Chapter 11 - AIJAN: 24

Now playing: I wanna grow old with you by Westlife

Cara

Tyler did not show up on our wedding day. I also don't know why pero isa iyon sa pagkakataon na hindi ko inaasahan na mangyayari pa.

Pagkakataon na alam kong hindi ko na palalampasin pa. Pagkakataon na alam kong dininig na ng maykapal ang mga lihim kong pagsusumamo at panalangin.

Hindi na ako naghintay pa ng maraming oras. Agad na sinamantala ko na ang pagkakataon na makatakas mula sa mga mata ng aking ama, habang abala ito sa paghanap kay Tyler at habang nagtatago ito sa napakaraming medya.

Agad na dinala ako ng aking mga paa patungo sa tahanan na matagal ko ring inasam na muling mahagkan. Isang tahanan na alam kong akin parin hanggang ngayon. Tahanan na alam kong hinihintay parin ako sa aking muling pagdating...sa aking muling pagbabalik.

And that is Sabrina. The only person who feels like home. The home I want to keep forever.

I cried as I ran towards her apartment. And hopefully, she was waiting for me as I expected. Because at this moment, I will never let her go again. I will never.

At tama nga ako, dahil hanggang sa mga sandaling ito ay sinalubong parin ako ng mga bisig nito.

Hindi ko mapigilan ang mas lalong mapaluha noong muli ko siyang masilayan ng malapitan. Lalo na noong muli ko itong mahagkan at mayakap. Iyong yakap na hindi ko na siya pakakawalan pang muli.

I missed her so much! God. Thank you for this chance.

Paulit-ulit akong nagpapasalamat sa kanya dahil hindi ko inaasahan na mangyayari pa pala ang araw na ito. Dahil ang buong akala ko ay matatali na rin ako sa isang bagay na alam kong pagsisisihan ko habambuhay.

I missed hugging her so much. I missed the feeling that she was in my arms, feeling her soft and warm body pressing against my skin. I miss the favorite shampoo she uses. I missed this feeling...everything about her that I love.

Hindi ko mapigilan ang hindi titigan si Sabrina habang mahimbing na natutulog sa aking tabi at nakaunan pa sa aking braso. Awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi, bago marahan na hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

A home is where your heart finds peace and comfort. And my heart finds her as its home. I can't stop missing her kahit na kasama ko na siya ngayong muli.

Words are not enough to express my longing for Sabrina. Each day and night, I'm only thinking of her.

Hindi ko man alam kung magtutuloy-tuloy na ba na makakasama ko ng ganito si Sabrina, ayos lang. Dahil sa ngayon, wala akong ibang hangad at gusto kung hindi ang sulitin ang ganitong moment.

Wala akong ibang magawa ngayon kung hindi ang titigan si Sabrina at namnamin ang bawat segundo na nasa tabi ko siya. Pakiramdam ko kasi, isa lamang itong panaginip na anumang oras ay pwede akong magising.

Gumalaw ito kasabay ang pag guhit ng matamis na ngiti sa kanyang labi. Nananatili paring pikit ang kanyang mga mata, ngunit alam kong alam nito na gising na rin ako.

"Can you please stop staring at me and kiss me?" Mahinang sabi nito sa akin.

A sly smile drew in my lips and kiss her lips softly. Hindi iyon nagtagal nang muling paghiwalayin nito ang aming mga labi. Noon na rin ay tuluyang iminulat nito ang kanyang mga mata bago ako tinignan sa aking mukha.

Binigyan ko ito ng mabagal ngunit matamis na ngiti atsaka siya hinalikan sa kanyang noo.

"I can't explain what I am feeling right now, all I know is that I miss you more than you can imagine." Sinasabi ko ang mga katagang iyon nang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata, bago hinaplos ang kanyang magandang mukha. "You might not see a tear on my face right now, but my heart is still heavy because I miss seeing your face this close."

Muling napa ngiti ito bago napakagat sa kanyang labi. Ini-angat nito ang kanyang ulo bago ginawang unan ang kanyang sariling braso.

"What?" Tanong ko sa kanya dahil panay lamang ang pag ngiti nito ngunit may namumuong luha naman sa mga mata.

Mabilis itong napailing.

"Nothing. I-I just…I just miss you. And I hate being so alone without you, Cara. My life is like a world without any color. Its just very plain and lifeless, and hopeless." Napalunok ito upang pigilan ang pagpatak ng luha. Pagkatapos ay napatawa ng may pagka alanganin.

"Promise me, na hindi mo na ako iiwanan at hahayaang mag-isa mula ngayon. Hindi ka na rin mag dedesisyon ng mag-isa." Pakiusap na dagdag pa niya.

Mabilis naman akong napatango bago inabot ang kamay nito.

" I promise, baby. Hinding-hindi ko na hahayaan pang magkalayo tayo." Sabay halik ko sa likod ng palad nito.

"Hmmm." Napanguso ito. "Are you hungry? Do you want me to cook for breakfast?" Pag iiba nito ng usapan at akmang babangon na sana mula sa pag higa nang muli ko itong yakapin ng mahigpit pabalik sa kama.

"I am hungry, not for food but your presence. I want to see and stare at your face because it is the only thing that makes me happy." I am so addicted to this woman. Lalo na ngayon na sobrang miss na miss ko siya.

Muli itong napangiti. "Ganon mo ba ako ka miss ng sobra?" Tanong nito. Napatango ako.

"I don't just miss you..." Natigilan ako sandali at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. "I miss the warmth in your breath, depth in your eyes, a touch of your fingers, and feeling your hands on my waist. I miss you truly and deeply, Sabrina." Buong puso na dagdag ko pa.

Hindi nagtagal ay basta ko na lamang itong narinig na humihikbi na. Napatawa ako ng mahina.

"Hey. And why are you crying?" She's so adorable, ever!

"Ikaw kasi eh. Pinapaiyak mo ako sa saya." Sabay punas nito sa sariling luha. "You're so sweet and thoughtful ever since." Pagkatapos ay muli ako nitong niyakap. Iyong mahigpit na mahigpit.

Marahan ko naman na inilayo ang aking katawan sa kanya upang muling masilayan ng maayos ang kanyang mukha. Pinagmasdan ko siya ng mataman, ng walang kasawaan. Atsaka dahan-dahan na bumaba ang mga tingin ko sa kanyang labi. Pagkatapos ay walang sabi na nilasap kong muli iyon.

It was a slow kiss and full of love and longing. Tila ba ayaw ko ng matapos pa ang mga araw na ganito. Ayoko ng mawalay pang muli sa piling ni Sabrina. I don't think kakayanin ko pang muli ang malayo sa kanya ng ganoon katagal. At mas lalong hindi ko alam kung kakayanin ko pang masaktan ito ng sobra.

Patuloy lamang sa pag galaw ang aming mga labi hanggang sa kapwa hindi na namin namalayan na parehas na pala kaming lumuluha.

God! Please do something na maging kami ni Sabrina hanggang sa huli. Because I've finally found the person I wanna grow old with.

I really love her so much! And she means more to me than anything else in this world.

---

Habang abala sa pagluluto si Cara ay mayroon akong napansin na mga tuyong bulaklak ang nakatambak sa may terrace ng kanyang apartment.

Kunot noo at may halong pagtataka na lumapit ako rito. Hindi lamang lima o hanggang sampu na bouquet iyon kung hindi marami. Hindi ko mabilang. Iyong ibang uri ng bulaklak ay mapapansin na nagmula pa mula sa labas ng bansa.

Napapalunok ako na kinuha ang isa sa mga iyon. Noon naman ay may biglang nag doorbell. Narinig kong napasigaw si Sabrina at ipinag-utos sa akin na pagbuksan ang kung sino man iyon.

"O-Okay!" Ganting sigaw ko at agad na nagtungo sa entrance ng kanyang apartment.

Mabilis kong binuksan ang pintuan kasabay ang pagbungad sa akin ng isang delivery guy, na mayroong hawak na kaparehas na bouquet na nakita ko sa may terrace ilang segundo lamang ang nakakalipas.

Mabilis na nagpasalamat ako sa lalaki noong matanggap ko ang bulaklak. At noong makatalikod na ito ay agad na tinignan ko ang sender, pero kahit na anong pangalan o notes ay wala akong makita mula rito.

Mabilis ang mga hakbang na bumalik ako sa terrace. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Bakit mayroong mga ganitong bulaklak rito? Naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.

Naramdaman ko ang marahan na pagyakap ni Sabrina sa aking balakang mula sa likod, bago ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Thank you..." Malambing ang boses na pasasalamat nito. Awtomatikong napakunot ang noo ko.

"T-Thank you for what?" Tinanggal ko ang kamay nitong nakayakap sa akin bago ako mabilis na napaharap sa kanya.

"For the flowers!" Kumikinang pa ang mga mata na sambit niya. " Hindi ba sa iyo nang galing ang mga iyan? Pero pilit na inilalagay ko sila rito kasi inaamin ko, nasasaktan ako sa tuwing natatanggap ko ang mga iyan, dahil hindi naman bulaklak ang kailangan ko kung hindi ikaw. Kaya thank you---"

Natigilan si Sabrina noong makita ako nitong napailing.

"Wait. Don't tell me---"

"Yes. Someone else gave it to you and not from me." Putol ko sa kanya. "And I think, I know who."

"S-Sino?" Utal na tanong nito sa akin.

Iisang tao lamang kasi talaga ang nasa isipan ko sa mga sandaling ito wala ng iba. Isang tao na mahilig magbigay ng mga tuyong bulaklak sa mga taong mahalaga sa akin. At ang ibig sabihin nito para sa kanya ay para protektahan ang alam niyang iniingatan ko.

"It's Tyler."

At sa mga sandaling ito, alam ko na na ang hindi nito pag sipot sa araw ng aming kasal ay bagay na matagal na niyang plinanong gawin. Para sa akin.

Maybe it's the only thing he can do for me, to help me.