawberry. Napailing naman ako sa sinabi niya dahil alam na alam ko kung anong dahilan ba't ayaw nya ng strawberry.

"Yawa, may lalake na si Joe" biro pa ni Jeanne sa akin, buong ngiti pero unti-unti rin nabura nang tila may naalala siya.

Sa hindi ko malamang dahilan ay naguluhan naman ako. "Oh, bakit? Ano naman iyang naalala mo at ganyan kasama 'yang mukha mo?"

"Ah, eh, hindi ba kasi sabi ni Kuya Uno kahapo na... may girlfriend...na sya?" putol-putol na sabi naman nya.

Hindi ko naman alam pero iyong kaninang nasa langit na feeling noong nakita ko si Kuya Uno, noong binigay niya iyong strawberry latte at cake, maging ang pagpapaabot niya ng sticky note kay Seven ay biglang nauwi sa malungkot na feeling.

Isa kasi sa mga pinangako ko sa sarili ko ay hindi ako manghihimasok sa relasyon ng iba.

Bigla naman akong na-guilty. 'Eh ano naman iyong ganap mo between Grayson and Gist? ' Naiinis tuloy ako sa sarili ko nang biglang nanghimasok iyong konsensya ko. Pero pilit din namang ginigiit ng utak ko na hindi pa naman sila at wala namang masama sa ginawa ko dahil parehas naman kaming sang-ayon ni Grayson doon. At sa huli naman, ako iyong nasaktan at si Gist pa rin naman talaga ang gusto ni Grayson.

"Uwi na tayo" aya ko na kay Jeanne at tumayo na. My mood already flipped from the highest peak to rock bottom remembering what Kuya Uno just said yesterday. Nagmamadali ko pang kinuha iyong tote bag ko, medyo ingat lang dahil may laman itong laptop. Hinigit ko naman ang medyo gulat pa na si Jeanne mula sa upuan niya. Shocked probably dahil sa inakto ko dahil hinila ko lang naman sya sa labas.

Malay ko ba pero pakiramdam ko ngayon, gusto ko lang umalis sa lugar na ito.

"Teka lang Joe" I heard Kuya Uno called, nagmamadali pang inalis ang apron niya bago nagkukumahog na makalapit sa amin na papalabas na ng cafe.

Hindi ko naman na siya pinansin at tuloy-tuloy lang. Nabigla naman ako nang mahawakan ako nito sa kanang palapulsuhan ko at hinarap sa kanya.

"May usapan tayo, remember?" ngingiti-ngiti pa niyang paalala sa akin.

"Baka magselos yung girlfriend mo, Kuya Uno" dahilan ko na lang, emphasizing the 'kuya' word but he just chuckled.