Chereads / BROKEN / Chapter 8 - HER LOST

Chapter 8 - HER LOST

Masaya ako habang naghihintay sa pag-uwi ni Coheen. Ramdam ko na magbabago na ang pagtingin niya sa akin kapag nalaman niya na buntis ako. Magkaka-baby na kami at ito na ang simula ng pagbabago ng takbo nh buhay namin. Sa wakas matutupad na rin ang pangarap ko.

Naisip ko kung ano kaya ang magiging kasarian ng magiging baby namin. Babae, o lalaki. Pero kahit ano pa siya, tatanggapin ko siya ng buong puso. May labis man o kulang sa kanya, anak ko pa rin siya.

Nagluluto ako ng hapunan na pagsasaluhan namin ni Coheen mamaya. For sure, kahit papaano ay sasabay na siya sakin. Buntis ako at hindi pwedeng sumama ang loob ko. Kaya sigurado akong mapapasunod ko na rin kahit paano si Coheen. Hindi ko naman aabusuhin medyo gagawin ko lang dahilan si baby para makita ni Coheen ang halaga ko. Bilang babae, bilang asawa at bilang magiging ina ng anak niya.

Hinanda ko na ang pagkain sa lamesa. Wala pa si Coheen at nasa labas pa sila ni Kylie. I smile habang iniisip ang magiging reaksyon ng bruha. For sure manggagalaiti yon sa galit kapag nalaman niyang Coheen and I make love while she's in US at nakabuo pa kami, samantalang sila hindi.

Naayos ko na lahat at si Coheen na lang hinihintay ko. Sa sala ko na siya hihintayin at babalitaan ng magandang balita na dala ko. Di pa rin ako makapaniwala na may baby na ako. May buhay sa loob ng sinapupunan ko. Akalain mo na may humihinga na sa loob ko.

May bitbit akong buhay sa sinapupunan ko at hindi pa rin ako mapaniwala. Kung hindi lang malinaw sa akin ang sinabi ng doktor kanina na buntis ako. Hindi talaga ako maniniwalang may baby na ako.

Hawak ang tiyan ay marahan ko itong hinaplos habang kinakausap.

"Wag ka mag-alala baby. Aalagaan kita, mamahalin at ipaparamdam ko sayo ang buong pagmamahal ko." I smile saka muling hinaplos ang aking tiyan.

"Ikaw ang mag-uugnay sa amin ng daddy mo anak. Ikaw ang masasabi kong akin habang buhay. Ang magiging pundasyon ko. Ang magiging buhay at lakas ko. Ngayon pa lang, aalagaan na kita at bubusugin ng pagmamahal."

Napangiti ako saka pumikit. Ini-imagine ko ang sarili ko na malaki ang tiyan at dahan-dahan naglalakad habang inaalalayan ni Coheen.

Again, I imagine myself na may hawak na baby. Nag-aalaga ng baby. Nagtuturo ng colors, objects, numbers, alphabet. Ang cute. Ang sarap sa pakiramdam. Ok na ako. Kahit hindi na ako mahalin ni Coheen basta kasama ko siyang palakihin ang anak namin ay ok na ako.

Bumukas ang pinto at masaya na pumasok sina Coheen at Kylie. Nagtatawan pa sila pero agad din tumigil nang makita ako.

"Coheen, pwede ba kitang makausap?" Nakangiti kong tanong.

"Spill it," Utos niya.

"Coheen." Inabot ko sa kanya ang papel na resulta ng lab test ko. Naka-indicate roon ang buong detalye ng pagbubuntis ko.

Hinablot ni Coheen ang papel saka tiningnan. Emotionless noong una pero biglang nagsalubong ang kilay.

"Ano ibig sabihin nito?" Galit niyang tanong. Kinuha din ni Kylie ang papel at binasa. "What is this?" Nalito ako sa tanong niya kaya hindi agad nakasagot. "ANO IBIG SABIHIN NITO!" sigaw niya saka pinunit ang papel.

"Baby, Ley is pregnant?" tanong ni Kylie na hindi makapaniwala. "And you are the father, ýon ba ibig sabihin noon?" Saka tumingin kay Coheen.

"Baby, i-it's not what you think." Hindi magkanda-ugaga na sabi ni Coheen saka aktong hahawakan si Kylie, pero agad itong umiwas.

"That means that you and Ley had sex?" Naiiyak na tanong nito. "You lied to me isn't it? So totoo sinabi ni Ley na both of fixing this marriage at nakigulo ganoon ba?!" sigaw niya saka tuluyan umiyak habang si Coheen ay inaamo siya.

"Yes Ky, everything you said is right." May pagmamalaki kong sabi kasi alam ko naman na hindi talaga apektado si Kylie. Gusto lang niyan mag-inarte dahil makukuha ko na si Coheen at hindi niya ýon matanggap.

"Shut up!" sigaw ni Coheen sa akin habang nakaturo saka binalik ang tingin kay Kylie.

"You betrayed me, Coheen. Bakit mo nagawa sa akin 'to? Dahil ba alam mo na mahal na mahal kita."

"Kylie please let me explain."

"Binigay ko sayo lahat, nagtiwala ako sayo. Bakit mo nagawa sa akin 'to. Hindi mo na ba ako mahal?" Coheen grab Kylie and hugged her.

"I love you with all my heart," he said while hugging Kylie. "Ley seduced me. She always got me drunk, kaya may nangyayari sa amin. I don't want it, but.....but every time I got drunk, she always pretended to be you and I always saw you with her." Kylie looked at me habang nakayakap kay Coheen saka ngumiti na parang sinasabing siya pa rin ang mananalo.

Nang maghiwalay sila ay hinaplos ni Coheen ang mukha niya at hinalikan siya. "Please, believe me. I always missed you and Zcaley used it, I grabbed the opportunity dahil sa ganoong paraan lang kita nakakasama." Liar.

Ngayon naintindihan ko na. Kahit anong gawin ko ay wala talagang pakialam sa akin si Coheen. Kaya niya akong sirain ng harap-harapan without considering my feeling. He makes me his bed warmer, I gave him everything, pero lahat pala walang kahit konti man lang na halaga. For almost three years nagtiis ako, but everything is useless. Wala pa rin pala akong naipon na kahit konting kabutihan o puntos sa puso ni Coheen.

"I always believe you babe. I know Ley more than you. She can manipulate everyone, but sad to say not us." Saka siya tumingin ng masama sa akin. "If you think you can win over us Ley, then you're wrong. I know how manipulated you are, kaya hindi na ako maniniwala saýo." Ako naman ang ngumiti sa kanya saka nilapitan siya.

"Me or you? C'mon Ky, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Ipinapahid mo sa iba ang ugali mo. Fvck you." Nakipagtitigan ako sa kanya. Gusto ko siyang lamunin ng buo at isuka sa harapan ni Coheen. How I wish I can do that.

"Don't say any bad words to her." Hinawakan ni Coheen ng mahigpit ang kamay ko pero agad ko din yon binawi.

"Don't dare to hurt me again." Parang lahat ng katinuan ko nagbalik sa mga oras na ito. Parang pakiramdam ko, I am me, the real me at this moment. Dahil ba sa batang nasa sinapupunan ko? Hindi ko man siya naririnig pero pakiramdam ko sinasabi niyang kailangan ko siyang protektahan at ipagtanggol.

"Wala akong pakialam sa kadramahan niyong dalawa, magsama kayo kahit sa impyerno, but I want you to know this Coheen, sa ayaw at sa gusto mo tatayuan mo ang anak ko. Ang anak mo." Pagdidiinan ko.

"Gusto mo si Kylie? Go with her, stay with her. But don't dare to ignore me every time I need your support as a father to my baby." Subukan mo lang balewalain ang anak ko, at ipaparamdam ko sa inyo ang impyerno.

"At sino ka para pagsabihan ako ng ganyan ha?"

"Ako? Sino ako? Nakalimutan mo na ba na asawa mo ako at ngayon ay ina na ng anak mo?"

Akala ko magiging daan si baby para maging ok kami ni Coheen pero hindi pa rin pala. But I don't give a shitt, magsama silang dalawa kung gusto nila. But it doesn't mean na hindi ko ipaglalaban ang karapatan ng anak ko na magkaroon ng ama.

Ngayon Naisip ko na kahit anong mangyari mahalin man ako o hindi ni Coheen ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito ay panindigan niya ang anak ko. Ang anak niya. Hindi ako papayag na lumaki ang anak ko ng walang tatayong ama.

"Hey Ley, paano kami nakakasiguro na kay Coheen nga ang batang ýan. Hello! Eh kanina lang may kayakap ka'ng lalaki sa mall di ba." Nang-iinsultong sabi ni Kylie.

"Hindi ako kagaya mo na kung sino-sino ang kinakama Ky. Different man, every night, tuwang-tuwa sa ipinagmamalaking iba't ibang sukat."

"Talaga lang ha?" Kampante nitong sabi. Talagang makapal ang mukha ng gaga. Ngayon hindi na ako magtataka kung pati puri ko sinisira ni Kylie kay Coheen kaya ganoon na lang ako tratuhin ni Coheen. Hindi lang anay at ahas si Kylie, isa pa siyang dakilang demonyetang nagkatawang tao. Kung hindi 'to sinpa ni satanas dahil nang-aagaw ng trono, malamang nahingahan 'to ng demonyo ng ipanganak.

Hinarap ko si Coheen at hindi na pinansin si Kylie. Wala naman siyang kwenta kausap at wala akong pakialam sa kanya kaya bakit ko siya iintidihin.

"Coheen, anak mo 'to at alam ko na alam mo na hindi kita kayang gaguhin. As what I said, do what ever you want, but do your responsibility as well being a father to my baby." Nakita ko naman ang pagkalito sa hitsura ni Coheen. Nag-alangan magdesisyon kung papayag o hindi. Nang biglang magsalita si Kylie.

"Baby, mag-isip ka. Wag mo hayaan na paglaruan ka ni Ley. I mean, oo asawa ka niya. Pero nakita mo kanina di ba? May kayakap siyang ibang lalaki habang umiiyak. What if kaya siya umiyak ay dahil ayaw din tanggapin noong lalaking ýon ang batang yan. Ano babe? Papayag ka na maging Salvador del Mundo sa anak ng iba." Dahil sa inis ko ay hinarap ko si Kylie at walang salitaang sinampal. Sa sampal na iyon ay halos ibinuhos ko na lahat ng lakas ko. Sa sobrang lakas ng ng sampal ko ay bumagsak siya sa sahig at pumutok ang labi.

"Para ka'ng ahas na bulong nang bulong! Ba't di ka bumalik sa impyernong pinang-galingan mo."

Nakakatulong din pala ang pagkilos sa gawaing bahay. Daig ko pa nakapag work out sa gym sa lakas ng sampal na binigay ko. Iisahan ko pa sana si Kylie ng humarang si Coheen at itinayo si Kylie.

"Back off!." Tinuro ako ni Coheen to warned me to stop, hanggang sa maitayo niya si Kylie.

"Coheen, anak mo to. Anak natin!" sigaw ko. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na anak mo 'to. Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?"

"At sinong niloloko mo, Ako? Ganyan ka na ba ka obsessed na makuha ako? Lahat gagamitin mo. Hah! Magpapabuntis ka sa iba para ipaako sa akin?"

Hindi ko na pagilan ang sarili ko sa sobrang galit kaya siya sinugod ko. Ang kapal ng mukha niyang ipamukha sa akin na marumi ako, samantalang alam niyang siya lang ang lalaki ko.

Sa sobrang galit ay sinampal ko si Coheen, hindi rin ako nakatiis at hinampas ko siya nang hinampas sa dibdib. "Lahat tiniis ko, dahil alam kong may kasalanan ako. Lahat kinaya ko. Physically, emotionally. Coheen ako na lang ang saktan mo, pero wag mong itanggi ang anak mo."

Hindi ako tumigil kakahampas sa kanya, gusto ko'ng ibuhos sa pagkakataong ito lahat ng hinanakit ko. Dito man lang makabawi ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi naman siya umiilag at hinayaan lang ako. Hanggang sa mapagod ako at itinukod ko ang ulo ko sa dibdib niya at mahina siyang sinusuntok habang umiiyak. "Anak mo'to. Anak mo. Dugo't laman mo 'to."

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Pero biglang nagsalita si Kylie.

"Baby," Nagtatampong sabi ni Kylie, kasunod ay naramdaman ko ang pagbitaw ni Coheen sa akin. Para ba'ng nangilag sa boses ni Kylie.

Mabilis na gumalaw ang ulo ko papunta sa direksyon ng bruha saka siya hinarap.

"Ikaw! Bakit ka ba nandito ha? Bakit ka ba kapit nang kapit sa asawa ko samantalang marami ka naman lalaki. Malandi ka." Sinampal ko si Kylie. Hindi ako nakontento at hinablot ko ang buhok niya saka iwinasiwas. "Malandi ka! Malandi ka!" Hindi umawat si Coheen, parang natuod sa nakikita.

"Stop, nasasaktan ako!" sigaw ni Kylie.

"Tang-ina ka, talagang masasaktan ka. Ito gusto mo di ba? Hindi mo kasi natikman sa akin 'to kaya kinakalaban mo ako? Papatayin kitang hayop ka."

"Baby help!" Saka pa lang kumilos si Coheen sa sigaw ni Kylie.

"Stop!" Pinipigilan na niya ako pero hindi ako nagpatinag, mas ginaganahan akong hablutin at paikut-ikotin ang buhok ni Kylie sa kamay ko.

"Putang ina mo malandi ka!"

"Tama naaaa! Nasasaktan ako."

"Papatayin kita, papatayin ko kayong dalawa."

"I said stop." Tinulak ako ni Coheen para makawala si Kylie. Medyo napalakas ang pagkakatulak niya kaya na out balance ako at tumama ang balakang ko sa kanto ng sofa.

"Ahh!" Napahawak ako sa balakang ko na medyo kumirot, nakatayo na sila at parehong hinihingal. Umayos ako ng tayo para sugurin sana sila, pero biglang sumakit ang balakang ko. Naramdaman ko na parang binibiyak ito at pati puson ko sumasakit.

Hanggang sa hindi ko na natiis ang sakit at napahawak ako sa upuan habang namimilipit sa sakit. Bigla ko'ng naramdaman na parang may mainit na sumirit sa ari ko kasabay ng paglagkit ng hita ko pababa sa binti pero hindi ko na pinansin, dahil mas nangingibabaw ang sakit ng balakang ko at puson.

"Baby." May tunog pag-aalala sa boses ni Kylie.

Napatingin ako sa kanila nakita ko na nanlaki ang mata ni Kylie habang nakatingin sa akin. Hawak niya si Coheen sa balikat. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Nakatitig siya sa binti ko na may dumadaloy na dugo.

Dugo! May bahid ng dugo ang dalawa kong binti. Hindi Kaya?

No.

Wag ang anak ko.

Yumuko ako para hawakan ang dugo. Malapot. Malansa. Nanginig ang katawan ko nang marealised kong galing ito sa pagkababae ko.

"Co-Coheen, ang baby natin," tawag ko kay Coheen na walang reaksyon habang nakatingin sa akin.

"Co-Coheen tulungan mo ako. Ang baby ko, ang anak ko please." Pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pati sa dugong patuloy sa pag-agos. Umiiyak ako habang pilit na tinatakpan ang pwerta ko. Kung saan lumalakas ang pag-agos ng dugo.

"Baby, baka makunan si Ley." Wala pa rin emosyon si Coheen. Para ba'ng hinihintay na maubos ang dugo ko. "BABY ANO BA! ANAK MO MAN O HINDI, BATA PA RIN YAN. Hindi tayo mga kriminal. Hindi ka kriminal!" sigaw ni Kylie na may kasamang pagkataranta na nakapagpabalik kay Coheen sa huwesyo.

Gumalaw si Coheen at agad akong nilapitan. "Get the key, we'll bring her to the nearest hospital." Utos nito kay Kylie na nagmamadaling kumilos. "Hang on Ley," sabi niya sa akin sabay buhat.

Ramdan ko na nahihilo ako hindi dahil sa dugo na umaagos sa akin, kundi sa takot na baka mapaano ang baby ko. Literal na umikot ang paningin ko kaya pumikit ako. "Stay awake Ley." Dinig kong sabi ni Coheen. Pero too late, dahil nang maramdaman ko ang pagbulwak ng isang buong dugo sa pwerta ko. Nawalan din ako ng malay.