Now playing: I was made for loving you
Cara
Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa labas bintana. Hindi ko mapigilan ang mapa ungol bago mas ibinaon pa ang aking mukha sa unan dahil mukhang kailangan ko pa ng kahit ilang minuto na tulog.
Ngunit agad akong nagtaka nang mapansin na hindi ang paborito kong fabric conditioner ang aking naaamoy mula nasa unan na gamit ko ngayon, kaya agad na muling napamulat ako ng aking mga mata.
It was only then that I noticed I was not lying in my bed, but on a couch.
Nagtataka na inilibot ko ang aking paningin sa buong kuwarto, sinusubukan din na maalala kung ano ba ang mga nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko kasi, ito ang unang beses na nakapasok ako sa silid na ito.
Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil kusa na lamang ding nawala ang antok na aking nararamdaman kani-kanina lamang.
Kunot noo at napapanguso na napatitig ako sa isang queen size bed na nasa aking harapan.
Sino naman kaya ang may lakas ng loob na patulugin ako sa isang couch at hindi sa isang kama? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili habang napapailing.
Napayuko ako pagkatapos ay doon ko lamang din naamoy ang malakas na amoy ng alak mula sa aking sarili.
And...damn it! Hindi ko mapigilang pagmura.
Morning breath.
Napapikit ako ng mariin bago napatayo at mabilis na lumapit sa isang may kalakihan na closet na nasa may gilid ng kama. I am sure na may mga unused toothbrush dito, tama?
Habang naghahalungkat ng mga gamit. Narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae habang may kausap sa kanyang telepono mula sa labas ng silid kung nasaan ako.
At hindi lamang pamilyar ang boses na iyon. I know very well who owns it. That's the time na napatampal ako sa aking noo nang tuluyang maalala ang nangyari kagabi.
Ano bang ginagawa mo, Cara? Dismayado na tanong ko na naman sa sarili bago ipinagpatuloy ang pag hahanap ng toothbrush, dahil nakakahiya kung haharap ako sa kanya ng ganito ang aking itsura.
But I was suddenly stunned when her bras and underwear were exposed to my eyes. I couldn't help but giggle and grin when I saw her cute and black bikini.
Napapailing na lamang ako.
"What are you doing in my closet?" Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ang maawtoridad na boses na iyon.
Oh no! Ngunit pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Mabilis na lumapit ito sa akin at isinara ang closet habang namumula ang kanyang buong mukha.
Marahil alam niya kung ano ang nakita ko. Tinignan ako nito nang nakakunot ang mga noo at halatang dismayado.
Napataas ako ng aking dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"I'm just looking for an unused toothbrush." Paliwanag ko sa kanya ngunit hindi naman makatingin sa kanyang mga mata, dahil pinipigilan ko ang mapangiti ng may pagkapilya.
Ramdam ko ang matatalim na titig nito sa akin habang naka cross arms. Nag-uunahan din sa pagtaas baba ang kanyang dibdib at panay ang kanyang pag buntong hininga.
Lalo tuloy siyang gumaganda sa paningin ko kapag ganitong nagsusungit siya.
"If you're looking for a toothbrush, why don't you just ask me?" Magkasalubong parin ang mga kilay na tanong nito sa akin. "Hindi mo ba alam na nasa ibang pamamahay ka? At hindi mo dapat pinakikialaman ang gamit ng may gamit!"
Pagkatapos noon ay basta na lamang siyang nag walk-out mula sa aking harapan.
Habang ako naman eh nanatili lamang na nakatayo na parang ewan. Hindi ko kasi alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa ginagawa niya. Oh God! Iba talaga 'yong karisma ni Ms. Lopez.
"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?!" Sabay lingon na tanong nito sa akin dahilan upang mapatingin akong muli sa kanya. "Follow me!" Sabay musyon nito na lumabas na ako ng kanyang kuwarto.
Hinablot ko lamang sandali ang aking pouch na nasa ibabaw ng bedside table, bago tuluyang sumunod na rin sa kanya.
Nakarating kami sa kanyang kitchen. Hindi kalakihan ang apartment ni Ms. Lopez kaya mabilis kaming nakarating dito. May hinalungkat siya sandali sa isang drawer roon at hindi nagtagal ay may inabot na sa akin na toothbrush.
Finally! Sabi ko sa aking sarili.
Mabilis na kinuha ko iyon mula sa kanyang kamay. Walang kibo na binigyan din ako nito ng toothpaste.
"Thanks!" Kagat lagi na pasasalamat ko dahil bigla yata akong nahiya sa aking sarili, nahuli ko kasing pinasadahan ako nito ng tingin sa aking kabuohan.
Agad na dumiretso ako sa toilet na nandito sa kanyang kitchen. Pagdating sa loob ay hindi ko mapigilan ang muling mapapikit ng mariin habang pinagmumura ang sarili.
Bakit kasi sa lahat ng tao, ang crush na teacher ko pa ang nakakita sa akin sa bar kagabi? Kinailangan ko tuloy ang umakto na para bang wala lamang sa akin ang lahat. Hindi na sana ako napadpad sa apartment niya ngayon.
Alam na tuloy niya na alam ko kung saan siya nakatira? Na dapat ay sekreto ko lamang. Ang engot ko rin talaga.
And what worries me the most is that she saw me dancing at the bar last night. I can see in her eyes how disappointed she is with what she witnessed.
Napapabuga na lamang ako ng hangin sa ere bago ipinagpatuloy na ang aking gustong gawin. Nag toothbrush lamang ako at naghilamos. Mabuti nalang din at may malinis na towel dito sa loob, may nagamit akong pamunas sa aking mukha.
Pagkatapos noon ay lumabas na akong muli. Noon naman naabutan ko si Ms. Lopez na may hawak na malinis na t-shirt at jeggings.
"Here!" Sabay abot nito sa akin ng mga iyon. "Take a shower to refresh yourself. Also to get rid of that disgusting smell of alcohol in your body." Sabi nito. Ngunit hindi na masyadong masungit ang awra kaya napangisi na ako.
"Hindi ko pa nagagamit yang mga yan at sa tingin ko naman ay kakasya sayo, kaya gamitin mo nalang." Wika nitong muli. "Also, m-may unused undergarments din dyan. Hindi ko lang alam kung kakasya yong sa taas pero pag tyagaan mo nalang."
This time ay hindi na ito makatingin pa sa akin. Nakayuko na lamang ito habang namumula ang tenga. Naka messy bun kasi siya kaya mas nakikita ko ang reaksyon ng mukha niya palagi.
Agad naman na napayuko ako at napatingin sa aking hinaharap at mabilis na napasulyap sa kanyang dibdib. Sa tingin ko naman, kakasya naman siya. Hehe.
Napapakamot sa batok na muling kinuha ko iyon sa kanyang kamay. Magsasalita na rin sana ako nang unahan niya.
"At pagkatapos, pwede ka ng umuwi." Sabay talikod na sabi nito sa akin.
Napapa 'O' na lamang ako ng aking labi habang naiiling na sinusundan siya ng tingin. Ang sungit kasi ni Ma'am. Sa ginagawa niyang pagsusungit lalo tuloy akong nagkakaroon ng crush sa kanya. Tsk!
----
Wala na ang nakakadiri na amoy ng alak sa aking katawan noong pangalawang lumabas ako ng toilet. Nakabihis na rin ako gamit ang binigay ni Ms. Lopez sa akin na damit.
Naabutan ko naman itong nagsasalin ng kanyang kape. Sandaling pinagmasdan ko ito mula sa kinatatayuan ko. Hindi yata niya namalayan na tapos na ako.
Nakasuot lamang ito ng short shorts at isang loose t-shirt sa itaas, naka messy bun ang kanyang buhok at ngayon ay mayroon na siyang suot na glasses dahil napansin ko kaninang abala siya sa pagkalikot ng kanyang laptop.
I couldn't help but swallow hard as I glanced down at her long and flawless legs. Damn.
Ang sexy niya talaga kahit na ano pa ang kasuotan na kanyang suot. Napaka hinhin din niya kung kumilos kaya mas lalo kang mai-engganyong pagmasdan siya palagi.
Mabilis na nagbawi ako ng aking paningin at napailing nang marealize na may ilang segundo ko na siyang pinagmamasdan.
Duh! Hindi mo lang siya pinagmamasdan, Cara. You're drooling over her!! Tuyo ng aking isipan.
Napa tikhim ako dahilan upang mabilis na magbaling ito ng kanyang mga mata sa akin. Iniinom na rin nito ang kape na gawa niya na ngayon ay kumakalat ang amoy sa buong paligid.
Inihakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanya.
"So, I think we're just the same size." Sabay smirk na wika ko habang tinitignan siya ng nakakaloko atsaka ako huminto sa tapat niya.
Halos maibuga naman nito ang kanyang mainit na iniinom sa mukha ko bago napa ubo. Pigil ang mga ngiti at napapatulis ang nguso na napatitig lamang akong muli sa mukha niya.
Para siyang kape, nakakaadik pag masdan sa umaga, nakakatakam pang tikman. Wew!
Muli akong napalunok noong mapako ang aking mga mata sa kanyang labi at siya naman ay mabilis na nagbawi ng paningin.
"G-Gusto mo ba ng kape?" Biglang sabi nito at kukuha na sana ng tasa noong mabilis ko siyang pigilan sa kanyang balakang bago marahan na hinapit palapit sa aking katawan.
Nanlalaki, namimilog at napapakurap naman ang mga mata sa gulat na muling tinignan niya ako sa aking mukha. Hindi rin nito napigilan ang mapalunok ng maraming beses.
I'm so sorry, hindi ko talaga gustong gawin ito pero masyado na akong natutukso kaya...
I didn't think twice so I quickly kissed her on the lips. A quick kiss and it didn't take a few seconds for my lips to touch hers.
Pagkatapos noon ay mabilis na itinulak ako nito palayo mula sa kanyang katawan at isang malakas na sampal ang natamo ko.
Napapikit pa ako sa sakit. Pakiramdam ko rin, bumakat ang palad nito sa pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.
"Cara, bukas ang pinto at makakaalis kana." Kalmado ang boses na utos nito ngunit alam mong galit siya.
Napalunok ako ng maraming beses kasabay ang pagtitig muli sa mga nanlilisik niyang mga mata.
"Ms. Lopez, I-I'm---"
"I said, get out!" Matigas na ang pagkaka sabi niya nito habang nakaturo sa labasan ng kanyang apartment at namumula na rin ang kanyang ilong. Para bang gusto na niyang umiyak.
Na pahinga ako ng malalim habang kagat-kagat ang labi kong napapatango sa kanya.
"Okay. I-I'm leaving."
Hindi na siya muling kumibo pa. Napa sulyap ako ng huling beses sa kanya bago tuluyang tumalikod na.
Nang tuluyan na akong makalabas ay agad na napabuga ako ng hangin sa ere habang tinatawagan ang number ni Manong Rey. Magpapasundo na lamang siguro ako sa kanya.
At habang naghihintay sa pagdating niya, hindi ko mapigilan ang mapahawak sa aking labi habang na ngingiti na parang ewan.
Nasisiraan na yata ako ng bait. Sabi ko sa aking isipan.
Well, maybe you are, Cara. Sino ba naman ang nasampal na eh naka ngiti parin pagkatapos? Pang-aasar naman ni inner self.
Siguro kasi dahil nagawa ko siyang halikan? At kahit na nasampal man niya ako, ayos lang. Atleast na kiss ko na siya. Sagot ko naman sa mga ito.
Pero...hindi ba parang turn off 'yon sa kanya? At mas lalo siyang madidisappoint sa akin?
Natigilan ang aking malalim na pag iisip noong basta na lamang huminto ang sasakyan sa aking harapan. Mabilis na binuksan ko ang pinto nito bago pumasok sa loob.
Nagtataka naman ang mga mata ni Manong Rey na napapasulyap sa apartment ni Ms. Lopez.
"Sa bahay ho tayo, Manong Rey. And please, don't tell my parents." Napatango lamang ito dahil sa sinabi ko.
"Makakaasa ho kayo ma'am." Pagpayag naman niya bago muling pinasibad ang sasakyan.
Ms. Lopez, no matter what happens, no matter what your status in life, I will make you mine. And that is a promise.