Chereads / BROKEN / Chapter 7 - NEW HOPE

Chapter 7 - NEW HOPE

"Bab-" Hindi natapos ni Coheen ang sasabihin nang lagpasan siya ni Kylie. Tiningnan niya ako ng masama pero imbes na unahin ang galit sa akin ay mas pinili niyang sundan si Kylie.

I followed them para saksihan ang kadramahan nila at kasinungalingan ni Kylie.

Nakatayo ako sa may pintuan habang si Kylie nilalagay sa bag ang mga damit. So, nagpapakahirap siyang magligpit pero walang planong umalis, kasi alam niya na pipigilan siya ni Coheen. Si Coheen naman, aligaga na kausapin siya.

"What are you doing babe?"

"I'm leaving."

"Leaving, why?"

"Why you lied to me? Bakit mo sinabi na ok kayo ni Ley?"

Agad na kumilos ang ulo ni Coheen direkta sa akin at masama akong tiningnan.

"Babe, please let me explain."

"Explain? Ano pa e-explain mo? Sabi mo ok tayo? Kaya mo ako dinala dito dahil ok kayo ni Ley at ok lang sa kanya na nandito. Tapos malalaman ko na inaayos niyo pala relasyon niyo, na nakakagulo lang pala ako sa inyo!" Umiiyak niyang sigaw.

Hmp, ok na sana sinabi niya. Papalakpak na sana ako kaso pinamumukha niya kay Coheen na sinabi ko sa kanya na mahal ako ni Coheen at inaayos namin relasyon namin.

"Hon, no."

"Malalaman ko na kaya mo ako dinala dito ay para makapag-usap tayo ng maayos at tapusin na ang meron tayo dahil handa ka ng pakawalan ako."

"That's not true!"

"So anong totoo!?! Coheen alam mo na mahal na mahal kita. Maiintindihan ko naman kung magsasabi ka ng totoo sa akin." Umiiyak na ang gag* habang si Coheen hindi magkanda-ugaga na pakalmahin siya. "Kahit masakit magpaparaya ako. Kakayanin ko Coheen maging masaya ka lang, maging masaya lang kayo, kung yon ang gusto mo." Patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa niyakap siya ni Coheen.

"Shh! I love you babe, I'll fix this. Promise, sorry, sorry for hurting your feelings, but believe me, there is a misunderstanding on this." Uto-uto, paniwalang-paniwala sa kasinungalingan ng kabit niya.

"Mahal na mahal kita babe, I can't live without you. Pero ayokong nahihirapan ka. Just tell what you want and I'll give it to you. Dahil mahal na mahal kita."

"I know, I know. And I love you more." Saka hinawakan ang mukha ni Kylie. "You won't leave, ok. You will stay here. Hindi ko hahayaan na umalis ka. Stay here at mag-uusap kami ni Ley. Ok?" She nod at saka sila nag-kiss. Nang tumalikod si Coheen para harapin ako ay nakita ko malapad na ngiti ni Kylie.

Hinila ako ni Coheen papasok ng kwarto ko saka tinulak sa kama pero agad din akong umupo.

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Kita ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin at isang malakas na sampal na naman tumama sa kabilang pisngi ko.

"Anong ginawa mo?" Tiim bagang niyang tanong habang nakapisil sa mukha ko.

"Kung anong pinaniniwalaan mo," sagot ko saka hinarap siya. Bakit ako mag-aaksaya ng laway kung alam ko naman na hindi ako paniniwalaan ni Coheen. Kahit abutin pa kami ng umaga at masabi ko na lahat ng gusto kong sabihin ay si Kylie pa rin ang paniniwalaan niya.

"Wala akong pinaniniwalaan kundi si Kylie, so ibig sabihin totoo lahat ng sinabi niya na sinabi mo yon." Hindi ko siya sinagot dahil wala rin naman mangyayari. Pinunit niya ang damit ko hanggang sa bra na lang at pang-ibaba ang natira sa akin.

"Sabi mo eh," sagot ko. Mabilis niya akong pinadapa sa kama. Isang malakas na hampas ang tumama sa likod ko. Hampas ng sinturon na nakuha ni Coheen sa gilid ng aparador ko.

"Ayaw mo talaga manahimik ah! Gumagawa ka talaga ng eksena." Muli niya akong hinampas, pero imbes na sumigaw o magmakaawa ay pinili kong manahimik. Wala naman akong naramdaman na kahit ano, at ayaw ko umakteng na nasasaktan para lang maawa siya sa akin.

Nakatatlong hampas si Coheen sa akin, hinintay ko na madadagdagan pa ito gaya ng dati. Inaabangan ko ang pagtama nito sa ulo ko o kung saan parte man ng katawan ko pero wala na. And the next thing I heard is a slammed on the door, and when I turn, wala na si Coheen sa likuran ko.

Tumayo ako at sinipat sa salamin ang likod ko. Magang-maga na likod ko at bakat na ang magkahalong peklat at sariwang sugat. Masakit sa mata para sa iba pero para sa akin para silang daan sila sa puso ni Coheen.

GAYA ng pakiusap ni Coheen kay Kylie na wag siyang umalis ay nanatili nga ang bruha sa bahay. Pakiramdam niya reyna siya sa bahay. Nag- leave si Coheen sa trabaho para lang makasama si Kylie. Lagi silang nagkukulong sa kwarto at hindi nila ako pinakiki-alaman. Hindi ko rin alam ano napag-usapan nila noong gabi'ng nag-inarti si Kylie. Basta kinabukasan ok na pinapakita sa akin ni Kylie sa harap ni Coheen.

Pero after noon, para na lang akong hangin sa paningin nila, at ganoon din sila sa akin. Mas mabuti na 'to kasya magkabanggaan na naman kami ni Kylie at mauwi sa hindi maganda. Plastikan na lang kaysa magpatayan kami. Aalis din naman siya, dahil kahit anong mangyari, hindi ako aalis dito.

Naiingit ako kay Kylie, kasi alam ko na ako dapat ang nasa posisyon niya. Minsan, nakikita ko na talagang pinipikon ako ni Kylie. Nagpapasubo siya kay Coheen, tapos magtatawanan sila.

Lumalabas din sila ng bahay para mag-mall. Pinapasalubungan pa ako ni Kylie, pero kapag nakatikod na sila ay tinatapon ko na sa basurahan. Akala ko nga magagalit si Coheen, pero mukhang this past few days ay wala na siyang pakialam sa akin, and hurts me like hell, dahil na kay Kylie na atensyon niya.

Mas gusto ko pa yong sinasaktan niya ako, at least kinakausap niya ako. Kaysa ganito na wala siyang pakialam sa akin. Kailangan ko ang atensyon ni Coheen, at hindi ko alam kung paano ko yon makukuha.

Coheen, Coheen, Coheen, puro na lang si Coheen. Siguro kung sasabihin ni Coheen sa akin na itaya ko buhay ko o kaya iexperience ko muna ang mag-agaw buhay saka palang niya ako mamahalin. Kahit ngayon, magpapasagasa ako. Ilalagay ko sa panganib ang buhay ko para lang pag-gising ko ako na ang mahal niya.

Katatapos ko lang magluto ng breakfast. Wala akong pakialam kung kakain sila o hindi. Problema na nila yon kung iisipin nilang nilalason ko sila. I decided to go outside.

"Coheen, lalabas ako," paalam ko, pero bitbit ko na bag ko at hindi ko na inantay na sasagot siya.

Gusto ko lang naman magpahangin. Lately kasi narealised ko na lagi akong pagod. Nagiging emotional na rin ako. Gusto ng sumuko ng katawan ko, pero ayaw ng puso ko. Yong utak ko laging sinasabi na WAG, MAWAWALA RIN YAN SI KYLIE.

Sa isang cafe ako tumambay. Kung noon masasayang ala-ala namin ni Kylie naiisip ko sa ganitong lugar, ngayon ay yong mga sinabi na niya. Hindi ko alam na may galit at inggit pala si Kylie sa akin. Akala ko talaga mahal niya ni Coheen kaya siya bumalik. Pero at least nalaman ko yon ng maaga.

Na-realised ko na kahit pala gaano kalapit sayo ang isang tao ay hindi mo pa rin pala masasabing kilala mo na siya. Time will come na may matutuklasan ka pa rin tungkol sa kanya, sa pagkatao niya at sa lihim niya.

Hindi lang lihim niya ibang tao. Kundi maging lihim niyang nararamdaman para saýo.

"Zcaley?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Clifford pala. May bitbit din siyang kape at gaya ng dati may dala na naman siyang notes. "Can I?" tanong niya habang naturo sa bakante sa harap ko. Tumango naman ako para hayaan siyang umupo.

"Nandito ka rin pala." Walang emosyon kong sabi. Hindi ko alam pero ang layo ng iniisip ko mas magandang sabihin. Naba-blanko ako.

"Hmp! Lagi ako dito," sabi niya saka umupo. "Ok ka lang?" May pag-alala niyang tanong niya na tinanguan ko lang.

"Oo naman." Ok lang ba ako? Bakit parang nalilito ako. Baka epekto ito ng hindi ko paglabas-labas ng bahay. Masyado akong focus sa nangyayari sa akin sa loob kaya ako ganito. Kaya wala na akong maintindihan sa paligid at sa mga kaharap ko.

Isa rin siguro 'to sa rason bakit hindi na ako pinapansin ni Coheen.

"Need some advice o tulong?" Umiling ako. Saka ngumiti at tumingin malayo. "Sure? Kahit pa na sabihin ko na nakita ko asawa mo.....with someone." Napatingin ako sa kanya at napatitig. May gusto akong sabihin pero di ko alam kung ano. May gusto akong itanong o alamin na hindi ko mawari. Hanggang sa pakiramdam ko lumalabo na ang mata ko.

Nagulat ako dahil bigla siyang tumayo at niyakap ako. "Shh! I'm a friend Zcaley. I'm willing to help you. I'm not doing this favor dahil naghihintay ako ng kapalit. I just want to help you. Alam ko may pinagdadaanan ka." Doon ko lang namalayan na umiiyak pala ako at pakiramdam ko, bawat hagod ni Clifford sa likod ko, nag-uudyok na ok lang kahit maubos ang luha ko dahil may karamay ako.

"Feel free to cry, you can lean on me always." Hanggang sa kusa rin akong tumigil ng pakiramdam ko wala na akong mailabas.

Nang bumitaw si Clifford sa akin ay nakita ko sina Kylie at Coheen na nakatayo sa di kalayuan. Nakangiti si Kylie while Coheen ay parang lalamon ng tao habang nakatingin kay Clifford. Lumapit sila sa amin at tumayo sa harapan namin.

"And who he is?" tanong ni Kylie nang makalapit sila sa amin.

"Hi, I'm Clifford. Nakatira ako katabi ng condo ng mag-asawa." Nakangiting sagot ni Clifford saka tumayo at inalok ang kamay kay Kylie na inabot naman ng isa. Walang kaba sa hitsura ni Clifford, siguro dahil alam niyang malinis ang konsensya niya dahil wala kaming ginagawang masama.

"Oh! KAPIT-bahay ha!" Nang-iinis na ulit ni Kylie.

"And you are?" tanong ni Clifford kay Kylie.

"Kylie, Zcaley's bestfriend," Sabay abot niya ng kamay kay Clifford.

Maya-maya ay may dumating na babae sa pwesto namin. Masama ang tingin niya kay Kylie tapos napa-iling naman siya ng tingnan niya si Coheen.

"Cliff, di ka pa ba tapos?" tanong niya kay Clifford na halatang napipikon. Sabay-sabay naman kami napatingin sa kanya kaya hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap niya kay Kylie.

"Ah! Yeah! Sorry, I'm done Lean. By the way, this is Zcaley, our neighbor, and this is her husband and bestfriend." Pakilala niya sa amin. "Si Leanna, my sister."

"Hi," bati niya sakin saka malapad na ngumiti.

"Hi," bati ko pabalik. Sa akin lang siya bumati. Hindi niya pinansin sina Coheen at Kylie. Tapos niyakap niya ako. "Finally." Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya ay niyakap ko lang din siya.

"You looked familiar, have we met before?" tanong ni Kylie kay Lean.

"Sa ganda ko'ng 'to, everyone knows me. But I don't think I know you," sagot nito while looking to Kylie from head to toe.

"Have we met before?" seryoso din tanong ni Coheen habang nakatitig kay Lean.

"Once, and it's for you to find out how and where."

"Lean." Sa tono ng boses ni Clifford ay sinisita niya ang kapatid.

"Whatever, I'm out of here." She rolled her eyes on them saka ngumiti sa akin. "See you around sissy." Saka umalis. "Just call me on your done when Clifford." Saka umalis at binangga si Kylie. "Loser." Pahabol niya.

"Sorry for my sister's behavior." Umiiling-iling na hinging paumanhin ni Clifford.

"Do we know you?" tanong ni Coheen kay Clifford?

"Me, no. But I am not sure about Lean. Anyway I need to go. Thank you for time Ley, and see you around." Yumuko siya saka umalis.

Tumango ako saka ngumiti.

"Who is she Ley?" Nakangiting tanong ni Kylie sa akin na parang nanunukso. Pero imbes na sumagot ay mas pinili kong tumayo.

"Hey!" Hawak ni Coheen ang braso ko ng mahigpit, napikon ata dahil hindi ko sinagot si Kylie.

Tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Nanatili akong tahimik hanggang sa kusa na siyang bumitaw. Kikiligin na ba ako? Dahil hinawakan niya ako?

PAUWI na ako nang may nakita ako sa tapat ng mall na isang private clinic.

Kailan ba ako huling nagpacheck-up? Bago pa yata kami ikasal ni Coheen.

Dati-rati, pinapa annual check up kami ni Mommy, lalo na at marami ng sakit ang nagkalat ngayon at mabilis pa makahawa. Since matagal na akong hindi nakapag-pa check up. I decided na dumaan sa clinic at magpacheck up.

Blood pressure, Timbang, height, blood sugar, blood test, urine test ang pinatingnan ko. Normal naman lahat sa awa ng Diyos. Hindi muna ko nagpa general since hindi ko pa kayang maghubad at baka makita pa ang mga nakatagong pasa ko.

Dumating ang doktor saka pinaupo ako. "Hmp, Misis Zcaley Lorenzo. Actually, everything in your test is normal. But you have to be little more careful. Medyo sensitive ang pagbubuntis mo."

"What?" Nabigla ako sa narinig ko. "B-bu-ntis po ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah! Hindi ka ba aware. According here in your note, your two months delayed. So hindi ka aware hija? For sure hindi din alam ng asawa mo." Umiling ako saka umiyak.

"Is there any problem?" Muli niyang tanong sa akin.

"No, masaya lang po ako." I answered saka umiyak.

"I understand, but as what I said, doblehin ang pag-iingat." Tumango ako sa sinabi ng doctor.

"Thank you doc."

Ito na, ito na ang hinihintay ko. Ang mabuntis ako. Coheen, may baby na tayo. Aalagaan mo na ako at ipagmamalaki ang anak natin.

Magkakababy na kami. May baby na kami.

Yakap ang papel na nagpapatunay na buntis ako l ay masaya akong umuwi, medyo wala na akong ibang iniisip ngayon kundi ang makauwi sa bahay, at maibalita kay Coheen ang magandang balita na magiging tatay na siya. Finally, the long wait is over. Magiging masaya na rin ako sa piling ni Coheen.

Matatanggap na rin niya ako at matutupad na ang mga pangarap ko kasama si Coheen may bunos pa ang baby namin.