Agad na nag-ayos si Coheen at humiga sa kama na parang walang nangyari. Iniwan niya akong nakaupo pa rin sa sahig kaya tiningnan ko siya ng masama saka tumayo.
"Bakit ba hindi mo magawang makalimutan si Kylie? Ako, ako nagpapasaya sayo, ako ang nasa tabi mo. Pero bakit siya pa rin iniisip mo?" Inis kong tanong sa kanya. Tumagilid lang siya at hindi ako pinakinggan.
"Answer me, Coheen."
"I want to rest so, shut the fvck up. Kung ayaw mo manahimik. Leave this fvcking room, so I can fvcking rest." Inis niyang sagot habang nagtatangis ang bagang at muling umayos ng higa.
"Lahat na lang ginawa ko para sayo, pero hindi mo man lang ako magawang pahalagahan."
Biglang bumangon si Coheen at agad na humarap sa akin.
"Ayaw mo talaga manahimik ha?" Tumayo siya at saka ako hinawakan sa balikat at itinayo.
"Anong gagawin mo?" takang tanong ko nang hilahin niya ako.
"Patatahimikin ka. Masyado kang maingay." Hinihila niya ako palapit sa aparador saka niya ito binuksan.
"Wait, anong binabalak mo?" Nakatingin siya ng masama sa akin saka pinisil ang mukha ko.
"Nanggigil ako sa pagmumukha mo Ley. Naiinis din ako boses mo. Pasok!" Saka niya ano tinulak sa loob ng aparador.
"Coheen ano ba?" sigaw ko saka pilit na lumalabas sa aparador pero tinutulak niya ako pabalik sa loob.
"Diyan ka."
"No, let me go."
"I said stay there!" Isang malakas na sipa ang tumama sa sikmura ko ang nagpa aray sa akin kaya nawalan ako ng balanse at natumba. He punched me on my legs. Lagi naman talaga niya akong sinasaktan sa mga tagong parte ng katawan, para hindi makita kapag nagpasa. "Gusto mo pa nasasaktan ka ei." He said saka sinara ang pintuan ng aparador.
"Coheen!" I shouted saka kinalampag ang pintuan. "Get me out of here." Pero walang kahit anong sagot akong naririning mula kay Coheen hanggang sa mapagod ako.
Umupo ako habang yakap ang mga binti. Too dark in here at pakiramdam ko nilalamon ako ng dilim. I can't breathe, I can't feel my body. Parang nilalamon ng dilim ang hininga ko. I can't take it, I wanted to scream, pero walang kahit konting boses ang lumalabas sa bibig ko.
I feel my body numb, my eyes wanted to close. Natatakot akong pumikit, dahil pakiramdam ko kapag pumikit ako, baka hindi na ako magising.
Umiiyak na lang ako dahil anuman oras pwede akong mawalan ng malay. I wanted to be strong this time pero yong feeling ko ay para akong kandila na unti-unting nauupos. Nanghihina ako at pakiramdam ko wala ng hangin ang pumapasok sa katawan ko.
"Ano buhay ka pa?" The door open and I saw Coheen standing in front of me. But instead of answering him, I chose to cry. He shook his head and leave me.
I cried and much I could. Pakiramdam ko sa pag-iyak ko bumabalik ang kaninang oxygen na nawawala sa katawan ko. Kaya ko pa ba? Oo kaya ko pa, dahil kapag sumuko ako, mawawala sa akin si Coheen. Masasayang lahat ng hirap ko.
-
"Dont forget to call when you arrived in Manila. Don't worry, we will visit you kapag natapos na ang anihan ng trigo." Tumango ako kay mommy saka niyakap siya ng mahigpit. "I'll gonna miss you baby," she said while hugging me.
"Me too mom." Saka ako bumitaw kay mommy at niyakap din si daddy.
"Take care of yourself always Ley. If there is any problem, just give me a beep." I smile to dad and he kiss my forehead. Saka tumingin kay Coheen, ng biglang magsalita si mommy.
"Take care of our daughter, Coheen. You know how precious my daughter to us. Kapag hindi mo na kinaya ang ugali niya, send her back to us without any scratch, we will accept her wide arms open." Paalala ni mom.
Sasagot na sana si Coheen nang muling magsalita si daddy.
"Never lay your fingers on her young man, I am not asking you a favor. I warned you if you know what I mean."
Tumikhim si Coheen bago sumagot .
"Of course, dad." And they both smiled saka hinawakan ni daddy ang balikat ni Coheen.
"Ate, yong pamangkin ko ha? Wag mo kalimutan." Everyone laugh. Ang kanina tensyon ay nabalot na ulit ng tawanan.
"I'll try." Saka kumindat kay Zaxshian.
"I don't want the word TRY. I want to hear. I WILL." I tapped her head saka ginulo buhok niya.
"C'mon Ley, baka gabihin tayo sa daan." Napalingon ako kay Coheen saka tuluyan na nagpaalam kina mommy.
Wala kaming naging kibuan sa daan. Hanggang sa biglang huminto si Coheen nang mapalayo na kami.
"May problema ba?" takang tanong ko sa kanya saka tumingin sa paligid.
"Bakit parang kasalanan ko pa na nasasaktan ka Ley?" tanong niya habang nakahawak ng mahigpit sa manibela. "Bakit parang kasalanan ko pa na nahihirapan ka?" Muli niyang tanong saka humarap sa akin. "Answer me Ley. Bakit ako ang may kasalanan na pinagsisiksikan mo yang sarili mo sa akin at tinatanggap mo lahat ng parusa ko."
"Coheen."
"Sinabi ko ba sayo na gustuhin mo ako? Sinabi ko ba sayo sayo na agawin mo ako sa fiancee ko? Sinabi ko ba sayo na manatili ka? Pinilit ba kita sa bugay na ito Ley?" Patuloy niyang sabi, hanggang sa sumigaw na siya ng hindi makakuha ng sagot sa akin. "Answer me Ley! Did I asked you to stay! If punished you and hurt you, it is because I wanted you to get out of my life. That is my only way to kick you out from this fvcking marriage."
Hinahampas na ni Coheen ang manibela. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, pero mas naaawa ako sa sarili ko kapag nawala siya sa akin. Kung sana kasi binuksan niya ang puso niya, makikita niya kung gaano ko siya kamahal. Sigurado akong mamahalin din niya ako.
"Pero mahal kita, bakit ba hindi mo ako kayang bigyan ng pagkakataon na patunayan na I am deserving to be your wife. We're married, you can't escape from that. Just give me a chance to prove that I am worthy."
"No your not. Walang ibang karapatdapat na maging asawa ko. Kundi si Kylie." Saka siya umayos. Nainis naman ako dahil narinig ko na naman ang pangalan ng isang yon.
"Kaya ba kahit ako nagpapaligaya sayo, si Kylie pa rin iniisip mo?" Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko pa rin marinig. Masokista na kung masokista.
"Kahit sino pa ang nagpapaligaya sa akin ay si Kylie ka pa rin ang iniisip ko." Tumingin siya sa akin. "There is no greater woman than Kylie. Kahit saan, kahit kailan, kahit sino. Not even you Ley. Kahit pa sa kama." Segunda niya and start the engine.
Nainsulto ako, I know Kylie very well at hindi ako naniniwalang hindi alam ni Coheen ang mga kalandian na ginagawa ni Kylie. Oo, hindi ako matino, pero kumpara kay Kylie, mas taas noo akong ipagmamalaki na asawa ko lang ang unang nakaangkin sa akin. Compare to her girl, mas malinis ako at may dangal ang pagkababae ko. Kaya nakakainsulto sa part ko na ikinikumpara niya ako sa isang babaeng sanay sa kama sa kahit na sinong lalaki ang kasama.
Hindi man direkta pinamumukha niya, pero yon ang gusto niyang palabasin. I can be better than Kylie. Hindi lang niya ako binibigyan ng pagkakataon.
"Sabagay, sa dami ba naman ng mga naging lalaki niya. Talagang magaling siya mang-uto at magpasaya sa kama. Who am I to compare to slut like her."
Hindi niya itinuloy ang pagpapaandar sa kotse. Instead, he grabbed my arms at pinisil. "Anong sabi mo? Bawiin mo sinabi mo." Madiin niyang sabi. Galit siya at nakikita ko yon sa mata niya, kahit pa mahinahon ang boses niya ay nakikita ko yon sa mga mata niya.
"Why would I? Totoo naman di ba? Don't tell me na hindi mo alam na hindi ikaw ang unang lalaki niya. Actually, Vince is her first sex, her one true love. My suitor, who popped Kylie's cherry back in the schoolyard. When we were..."
Agad akong napahawak sa pisngi ko ng isang malutong na sampal ang tumama dito. Hinawakan din ni Coheen ang dalawa kong braso at namumula ang mukha niya sa galit.
"Wala kang karapatan na insultuhin si Kylie sa harapan ko. Kahit isang milyon na lalaki pa ang dumaan sa kanya ay mamahalin ko pa rin siya. At kahit isang milyong beses ka pang maging birhen sa akin, hindi kita mamahalin. Dahil hindi ikaw si Kylie. You can never be Kylie, so don't dare insult her again in front of me at baka hindi lang yan ang abutin mo sa akin." Saka niya ako binitawan ng patulak. Binatukan din niya ako ng mahina.
Sumobra ba ako? Mali ba ang ginawa ko? I dragged Kylie's name para mapasama siya sa asawa ko.
"Coheen."
"Don't talk Ley, utang na loob wag ka'ng magsasalita or else I will kick you out of from this car while we're running." Hindi na ako kumibo, hanggang sa makarating kami ng Manila.
ONE MONTH LATER.
KATATAPOS ko lang maghugas ng pinggan nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Emotionless akong napatingin sa pintuan. Since I live in this unit we never had visitors here. Pwera lang doon sa mga babae ni Coheen at mga kaibigan niya hinahatid siya kapag lasing siya. If our both parents pay us a visit, they will inform us first before they come.
Pero agad din akong tumayo para tingnan kung sino ang bisita. Tumingin ako sa pinhole bago buksan ang pinto. Isang lalaki ang nakatayo sa labas ng pintuan namin.
I arch my brow, I never saw this man before. Besides, Coheen did not tell me that he invited some guests. Nag-alangan man ay binuksan ko ang pintuan para alamin kung sino ang lalaki sa labas.
Inayos ko muna ang sarili ko. Baka bisita ito ni Coheen at makita akong sobrang losyang ay magalit na naman si Coheen sa akin at sabihan akong pinagmukha ko siyang masama dahil mukha akong katulong.
"Yes?" Nakangiti kong tanong sa lalaki nang buksan ko ang pintuan. Nakatingin naman siya sakin na parang nagulat. May hitsura ang lalaki. Mas guapo nga lang si Coheen ko.
"Oww! Ah!" Nalilito niyang sabi saka parang may tinuro-turo. Then tumingin sa pintuan. Saka napatampal sa noo. "I'm sorry Miss, I knocked at the wrong door." Nakangiti niyang hingi ng paumanhin na parang nahihiya. "Sorry to disturb you." Nayuko niyang hingi ng paumanhin.
"Ah! Ganoon ba?" Akala ko bisita ni Coheen. Buti na lang at hindi. "Ayos lang actually ako din nagulat nang may nag-doorbell. First time kasi sana na may bisita kaming lalaki." Nakangiti ko din na sabi sa kanya.
"Sorry talaga. Dito pala sa kabila ang pupuntahan ko." Hingi niya ulit ng paumanhin. Sasagot na sana ako nang bigla kaming nakarinig ng sigaw at sabay na napalingon.
"Wal-"
"ZCALEY!!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Coheen na galit na nakatingin sa akin. Shit! Is he jealous? I hope so.
"A-asawa ko." Kinakabahan kong sabi sa lalaki, dahil hindi nagseselos ang nakikita ko, kundi pagdudududa. Medyo napansin naman ng lalaki ang pagkaaligaga ko. Napapalunok pa ako ng laway habang papalapit si Coheen galing sa elevator.
"Dont worry, I can explain to him na ako ang nagkamali." Gusto ko sabihin sa lalaki na kahit ano pa paliwanag niya hindi siya pakikinggan ng asawa ko. Kung hindi mo alam. Iisipin mo na nagseselos si Coheen sa hitsura niya. But no! Naghihinala siya, o mas magandang sabihin na gumagawa ng ikakagalit niya para magkaroon ng dahilan na awayin ako.
"PASOK!" Sigaw niya sa akin sa harapan ng lalaki habang nakaturo sa pinto.
"Coheen i-its not wh--"
"I SAID GO INSIDE!" Sigaw niya ulit.
"Ah Mister, it's not what you think, nagkamali ako nang na-doorbell ng door. It's supposed to be here. My bad, walang kasalanan ang Misis mo." Sabay turo ng lalaki sa left side na condo.
Hindi sumagot si Coheen sa lalaki at agad akong itinulak papasok. Sinara niya ng malakas ang pintuan.
Isang malakas na sampal ang tinanggap ko. Hinawakan ko ang pisngi ko sa gulat at nang may isa pang malakas na sampal ang tumama sa kabila. Nilapitan niya ako saka sinabutan.
"Ang kapal ng mukha mong magdala ng lalaki sa bahay ko. Akala mo siguro hindi ako uuwi ng maaga ngayon noh!" Umiling ako. Trying to explain my side.
"Hindi, hindi ko siya kilala." Umiiling ako. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko.
"Sinungaling! At sinong pinaniniwala niyo na nagkamali siya nang doorbell? Ako? Hindi ako ipinanganak kahapon Zcaley." Saka niya ako binitawan.
"Coheen hindi naman talag..." Isang suntok ang tumama sa labi ko na siyang nagpaputok sa labi ko. Agad kong nalasahan ang dugo ko na dumaloy mula rito.
"Bakit ha? Hindi ka ba nakokontento sa akin? You want more dic*? Why, mas malaki ba siya? Mas masarap? Mas naibibigay pa niya kiliti mo?" He said while holding my hair.
"No, no Coheen, please believe me."
"Pwee!" He spits on my face and chokes me. Madiin ang pagkakasakal niya sa sa akin at pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin. "I don't give a shiit kahit ilang lalaki ang gusto mong pumawi sa kalandian. Do whatever you want kahit magpag gang bang ka pa. But not in my house Ley."
"Hindi ko magagawa yon Coheen."
"Shut up!" sigaw niya saka hinila sa buhok papasok sa kwarto ko.
"Aray, Coheen nasasaktan ako." reklamo ko habang nakasunod.
"Exactly what I want." Saka niya ako dinala sa kwarto at tinulak sa kama. He look for something at may makita siyang mahabang damit ay agad niya akong dinala sa kama.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko nang talian niya ang kamay ko at patalimod din tinali sa headboard ng kama. "Coheen anong ginagawa mo?" He smile at me saka hinubad ang sinturon. "Co-- ahhhh!"
He hit me using his belt at tumama iyon sa likod ko. "Nanggigigil ako sayo Ley. Gusto kitang sumuko pero ayaw mo talaga. Kahit paulit-ulit kitang saktan at ipamukha sayo na hindi kita mahal at hindi kayang mahalin pero pinagsisiksikan mo pa rin yang sarili mo." And again he hit me na tumama sa ulo ko.
"Tapos ngayon gagaguhin mo ako." He hit me again. Everytime na hihinto siya sa pagsasalita ay magpapakawala siya ng hampas ng sinturon sa akin. Sobrang sakit at pakiramdam ko abot hanggang kabilang kwarto ang hiyaw ko.
"Stop it Coheen please." Halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko.
"Stop? No Ley, I'm enjoying watching you begging and crying."
"Ahhhhh!" Ang hampas na yon ay tumama sa gilid ng mukha ko. Pakiramdam ko nabiyak ang mukha ko sa lakas ng pagtama noon sa mukha ko.
He took a small scissor on my cabinet saka itinaas ang buhok ko.
"No Coheen, not my ha---" Parang asong ulol na nakangiti si Coheen sa akin habang isa-isang naglalaglagan ang hibla ng buhok ko.
"You will like your new haircut Ley, made by me." Saka siya huminto.
"Why did you this to me Coheen?"
"Because I hate you. And I want you to out from my LIFEEEE!"
"Ahhhh!"
Pinasadahan niya ng gunting ang braso ko sabay agos ng dugo. Maliit lang ito pero patuloy sa pag-agos ang dugo.
"Cry Ley, cry hanggang sa marealised mo na gusto mo na akong pakawalan."
"What i-if, pakak--awalan ki--ta." He stopped from giving me another hit, nasa ere pa ang kamay niya habang mahigpit na nakahawak sa sinturon. "Pe--ro isusumb--ong kita sa da--ddy ko. Hind-i ka ba na-tatakot Cohe-en. Paka-kawala-n kit-a, pero isus-umbong kita s-sa daddy ko." Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa sinturon, at isang malakas na hampas ang tumama sa likod ko papunta sa ulo.
"I'll kill your first Zcaley, or else, sisiguraduhin ko na hindi ka mahahanap ng lahat bago ako mapatay ng ama mo." He spit on my head and leave me habang nakatali.
Gusto kong sisihin ang lalaking iyon na nagdoorbell. Dahil siya ang pinagmulan bakit nangyari ito sa akin ngayon. Pero alam ko naman na hindi niya iyon sinadya. Wala naman siyang alam sa nangyayari sa loob ng bahay na ito. Kahit pa hindi siya nagkamali ng doorbell, Coheen can hurt me, anytime he want. Ako pa rin ang may kasalanan, dahil hinayaan ko na mangyari ito sa sarili ko malaya ko lang makasama si Coheen.
Sa sobrang paglilikot ko ay natanggal ko ang tali. I wash myself and look on the mirror. Namula pala mukha ko, buti at hindi nagsugat. Pero mahapdi siya kapag nahahawakan. Tiningnan ko din ang buhok ko na hanggang balikat na lang at uka-uka pa.
Physically, Emotionally. Pati pa nga yata kaluluwa ko sobrang nasasaktan na. Pero bakit ganoon, bakit parang masaya pa rin ako. Lalo na kapag sinasaktan ako ni Coheen. I feel like I am so important with him every time I caught his attention.
Like yesterday, hinagis niya ang kopita dahil kinulang sa asukal ang kape. Feel ko, napakahalaga ng timpla ko kasi napuna niya na may kulang.
Kagabi, while his having sex with me, he said that I am still tight. At bagay akong maging bitch, sex slave at bed warmer niya. He said na hindi siya magsasawang laspagin ako. Pakiramdam ko he praised my body.
Kanina, habang naghuhugas ako, tinawag niya ako. I rushed into his room para lang mahampas ng dyaryo sa mukha. Nagkamali ako ng kuha ng dyaryo sa store. Instead of today's date ay yesterday's date ang nakuha ko. Pero masaya ako kahit nahampas ako ng dyaryo. Dahil tinawag niya ako. That means mahalaga pa rin ako. Dahil kinokorek niya ang mali ko.
Andami ng araw ang lumipas, but here I am, still trying to convince him my worth. We've been living for almost three years now. Pero hanggang ngayon, I am still suffering to prove my worth on him.
TODAY is just an ordinary day, but I wanted to make it's special. I will cook something special for him.
"Coheen." Nakangiti kong tawag sa kanya habang nanood siya ng basketball. Tumingin lang siya sa akin at muling ibinalik sa screen ang tingin. "Pwede ba akong lumabas saglit? diyan lang sana sa baba."
"Wala akong pakialam kung saan ka pupunta. Mas maganda nga kung lumayas ka na," sabi niya saka pinatay ang tv at pumasok sa kwarto.
"Ipagluluto kita ng masarap mamaya," sigaw ko pero hindi na niya ako pinakinggan at sinara na ang pintuan ng kwarto. See, kinausap niya ako at masaya na ako doon.
Naligo ako saglit saka nagsuot ng mini-dress na kulay biege. Wala kasi akong ibang panlakad bukod sa mga luma ko. Medyo reveling ng konti pero ayos lang. Hanggang hita lang ang haba nito, spageti strap at medyo kita ang cleavage.
Inayos ko ang buhok ko na pinaayos ko at medyo humaba na rin ng konti kumpara doon sa unang gupit ni Coheen. Hindi ko na rin naaalagaan masyado ang buhok ko.
Light makeup lang ang nilagay ko. Wala akong mga sandals maliban sa mga luma kong mga heels.
Zcaley, dating fashionista na halos ginawa ng bahay ang mall para lang mamili ng damit, bag at sapatos. Ngayon ay isa ng dakilang housewife na nagpapansin sa asawa. Napapailing ako sa naisip ko. May kagaya ko pa kaya na babae? Nagbago, naging baliw at handang magpayurak sa ngalan ng pag-ibig. Kasi kung meron, gusto ko siyang maging bestfriend.
Nagpasaloon ako para magpagupit at pakulayan ang buhok ko. May sarili akong pera dahil hindi na ako nakakalabas mula ng maging asawa ko si Coheen. Ang gastos kasi sa bahay ay kay Coheen, from utility bills to other expenses.
Chocolate brown with highlights ang pinakulay ko. Nagpa-manicure, pedicure na rin ako. Nagpa-full body massage. I pampered myself kahit paano.
"Ma'am sorry po." Napatingin ako sa manicurista na tumingin sa paligid at namumutla.
"Huh? Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"Nasugatan ko po kayo," bulong niya na halatang kinakabahan.
When I look at my thumbnails ay nakita ko ang malaking hiwa sa kuko ko. Namali ata ng hiwa sa dry skin gamit ang dead skin fork kaya natapyas talaga ang balat at maraming dugo ang lumabas.
But I feel no pain. As in nothing. Nakikita ko ang patuloy na pag-agos ng dugo na pilit pinipigilan ng staff. Dinidiinan na niya ang daliri ko, pero wala akong maramdaman na kahit ano.
"That's fine, it's ok. Just wrap it with gauze. I'll be ok," sabi ko sa staff.
I am ok. That's what I feel.
"Sorry po talaga ma'am." Naiiyak niyang sabi. Hinugasan niya ng alcohol ang sugat. Tumingin pa siya sa akin pero nginitian ko siya. I assure her na I am ok. Kaya tinuloy na niya pagbalot ng gauze. I give her a tip also before I left the salon.
Hindi na ako nagsalita, ayokong mapahamak ang staff na yon. Pero may tanong na bumabagabag sa akin.
'Why I don't feel any pain?'
My nails cut from dead skin fork, masakit yon lalo na at malaki ang sugat, hanggang sa lagyan ng alcohol ang paa ko at balutin.
Should I have to worry?
Pero saan?
Sa katawan ko na hindi na nakakaramdam ng sakit o dahil manhid na ang isip ko sa nangyayari sa katawan ko?
But instead of wasting my thinking of it, I chose to go to malls, namili ako ng ilang damit para panlakad. Yong hindi masyadong rebellious ang dating. Namili din ako ng flat shoes. Pati si Coheen ay binilhan ko rin ng damit. Mas marami kaysa sa akin.
Nasa isang bookstore cafe ako. I remember those times na kami pa ni Kylie ang magkasama. Madalas kaming tumambay sa cafe para manlait ng mga pumapasok. Sinasabihan namin na pasosyal at feeling rich ang mga kaedaran namin na pumapasok sa cafe. We call them losers kasi nagfefeeling rich.
Minsan mga mag-syota nilalait namin ng palihim. Tinatawag naming nagayuma ang lalaki o kaya pineperahan ang babae. Wala kaming ibang ginawa kundi pagtawanan ang sitwasyon ng nakakarami sa paligid namin. Ngayon, kapag nalaman ng lahat ang sitwasyon ko. Malamang ako na ang pagtatawanan.
I remember gaano kami ka-close ni Kylie. But after the wedding ay nawalan na kami ng contact. Gusto ko malaman kung kumusta na siya, pero every time naaalala ko si Coheen, nawawala ang pananabik ko na makasama siya ulit. Not now, not ever, hanggang sa ako na ang mahalin ni Coheen.
Bigla kong naalala ang araw na ipinakilala ni Kylie si Coheen sa akin. Papasok pa lang sila ng cafe ay nag-slow mo na ang paligid ko nang makita ko si Coheen. I feel like I am on cloud nine, watching a man walking towards me.
Nang ipakilala siya ni Kylie sa akin ay may kung anong kuryente sa palad ko ang dumaloy sa buo kong pagkatao nang hawakan niya ang kamay ko. That day ay nagsimula akong makaramdam ng inis kay Kylie, kapag yumayakap siya kay Coheen. Naiinis ako kapag pinipisil ni Coheen ang ilong ni Kylie. Kaya nang sumimple si Kylie sa cr ay siniraan ko agad si Kylie. Not totally paninira, kasi totoo naman ang sinabi ko. Siniraan ko siya ng hindi masyadong obvious.
Sinabi kong buti na lang at nakapag-move on agad si Kylie sa boyfriend niya, which is one-month pa lang silang break. Actually, hindi lang basta boyfriend, kundi live-in partner, I said I was wondering how Kylie easily forgot Vince to think na halos magpakamatay na siya Kay Vince.
But of course, I said that I am thankful that finally, Kylie found her match. A man who can love her because she deserves to be happy. Dahil sa sobrang paghabol na ginagawa niya kay Vince kahit pa marami na siyang sinira na guy, pero kay Vince pa rin siya bumabalik.
Sinabi ko din na thankful ako, dahil tinanggap niya si Kylie at minahal, kahit na iba't ibang lalaki ang kinakama niya gabi-gabi.
"Hey." Napabalik ako sa realidad. I saw a man standing in front of me na may dalang coffee. He looks familiar pero hindi ko maalala. "Ahmp! Yong nagkamali ng doorbell." Pakilala niya.
"Yeah, yeah. Right." Nakangiti kong sabi nang maalala ko ang lalaking nagkamali ng doorbell sa bahay.
"Hindi kita masyadong namukhaan, you look different. Anyway can I?" I sighed and let him set.
"Sure."
"Sorry pala doon sa nangyari ha? Mukhang nagalit yong mister mo." Ngumiti lang ako sa sinabi niya. That was two weeks ago, marami na nangyaring pang-gugulpi sa akin after noon.
"Two weeks na nakalipas." Sabay higop ko ng kape. "Ok lang yon," sabi ko saka tumingin sa malayo.
This past few days, para akong nagba-black out na ewan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa sarili ko.
"Are you ok?" Tiningnan ko naman siya saka tumango. Tapos nag-iwas ng tingin at muling tumingin sa malayo.
"Yeah," sagot ko lang. Siguro napansin niya na tulala ako. Lately, napapansin ko din yon. Minsan nga binubuhusan ako ng tubig ni Coheen para lang magbalik ako sa realidad. Hindi ko alam kung napapalalim na pag-iisip ko paano kunin ang pagmamahal ni Coheen kaya natutulala na ako o sadyang naghahang talaga utak ko dahil sa dami ng trabaho ko.
"Clifford nga pala." Pakilala niya sabay abot ng kamay. Tiningnan ko ang kamay niya saka tiningnan siya. Ngumiti siya sa akin saka mas inilapit ang kamay. "Hey, I said I'm Clifford." Ulit niya.
"Huh? Ah Zcaley, Ley na lang." Tulala na naman ba ako o di lang agad nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.
He started to talk to me and ask me some random questions. Wala akong maintindihan sa iba niyang sinasabi but I managed to answer it. Hindi ko alam kung tama o mali sagot ko basta sumasagot ako. I don't know his purpose, but I have this feeling that I should have to trust him.
May hawak siyang notes na hindi ko alam kung ano. Para ba'ng lahat ng sinasabi ko ay sinusulat niya. He started to asked me some personal information, I give him some limited answers. Sinabi ko din na sana hindi niya ako kausapin kapag kasama ko si Coheen. He said naiintindihan daw niya. After ko magsalita ay siya naman ang nagpakilala.
Honestly, wala akong naintindihan sa sinabi niy maliban sa sinabi niyang graduate siya ng military at isa siyang doctor at may plano magtayo ng ospital. He has a sister and both of them grew up in the US and they leave beside our condo.
After namin mag-usap ay nagpaalam na ako. Magluluto pa ako ng pagkain para kay Coheen saka baka makita niya na may kasama akong lalaki. Pagmulan pa galit niya. Hindi naman umalma si Clifford at sinabi niyang walang problema. Hinayaan na rin niya akong umalis.
Past nine nang marinig kong bumukas ang pinto. Dali-dali akong tumakbo saka sinalubong si Coheen. "May bisita ako, dito siya mananatili ng ilang linggo. Wag kang gagawa ng gulo." Bungad niya habang may bitbit na maleta.
Kinabahan ako nang biglang pumasok ang sinasabi niyang bisita.
Ang babaeng inagawan ko ng lalaki, sila ang magkasama ngayon.
"Kylie." tawag ko pangalan niya.
"Hi Ley. I missed you." Sabay yakap niya sa akin. "I'm glad to see you."
Bakit?
Bakit siya bumalik?
Bakit nandito siya?