Chereads / BROKEN / Chapter 9 - THE PLAN

Chapter 9 - THE PLAN

NAGISING ako sa hindi pamilyar na lugar at agad na napatingin sa kesame na maraming ilaw saka ko inilibot ang aking paningin. Puti ang paligid at nakaka-amoy ako ng medicinal alcohol. Parang may bara rin sa ilong ko.

"Anak." Si mommy ang nasa tabi ko habang hawak ang kamay ko. "Gising ka na." Umiiyak na sabi niyang sabi saka mas humigpit ang hawak sa kamay ko.

"Ate." I looked at Zaxshian na nagkalat ang mascara sa mukha habang humihikbi kaya nagtaka ako kung anong meron at pilit ina-alala ang nangyari.

Naging malinaw sa akin ang nangyari, nasa ospital ako dahil dinugo ako at itong nasa ilong ko ay oxygen. Isunugod ako ni Coheen, atbhindi ko alam kung ilang oras o araw na ba ang lumipas

"What happened Zcaley?" tanong ni daddy habang nakakuyom ang kamao, kita din sa hitsura niya ang pagpipigil ng galit. Naroon din sina Kylie at Coheen. Iba na ang damit na suot nila. Maaring araw na nga siguro ang lumipas. Katabi nila ang mga ama ni Coheen na nakatingin ng masama sa dalawa.

Hindi ko sinagot si daddy at kay mommy ako tumingin.

"M-mom, si baby?" Hindi sumagot si mommy. Umiiyak lang siya nang umiyak habang hinahawakan, niyayakap at hinahalikan ang kamay ko.

"Mom," muli kong tawag sa kanya.

Hindi man sabihin ni mommy ang totoo. Pero mukhang alam ko na ang nangyari.

"Ate, lumabas na si baby bago ka pa nakarating sa ospital." Umiiyak na sabi Zaxshian.

"Zcaley, anong nangyari?" tanong ulit ni dad.

Hindi ko sinagot si daddy at tumalikod lang ako saka umiyak.

"Shhh enough baby, we're here for you," Mom said habang hinahaplos ang likod ko. "Sweetheart, not now please." Dinig kong saway ni mommy kay daddy.

Ang baby ko, kahit sabihin pa na wala pa'ng isang araw ang pag-enjoy ko sa kanya sa sinapupunan ko ay sobrang sakit pa rin pala ang malaman na wala na siya. Kaka-alam ko lang na may buhay sa tiyan ko pero agad din nawala.

Andami ko pa'ng plano at iniisip para sa kanya pero hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan siya. Kahit man lang maramdaman ang paiba-ibang sukat ng pagbilog niya sa tiyan ko. Ang paggalaw niya sa sinapupunan ko.

Ang sama kong Ina, wala akong kwenta dahil hindi ko man lang siya naprotektahan. Paano pa ako bubuo ng mga supling sa hinaharap. Paano ko sasabihin sa mga magiging anak ko na ang kapatid nila ay hindi ko man lang naprotektahan habang nasa sinapupunan ko pa. Ako ang may kasalanan.

Ako!

Dahil naging mahina ako at naging makasarili.

Binalak ko siyang gamitin para makuhan ang ama niya, kaya siya ang kinuha sa akin. Napakasakit para sa akin ang nangyari sa anak ko pero kahit anong gawin ko ay wala na akong magagawa. Wala na siya at hindi na siya maibabalik pa sa sinapupunan ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mukhang doktor ito dahil sinabi niya na pwede na daw akong lumabas at sa bahay na lang ako tuluyan magpagaling. Three days pala akong nakatulog dahil hindi kinaya ng katawan ko ang lakas ng gamot na itinurok sa akin para malinis ang matres ko. Mommy insisted na iuuwi ako sa Bulacan. Pero narinig ko si Coheen na sinabing iuuwi niya ako.

Pumalag si dad pero kinontra siya ni Zaxshian at sinabing hayaan na lang si kuya Coheen niya na mag-alaga sa akin. We should have more time to spend together lalo na at baby namin ang nawala.

Pinagdidiinan ni Zaxshian that Coheen is my husband, a father to my baby. Kami ang parehong nawalan kaya kami dapat ang magkaramay. Walang nagawa si daddy kundi ang sumunod. Narinig ko rin na sinabi ni dad na matanda na ako at alam ko na ang ginagawa ko. But he warned Coheen na kapag naulit na may masamang nangyari sa akin. Kukunin nila ako sa ayaw at sa gusto ko.

Hindi ako nakipagtalo sa kanila. Wala akong panahon na sumagot o magdesisyon para sa sarili ko o para sa kahit ano pa. Kung gusto ni Coheen na iuwi ako ay hindi ko na siya kokontrahin. Kung papatayin niya ako sa bahay niya ay wala na akong paki-alam.

Wala ng sasakita pa sa katotohanan na ako ang nagpabaya kaya nangyari iyon sa baby ko. Walang ibang pwedeng sisihin sa nangyari kundi at wala nang iba.

GAYA ng napag-usapan ay ini-uwi ako ni Coheen sa condo. Hinatid lang ako ng pamilya ko at sinigurado lang nila na ok ako at agad din silang lumuwas ng Bulacan. Hindi na namin kasama si Kylie dito. Gaya ng dati ay magkahiwalay pa rin ang kwarto namin.

Nang makaalis sina mommy ay bumalik si Coheen ng kwarto na may dalang pagkain. Nilapag niya ito sa side table.

"Gusto mo ba kumain?"

"Gusto ko magpahinga pwede mo ba akong iwan." I heard him sigh bago sumagot.

"Iwan ko lang dito, at baka magutom ka." Tumango lang ako saka tumagilid ng higa patalikod sa kanya.

"Kung kailangan mo ng tulong nasa kabilang kwarto lang ako."

"I can manage, please lock the door." Wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya hanggang sa tuluyan nang sumara ang pinto.

Nang makaalis siya ay bumangon ako. Hindi naman ako lumpo para magpa-alaga sa kanya. Malakas na ako at kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, alam ko naman na kaya niya ito ginagawa ay dahil nagi-guilty siya sa nangyari. Hindi dahil sa nag-aalala siya sa akin dahil malinaw naman na wala siyang paki-alam sa akin.

Magdamag akong hindi natulog or let say hindi makatulog. Magdamag kong iniisip ang gagawin kong desisyon. Hindi ko akalain na mauuwi sa wala lahat ng sakripisyo ko at ang masakit may mawawala pa sa akin. But it serves me a lesson na wag na ibigay lahat ng pagmamahal sa taong hindi karapat-dapat at hindi mo nakitaan na may pagpapahalaga sa iyo.

Learn to apply the word 'give up' bago pa may mawala sayo para lang ipamukha na sobrang mali na ang ginagawa mo. Wag mo hintayin na dumating sa punto na 'you're on your worse you' para lang makuha ang gusto mo na kahit konting chance ay wala ka.

Kinabukasan ay maagang kumatok si Coheen sa kwarto. Hindi ko siya pinagbuksan pero nakapasok pa rin siya dahil alam niya ang password ng kwarto.

He brought some meals at nilapag ýon sa table ko. Alam kong nakita niya ang pagkain na dinala niya kagabi na hindi man lang nabawasan. Alam ko din na alam niyang gising ako dahil nangunguyakoy ako habang nakatalukbong ng kumot

"May dala akong breakfast for you."

"I'm not hungry, thank you."

"Gusto mo magpa-araw?"

"No." Hindi na siya sumagot, instead naramdaman ko ang pag-galaw ng kama as a sign na may umupo doon.

"I'm sorry Ley." Ramdam ko ang sincerity sa boses niya. Pero mas pinili kong wag sumagot at hayaan siyang magpatulong sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"Hindi ko akalain na mangyayari 'yon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko rin inaasahan. Hindi ko intensyon na makunan ka, at sana maniwala ka sa akin, Ley," Hindi pa rin ako kumibo dahil wala naman akong gustong sabihin sa kanya. "Hindi pa rin ako sumagot sa kaniya. Hindi ko akalain na malaglag ang baby mo, sana mapatawad mo ako," dugtong niya

"Baby natin." Umpisa ko pero hindi pa rin nakatingin sa kanya. "baby mo. Tanggapin mo man o hindi ay wala ng mahalaga sa akin. Wala na akong pakialam," dugtong ko pero hindi ko pa rin siya hinaharap.

"Ley, sorry for causing you pain."

"If you're asking sorry sa lahat ng hirap na pinaranas mo. Don't worry, I'll forgive you already kahit hindi ka humihingi ng tawad sa akin, and I meant it," sagot ko saka tinanggal ang kumot at tiningnan siya sa mata, "I forgive you so calm yourself and remove the guilt." Saka ako muling nagtalukbong.

"Bakit di mo magawang magalit sa akin?" I stop sa pangunguyakoy saka bumangon at umupo sa kama.

"Dahil mahal kita. Ako ang unang masasaktan kapag nasaktan ka, kapag nahirapan ka."

He took my hand saka pinisil ang palad ko, "Patawarin mo ako Ley. Pero hindi ko kayang turuan ang puso ko."

"Don't say sorry Coheen. Napagtanto ko na lahat na ako ang may kasalanan umpisa pa lang. Inagaw kita sa babaeng mahal mo kaya ako ang patawarin mo. Don't worry, I'll set you free."

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Nakatitig siya sa mga mata ko na parang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.

Hindi mo na kailangan pilitin ang puso mo Coheen. Tanggap ko na. Nagsakripisyo ang anak ko para ipamukha sa akin ang lahat ng katangahan ko. Lahat na ginawa ko pero kulang pa rin.

Ngayon malaya ka na. Papalayain na kita. Umasa akong balang araw mamahalin mo rin ako pero nakakapagod din pala ang umasa. Akala ko, hindi napapagod ang puso. Pero mas malala pala pag ito na ang napagod. Kapag ito natauhan dahil sobrang nasaktan.

"Ley,"

"Malaya ka na Coheen."

"Do you mean it?" Hindi ko mahimigan sa boses niya kung masaya ba siya o malungkot. Pero I know na masaya siya. This is what he want, nalulungkot lang siya at nakikisimpatya sa akin pero deep inside I know his happy.

"Yes I did, at hindi ko na babawiin yon. I'll file an annulment soon kapag ok na ako."

"Are you sure about this?" Tumango ako sa tanong niya. He smile at me saka tumayo.

"I need to go for work. Can we talk about this again when I come home. I'll be home early, so we can talk more about this. Is it ok?" I nod to him, he come to me closer and kissed my forehead na walang ng epekto sa akin. "I'll go ahead. Take care." I give him a smile, hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng pinto.

Hindi na kita kailangan Coheen at malayang-malaya ka na, sapat na sa akin ang pagkawala ng baby ko para matauhan ako sa kagagahan na pinag-gagawa ko. Pinatawad ko na kayo ni Kylie sa panggagago na ginawa niyo sa akin, pinatawad na kita sa araw-araw na pananakit mo sa damdamin at katawan ko.

Tanggap ko ng sa akin nagsimula ang pang-aagaw at pagkanda leche-leche natin. Pinatawad na kita sa pagpapahirap mo sakin dahil kabayaran yon sa pag-agaw ko sa kalayaan mong mahalin at makasama si Kylie.

Pero hindi pa kayo bayad sa ginawa niyo sa anak ko at hindi ko kayo mapapatawad kapag hindi ko kayo nasingil kahit paano. Kung ako lang, kaya ko kahit habang buhay magtiis sa piling niyo. Pero ibang usapan na ang anak ko. Ang anak ko na hindi man lang nailabas sa mundo at hanggang sa kahulihulihang tibok niya sa sinapupunan ko ay hindi man lang tinanggap ng ama niya at hinayaan siyang mawala.

Hinintay ko muna na mag-isang oras mula ng umalis si Coheen bago tumayo. Nahihirapan man ay pinilit kong lumabas ng bahay. Tinawagan ko na si atty. Cruz para mag file ng annulment. Hinihintay na lang niya ako for confirmation para ma-file sa korte ang kaso.

Nang makarating ako sa korte ay agad kaming nag-file ni atty. Nabigyan agad ako ng annulment paper na agad kong pinirmahan. Ibinigay ko kay atty. ang kopya at sinabing siya na magpapirma kay Coheen, today or tomorrow, dahil didiretso na ako ng Bulacan.

Sinabi ko na napag-usapan na namin ito Coheen na maghihiwalay na kami at pareho namin sinang-ayunan. I-a-update na lang nila ako kapag need na ng hearing at appearance ko sa court. Umuo naman siya at sinabing ngayon araw niya dadalhin kay Coheen ang kopya.

Nagpaalam na ako kay atty na aalis. Binigyan ko siya ng paunang bayad na sobra pa sa inaasahan niya at sinabi niya na gagawin niya lahat para mapadali ito.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse sa highway palabas ng Manila. Nakapasok na ako ng Bulacan at tinungo ko ang tagong daan na may kahoy na tulay na bihira lang daanan ng mga tao.

Magsaya kayo pareho, dahil ito naman ang gusto niyo. Pero ano man ang maging resulta nito sisiguraduhin kong lugi kayo. Kapag nabuhay ako, babalikan ko kayo at sisingilin sa ginawa niyo sa anak ko. Pero kapag namatay ako mas lalong hindi mabibigyan katuparan ang kasiyahang nais niyo at sisiguraduhin kong hahanapin kayo ng pamilya ko para sa singilin.

Diniinan ko ang gas ng sasakyan saka nilaglag ang kotse sa tulay.

'See you in heal Coheen and Kylie.'