Chapter 5 - AIJAN: 4

Sabrina

Araw ng Sabado ngayon, maaga kong natapos ang mga naiwang gawain mula sa eskwelahan kaya wala na akong kailangan pang gawin ngayong gabi kung hindi ang mag relax.

Nag order na lamang ako ng pizza atsaka nanood ng paborito kong series. Alam ko naman kasi na wala na akong ibang pang dapat gawin kung hindi ang magpalipas ng oras hanggang sa tuluyang makatulog.

Have you watched the 100? You should watch this show kasi ang ganda talaga ng series na ito. Sobrang nakakapanabik ang bawat eksena.

Habang nanonood, hindi ko mapigilan ang hindi makaramdam ng pagka uhaw, hindi sa tubig or softdrinks, kundi sa alak.

Sandaling nagtungo ako sa kitchen at binuksan ang aking liquor cabinet, ngunit laking pagkadismaya ko nang makita na ubos na ang aking paboritong alak.

Malungkot na napabuga ako ng hangin sa ere at muling naglakad pabalik sa sala.

Pero hays. Hindi talaga ako mapakali. Kailangan ko talaga ng alak ngayong gabi. Mukhang hindi kasi yata ako makakatulog hangga't walang alak ang dumadaloy sa lalamunan ko. Noon naman naisipan ko na patayin na lamang ang TV at nag desisyon na magpalit ng damit.

May sikat na bar kasi na malapit lamang dito sa apartment ko. Doon na lamang siguro ako didiretso. Hindi naman ako magtatagal. Siguro kahit mga ilang shots lang? Mapagbigyan ko lamang ang cravings ko.

Gamit ang aking sasakyan na ipinaayos ni Mang Rey kahapon, eh mabilis na binuhay ko ang makina nito at agad na nagtungo sa nasabing bar.

Wala pang sampong minuto ay narating ko na ito. Medyo nahirapan pa akong maghanap ng pweding maparadahan ng aking sasakyan, mabuti nalang at may nahanap naman ako kaagad.

Mapapansin agad mula sa labas ng bar ang mga kabataan na nandirito. Nagkalat ang mga ito at mahahalatang nasa ilalim na ng empluwensya ng alak. Hindi ko mapigilan ang mapailing sa aking sarili.

Huwag lamang sana na makakakita ako ng kahit isang estudyante ko rito. Lihim na panalangin ko sa aking sarili bago tuluyang pumasok na sa loob.

Malakas na sounds system ang sumalubong sa akin pagpasok. Sari-saring amoy ng pinaghalong usok ng sigarilyo at malakas na amoy ng alak ang aking nalalanghap. Isama mo na rin ang pawisan na ibang customer na makakasalubong mula sa dance floor.

Parang gusto ko na tuloy ang umuwi. Pero nandito na ako, aatras pa ba ako?

Agad na dumiretso ako sa may bar counter kung saan mayroong dalawang bakanteng upuan pa ang naroon.

Mabilis naman na lumapit sa akin ang isang matipuno, chinito at maputing bartender. Binigyan ako nito ng isang friendly smile bago tuluyang nagsalita.

"Bago ka rito 'no?" Tanong nito bago ako pinasadahan ng isang malagkit na tingin.

Blangko lamang ang ekspresyon ng mukha ang ibinato ko sa kanya bago napatango.

"One Margarita, please." Sabi ko atsaka binigyan na rin siya ng may pagka alanganing ngiti.

Napansin siguro nito na wala ako sa mood para makipag flirt o patulan ang gusto niyang ipahiwatig kaya bigla siyang napa simangot.

Hindi nagtagal na ibinigay na rin nito ang alak sa akin. Mabilis na hinawakan ko ang baso at walang alinlangan na inubos agad ang laman nito.

Halatang nagulat ko ito at pati na rin ang aking katabi dahil sa aking ginawa.

"Woah, slow down." Nanlalaki ang mga mata na saway nito sa akin.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatawa dahil sa naging reaksyon niya.

"One more, please."

Iiling-iling naman na tinignan ako nitong muli sa aking mukha habang naka ngiti na parang ewan.

"Here." Natatawa na muling ini-abot nito ang baso. Hindi ko mapigilan ang mapangisi, nakatututok lamang ang mga mata ko sa kanya ganon din ito sa akin, nang muli kong lagukin ang alak.

Napapanganga na lamang ito in disbelief habang iiling-iling parin.

Hindi pa ba siya sanay na makakita ng katulad kong uhaw sa alak? Haha.

"Can I get your---" Natigilan ito dahil basta na lamang naging maingay lalo ang paligid dahil sa biglang hiyawan ng mga tao mula sa dance floor.

Mabilis na napalingon ako roon dahilan upang mawala ang aking atensyon sa bartender.

Napayuko ako para tignan ang oras sa aking suot na relo. Happy hour na, kaya naman pala mas naging crowded na ngayon ang buong bar atsaka mapapansin na mas dumami na rin ang mga lasing na.

May napansin ako na pinalilibutan sa may unahan. Isang babae na na grabe kung sumayaw. Halos lahat ng mga mata ay pinanonood siya, maging ang mga kalalakihan at kababaehan mula rito sa may counter, napapatulala dahil sa ginagawa niyang pagsayaw.

Maging ako ay napahanga rin nito. Her moves! Damn, it's so hot. Kusang mapapako ang mga mata mo sa kanya once na makita mo siya. Lalo dahil sobrang hapit na hapit ang suot nitong dress na hanggang hita lamang ang haba. Sumasabay sa pag sway ang mahaba at nakalugay nitong buhok sa kanyang balakang.

Grabe. Nakakalula siyang panoorin.

Iyong tipo na parang wala siyang pakialam sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Basta masaya siya sa kanyang ginagawa, nothing else's matter.

Lasing na'to. Sabi ko sa aking sarili.

Wala ba siyang kasama na pumunta rito? Or..mga kaibigan? Kasi sigurado akong meron naman siguro, tama? Hindi ba dapat sinasaway na siya ng mga ito ngayon din?

Napapailing na lamang ako sa aking sarili. Sandaling pinasadahan kong muli ito ng tingin bago nag desisyon na tumayo na. Sa tingin ko naman, napagbigyan ko na ang cravings ko, tama?

Ayaw ko ng magtagal pa rito dahil hindi ako masyadong sanay sa amoy ng paligid.

Ngunit noong sandaling muli akong napatingin doon sa babae na hanggang ngayon ay sumasayaw parin, ay bigla akong natigilan. Especially now that she was facing in my direction, our eyes met quickly and I can't help but gasp in shock.

"You gotta be kidding me." Hindi ko mapigilan na bulalas sa aking sarili the moment na gumuhit ang pamilyar na ngisi sa kanyang labi at napako ang mata nito sa akin.

Dismayadong napa cross arm ako bago tinignan ito ng matalim atsaka napailing na rin. Ngunit ano pa nga bang dapat na asahan ko kung hindi ang pagtawanan ako nito?

Mabilis na napaiwas ako ng tingin atsaka nagmamadaling nagbigay ng cash sa bartender. Hindi ko na rin hinintay pa ang sukli at agad na umalis na.

Palabas na ako ng bar nang basta na lamang may biglang may humigit sa braso ko, dahilan upang matigilan ako.

"Hep! Hep! Hep!" Boses pa lamang niya. Alam ko na kung sino siya.

Hindi ko mapigilan ang mapapikit ng mariin atsaka napahilamos na rin ng palad sa aking mukha. Marahan na iniharap ako nito sa kanya pagkatapos.

Halos pigil hininga na napalunok ako noong mapansin na may kalapitan na naman ang katawan nito sa akin. Amoy na amoy ko rin ang malakas na amoy ng alak mula sa kanya. Ngunit nangingibabaw rin ang mamahalin nitong perfume.

Pawisan din ito pero kahit na ganoon eh, hindi siya nakakadiring tignan. Alam niyo 'yon? Ang sexy lang ng dating at ang hot niya...

Mabilis na napailing ako bago napayuko dahil sa naisip ko.

Stupid, Sabrina. She's your student! Gumising ka. Saway ko aa aking sarili.

"Wow! Look who's here. My favorite teacher." Tipsy na ang boses na panimula nito. "Our gorgeous and hot English teacher, Ms. Lopez." Sabay taas baba ng kanyang dalawang kilay.

Napahinga ako ng malalim. Bago muli na namang sinalubong ang kanyang mga mata.

"Cara, you need to go home now." Seryoso at maawtoridad ang boses na utos ko sa kanya. "You're drunk and you are also dancing in the middle of people you don't know. Do you think it is proper thing to do for a woman? Or should I say, a student?"

Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib kasi naaalala ko 'yong mga pagsasayaw niya kanina, habang pinapasadahan siya ng tingin ng iba't ibang mga mata na halos lumuwa na. Tapos ako naman itong na aliw rin sa panonood sa kanya. Damn it!

Oo, enjoy na enjoy ka pa nga, not knowing na estudyante mo pala. Tuyo pa ng aking isipan.

"Papayag lang akong umuwi, in one condition." Nakatitig lamang sa aking mukha na sambit nito.

"Are you fucking kidding me?" Naniningkit ang mga mata na tanong ko sa kanya. Ngunit nag kunwari lamang ito na nagulat dahil sa narinig.

"Ow, don't say a bad word in front of your student, Ms. Lopez." Paalala nito sa akin.

Bigla naman akong natahimik noong marealize na napamura nga pala ako bigla dahil sa kakulitan na naman niya.

Mataman na tinignan ko ito sa kanyang mukha. May magagawa pa ba ako? Sigurado kasing kukulitin at kukulitin lamang ako nito. Ayaw ko naman na basta na lamang siyang iwanan dito matapos ko siyang makita sa ganoong kalagayan kanina. Mamaya mapahamak pa siya.

Gosh! I can't believe na nagpapa kontrol ako sa aking estudyante. This is not so me!

"Wala ka bang kasama na pumunta rito?" Tanong ko.

Mabilis naman na napailing ito na parang isang bata.

"Fine, then. What's the condition?"

Awtomatiko na gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi atsaka walang sabi at basta na lamang akong hinila palabas ng bar.

I could see the joy and excitement in her eyes as she dragged me on my arm, until we stopped in front of her fancy car.

Na hindi ko alam eh nasa tabi lamang din pala nito ang aking kotse.

What a coincidence.

"So, your car or mine?" Tanong niya sa akin. Halatang kilala na rin nito pati ang kotse ko.

Napairap ako ngunit hindi ko rin mapigilan ang mapangiti.

"My car, of course." Sagot ko habang inihahakbang ang mga paa palapit sa aking sasakyan. Mabilis ko rin na inilabas ang susi nito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong kong muli bago napasulyap sa aking relo. Pumasok na rin ako sa loob, syempre ako ang magmamaneho, ano? Agad naman na umikot ito sa kabila at pumasok na rin sa kotse.

"I have only thirty minutes, then I'll take you home. Kailangan kong masigurado na uuwi ka talaga ng diretso." Diretsahang sabi ko sa kanya bago muling ini-angat ang aking ulo para salubungin ang mga tingin niya, na ngayon ay nakapako lamang sa akin.

Sandaling napatitig din ako sa mukha nito pabalik, lalo na sa mga mata niya na sobrang nakakatunaw kung tumingin. Ngunit pagkatapos ng ilang segundo ay ako na mismo ang unang nag bawi.

"Will you please stop looking at me like that?" Saway ko sa kanya habang binubuhay ang makina.

"Why? What's wrong with the way I look at you?" Pag mamaang-maangan pa niya.

"Really? You don't know? Kung tignan mo ako parang---"

"Parang ikaw ang pinaka magandang babae sa buong mundo?" Putol nito sa akin.

"Stop playing around, Cara. Hindi ka nakakatuwa. Alam mo ba 'yon?" Ngunit pinagtawanan lang na naman niya ako.

"I am just asking, Ms. Lopez. Wala naman sigurong mali sa paraan ng pagtingin ko sayo. Right?" Napapailing na lamang ako bago sinimulang baybayin ang daan kahit hindi ko alam kung saan ba talaga ang aming direksyon.

Hindi na lamang din ako muling nagsalita pa. Pero siste, hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta.

"Pwede bang sabihin mo na sa akin kung saan ba talaga tayo pupunta?" Hindi ko mapigilan ang hindi magtanong muli.

Sandaling napa isip ito bago itinuro ang pangalawang kanto pakaliwa. Namumungay na rin ang kanyang mga mata, halatang antok na at mas tinamaan na ng alak.

Kung bakit naman kasi hinahayaan ng mga ganoong bar ang mga estudyante? Basta talaga may nakikita silang pera, wala nang pakialam kung may mapapahamak ba o ano. Tsk!

"J-Just turn left and then...and then r-right. May makikita kang poste na may maliwanag na ilaw, doon mo ihinto." Hirap sa pag bibigay nito ng direksyon sa akin dahil sa kulang nalang eh pumikit na ang mga mata niya.

Pambihira naman talaga. Reklamo ko sa sarili.

Agad ko namang na gets kaya muli kong pinasibad ang sasakyan at tinungo ang sinasabi nitong address.

Ngunit ang ipinagtataka ko lamang eh...teka nga. Nagpalinga-linga ako sa palgid.

"Cara, are you sure ito ang address na tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya dahil address na ito ng apartment ko.

At kasalukuyang nasa harapan kami ngayon nito.

Mabilis na muling napalingon ako sa kanya noong wala akong sagot na nakuha.

"Cara, I'm asking---" Natigilan ako noong mapansin na tila ba natutulog na ito.

Oh no.

Mabilis at natataranta na niyugyog ko ang mga braso nito para gisingin.

"Cara, wake up! Hey! You can't sleep because I don't know where to take you." Mangiyak-ngiyak na ako pero ayaw na talaga niyang magising.

Napapasabunot na lamang ako sa aking buhok. Hindi ko siya pweding ipasok sa pamamahay ko dahil----ah basta. Hindi talaga pwede.

Ayoko. At hindi pweding may makaalam na magkasama kami ngayong gabi.

Pero teka nga.

Bakit ba masyado akong nag-aalala? Estudyante ko lang naman siya na pinagmamalasakitan ko. Tama?

And I just want to help her. Just for tonight, right?

Okay.

Pilit na kinakalma ko ang aking sarili.

Na pahinga ako ng malalim bago napapikit muli ng mariin kasabay ang isang desisyon na ngayon ko lamang gagawin sa tanang buhay ko.

As her teacher, she's my responsibility for tonight. That's why I gonna take her inside my house. At doon ko siya patutulugin.

Omg. This gonna be a loooong night. At hindi ko alam kung makakatulog ba ako, knowing na may kasama at may pinapasok akong estudyante ko sa pamamahay ko, na anak ng isang Senador.