Chapter 9 - AIJAN: 12

Now playing: She by Jake Scott

Sabrina

Kahapon pa ako hindi mapakali. I don't know. Nawawala ako sa focus sa aking mga klase lalo na ngayong araw, dahil sa tuwing naaalala ko ang date na meron ako ngayong gabi kasama si Cara...hindi ko mapigilan ang makaramdam ng excitement.

Bakit ako na i-excite? It's just one date with her. With my stubborn student to be exact.

Argh! Ni hindi ko nga alam kung ano ang susuotin ko. Because I really have no idea where she was going to take me.

Ngayon lamang yata ako kinabahan ng ganito. Sa isang date. I've dated a lot before but when it comes to her, I'm so nervous. Hindi ko rin alam kung bakit.

Siguro dahil estudyante ko siya. Tama?

Siguro dahil bago lamang sa akin ang ganito. At sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako makikipag date sa isang teenager at estudyante ko pa.

At maraming bagay ang pweding makaapekto sa trabaho dahil lamang sa pumayag akong makipag date sa kanya.

Paano nalang kung may makakitang ibang estudyante sa amin? Or co-teacher ko? Ano nalang ang iisipin nila?

Paano nalang kung may mga paparazzi na inaabangan lamang ang bawat kilos niya, para gamitin siya laban sa ama niya na isang senador?

Arrrghhh! Nakakainis. Nakakapagod ang mag isip.

Ang lala naman ng lagay ko. Napapa iling sa sabi ko sa aking sarili habang dinadama ang malamig na tubig na dumadaloy at tumatama sa mukha at katawan ko.

Naliligo na ako ngayon. Yes. At hindi ko alam kung isang oras na ba akong nandito o ano. Dahil kanina pa ako napapatulala. Haaay.

Paano kaya kung hindi ako sumipot nalang? Or i-cancel ko nalang ang date. Sabihin ko masama ang pakiramdam ko or may emergency.

Pero...haaaay. Muli akong na pahinga ng malalim.

Siguradong susugod yun dito kapag sinabi kong masama ang pakiramdam ko. At kung emergency naman, ano naman kaya ang idadahilan kong kapani-paniwala?

Matalinong bata si Cara kaya hindi iyon basta-basta mauuto at magpapaniwala sa mga excuses ko. Lalo na ngayon.

Haaaaay. Ano ba naman kasi!

Hindi ko mapigilan ang mapapadyak habang inaayos ang sarili palabas ng banyo. Mas lalo akong nanghihina noong makita ko ang aking damit na susuotin na nakapatong sa ibabaw ng kama.

Magugustuhan kaya niya ang susuotin ko? Will I be beautiful in her eyes tonight?

Teka nga, bakit ko ba iniisip ang magiging itsura ko sa harap niya? Eh mas gusto ko nga ang hindi nalang mag-ayos para matapos na ito eh. Hindi ko rin kasi alam kung anong nakita ng batang iyon sa akin.

Tsk. Bahala na.

Bahala na talaga.

----

After thirty minutes, bihis na bihis na ako at handa na sa pag-alis. Hinihintay ko na lamang din na dumating si Cara dahil ang sabi niya, susunduin lamang niya ako.

Isang fitted blue dress sana ang damit na susuotin ko ngunit mas pinili ko nalang ang mag pants at puting blouse sa pang itaas. I don't care kung anong magiging tingin niya sa akin.

Gusto kong ma turn-off siya. Para tantanan na niya ako.

Kung bakit naman kasi. Haaaay. Panay nalang yata pag buntong hininga ang ginagawa ko ngayon.

I can be her friend and sister naman, pero bakit higit pa doon ang gusto niya mula sa akin? I don't get it. Hindi ba siya nahihiya na gurang na ang idadate niya at makikita ng maraming tao?

Napapa face palm na lamang ako ng disoras.

Noon naman narinig ko ang pag busina ng sasakyan mula sa labas ng apartment ko. Natitiyak kong si Cara na iyon, kaya naman, mabilis na kinuha ko ang pouch na nakapatong sa ibabaw ng lamesa, at agad na lumabas na.

Naabutan ko naman itong nakasandal sa hood ng kanyang kotse. Medyo nakatalikod siya ng konti sa akin habang mayroong kausap sa kanyang cellphone.

Ewan ko rin ba. Pero basta na lamang napatirik iyong dalawang mga mata ko nang makitang ang sarap ng ngiti niya habang nakikipag usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya.

Walang nagawa na napatikhim na lamang ako upang maagaw ang atensyon nito.

Pagkatapos lamang ng ilang segundo ay mabilis na nitong ibinaba ang tawag atsaka ito tuluyang napa harap sa akin.

Believe it or not, para akong natuklaw ng ahas noong oras na magtama na ang aming mga mata. As in, napanganga ako in disbelief na halos kulang nalang eh mapasukan ng langaw ang bunganga ko.

Basta na lamang din kasi akong napatulala sa kanyang mukha. I cannot help but checking her out.

Shit! Ang ganda niya lalo ngayon.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil sa kanyang suot na fitted black leather jeans, na siyang dahilan upang ma emphasise ang kanyang perfect long legs. Isang white tube naman sa pang itaas na pinatungan lamang nito ng isang color gray coat.

And my eyes! Oh my gosh! I couldn't help but stare at her cleavage and at her flat stomach that undeniably had abs. Especially in her navel with a piercing.

Ang totoo? Eighteen years old lamang ba talaga ang batang ito?

She looks a real lady and she's sooo hot.

Pansin ko rin ang malalagkit na tingin nito sa aking kabuohan bago ito na pangisi dahil sa reaksyon ko habang tinitignan siya.

"Oh, Trust me. I know I'm hot." Pilya at punong-puno ng confidence na sabi nito sabay kindat pa sa akin.

Mabilis naman na napaiwas ako ng tingin dahil awtomatiko na lamang din na nang init ang aking pisngi.

Noon naman lumapit ito sa akin at basta na lamang ako hinawakan at hinila sa aking balakang, palapit sa kanyang katawan.

Gustuhin ko man ang itulak siya o ang mag protesta, hindi ko na nagawa pa dahil iyong katawan ko na yata ang sumuko at tuluyang bumigay sa kanya.

Ang lapit-lapit ng mukha naming dalawa. Halos hindi na rin ako humihinga, habang napapalunok na tinitignan siyang nakatitig lamang sa aking mukha. Hanggang sa kusang bumaba ang paningin nito sa aking labi.

Hindi nakaligtas sa akin ang mariin na paglunok nito. At walang sabi na hinalikan ako sa ng ilong ko. Isang halik lamang iyon, pero sapat na dahilan na upang mas lalo akong manigas sa kinatatayuan ko.

Awtomatiko na lamang ding bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. What the fuck!

"Don't worry, kissing your lips can wait." Kagat labi na sabi pa nito. "You look wonderful tonight, Sabrina." Nakangiting dagdag pa niya habang tinitignan ako sa sa aking mga mata.

Pagkatapos ay binitiwan na rin ako atsaka tuluyang pinagbuksan ng sasakyan.

Habang ako naman ay naiwan na hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Napapamura tuloy ako ng maraming beses sa aking sarili.

----

Pagdating namin sa isang hindi pamilyar na restaurant ay sandaling nagtagal muna kami sa loob ng sasakyan.

Hindi ko alam kung ano na naman ang trip ni Cara pero mukha yatang...mukha yatang na enjoy ko naman na kasama siya ngayon. I don't know. Ang pormal niya kasing makipag kausap sa akin habang binabaybay namin ang daan patungo rito. Kahit na hindi ako kumikibo dahil paulit-ulit ko paring naaalala iyong ginawa niya kanina.

Isama mo na rin na, iniiwasan kong mapatitig na naman sa kanya kaya mas itinutuon ko ang atensyon ko sa labas ng bintana.

Parang biglang nawala iyong kakulitan niya ngayong gabi at napalitan ng katamisan, at kapormalan.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin naman kami sa loob ng restaurant. Binati kami ng mga nakakasalubong naming waiter at waitress hanggang sa narating namin ang VIP area.

Mayroon na palang naka reserve na table under her name kaya dire-diretso lamang kaming dalawa. At hindi lamang iyon, mukhang kilala na rin siya sa restaurant na ito.

Hindi ko mapigilan ang mag palinga-linga sa paligid. Andoon na naman kasi ang kaba at pangambang baka may kakilala kaming makakita sa amin or...

"Hey." Muli akong napatingin sa kamay kong nasa ibabaw ng lamesa at hawak na niya ngayon.

"Relax." Pagpapakalma nito sa akin. "I made sure no one would know you or me here. So please, just relax. And let's enjoy the moment." Dagdag pa niya.

Napalunok ako. "Paano ka nakakasiguro? Eh mukhang kilala kana sa lugar na ito."

Napailing ito.

"Nope. Katulad mo, first time ko rin dito. But of course, they will look and will smile at me because I am hot." Napa irap lamang ako sa sinabi nito habang siya naman ay na patawa sa naging reaksyon ko.

Damn. Bakit ba kahit sa pagtawa, ang classy parin ng dating niya? Ang unfair ng mundo. Haaay.

Habang hinihintay namin ang na ma i-serve ang pagkain, ay nagpaalam na muna ako sandali kay Cara na pupunta lang sandali sa CR. Kahit na wala naman talaga akong gagawin roon. Gusto ko lang talagang kalmahin ang sarili ko.

Kanina pa nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko, at hindi ko alam kung anong nangyayari rito. Nag umpisa lang naman ang lahat ng ito dahil sa ginawa ni Cara eh.

Tsk.

Yung batang yun, masyadong pinaglalaruan ang feelings ko.

Hindi na rin naman ako nagtagal pa dahil baka biglang mag-alala at nahanapin na rin ako ni Cara. Mahirap na at baka dito pa niya ako ma corner sa loob ng CR.

Baka hindi kana makapag pigil? Tuyo ng aking isipan.

Hindi, baka lalo lang siyang may gawing hindi maganda sakin. Pagtatanggol ko sa aking sarili.

Pagbalik ko kung nasaan si Cara ay agad na muling ipinaghila ako nito ng upuan.

Wala naman masyadong nangyari, kumain lang talaga kami. Ewan ko rin ba, pero pansin ko na hindi talaga siya nagiging makulit ngayon. Ibang-iba siya sa Cara na nakakasalamuha ko sa school at sa araw-araw.

Naging sobrang gentlewoman niya at mahahalatang nag iingat siya ngayon sa bawat salitang binibitiwan niya.

Marami rin itong naitanong tungkol sa akin. Ganoon din ako sa kanya. Sa loob ng ilang oras na nakasama ko siya, kahit papaano eh mas naging magaan na ang loob ko rito.

Sana lang, palagi nalang siyang ganito..

At doon, nasabi ko sa aking sarili habang naglalakad na ako papasok muli sa apartment ko...ang sarap pala niyang kasama.

Because the moment I got out of her car, I suddenly sought her presence again. Kahit na, kasabay ko naman siya sa paglakad ngayon para ihatid ako sa unit ko.

"Sabrina." Sabay pigil nito sa aking braso bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob.

Mabilis naman na napa harap ako sa kanya. Habang nagtatanong ang aking mga mata.

Binigyan ako nito ng isang pormal na ngiti, hanggang sa unti-unting naging seryoso ang mukha nito.

Napasapo ako sa aking noo.

"Oh, sorry sorry. Yeah, thanks for tonight Cara. I really enjoyed the moment with you. But I hope this is the first and the last time because---"

"No. That's not what I want to hear." Putol nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

Napakagat siya sa kanyang labi.

"I..." Napahinga muna siya ng malalim bago napalunok ng mariin. "Listen. I-I really like you. I'm sorry, but I can't really stop it." Nangungusap ang mga mata na pagpapatuloy niya.

Mataman na tinitigan ko lamang ito sa kanyang mukha. Ngunit noong napatitig lamang siya sa akin, noon ko lamang na kompirma na nagsasabi nga siya ng totoo.

"Are you serious? I'm your teacher." Seryoso ang tono ng boses na bigkas ko.

Napatango siya. "I know. But I still like you."

Napailing ako atsaka humakbang ng dalawang beses papasok sa unit ko. Dahil nagmumukha kaming mag jowa na malapit ng magtalo.

Agad naman siyang sumunod sa akin atsaka mabilis na isinara ang pinto.

"And I am ten years older than you." Dagdag ko pa.

"So? I don't care! Age is just a number anyway."

Napapikit ako ng mariin at kasunod noon ay nagpakawala ako ng sunod-sunod na buntong hininga.

"Cara, please..." Pakiusap ko.

"I will not leave here until you say it." Sabi nito na mas lalong ikagulo ng utak ko.

"Say what?"

"Na pumapayag ka nang maging girlfriend ko...for REAL."

Napatawa ako in disbelief. Tama ba iyong naririnig ko ngayon?

Gusto niya na maging girlfriend ko siya?

"A-Ano?!" Gulat na usal ko.

Pero anak ng tipaklong. Mukhang seryoso nga siya dahil kahit konti hindi siya kumukurap habang nakatingin sa mga mata ko.

"Mamimili ka lang. It's a yes or a yes."

"Ibang klase ka talaga." Napapailing parin sa wika ko.

"I know. That's why I'm your favorite student right?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Dahil ang kunat mo?"

Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang tignan siya ng masama.

"What the hell?!" Hindi ko napigilan na pagmura.

Lumalabas na naman kasi ang pagiging makulit niya.

The typical Cara.

"Ops! Don't say a bad word Ms. Lopez."

"Cara unang beses palang na nag date tayo. At sinabi ko na sayo, iyon na ang una at huli. Hindi na pweding masundan pa."

"So what?" Biglang naging malungkot ang mukha niya na para bang gusto na niyang maiyak.

Gosh! What to do? Ayaw ko naman na mag paiyak ng estudyante sa pamamahay ko.

Napalunok ako bago siya hinawakan sa kanyang balikat.

"Cara you have to understand na pwede ko itong ikapahamak. Lalo kana, na anak ng isang senador. Kaya imposible na maging ikaw at ako. Estudyante kita at teacher mo ako. Ilang beses ko bang kailangang ulit-ulitin yun sayo? And you have to accept that fact." Paliwanag ko sa kanya.

"Then let's make possible the impossible." Pangungumbinsi parin niya.

Muli akong napailing at napahawak sa aking noo.

"Ms. Lopez, we can keep it a secret. We don't have to let everyone know we have a relationship, until I graduate. I promise, I could wait."

Gosh! I could hear the desperation in her voice. Maging sa mukha nito, nakikita ko.

And I hate it! Bakit parang naninikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa niyang ito?

"Hindi nga ako pumapayag na maging tayo, may mga plano kana kaagad?!" Hindi parin makapaniwala na singhal ko.

"Of course! I do. I have to."

"You know what? Marami pang iba riyan. Mas maganda, mas sexy, mas bata, actually kasing bata mo. Iyong wala kayong magiging problema. Hindi magiging komplikado ang relasyon niyo. Kaya please, huwag na ako." Muling paki usap ko.

Gusto kong maintindihan niya ang sitwasyon ko. Gustong maintindihan niya ang salitang 'HINDI PWEDE' at 'BAWAL'.

Napahinga ito ng malalim.

"Eh hindi ko nga sila gusto. Ikaw ang gusto ko." Sagot nito. "Ikaw na teacher ko, ikaw na mas matanda sa akin, ikaw na komplikado. Ikaw na...hot." Sabay 'Hehe' pa nito sa dulo.

"No. My answer is still NO. At walang magbabago roon. Sige na, I have a lot of work to do." Pagtatabuyan ko sa kanya.

Sandali itong natahimik bago muling nagsalita.

"You know what? I have so many regrets in my life. But I will not feel sorry for doing this."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa akin at basta na lamang akong hinawakan sa mukha ko atsaka inilapat ang labi nito sa akin.

Awtomatiko akong natigilan muli at hindi na makagalaw pa.

Her lips were so soft. I know this is the second time she kissed me but this is the first time I tasted the sweetness of her kisses. And I could do nothing but kiss her back.

Tila yata may sariling utak ang labi ko na sinabayan na lamang din ang bawat pag galaw ng labi nito sa akin. Nakakalunod at nakakapanghina ang kanyang mga halik.

But then...bigla na naman akong nahimasmasan. Kaya naman mabilis na itinigil ko ang aming ginagawa at marahan na itinulak ito palayo sa akin.

Hinihingal na napapapikit ako habang napapahawak sa aking labi.

"I can't. I can't do this!" Napapailing na wika ko. "I can't do this with my student." Pagkatapos ay tinignan ko ng diretso si Cara sa kanyang mga mata.

"Teaching is my passion and my dream, Cara. Ayaw kong sirain iyon, ayaw kong makulong o mawalan ng trabaho. At ikaw! I don't want to ruined your reputation. Your family's reputation. Your father, Cara." Napapalunok na sabi ko habang pumaparoon at parito.

"I understand." Malungkot at nakayuko na sagot nito.

"Yeah, you should go. Please." Hindi maka tingin sa kanya na sabi ko.

"Yeah, I should probably go. Heh."

Napatango ako at lakas loob na muking tinignan siya sa kanyang mukha.

"We need to set a high wall as a boundary between us as student and teacher, Cara. I'm sorry..." Napiyok pa pa ako sa dulo ng sinabi ko, but it's okay.

It's okay.

"Good night, Ms. Lopez."

Malungkot ang mga mata at binigyan niya ako ng huling ngiti bago tuluyang lumabas ng pintuan.