Now playing: My Boo
Cara
"Hey, sweetie! Good morning." Pagbati sa akin ng aking ama paglabas ko pa lamang ng aking kuwarto. Tiyak na may sasabihin na naman itong importanteng bagay kaya siya nandito.
Madalas kasi wala si daddy sa bahay dahil sa palagi itong abala sa kanyang trabaho. Ganoon din si mommy. Pero sanay naman na ako, dahil palagi naman silang bumabawi sa akin.
"Hey, dad!" Ganting pagbati ko rin sabay halik sa pisngi nito.
Sabay na kaming naglakad patungo sa dining room. Pinaghila ako nito ng upuan bago ito umikot sa kabila ng table para maupo na rin.
Tahimik lamang din na dumating si mommy, hinalikan muna ako nito sa aking ulo bago naupo na rin sa aking tabi.
"Morning baby." Pagbati niya.
"Morning mom."
Hindi ko mapigilan ang mapangisi ng nakakaloko habang naglalagay ng sariling pagkain sa aking pinggan.
"Mukhang may importante kayong sasabihin." Panimula ko. "What is it?" Dagdag ko pa.
Napatikhim si daddy bago marahan na pinunasan ang kanyang labi. "Nothing, honey. We just miss you." Napataas ang kabilang kilay ko noong marinig ito atsaka napatawa ng mahina.
"Come on, dad. Just tell me!" Pangungumbinsi ko pa.
Narinig kong na pahinga ng malalim si mommy bago inayos ang kanyang pagkakaupo atsaka napaharap sa akin. Agad naman na ibinaling ko ang aking paningin rito.
"We have an important event for tonight. And we need you to come with us. Of course, kailangan kompleto tayong pamilya." Si mommy na ang nagpatuloy para kay daddy.
I scoffed.
"Mom? You know I can't do that. And I hate that kind of event. It's...boring!" Pagtatanggi ko sa mga ito ngunit tinignan ako ni daddy ng seryoso sa aking mukha.
Na pahinga ako ng malalim habang napapatirik ang mga mata.
"Fine. I'll come with you." Napilitang pagpayag ko. Wala naman kasi akong magagawa. Ayokong mawalan na naman ng allowance for one week, ano? Plus grounded? Argh!
May isang beses kasi na hindi ako pumayag sa gusto nila noon. Dahil doon eh one week talaga akong walang pera at talagang nasa bahay lang ako pagkatapos ng eskwela. Ni hindi rin nila ako pinapayagang lumabas kahit na sa mga kaibigan ko lang naman ang punta ko. At ang worst pa doon, kumuha sila ng mga magbabantay para sa akin.
Kaya kaysa magmatigas akong muli, eh mas mabuti pang pumayag nalang ako sa gusto nila. Wala namang mawawala, hindi ba? Isasama ko na lang din siguro si Audrey para naman may madaldal akong kasama sa event.
Pagkatapos kong kumain ay ipinahatid na ako ng aking mga magulang kay Manong Rey sa school. At habang nasa biyahe, hindi ko na naman mapigilan ang hindi makaramdam ng kaba sa aking dibdib.
Muli ko na naman kasing naalala ang ginawa kong pang hahalik kay Ms. Lopez kahapon. Tiyak na lalong maiinis ito sa akin or worst, kamuhian na talaga niya ako.
Kagabi pa ako hindi makatulog. Kagabi parin ito gumugulo sa aking isipan.
I want to apologize to her but I don't know how. Alam kong ipagtatabuyan lamang ako nito oras na makita niyang papalapit pa lamang ako sa kanya.
Gusto kong makabawi. Kahit naman papaano, natatauhan naman ako, ano? Alam kong ginusto kong gawin iyon. Pero hindi talaga tama ang ginawa ko. Maling mali.
Kaya pagdating sa kanyang klase, pinilit ko ang mag concentrate at mag focus sa lesson na meron kami. Hindi ko hinayaan na magpa distract ako sa kanyang ganda or sa kahit na anong parte ng kanyang katawan.
Tsk! Kung bakit naman kasi ang hilig niyang magsuot ng hapit na skirt..
Sinubukan ko rin ang makipag participate. Magtaas ng kamay kapag alam ko ang sagot. I just want to impress her, that's it.
Ngunit natapos na lamang ang buong klase ay hindi man lamang ako nito tinapunan ng kahit isang tingin. Hindi rin ako nito tinawag kahit na isang beses sa recitation. Pilit na iniiwasan nito ang mapadako ang kanyang mga mata sa aking direksyon, lalong lalo na sa akin.
Dismayado at bagsak ang mga balikat na lumabas ako ng silid na iyon kasama ang aking mga kaibigan. They keep asking what my problem is, because they've noticed earlier that I'm not in the mood. Hanggang ngayon na lunch break na namin.
I don't know. Pero nawalan din ako ng gana sa pagkain. Gusto talaga ang humingi ng tawad dahil sa nagawa ko. Hindi na kinakaya ng konsensya ko kaya naman mabilis na napatayo ako mula sa aking upuan.
Sabay-sabay naman na napatingin sa akin ang aking mga kaibigan, habang may pagtataka sa kanilang mga mata.
"Where are you going? You didn't even touch your food." Mataray na tanong ni Louise sa akin.
Habang ang iba naman ay naghihintay lamang sa aking isasagot sa katanungan nito.
Binigyan ko sila ng isang assurance smile bago tuluyang hinawakan na aking bag.
"I'll be right back." Pagkatapos noon ay walang lingon likod na iniwanan ko na sila.
Mabilis na lumabas ako ng Cafeteria. Hindi ko alam kung saan ko mahahagilap si Ms. Lopez sa mga sandaling ito, dahil hindi ko rin ito namataan sa loob ng Cafeteria. Ngunit isang lugar lamang ang natitiyak kong nandoon siya kaya agad na dinala ako roon ng aking mga paa.
At tulad nga ng sinabi ko, hindi ako nagkakamali.
I couldn't help but grin as I saw her standing with her back facing me.
She was talking on the phone and they seemed to be talking seriously, kaya hindi na rin muna ako nagsalita and waited for the call to end.
Ngunit natigilan ako noong basta ko na lamang narinig ang biglang paghikbi niya. Hanggang sa tuluyan na nitong ibinaba ang tawag at mabilis na inihagis sa ibabaw ng kanyang lamesa ang hawak na cellphone.
Hindi parin nito napapansin na mayroong nakatayo sa may pintuan ng kanyang office. Napahinga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
"Ms. Lopez." Pag banggit ko sa pangalan niya.
Hindi kaagad ito lumingon sa akin. Mabilis na pinunasan muna nito ang luha sa kanyang pisngi bago tuluyan akong hinarap.
But when our eyes met, wala akong ibang nakikita mula sa kanyang mga mata kundi ang lungkot sa mga ito. Mabilis siyang nagbawi ng kanyang paningin atsaka biglang sumeryoso ang kanyang itsura noong makita ako.
"Don't you know how to knock?" Matigas na tanong nito bago ako tinalikuran.
Napalunok ako at pilit na binalewala ang pagiging badmood nito.
"Ms. Lopez, I came here to say---"
"Cara," Putol nito sa akin bago napahinga ng malalim. "Can you just finish your lunch break and go back to your friends? I need to be alone and finish these papers." Pakiusap nito sa akin ngunit alam ko naman na isa ako sa dahilan kaya siya naiinis ngayon.
Napakagat ako sa aking labi.
"A-Are you okay?" Hindi ko mapigilan na itanong sa kanya dahil sa nakikita ko, naiiyak parin siya. Concern lang ako. And I just want to be here with her even for a while.
"I'm sorry if I didn't knock first before I came in." Paghingi ko ng paumanhin.
Ngunit isang matalim na tingin lamang ang ibinato nito sa akin. Nakipag labanan na lamang din ako ng titigan sa mga mata nito hanggang sa siya na naman mismo ang unang nagbawi.
Nakikita ko rin na sobrang frustrated ito at para bang gusto rin niya ang sumigaw sa harap ko, ngunit pilit na pinipigilan niya iyon.
"Ms. Lopez," Napahinga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. "I came here to say--"
"Wanna hear the truth, Cara?" Muling putol nito sa akin.
Napatango ako.
"Hindi mo ako nirerespeto na para bang katulad mo lamang akong estudyante." Kitang kita ko ang pag galaw ng kanyang mga panga habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Why?" Maawtoridad na dagdag na tanong pa niya.
Napayuko akong muli. Damn it. Hindi dapat ako kinakabahan ng ganito sa harap niya, pero hindi ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko. Kasalanan ko rin naman kasi, masyado akong nagpadala sa damdamin ko.
"Ms. Lopez, I'm sorry." Sa wakas nasabi ko rin. "I'm sorry kung...kung nagawa ko ang bagay na iyon kahapon." Dagdag ko pa bago muling sinalubong ang kanyang mga mata.
"I'm sorry, okay?" Muling paghingi ko ng tawad and this time, nakatingin na ako sa kanyang mga mata. Gusto kong makita niya ang sincerity mula sa mga ito.
Ngunit mataman lamang na tinitigan ako nito sa aking mukha at muling napaturo sa nakabukas na pintuan ng kanyang opisina.
"Makakaalis kana." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muling ibinalik na nito ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.
Napapailing na lamang akong muli bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko para lang muling maging magaan ang loob nito sa akin.
Hays.
Sabrina
Masyado na akong maraming pinagdadaanan ngayon. Mga pasanin sa buhay at mga problema. Kaya hindi ko talaga inaasahan na may isang makulit na katulad ni Cara ang dadagdag pa sa mga iyon.
And worst, she is just my student.
Hindi ko na alam ang gagawin sa batang ito para lang tigilan na niya ako. Patuloy na nga niya akong ginugulo, nagawa pa niya ang isang bagay na hindi niya dapat ginawa sa akin.
Kaya hindi ko mapigilan ang hindi ito sungitan.
Gusto ko lang naman ang irespeto ako ng mga estudyante ko. Yes, nakukuha ko naman iyon simula noon, not until I met her.
Nakikita ko ang respeto niya sa ibang mga teacher na nandito sa University, pati na rin sa kanyang mga kapwa estudyante. Pero bakit pagdating yata sa akin, nakakalimutan niya ang bagay na iyon?
She kissed me.
At kahit na sandaling segundo lamang ito, nakakababa na iyon ng sobra sa aking sarili.
What did I do wrong para gawin niya ang bagay na iyon? Masyado ba akong naging mabait noong gabing wala akong ibang mapagdalhan sa kanya kung hindi sa apartment ko?
O iyong part na pinagbihis ko pa siya at hindi na lamang pinauwi agad noong umaga.
Sa dami ng gumugulo sa isipan ko, sa kanya lang yata lalong sumasakit 'yong ulo ko ng ganito.
Napapabuga na lamang ako sa aking sarili bago napahawak sa aking tyan. Bigla na lamang kasi itong humapdi.
Sinadya ko talaga ang hindi mag lunch break ngayon para tapusin itong mga kailangan kong i-check na papers. Dahil mamayang gabi, mayroon akong event na kailangang puntahan kaya tiyak na hindi ko ito magagawa.
Sinasama kasi ako ni Mr. Javarez, ang aming Principal, bilang representative ng aming University. Ako raw kasi ang pinaka bata ngayon na teacher dito at baguhan din sa University.
Kaya naman wala na akong nagawa pa kung hindi ang umuo sa kahilingan niya. Isa pa, mahilig rin naman kasi talaga ako sa mga ganitong gathering kaya walang problema.
Naputol muli ang aking malalim na pag-iisip nang biglang may naglapad ng pagkain sa aking harapan, sa ibabaw ng aking lamesa.
Dahan-dahan na nag-angat ang aking ulo hanggang sa tumama ng aking paningin sa mukha ng estudyanteng ubod nga ng ganda at talino, ang kulit naman.
Awtomatiko na naman na nang init ang aking dugo nang makita ko ang mga ngisi niyang nakakaloko.
"Hindi ba't sinabi ko sayo---"
"Hep!" Mabilis na pinutol nito ang nais kong sabihin gamit ang kanyang hintuturo, at inilapat iyon sa aking bibig.
Padabog ko naman na tinanggal iyon mula sa aking labi.
"Cara--"
"Ms. Lopez, aalis ako agad. Okay?" Muling putol nito sa akin. "Please, kumain ka. Kailangan mo ng energy mayroon ka pang kalahating araw. Sige ka. Ikaw rin." Bago ako nito binigyan ng isang matamis na ngiti.
Iyong ngiti na hindi nakakaloko or mapang asar.
Bakit tila yata biglang nagbago ang ihip ng hangin? Anong meron at bigla siyang naging ganito kabait ngayon? Tss!
Na konsensya siguro. Sabi ng aking sarili.
Na pahinga ako ng malalim.
"Fine. Babayaran ko nalang sa'yo itong nagastos mo." Pagpayag ko.
"Hindi na rin kailangan." Ani niya. "See you around Ms. Lopez!" Paalam nito. Hindi pa man ako muling nakakapag salita nang mabilis na itong lumabas ng aking opisina.
Iiling-iling na lang ako na napayuko para tignan kung ano ba iyong binili nitong pagkain para sa akin, isang note ang unang bumungad sa akin na nakasulat at nakapatong sa ibabaw ng food container.
Agad ko naman itong binasa.
"I am so lost, Ms. Lopez. Can you give me directions to your heart?"
Swear! When I read what was written in the note my face automatically blushed.
What the fuck! Hindi ko rin napigilan ang mapamura sa aking isipan.