Now playing: Hanggang dito nalang by TJ Monterde
Sabrina
Hindi ko ginusto at intensyong saktan at iwanan sa ere si Cara, but I have to. I need to, in order to protect myself and my family. Ganoon na rin si Cara.
Masyadong madami ang kailangang isakripisyo dahil lamang nagmahalan kaming dalawa. At ako mismo, inaamin kong hindi ko na kayang ibigay o isugal pa ang lahat para sa kanya.
Wala kami sa isang pelikula, teleserye o maging sa isang fictional na kwento, para magkaroon kami ng masayang wakas katulad ng hinahangad ng lahat.
Masakit para sa akin at hindi madali na sabihin ang mga masasakit na salitang iyon. Lalong lalo na ang tuluyang bitiwan si Cara. Pero anong magagawa ko? Di hamak na isa lamang akong alikabok at kalaban ko ang buong mundo, na anumang oras ay pwede akong tirisin nito. Na kahit pagmamahalan namin ni Cara ay walang magagawa para rito.
*Flashback*
Nagising na lamang ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa aking pintuan. Masyado pa yatang maaga para magkaroon ako ng bisita dahil alas singko pa lamang ng umaga.
Isa pa, araw ng Sabado ngayon, walang pasok. Tiyak din na kina Audrey si Cara ngayon dahil kagabi lamang ay magka video call kaming dalawa.
"Sandali!" Sigaw ko sa kung sino man na hanggang ngayon ay halos gibain na ang pinto ng apartment ko.
"Ano bang---"
Hindi pa man ako tapos sa aking pagsasalita at kabubukas ko pa lamang ng pinto, nang salubungin ako ng isang malakas at nakakabingi na sampal mula sa aking ina.
Anong ginagawa niya rito ng ganito kaaga?
"Walangya kang babae ka!" Galit na agad nitong bulyaw sa akin. "Anong kababuyan ang ginawa mo at pati estudyante mo ay nagawa mong patulan?!"
Agad akong nag-alala at awtomatikong napaluha na agad dahil sa galit na boses nito. May sakit sa puso ang aking ina, kaya hindi siya pwedeng nabibigla at nasosobrahan sa galit.
"Ma, magpapaliwanag---"
"Ikaw! Ikaw ang papatay sa akin dahil sa sama ng loob." Pagkatapos ay bigla itong napaupo sa sahig habang lumuluha na rin. "Bakit naman ganon, Sabrina? Akala namin ng tatay mo, napalaki ka namin ng maayos?" Masamang-masama ang loob na hinagpis niya.
Umiiyak na lumuhod ako para alalayan ito sa pagtayo ngunit pinalo lamang nito ang kamay ko.
"Alam mo bang hawak ng ama ng estudyanteng iyon ang lahat ng lupain natin ngayon? Na hindi ko alam eh Senador pa. Ano ng gagawin natin ngayon? Lahat ng sakahan natin, hawak niya." Napapanganga ako in disbelief dahil hanggang ngayon pala ay gumagawa parin ng paraan ang ama ni Cara para pag hiwalayin kami.
Napalunok ako. Hanggang kailan niya balak na tumutol sa aming dalawa?
"Ma, ako na hong bahala."
"Ikaw ang bahala?" Pinunasan nito ang kanyang luha bago muling napatayo. "Alam mo bang pinatatawag din ako ng board of directors ng University kung saan ka nagtatrabaho, dahil alam na rin nila ang tungkol sa relasyon ninyo?"
Para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig noong sabihin iyon ng aking ina. Pakiramdam ko rin, ito na ang magiging katapusan ng lahat ng mga pangarap ko.
Kaya naman kahit na natatakot ay pilit na pinauwi ko ang aking ina sa probinsya. Mag-isa at lakas loob kong hinarap ang board of directors ng University sa loob ng dalawang linggo, bago pa man tuluyang dumating ang Graduation day. Mag-isa kong hinarap ang kaso na isinampa ng mga ito sa akin.
Mabuti na lamang dahil mabait parin sa akin ang Diyos. Hindi kaagad sila nagpadalos-dalos sa pag dedesisyon.
Pinagbotohan pa kung ano ang mangyayari sa akin, lalong lalo na sa career ko. Whether I will be fired from my job and stripped of my license as a teacher, and I will be imprisoned, or will I be given a chance ngunit ang kapalit ay hihiwalayan ko si Cara. At hinding-hindi na muling makikipagkita pa sa kanya.
Kaya kinailangan kong iletgo ang taong kailanman ay hindi ko pinangarap na bitiwan pa. Masyadong mabigat ang kapalit na hinihingi sa akin ng mundo para makasama ko siya.
Siguro nga, naging duwag ako sa part na mas pinili ko ang bitiwan si Cara. At pinili na hindi sinabi sa kanya ang tunay na dahilan.
Mas pinili kong bitiwan siya, dahil alam kong may mas magandang future ang naghihintay sa kanya, kapag hindi ako ang kanyang kasama.
*End of flashback*
Nakaka ilang baso na ako ng wine na iniinom ko habang walang ibang ginawa kundi mapatitig lamang sa pinanonood kong TV. Hindi ko parin magets hanggang ngayon kung tungkol saan ba ang palabas, dahil masyadong lumilipad ang aking isipan.
Nang siya namang biglang mayroong nag doorbell. Dahan-dahan na napatayo ako habang may pagtataka na binuksan ang pintuan.
Laking gulat ko nang makita ang mukha ng babaeng hindi ko na inaasahan na bubungad pang muli sa aking harapan.
"Cara." Malamig ang boses at tingin ang ibigay ko sa kanya.
---
Cara
"Cara." Malamig na tingin at tinig ang ibinigay ni Sabrina sa akin nang ako ay pagbuksan nito ng pintuan.
Kahit na hindi pa man niya ako inaalok sa pagpasok ay ako na ang nag kusa at mabilis na pumasok sa loob, bago pa man ako nito pagbagsakan ng pinto.
Narinig kong napahinga ito ng malalim.
"Ms. Olsen, you shouldn't be here. So can you please, get out?" Medyo kalmado ang boses na utos nito ngunit mahihimigan mong ayaw na niya talagang dumito pa ako.
Napapikit ako ng mariin bago napalunok.
"Paano kung ayaw kong pumayag? Paano kung para sa akin meron paring tayo? Paano kung---"
"Then you have no choice kung hindi tanggapin ang katotohanan, Cara." Putol nito sa akin. "Tanggapin mo nalang. Tanggapin nalang natin pareho." Dagdag pa niya bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata. "Ayoko na. Tapos na tayo. Wala ng tayo. Kaya pwede ba? Bukas ang pintuan para sayo."
Tatalikod na sana ito para pagbuksan ako ng pintuan nang muli akong magsalita.
"Liligawan kita ulit." Napapalunok na maraming beses na sabi ko. Natigilan ito sandali. "Liligawan kita ulit. Kung kailangan araw-araw gagawin---"
"Cara, ano bang hindi mo maintindihan sa TAPOS NA TAYO?!" Biglang pagtaas nito ng boses sa akin. "AYOKO NA. TAPOS NA AKONG MAHALIN KA. AYOKO NG MAHALIN KA PA. Alin ba sa mga iyon ang hindi mo maintindihan?"
Noon din ay nagsimula na sa pag-agos ang aking mga luha. Napakagat ako sa aking labi bago napayuko at hirap na muling napalunok.
"G-Ganoon lang ba talaga ka bilis?" Tanong ko. "Ganoon mo lang ba ako ka bilis itapon? Kalimutan? At i-itsapwera? Hindi na ba ako importante sa'yo? Sabrina, isang linggo pa lang simula 'nong maghiwalay tayo. Kaya h-hindi talaga ako naniniwalang hindi mo na ako mahal---"
"Okay, fine. Mahal kita." Putol nito sa akin. Awtomatikong tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata ngunit mabilis niya iyong pinunasan bago napa ismid.
This time ako naman ang natigilan dahil sa kanyang sinabi.
"Hanggang ngayon mahal parin kita. Mahal na mahal, Cara." Napalunok ako. Parang bigla akong nabuhayan ng loob.
"Iyon naman pala---"
"Iyon ba ang gusto mong marinig mula sa akin?" Napatawa siya ng mapakla. "Bakit? May magagawa ba ang letseng pagmamahal na yan para maisalba natin pareho ang mga taong importante sa atin? Maisasalba ba nito ang mga sarili natin na unti-unti ng nauubos at nawawala dahil lang mas pinipili natin ang isa't isa?" Napiyok pa ito sa dulo habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha na hindi na rin yata papigil katulad ng sa akin.
Noong marinig ko ang mga sinabi nito, parang bigla akong pinukpok sa ulo. Parang bigla yata akong nagising at natauhan.
Tama siya. Tama si Sabrina. Bakit pa namin pipiliin ang pagmamahal na siyang nagiging dahilan para maubos kami pareho?
"Sabihin mo nga sa akin, Cara." Napakagat ito sa kanyang labi bago nagpatuloy. "Ano bang napala mo sa pagmamahal sa akin? Huh?!" Napasabunot ito sa kanyang buhok. "Wala naman, hindi ba?"
"Sabrina, masaya ako sa'yo. Nagiging buo ako DAHIL sa'yo. Natututo akong mangarap ng mas matayog, PARA sa'yo. Para sa atin--"
"Masaya ka?" Putol nito sa akin.
"At nagiging buo ka dahil sa akin." Napatawa itong muli ng mapakla. "That's bullshit, Cara! Kasi ako hindi! Hindi ako nagiging buo at unti-unti lamang akong nawawasak dahil pinili kong mahalin ka. Dahil mas pinili kong panindigan ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero tignan mo naman kung saan tayo pilit na dinadala ng pagmamahal na yan."
Napatingala ako. Kitang kita ko sa mukha at sa mga mata niya ang sakit. Na hirap na hirap na siya. Kitang-kita ko sa dalawang mga mata niya na kahit anong gawin at sabihin ko, hindi ko na talaga maibabalik pa ang dati. Hindi ko na mababawi pang muli ang puso nitong binawi na niya mula sa akin.
"Ngayon. Ngayon mo sabihin sa akin, Cara. Tama pa bang ipagpilitan natin ito? Hmmm? T-tama pa ba na ipilit natin kahit na ikaw, a-alam mo mismo sa sarili mong mas masisira lang natin ang mga sarili natin. Tingin mo ba, magiging masaya pa tayo? Tingin mo ba, panay saya lang ang nagpapatakbo sa isang relasyon?!" Pagkatapos ay napamura ito ng malutong.
"Bata ka pa nga." Pagpapatuloy niya. "This? Us? This is not going to work out. Sinabi ko na sa iyo, noon pa. Huwag na ako---"
"Can we atleast give it a try? Sab, kahit isang beses pa oh. Please..." Muling pakiusap ko pa. Nagsusumamo, nagmamakaawa na rin ako.
Alam kong hindi ko na dapat ipagpilitan pa ito pagkatapos ng mga sinabi niya. Pero iyong maisip ko pa lamang na habambuhay na siyang mawawala sa akin, hindi ko na kaya. Hindi ko talaga kaya. Pakiramdam ko, mababaliw ako.
Kaya ayaw kong sayangin ang chance na ito. Ayaw ko at hindi ko hahayaan na umalis ako sa harap niya ngayon nang hindi nakukuha ang kakarampot na pagkakataon, na pwede kong makuha at ibigay niya sa akin.
Napahilot siya sa kanyang sintido. Halatang gusto na niya akong sigawan. Gusto na niyang magwala. Gusto na niyang isigaw ang mga salitang namumuo sa kanyang isipan.
At ang sakit-sakit na makita na nahihirapan siya ng ganito. Paulit-ulit na napapalunok ako habang patuloy parin sa pag-agos ang aking mga luha.
Ito ba talaga ang gusto ko? Ang muling kunin ang kanyang puso para lamang sa sariling ikaliligaya ko? Paano nga naman siya? Paano nga naman ang mga sarili namin na mauubos at pilit na mawawala lamang dahil mas pinili kong ipagpilitan ang bagay na hindi na dapat pa.
Bagay na ayaw na niya at ako nalang ang may gustong ipagpatuloy pa.
Gusto ko ba talaga na itali siya sa akin kahit na alam ko naman sa sarili kong hindi na kami magiging masaya pa gaya ng dati? Na bukod sa mga sarili namin, marami pang mga bagay at importanteng tao sa mga buhay namin ang dapat naming isaalang-alang, lalo na siya.
Ipagpipilitin ko parin ba? Kung ngayon din mismo, kitang-kita ko sa mga mata ng babaeng mahal ko na hirap na hirap na siya? Na sobrang nasasaktan na siya at hindi na talaga nito kaya?
Hindi ko mapigilan ang bgilang mapahagulhol.
Kasi ang sakit sakit.
Napakasakit.
Dahil sa mga sandaling ito, alam kong kailangan kong mag desisyon. Kailangan kong ibigay sa kanya, sa mga sarili namin, ang bagay na hindi ko gustong gawin, pero kailangan kong ibigay.
At iyon ay ang tuluyang palayin si Sabrina.
Ang tuluyang bitiwan ang mga pangako ko sa kanya.
Ang ibigay sa mga sarili namin ang kalayaan na magpapalago sa amin pareho.
Napapailing ako na tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata.
"T-Tama ka..." Napahinto ako sandali para pigilan ang sariling paghikbi. "Hindi na ito mag wowork pa. Hindi na tayo magiging masaya pa. N-Na hindi na tayo mga bata, lalo kana, para maglaro pa." Napalunok ako.
"Minahal lang naman kita eh. Hindi ko naman inaasahan na hahantong tayo sa ganito. Kasi masaya naman tayo diba? Ang sarap pa nga sa feeling na minahal mo rin ako eh. Na binigyan mo ako ng pagkakataon. Kaya lang, hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit ang mahalin ka. Ang sakit mong mahalin, Sab. Ang sakit sakit at nanunuot hanggang buto."
Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko, hindi na ako makahinga pa sa sobrang pag-iyak. Pakiramdam ko, para akong isang kandila na unti-unting nauubos, habang dahan-dahan na dinudurog niya.
Napatango ako.
"Kaya mahirap man sa akin..." Napalunok akong muli. "Masakit man para sa akin...p-palayain kita. Palalayain kita, Sab. Ibibigay ko ang kalayaan na deserve mo, natin pareho, gaya ng sabi mo."
Noon din ay kusa na lamang itong napahagulhol habang napapatakip sa kanyang bibig.
Kung ang palayain siya ang magbibigay ng kapayaan sa kanyang puso, ay gagawin ko. At hindi ako magdadalawang isip kahit pa mahirap sa part ko.
"You are my greatest love. Y-you have been a big part of me...na ngayon ay ilelet go ko." Lakas loob na sinasabi ko sa kanya ang mga katagang iyon.
At inaamin ko, para itong kutsilyo na lumabas sa labi ko para saksakin ang puso ni Sabrina. Bagay na hindi ko na pwedeng bawiin pa.
For the last time, muling binigyan ko siya ng matamis, ngunit iyon din ang pinaka masakit na ngiti na ginawa ko sa tanang buhay ko habang nakatingin sa kanya.
"Malaya kana ngayon...Ms. Lopez. And please always know that you will always be my favorite English-teacher. Ever!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay ako na mismo ang kusang tumalikod mula sa kanya.
Ako na ang kusang umalis sa harap niya, at tuluyang inihakbang ang mga paa palayo at hindi ko na ito muling nilingon pa.
If you stay somewhere or in something that wasn't meant to be, you're only doing yourself an injustice and putting your future in jeopardy.
So, I let go. I het her go kahit pa alam kong mahal pa naman namin ang isa't isa. Pagmamahal na alam kong kailanman, pagdating sa isang relasyon ay hinding-hindi magiging sapat.
I let go, so we can see both the vastness and beauty of the world even when we are no longer together. Maybe at the right time, if there is still a chance to be given to us, maybe the universe itself will make a way for us to get back to each other.
Maybe, someday...