Now playing: Crazier by Taylor Swift
Sabrina
I was wearing a fitted silver evening dress that was knee length, it was tight all over my body causing me to grab the attention of others. And three inches silver stiletto as well.
My long hair is ponytailed to make me look elegant and clean. And light makeup as well because I don't like thick makeup on my face.
Halos magkasabay lamang kaming dumating ni Mr. Javarez. Agad na iginaya ako nito papasok sa building ng resort kung saan gaganapin ang nasabing event.
Ito ang kauna-unahang nakapasok ako rito, dahil bukod sa mamahalin na eh, wala akong pera para gumastos ng ganoon kalaking halaga. Biruin mo, ang pag stay dito ng isang gabi ay nagkakahalaga ng hundred thousand? Nakakalula, hindi ba? Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga?
Aksaya lamang ito at higit sa lahat, maraming akong bills na kailangang unahing bayaran. At talagang, hindi ko ito afford.
Pagpasok sa loob, kapansin-pansin na agad ang mga nagkalat na ibang celebrity, mga representative ng ibang sikat at malalaking University, nandito rin ang ibang mayroong matataas na posisyon sa gobyerno, mga sikat na business tycoons at marami pang ibang mga ma empluwensyang tao sa bansa.
Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. But well, I'm just a representative of the University. Fortunately, they provided the clothes I'm wearing now. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng ganito kagara at kamahal na kasuotan para lamang bumagay ang aking itsura sa event na ito ngayong gabi.
Agad na nakipag kamay si Mr. Javarez sa kanyang mga kakilala mula sa ibang University. Ipinakilala na rin ako nito pagkatapos. Awtomatiko ko ring inilabas ang pinaka maganda kong ngiti para sa kanilang lahat bago nakipag kamay na rin.
Habang abala si Mr. Javarez sa pakikipag usap, hindi nagtagal ay mayroong lumapit sa akin na waiter kung saan mayroong ino-offer na inumin.
"Champagne, ma'am?" Tanong nito.
Binigyan ko ito ng isang ngiti bago napatango.
"Sure! Thanks." Mabilis na kumuha ako mula sa kanyang hawak na tray at agad na uminom mula rito.
Habang iginagala ko ang aking paningin sa buong kapaligiran, hindi ko mapigilan ang mapa iling.
Ang gagara naman kasi ng mga taong nandito ngayon. Mula sa mga kasuotan na kanilang suot, hanggang sa kung paano sila kumilos at magsalita, mahahalata mong mayayaman silang lahat at napakataas ng antas sa buhay.
Hayyyy. Na pahinga ako ng malalim sa aking sarili.
Hanggang sa mapadako at kusang napako ang aking mga mata sa likod ng isang sexy at medyo may katangkaran din na babae.
Hindi ko rin mapigilan ang mapalunok. Para kasing may magnet sa kanya na hindi ko magawang alisin ang aking mga mata.
Iyong tipo ng likod palang, yummy na. Kung paano siya kumilos at magsalita habang nakikipag tawanan, mapapangiti ka nalang ng biglaan kahit na hindi mo pa naman nakikita ang kanyang buong itsura.
She was wearing a backless white long dress that was floor length. Her long and blonde hair was also tied up. And I can't help but stare at her bulging ass. Damn! She's so hot.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili bakit titig na titig ako sa kanya. At noong umalis na sa kanyang harapan ang dalawa nitong kausap, ay agad na inihakbang ko ang aking mga paa para sana lapitan ito, nang bigla naman siyang umikot paharap sa aking direksyon.
Kapwa kami natigilan at nagulat noong magsalubong ang aming mga mata. Until her shocked face was suddenly replaced by a familiar grin followed by foolish looks.
Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pagsipat nito sa aking kabuohan. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok lalo na noong nagsimula na siyang ihakbang ang kanyang mga paa palapit sa akin.
Napakurap din ako ng maraming beses at tila ba nakalimutan kong huminga sa loob ng ilang segundo. Lihim ko rin na sinasaway ang aking sarili dahil sa ginawa kong pagtitig sa kanya kanina, na hindi ko alam ay estudyante ko pala. What the hell?
And what I don't understand now is why those familiar eyes of her and grin, automatically gave butterflies to my stomach.
I shouldn't feel this way. What is wrong with me? Argh!
"Hi." That gave me goosebumps the moment I heard her voice and then she stopped in front of me.
Hindi ba dapat nag walk-out na ako? O kung hindi naman ay nanlilisik na ang aking mga mata ngayon. Pero bakit tila ba kontrolado niya ang lahat ng nangyayari ngayon? Maging ako ay kontrolado nito.
"Cara," Napalunok ako bago nagpatuloy. "Stop where you are and don't step any closer to me." May halong pagbabanta na saad ko sa kanya.
Hindi rin ako maka tingin sa mga mata niya, especially sa mukha nito dahil...damn! She's a drop dead gorgeous.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"Silly, Miss Lopez. I won't bite you." Naka ngiti na saad nito bago mas lumapit pa sa akin. But I gave her a warning look.
"I just want to talk to you normally and formally, like how I talk to others here." Sabay nagpalinga-linga ito sa paligid.
Napabuga ako ng hangin sa ere. Bakit ba tila kinakabahan ako sa harap ng batang ito ngayon? Dahil ba masyado siyang maganda? Dahil ba ang bango-bango niya? Or dahil....ang hot niyang tignan lalo sa suot niya.
Hayyyys. Erase. Erase.
Hindi ko dapat tinitignan ng ganyan ang isang estudyante.
"Fine, what are you doing here?" Diretsahan na tanong ko sa kanya ngunit nag kibit balikat lamang ito. Pansin ko kasi na siya lamang ang teenager na nandito. Hindi ba siya naiilang? O naboboring?
"I'm with my parents." Sagot nito sa akin bagay na nakalimutan ko nga yatang businesswoman ang kanyang ina, habang senador naman ang kanyang ama. "What are YOU doing here, Miss Lopez?" Ganting tanong nito sa akin.
Bago ko tuluyang sinagot ang kanyang tawag ay nilagok ko muna lahat ng laman ng baso na iniinom ko.
"I am the elected representative of the University. That's why, I'm here." Tugon ko at agad naman na napatango ito.
"Want more champagne?" Tanong niya noong mapansin na wala na akong iniinom.
"No, thanks--"
Ngunit huli na ang lahat dahil may tinawag na siyang waiter. Kumuha siya ng isang glass muna rito at iniabot iyon sa akin.
"Thanks!" Pagpapasalamat ko.
Ginawaran ako nito ng isang matamis na ngiti at nakakailang na mga tingin, bago nito inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.
"And you're welcome!" Bulong nito sa akin. Pinigilan ko ang mapapikit dahil sa init ng hininga niyang tumama sa aking balat.
Hindi nagtagal ay biglang naputol ang aming pag-uusap dahil tuluyan ng sinimulan ang event. Isa-isang tinawag ang mga pangalan ng mga nandito, kasama na rin ang pangalan ko roon, ganoon din si Mr. Javarez.
Mabuti nalang dahil hindi ko na kinailangan pang umakyat sa mini stage katulad ng ginawa ng iba. Kaya ang ending, nanatili lamang akong nakatayo sa tabi ni Cara.
Habang nakikinig sa MC ay biglang nagsalita si Cara, dahilan upang muling maibalik ang aking atensyon sa kanya.
"What's your weakness, Ms. Lopez?" Out of the blue na tanong nito dahilan upang mapakunot ang noo ko at muling nag angat ng tingin para salubungin ang kanyang mga mata.
Gustuhin ko mang sagutin ang kanyang katanungan, pero mas minabuti ko na lamang ang manahimik nalang at ibalik ito sa kanya.
"What about you, Cara? What's your weakness?" Ganting tanong ko.
Sandaling tinitigan ako nito sa aking mga mga mata.
"You." Simpleng sagot lamang ito ngunit kaagad na iyong nagbigay ng maraming katanungan sa aking isipan.
"What?" Gulat na bulalas ko.
Pagkatapos ay mas inilapit pa nito ang kanyang sarili sa akin. Napalunok ako.
"I didn't know what my weakness was until I met you. That every time I see you, I feel like I'm fainting." Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang nakatitig lamang sa mukha ko.
Why is she so good at using words? At hindi lamang iyon, you can see every word she says in her beautiful eyes. And it's so fucking...sexy?!
What the hell?! Ano bang nangyayari sa akin?
Mabilis na napaiwas ako ng tingin bago napaatras mula sa kanya nang...
"Cara!" Kapwa kami natigilan at napalingon sa pinanggalingan ng boses.
It's Audrey. One of her best friends.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Cara, hanggang sa tuluyan niya akong makilala.
"Ms. Lopez!!" Pagkatapos ay excited na lumapit ito sa akin at niyakap ako. "I didn't expect to see you here!" Dagdag pa niya.
Agad naman siyang hinila ni Cara papalayo mula sa akin.
"What is it, Audrey?" Tanong naman ni Cara sa kaibigan na nakalimutan yata ang dahilan bakit niya tinawag si Cara kanina.
Napatawa muna ito bago nagsalita. "Oh, sorry. Your dad is looking for you." Wika nito.
Napatango sandali si Cara bago muling ibinalik ang mga mata sa akin.
"Please, stay here Ms. Lopez. I will be right back." Pormal na pakiusap nito sa akin. Napatango na lamang din ako para hindi na siya mangulit pa.
Noon naman muli kong ibinalik ang aking atensyon sa mga kausap kanina ni Mr. Javarez. Hindi ko naman maintindihan ang ibang pinag-uusapan nila dahil bukod sa baguhan lamang ako sa University eh, mga event last year ang topic nila. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang makinig na lamang sa kanila at panaka-nakang pag ngiti kapag mayroong ngumingiti sa akin.
Hindi nagtagal ay nagpaalam muna rin ako sa mga ito. Sinabi ko na mag CR lang ako sandali ngunit ang totoo, gusto ko lang makahinga sandali. Ang hirap palang makipag socialise sa mga taong hindi mo ka level ang antas sa buhay.
Nakarating ako sa mini garden, kung saan pweding manigarilyo.
Pambihira! Gusto ko sana lumanghap ng sariwang hangin kaso ang ending eh, ganito? Panay usok ng yosi ang madadatnan ko. Tsk.
Dismayado na aalis na lamang sana ako ng garden kung nasaan ako ngayon, nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Sabrina!"
At hindi lamang iyon. Kilalang kilala ko kung kanino at sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon.
Kagaya ng dati, sa tuwing tinatawag nito ang pangalan ko ay wala akong magawa kundi ang tumigil sa aking pag hakbang. Kusang nanginig na naman ang buong katawan ko dahil sa kanya.
Hanggang kailan kami pagtatagpuin muli ng tadhana? Hanggang kailan ako makakaramdam ng takot ng dahil sa kanya? Gusto ko na naman ang maiyak pero kailangan kong lakasan at tapangan ang loob ko.
"Hey, baby. I miss you so much." Napapapikit na lamang ako at para akong poste na hindi makagalaw noong sandaling yakapin niya ako.
Ngunit kahit nanginginig ay pilit na nilakasan ko ang aking loob na itulak ito palayo sa akin.
"Get away from me!" Sigaw ko sa mukha niya.
"What is going on here? Is everything okay?" Mas lalo pa yata akong natakot dahil biglang dumating si Cara.
Lalo na dahil kung paano siya tignan ni Diane ngayon eh talagang nakakatakot at punong-puno na agad ng pagbabanta.
"And who are you?" Mapait na tanong ni Diane kay Cara.
"Me?" Sabay turo ni Cara sa kanyang sarili na para bang nakikipag biruan pa dahil natatawa pa ito.
"I'm Cara." Tuluyang pagpapakilala na nga niya. Bago lumapit sa akin.
"S-She's my girlfriend."
Biglang natigilan si Cara habang nagtatanong ang mga matang napatingin sa akin ng banggitin ko ang mga katagang iyon.
Habang nanlilisik sa galit ang mga mata ni Diane na tinignan ako sa aking mukha, at ibinalik ang kanyang mga mata kay Cara.
Napapikit ako ng mariin na sana kahit konti, magets ni Cara ang gusto kong palabasin.
Ngunit bigla akong muling napamulat at napasinghap na rin nang maramdaman ang marahan na paghapit nito sa beywang ko bago ako hinila ng mas malapit sa katawan niya.
"I'm Sabrina's girlfriend." Pagkatapos ay kumikinang ang mga mata na tinignan ako nito sa aking mukha atsaka gumuhit ang isang matamis at malawak na ngiti sa kanyang labi.
Oh My God!
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito pero wala na akong choice. Wala na akong mapuntahan pa. I know how crazy my ex-girlfriend is. She's a psycho. Kaya kailangan kong palabasin na wala na talaga siyang lugar sa buhay ko. Na wala na siyang babalikan kahit na anong gawin niya.
And Cara, I can say na nag eenjoy pa siya sa ginawa kong pag papakilalang girlfriend ko siya.
Shit lang! Ang laking kaguluhan nito.
At nagagalit ako sa sarili ko bakit ko ito hinayaan.