"It's not like that. We both agreed on this pero hindi ko akalain na agad-agad niyang gagawin samantalang kakausap lang namin."
"Para mabilis, para maging maayos na."
"And you said she's in Bulacan?"
"Yon ang sabi niya, kaya nga ako nandito. So what now? I will leave this paper and go?" Napapailing na lang ako. I want to talk to Ley. Oo napag-usapan na namin to pero hindi ko akalain na agad-agad niyang gagawin. And fvck, bumyahe siya ng Bulacan ei hindi pa siya tuluyang magaling at sobrang hina pa niya. Paano kung may mangyari sa kanya?
Tama nga si Kylie, Zcaley has planned, totoo nga lahat ng sinabi ni Kylie sa akin about Ley. Ngayon na-realised ko na hindi ako nagkamali sa pagtitiwala kay Kylie at hindi ako naniwala agad sa kabutihan ni Ley. After what happen napakadali lang para sa kanya na gawin ang lahat.
"Fine." I grabbed the paper and took a pen. Pinirmahan ko ang tatlong papel na naroon at ibinalik sa abogado. Mabigat sa loob ko na gawin ito dahil gusto ko magkaayos muna kami Ley bago maghiwalay. Yong totoong magkaayos. But since I waited for this for a long time, ang makalaya na kay Zcaley I should have signed this paper now.
Inabot ko sa abogado ang papel na kaagad niyang nilagay sa attaché case. Wala siyang sinayang na oras at halatang nagmamadali siya.
"I'll bring to this court today. Maihahabol ko pa 'to. Don't worry, mabilis lang 'to," sabi niya saka tumayo. "Thank you for your time." Tuluyan nang lumabas ng opisina at mabilis na naglakad.
Umuwi ako ng maaga dahil gusto ko makompirma kung totoong wala si Ley sa bahay. Aaminin ko nag-expect ako na sasalubungin niya ako ng tsinelas, kukunin niya sa kamay ko ang mga dala ko kagaya ng dati. Honestly, namimiss ko ang mga ginagawang iyon ni Ley. She removed my shoes, and put on my sleeper. Namissed ko ang pag-aalaga niya sa akin.
Kahit noong nandito pa si Kylie at hindi niya ako kinikibo ay hindi pa rin siya nagpapabaya. Inaasikaso pa rin niya ako kahit hindi niya ako kinakausap, she ignored me and Kylie but she used to do her duty as a wife, preparing my things silently.
Gusto ko isipin na she did those because of love. But every time I remember Kylie's word, bumabalik sa isip ko na wag ako maniwala sa mga pinapakita ni Zcaley.
Pumasok ako sa kwarto ko. Napailing na lang ako. Dati-rati nakalatag na sa kama ko ang sando at boxer na isusuot ko. Ngayon mangangalkal pa ako kung ano ang isusuot ko dahil kahit ako hindi ko alam saan nakalagay mga gamit ko.
Tama si Kylie, Ley did this on purpose. Sinanay niya akong maging dependant sa kanya. Sinanay niya akong sa presensya niya. Tapos ito ako ngayon nilayasan niya ng nangangakapa sa wala.
Hinagis ko sa kama ang bag saka umupo nang mapansin ko ang isang sulat sa ibabaw ng maliit na lamesa. I took the letter only to find out that it's Zcaley's letter.
Coheen,
Sorry for being selfish. Sorry if I caged you in this marriage. Sorry if I took you away from Kylie. I can't say anything but to ask for your forgiveness, Wish you all the best. Looking forward to see you happy with her, and start a new life with the woman you truly love.
Ley
Nakaramdam ako ng konting hinanakit at same time tuwa. Iniwan niya na ako. Hindi ko alam ang irereact ko. Napagod din siya. Ito naman ang gusto ko. Dapat magsaya ako.
I don't care kung ano pa ang dahilan nito, if she planned something then I will face her. If nothing, thanks to her. Pero hindi maipagkakailang ramdam ko ang kawalan ng presensya niya.
We're staying together for almost three years, hindi man maganda ang samahan namin and I treat her like a slave but she's still there. Yong presensya ng isang tao na alam mo na nandiyan lang, na alam mo na may kasama ka. Yon ang hinahanap ko ngayon.
Tumayo na ako at nagbihis. Pumunta akong kusina para kumuha ng pagkain but there's no food at all. Damn! Hindi ako sanay na ganito. Hindi ako sanay na mag-isa at ako gumagawa ng lahat.
Ley treated me like a king for how many years at ngayon biglang ako na ang kikilos ng lahat. This is a fvcking hell. Kailangan ko mag-adjust na mag-isa. Kylie is right, Ley is manipulative. She manipulate me without my knowledge. Sinanay niya ako sa presensya niya at boom iniwan niya ako bigla ng hindi niya ako nakuha dahil alam niya pwedeng mangyari to. Mahihirapan akong mag-isa kapag nawala siya.
'great Ley, you're fvcking genius.'
I decided to go somewhere para sa labas na kumain at mag-grocery pero hindi pa man ako nakakalabas ay tumunog na ang doorbell. I didn't expect any visitors, or else si Kylie ang dumating.
Agad kong sinilip sa pinhole to check who's outside. Napataas ako ng kilay ng makita si atty. Cruz sa labas ng pintuan. What the hell is he doing here and how did he know where I live?
"Atty, napadaan ka yata?" tanong ko sa abogado nang buksan ko ang pinto.
"I need to talk to you Mr. Lorenzo."
Seryoso niyang sabi.
Damn, I'm fvcking hungry and this man outside wants to talk to me.
"This is more important than your annulment."
"Come in." Wala rin akong nagawa kundi papasukin siya. I let him set in visiting room and took some sweets to offer. Kumain na rin ako ng biscuits para kahit paano pantawid gutom. Nang balikan ko siya ay dinalhan ko siya ng soda in can. Yon lang meron sa ref at nag-iisa pa.
"Tell me what's wrong at paano mo nalaman address ko." I started to ask and sat in front of him.
"Miss Ley, give me your info. She said kung wala ka office ay dito ko dadalhin ang annulment."
"Ok, and what now? What do you want Atty?"
"I tried to contact miss Zcaley after I came to your office to give her the news that you already sign the paper, and her phone was off."
"And?"
"Of course I ignore it at first, kasi normal na malolow battery ang cellphone ng tao. So, I go direct to the court and file the case."
"Can you please make it faster? Proceed to the important thing why you wasted your time to came here." Inis kong sabi dahil ang dami niyang paligoy-ligoy.
"She's missing," diresto niyang sagot.
"What?"
"I said she's missing." Pareho kaming tahimik. Ako na nagtataka at siya na naghihintay ng susunod kong sasabihin.
"I don't get it." Saka palang nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nawawala si Ley.
"I tried to contact her, as I said her phone was off. I tried again and again but still it's out of reach. I know her mother for a long time so I called her and asked about Zcaley, but she said Zcaley wasn't there. Lahat sila ngayon naaalarma, cause Zcaley is missing." Napatampal ako sa noo dahil sa sinabi ni Atty.
Nawawala si Zcaley.
Bakit?
Nasaan siya?
"One more thing why I came here is to warn you, Mr. Lorenzo," he said saka inayos ang salamin.
"Warn me?"
"Yes, if someone will file a case against you who's responsible for Zcaley's case, you will be charged and put in jail."
"What? Are you fvcking kidding me? Is this a fvcking joke?"
"No."
"And why me? Bakit ako ang pwedeng pagbentangan?"
"Kasi ikaw lang may rason na gumawa noon?"
"Of course not."
"Of course yes. Dahil kapag nawala siya sa landas mo you'll be free, but sad to say you can't win over her. Dahil kapag may nangyari sa kanya na hindi maganda habang on process ang annulment ay hindi ka magiging malaya habang buhay, and you will be the number one suspect sa nangyari sa kanya, and as I said everyone can file a case against you."
"Hindi ako kriminal, and for fvck sake, I can't do that, I can't hurt her."
"Hindi nga ba?" Natahimik ako sa tanong niya at hindi agad nakasagot. "Bakit hindi ka makasagot sa tanong ko Mr. Lorenzo, hindi mo nga ba kayang saktan ang asawa mo?"
"Diretsahin mo ako sa nalalaman mo atty." Yon lang nasabi ko sa tanong niya.
"People said that lawyer's souls are automatically in hell because they don't care if their client is right or wrong. All they do is protect them, lied to everyone just to make them innocent. And on my side, I can do the same to miss Zcaley to win her case. But luckily, I don't need to do that because all the evidence that I have is very clear."
Saka siya may nilapag na mga papel sa harap ko. A medical record and some properties.
Medical records ni Ley at mga pictures niya na may mga pasa siya at sugat siya. Records of properties na nakasalin sa akin lahat ng ari-arian ni Zcaley.
I look at the Mr. Cruz, gusto ko malaman kung si Ley ba nagbigay ng lahat ng ito at bakit kailangan niya itong ibigay sa abogado niya.
"Did Ley handed this to you?"
"No, hindi mo kasi ako pinatapos kanina. Nang lumabas ako mula sa opisina ng fiscal ay bitbit ko na approval letter at case number. Hawak ko na din ang date ng first hearing, paalis na ako ng tawagin ako ng secretary ng fiscal na wala doon ng dumating ako dahil nasa canteen. Siya nagbigay sa akin ng mga yan."
"Paano napunta sa kanya ýan?"
"Dumaan si Ley doon at sinabing hawak ko ang case ng annulment niya and that is her evidence why she file an annulment. Hindi na niya maiaabot sa akin dahil nagmamadali siya kaya ipinaabot niya doon. Ýon daw ang sinabi niya."
"And they saw it?"
"Exactly, that's a copy, the original files are already attached in the records." Napatayo ako habang hawak ang sentido. Ley, Ley, Ley. Your fvcking genius, fvck you.
"Why did she do this?"
"Ikaw lang makakasagot niyan," sagot niya saka tumayo. "Now listen Mr. Lorenzo, Kung may alam ka sa pagkawala ng asawa mo that's a wrong move and you can't win. Dahil may batas na dapat sundin ang mga nag-pa- file ng annulment. Sana inalam mo muna yon bago ka gumawa ng hakbang."
For fvck sake, wala akong alam kung nasaan siya. I didn't even know na umalis siya.
He took his bags saka muling nagsalita bago umalis.
"Pero kung intensyon ni Miss Zcaley na sirain ka then she already wins. Dahil once na hindi siya nagpakita automatically ay suspect ka na. One foot in the grave and one foot in hell. Her property will not be yours either, hindi ka makakatakas sa batas, at mas lalong hindi ka makakatakas kay Zacharias Amarante."
"Is that a threat?"
"No, a threat doesn't exist in Amarante's vocabulary. Biente kwarto oras bago ma-proclaim na missing ang isang tao and you have nineteen hours to left." He smiles and tapped my shoulder saka naglakad palabas ng condo.
Nang makalabas siya ay agad kong kinuha ang mobile and dialled Zcaley's number, pero tanging operator lang ang sumasagot saying her number is cannot be reached. I tried it, again and again, pero ganoon at ganoon pa rin ang sagot.
Naisipan kong bumalik sa kwarto niya, maybe there is some clue. I tried to search sa mga nandoon at sa kakahalungkat ko ng gamit niya ay may napansin ako.
All her things are her.
I may not familiar with her things. But I'm pretty sure na nandito ang mga gamit niya. I always came her every time my lust awake kaya kahit paano ay may natatandaan ako.
So she left without bringing anything?
Why?
Why are you doing Ley?
What's your plan?
Nasipa ko ang upuan na katabi ko. Hindi pwede mawala si Ley, atty Cruz is right, I can't win over this situation, ayokong madiin kapag may nangyari sa kanya.
Hell you Zcaley, ang galing maglaro at panalo ka na.
------